Happy Second Anniversary with TweetNewscaster: Ulat sa Bayan

Mahal naming mga mambabasa:

Para sa kaalaman ninyong lahat, ngayon ay nasa ikalawang anibersaryo na ng paglalathala ng blog na ito.

Maraming salamat sa pakikiisa sa pagdiriwang ng Ikalawang Anibersaryo kasama ang TweetNewscaster!

Mula nang ilathala ang blog na ito, lalong lumawak at dumami ang mga artikulong naililimbag ng may-akda. Sa loob ng ikalawang taon, napanatili at nalinang ng may-akda ang paggawa ng naiibang balita.

Sa loob ng ikalawang taon, lalong dumami ang mga tao na nagbabasa ng site na ito. Maraming salamat sa pagbabasa at pagbabahagi ng naiibang balita sa buong mundo. Sana tuluy-tuloy ang ating samahan at sana patuloy nating isabuhay ang misyon ng site na ito.

Narito ang ulat ng may-akda sa bayan:

  • 21 ang followers ng TweetNewscaster noong isang taon. Ngayong 2016, mahigit sa 40 na ang ating mga followers. Dahil dito, mas lalo nating maipapaabot sa buong mundo ang naiibang kulay ng balita. Sa mga followers, maraming-maraming salamat po!
  • Nakapaglimbag na kami ng 280 artikulo, hindi kasama ang artikulong ito at ang artikulo tungkol sa pagdiriwang natin noong isang taon. Mas maraming artikulo ang nailimbag noong 2016 kaysa noong 2015: 177 para sa taong ito, at 103 noong isang taon. Ang pagdami ng mga artikulong naililimbag ay dulot din ng mainit na pagsuporta sa ngayo’y Pangulo na si Rodrigo Duterte.
  • [Leave this space for most viewed articles].

Pancit Hugot Recipe

sddefault

sddefaultGood day, readers! Noong una ay nakapagluto na tayo ng pancit canton the usual way. Ngayon naman, magluluto ulit tayo ng Pancit Canton. This time, gagamit tayo ng hugot upang mas maluto nang husto at manuot ang sarap ng niluluto natin.

Iyan ay ibinahagi sa atin ng isang netizen, at nagdagdag na lang ang may-akda ng ilang detalye, so enjoy kayong lahat habang niluluto natin ito.


Paano magluto ng Pancit Canton?

  1. Bumili ka muna ng pancit canton. Ikaw na bahala kung ilan, tutal, hindi ka naman marunong makuntento sa isa.

Sige, damihan mo pa. Hindi ka mabubusog sa isa?😡

Sige, kuha pa. Tutal, diyan ka naman magaling.😡

Saka, yung bago, ha? Hindi yung gaya ng malapit nang ma-expired gaya ng ipinalit mo sa akin. Alam mo naman na change is coming, ika nga. Saka, malalason ka niyan kapag nag-stick ka pa sa malapit nang ma-expired.

  1. Buksan mo nang paisa-isa. Pero dahil sanay ka namang pagsabay-sabayin lahat, buksan mo na lahat. Tutal, pinagmamalaki mo naman sa buong mundo na ikaw ay isang multi-tasking na tao. Lahat nagagawa mong pagsabay-sabayin, pati mga babae. Doon ka naman magaling, hindi ba?
  2. Ihulog mo ang pancit canton sa kumukulong tubig. Yung kasing-init ng pagkulo ng dugo ko nang nakita ko ang kabit mong mukhang homo erectus. At hindi lang mukhang homo erectus. Mukha pa siyang Australopithecus!

Mas lalo pang uminit ang dugo ko nang nakita na nga ninyo ako, naghahalikan pa kayo at ang torrid pa. Aba, sa sobrang kulo ng aking dugo, mas nanaisin ko pang ihulog kayong dalawa sa dagat. Doon na lang kayo maghalikan, yung pang-Titanic ha?😡

  1. Patayin mo na ang apoy after three minutes, kasingbilis ng pag-iwan mo sa akin. Maganda na nga ako, mas pinili mo pa nga yung pangit. Choosy lang ang peg?

After some moments of our relationship, basta-basta mo na rin pinatay ang feelings mo sa akin. Pinatay mo na rin ang relationship natin para lang sa pangit na iyan.

  1. Panghuli, halu-haluin mo hanggang sa maging okay. Tapos, kapag okay na ang lahat, iwan mo na. Kasi may nakita ka nang iba.

Nice try, umasa ako na magsasalu-salo tayo sa pag-ibig, pero yun pala iiwanan mo din naman ako.

Sanay na sanay ka naman diyan, hindi ba? Mabulunan ka sanang hinayupak ka!😄

Duterte Serye: Bakit Ba Si Duterte?

13015335_10156816085965425_3238048094898789036_n

By: TweetNewscaster

Matagal ko nang isinulat ang isang artikulo tungkol kay Duterte. Ang kakaiba nito, isinulat ko ito sa paraan ng pagsasalita ng mga Batangueño. Kung hindi mo maintindihan ang artikulong ito, “isinalin” ko na ito sa normal na paraan ng pagsasalita natin para maintindihan mo. Para sa orihinal na artikulo nito, paki-click dito.


Nag-Duterte na po kami. Kayo ba?

Mag-usap naman tayo.

Salamat naman kung nababasa mo ang artikulong ito. Makakausap naman kita ngayon.


Nasaksihan naman natin ang maraming gulo sa ating bansa.

Sino ba namang hindi mayayamot sa pagkarami-raming kalokohan na ito?

Nakakatulo ng pawis, at hindi ka makangiti sa lagay na ito.

Natatandaan ko pa nga nang minsang dinukot ng mga lalaki ang ilang bata dito sa Batangas. Sabi ba naman ng ilan, “Rody, daan ka naman dito at napakagulo dito! Tulungan niyo naman kami dito!” Hindi naman maaring pakialaman iyan ni Lolo Rody, dahil Davao lang naman ang hawak niya.


Dati ay nakakatiis tayo sa sistemang ito. Ngayon ay gutom na gutom na ang mga tao sa pagbabago dito sa bansa.

Sino naman kung ganoon ang magiging instrumento upang akayin tayo sa pagbabagong hinahangad natin?

Sino ba ang maglilinis ng mga alikabok at kalat sa ating bayan?


Gusto lang ni Duterte na magpahinga sa kanyang bayan.

Pero mga taong ito, napakakulit. Pinilit pa si Duterte na tumakbo, gayong wala nga siyang pera.

Ang ending, taumbayan na ang gumastos para sa kanya. Di ba?


Alam naman natin na tayo’y barako. Anong magagawa natin? Aminin na lang natin iyan.

Ngayon, kung tayo’y barako, di ba’t ang lider na kailangan natin ay barako din? Di ba?


Ang tanong: Sino ba si Duterte?

Simple lang. Si Duterte ay barako, parang Batangueño.

Ang kanyang istilo ay barakong-barako.

Inilalarawan niya ang kanyang sarili sa kasabihang laganap na sa ating mga Batangueño: “Di baleng mawala ang yaman, huwag lamang ang yabang.”

Kahit papaano naman ay may maipagyayabang naman si Duterte. Hindi ko na sasabihin, basta ikaw ay pumunta ng Davao at tingnan ang buhay doon.


Sinasabi naman na papatay daw siya, subalit ang totoo naman ay ipinipirmi niya ito sa tama. Hindi masama ang kanyang ugali na mabilis kung makapatay ng tao. Inuunti-unti niya at ng mga pulis ang proseso bago gawin iyan. Ika nga niya, “Palabanin mo muna, bago patayin.”

Sinasabi naman na siya’y bastos pagdating sa mga babae. Ngayon, eh ano naman? Sa totoo lamang ay pinoprotektahan pa nga niya itong mga babae sa lungsod. Itong mga pulitiko, gaya ni Estrada, di ba’t bastos din nila, ano?

Sinasabi naman nila na siya’y komunista, NPA, kinokompromiso ang pag-aangkin ng Pilipinas sa teritoryo nito. Jesus na mahabagin. Eh kung ganoon nga. Ano’ng gusto ninyo, mag-aaway na lamang nang mag-aaway tayong mga Pilipino? Handa ba tayo kung tayo’y susuntukin din ng China? Awayin mo na lang ang sarili mo kung ganoon ang katuwiran mo.

Sinasabi nitong iba na sila’y disente. Pati na ng ilang “banal” na kulang na lang ay laging pupunta sa simbahan. Patawarin [nawa sila]! Ewan naman kung ang mga taong ito ay mas masahol pa sa bastos. (Lalo na si Villegas, na mabilis din ang tabas ng dila. Na akala mo ay kung sinong hindi masama ang ugali.)


Isa sa mga gustong ipatupad ni Duterte ay ang paglilimita sa paglalasing at kantahan, lalo na sa madaling araw. Kahit na ikaw ay inom nang inom, kailangan ding magpahinga. At ang videoke, kapag gabing-gabi na at napakaingay, abot [ang lakas] hanggang sa kapitbahay, kaya hayan! Hindi na sila makaharok.

Minsan, kung hindi pa dadaan ang kapitbahay para sabihing tumigil na, hindi talaga titigil at tuloy pa rin [ang kasayahan]. Buti na lamang kung hindi ka ganoon.


Si Duterte ay isang Lolo na hindi naging diktador sa kanyang lungsod sa pagpapatigil sa mga gumagawa ng kalokohan.

Si Duterte ay isang Lolo na kahit na papaluin nang ganoong katindi ang mga pasaway, may pagmamahal din sa mga taong sumusunod sa batas.

Si Duterte ay isang Lolo na kahit mayabang ay handang tumulong at ipagtanggol ang mga tao.

Si Duterte ay isang Lolo na hindi tatanga-tanga at ubod ng tamad sa pagresponde sa mga nangyayari dito sa ating bayan.

Si Duterte ay isang Lolo na kikilos muna bago magsalita.


Kung aakyat si Duterte sa Malakanyang, susunod ba tayo sa batas? Kaya ba natin ang disiplina sa ating mga sarili?

Malilinis ba ni Duterte ang maraming alikabok sa ating bayan?

Aba’y siyempre naman, hindi naman niya iyon kaya nang mag-isa. Eh di tulungan natin siya.

Uunti-untiin natin ang pagbabagong gusto natin.

Hala, huwag nang maging pasaway!


Featured Image Credit: Si Duterte kasama ang maraming tao dito sa Batangas.

Fried Chicken Recipe

Nandito na naman tayo sa isa pang serye ng pagluluto kasama ang may-akda. Ngayon, magluluto tayo ng Fried Chicken. Yes, ang malutong at malinamnam na Fried Chicken ang lulutuin natin. Ito ang recipe na ibinahagi sa atin ng isa pang netizen para turuan tayo kung paano magluto nito.

Ingredients:

  • Manok. Siyempre pa, paano tayo magluluto ng fried chicken kung wala nito? At kung magluluto tayo kahit walang manok, eh ano ba ang tawag natin sa dish na iyan? Isa pa, huwag ka nang makulit sa pagsasabing isda, baboy, o baka ang gagamitin natin. Kaya nga fried chicken eh.
  • Toyo. Bumili ka na lang sa kapitbahay.
  • Suka. Bilhin mo din iyon sa kapitbahay.
  • Kalamansi. This will give a twist sa fried chicken na lulutuin natin.
  • Asin. Huwag yung banda na umawit ng “Anak ng Pasig” at “Cotabato,” unless gusto mo silang kainin.
  • Mantika. Dapat umiinit ang mantika kapag inilagay sa kawali at nakasalang ang apoy. Matatawa na lang ako kung buhay ang apoy at mainit ang kawali, pero hindi pa mainit ang mantika. Manhid siguro.😛
  • Itlog. Mas maganda ang mga itlog na bilog at hindi square o rectangle.
  • Harina. Kung walang harina, dahil inuubos na iyon ng kapitbahay mo para gumawa ng tinapay, alternative choices mo na lang ang chicken breading o breadcrumbs.

Handa na ba tayo? Kung oo, ito na ang paraan ng pagluto ng pritong manok:

  1. Ibabad ang manok sa toyo, asin at katas ng kalamansi nang 1 oras o magdamag.
  2. Painitin ang mantika sa kawali. Kung ayaw mo namang mababad sa mainit na mantika ang manok mo, eh di kainin mo nang hilaw!
  3. Budburan ng arinang tinimplahan ng asin at paminta ang manok.🙂
  4. Igulong sa binating itlog at pagkatapos ay sa breadcrumbs. O di kaya diretso na sa chicken breading kung wala ka nito.
  5. Iprito hanggang maluto ang manok at lumutong. Mas malutong, mas masarap.
  6. Patuluin ang mantika ng bawat piraso ng pritong manok sa paper napkin, paper towel, o tissue paper.
  7. Ihain kasama ng ketchup, o gravy bilang sawsawan.
  8. Kunin ang ginamit na mantika at ilagay sa loob ng baso, sabay inom.😀

Sana nagustuhan niyo ang mga tips kung paano magluto ng pritong manok. Sabi pa ng nagturo sa atin, susunod naman niyang ituturo sa atin kung paano magluto ng pancit canton. For me, no need na. Kasi, may nagturo na kung paano lutuin iyan. Paano ba iyan? Enjoy your meal and happy cooking!😀

Duterte Serye: Eagle’s Weakness

By: Jo Barredo

Palagay ko, alam ng lahat ang ganitong uri ng kanyang kahinaan [at ito ay ang mga] bata. Oo, upang patunayan iyan, matindi ang malasakit ni Mayor Duterte sa mga bata kaya habang isinusulat ko ang seryeng ito, natanto ko na ang lahat ng kanyang mga programa sa Lungsod ng Davao ay nakatuon sa pagpapabuti ng buhay ng mga bata.

Tingnan natin ang ilang halimbawa. Una, ang Bahay ng Pag-asa. Ito ang “nakatagong mansiyon” ni Mayor Duterte. Sa madaling salita, ito ang isa sa dalawang bahay na pag-aari ni Mayor sa Lungsod ng Davao…. Ito ay nasa Bajada, malapit sa Southern Philippines Medical Center (SPMC). Ito ay ibinigay ni Mayor Duterte upang magsilbing tahanan para sa lahat ng mga pamilya na may mga batang nagdurusa sa cancer.

Sa totoo lang, nagsimula ang kuwento sa tuwing pupunta si Mayor Duterte sa children’s ward para sa mga pasyenteng may cancer sa SPMC. Kahit na pinakabago ang mga pasilidad ng ospital na ito sa buong rehiyon, ito pa rin ay isang institusyon ng gobyerno at lagi itong napupuno [ng mga pasyente]. Ito ang nag-udyok kay Mayor Duterte na ibigay ang kanyang bahay sa ospital upang magsilbing tahanan para sa mga batang ito. Pansinin, hindi lang mga Dabawenyo ang nakikinabang dito. Ang mga galing sa ibang lungsod at ibang rehiyon ay maari ding tumuloy sa Bahay ng Pag-asa.

Bilang dagdag na kaalaman, alam ba ninyo na ang lahat ng mga multang nakokolekta ng LGU ng Lungsod ng Davao mula sa mga lumalabag sa No Smoking Ordinance ay napupunta din sa mga batang may cancer? Milyong piso ang nagagastos para tustusan ang kanilang panggagamot at pagkain.

Ang halimbawa ng ganitong kahinaan ang isang dahilan kung bakit kakaunti ang mga batang palaboy sa Lungsod ng Davao. At ito ang isang dahilan kung bakit katawa-tawa ang isyu ng mga naninira kay Duterte na pinatay ni Mayor ang lahat ng mga batang palaboy. Inaalagaan ang mga batang palaboy sa CSSDO, ang bersyon ng DSWD sa Lungsod.

Ang mga batang nasa ilalim ng pangangalaga ng tanggapang ito ay palaging binabantayan at ipinapadala nang walang-bayad sa paaralan. Pansinin, ang mga pamilya na talagang nangangailangan at hindi kayang suportahan ang kanilang anak ay maari lamang makakuha ng ganitong serbisyo. Kapag nalaman ng tanggapan na talagang kaya ng pamilya na palakihin ang bata pero tamad naman, pinadadala sila sa tanggapan ni Mayor.

Natatandaan ko pa ang isang insidente na natagpuan ng isang police patrol ang dalawang bata na natutulog sa isa sa mga waiting sheds sa Barangay Obrero. Nang tanungin, sinabi nila na sila’y galing sa Buhangin (at para sa mga hindi galing sa Lungsod ng Davao, malayo ang Buhangin at Obrero sa isa’t isa. Nang dinala sila sa tanggapan ng CSSDO, pinakain at dinamtan ang mga bata nang maayos. Malas nga lamang para sa mga magulang ng mga batang ito at ipinabatid din kay Mayor Duterte ang kasong ito. Ipinatawag ni Mayor Duterte ang mga magulang at pinagsabihan sila. Madalas, ang sagot ni Duterte sa mga kasong tulad nito:

“Anak kayo nang anak, pero hindi ninyo sila kayang buhayin.”

“Kawawa ang mga bata.”

“Sinabi ko na libre ang pa-ligate at vasectomy dito, bayaran pa kita kung gusto [mong sumailalim diyan.]”


Translated by: TweetNewscaster

Sisig Recipe (for Dogs)

Hello, dear readers! Narito na naman tayo sa isang naiibang serye ng pagluluto. Sa ngayon, ang Sisig para sa mga aso ang ating lulutuin. Yes, sa kauna-unahang pagkakataon, magluluto tayo ng pagkain na hindi para sa tao, kundi para sa isang aso. Ang naturang recipe ay nagmula sa isang netizen na gustong magbahagi ng paraan ng pagluluto nito. Handa ka na ba? Kung oo, ihanda na natin ang mga ingredients!😀

  • Pisngi ng baboy. Sakali mang hindi ka makahanap ng pisngi ng baboy, maari kang kumuha ng taba at laman ng baboy, with 1:1 ratio by weight.
  • Asin. Sinabi niya na kaunting asin lang ang ilalagay diyan sa sisig. Pero kung gusto mong timplahan ng maraming asin ang sisig (dahil hindi naman ikaw ang titikim niyan kundi ang aso), walang basagan ng trip!😀
  • Reno Liver Spread. Take note, liver spread. Hindi sandwich spread o peanut butter spread. Otherwise, mag-iiba ang lasa kung ipipilit mo ang gusto mo.
  • Kalamansi.
  • Sibuyas.
  • Sili.

Paraan ng pagluluto:

  1. Hugasang mabuti ang pisngi ng baboy.
  2. Ilagay sa kaldero, ibuhos ang tubig, at pakuluin sa mahinang apoy.
  3. Lagyan ng kaunting asin. Kung matabang ang lasa na iyan para sa iyong aso, sige damihan mo. Go ahead.🙂
  4. Tingnan kung malambot na ang baboy. Paano? Siyempre, tutusukin mo iyon ng tinidor. Gusto mo, pisilin mo pa iyan?
  5. Kapag malambot na, hanguin ito at ihawin. Huwag hayaang masunog. Otherwise, kawawa ang aso mo kapag kinain niya iyan.
  6. Habang nakasalang sa ihawan, lagyan ng Reno Liver Spread, kalamansi, sibuyas, at sili.
  7. (Optional) Tikman kung masarap. Kung okay na ang lasa, the Sisig Recipe for Dogs is now ready to be served.
  8. Ipakain sa aso. But if you look like a dog, puwede mong kainin iyan.😛

Sana nakatulong ang naturang netizen sa kanyang pagbabahagi sa atin ng espesyal na dish na ito para sa mga aso natin. Ang mga aso natin ay “man’s best friend,” kaya mahalaga na mapakain din natin sila nang maayos. Sana ang pagbabahagi niya ng recipe na ito ay malaking tulong upang iparamdam na mahal natin ang mga aso.

Sinabi pa ng isang netizen na gagawa siya ng pastillas na gustung-gusto naman ng pusa. Sige, hihintayin natin ang recipe na iyan. (Pero baka hindi na niya ito ibahagi sa atin.) Sana nabusog kayo, este, ang aso. Happy cooking!🙂

Duterte Serye: Drug Pushers in Davao City

By: Jo Barredo

Alam ng marami sa buong bansa na kapag ikaw ay pusher o adik sa droga, o druglord, at napadpad ka sa Lungsod ng Davao, mapapatay ka doon. Medyo totoo ito, kahit paano, para sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kung ikaw ay drug lord o nagtutulak ng droga, at pumalag ka [sa pag-aresto sa iyo], patay ka. Pero may pagpipilian ang mga gumagamit ng droga. Dito pumapasok ang “mala-resort” na lugar sa Lungsod ng Davao para gamutin at ipa-rehab ang mga tulad nila (sa Davao City Treatment and Rehabilitation Center for Drug Dependents o DCTRCDD).

Sinumang lulong sa droga na gustong tuluyang magbago ay dinadala doon sa DCTRCDD. Sa simula, ito ay nasa pamamahala ng DSWD Region 11, pero naibigay ang pamamahala sa LGU ng Lungsod ng Davao noon pang 2001. At salamat sa Diyos at nangyari iyon. Bakit? Kasi nabigyan na ng pansin ang naturang pasilidad nang ito’y pamahalaan ng Lungsod.

Nabanggit ko sa unang talata na ang pasilidad na ito ay parang isang resort. At mukha talaga itong resort sa loob. Nandoon ako noong ako’y nasa kolehiyo pa nang nagpunta ang aming klase para sa isang field study (na ilang kilometro lang ang layo sa UP Mindanao). Labing-anim na kilometro ang layo nito sa Downtown area, punung-puno ng mga lugar para maglaro (kasama na ang swimming), mga punong nagbubunga, mga magagandang halaman, isang covered court, kiosks, at hindi pa kasama dito ang mga marurunong at napakamagiliw na mga staff, ano pa ba ang hindi magugustuhan dito?

Natatakpan ang [mga magagandang bagay na ito] ng pagmamalabis ng mainstream media sa ulat na napapatay doon ang mga gumagamit ng droga. Mukhang higit na nakatuon ang media sa pagiging patay nila at hindi binanggit ang katotohanan na binigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng napakagandang buhay (o mamatay). Palagay ko, hindi patas para kay Mayor Duterte at sa LGU ng Lungsod ng Davao na hindi kilalanin sa ganitong pagsisikap na tulungan ang mga nagtutulak ng droga na gustong magbago.

Nandito ang buhay sa Lungsod ng Davao. Pero kung ayaw mong magbago, at pinili mong ituloy ang iyong masamang gawain, dito nagtatapos ang iyong buhay.


Translated by: TweetNewscaster

Sinigang na Baboy Recipe

Good day, readers! Isa na namang katakam-takam na dish ang lulutuin ng may-akda. Sa araw na ito, magluluto tayo ng sinigang na baboy.

Ibinahagi ito ng isang netizen na walang masabi kaya ituturo niya sa atin kung paano magluto ng sinigang na baboy. Ngayon, handa ka na ba? Kung oo, simulan na natin!😀

Narito ang mga sangkap sa pagluluto ng katakam-takam na sinigang na baboy.

  • Isang kilong laman ng baboy. I repeat, isang kilo lang. Sapat na ito para sa iyong agahan, tanghalian, o hapunan. Pero kung gusto mong dagdagan pa, go ahead. Preferred ang fresh pork para mas maging masarap ang ating dish.
  • Isang tasang sampalok. Dapat maasim ang sampalok na gagamitin mo. Kung hindi, paano kaya magiging sinigang ang “sinigang”? Matamis na sinigang? Eh dapat nga maasim ang dish natin.
  • ½ kutsaritang asin. Sa totoo lamang, depende na iyan sa panlasa mo. Kanya-kanyang trip lang iyan eh. Kung gusto mo ng isang kutsaritang asin, aba, walang basagan ng trip.
  • Apat na pirasong kamatis, hiniwa-hiwa.
  • Isang taling petsay.
  • Isang taling kangkong, pinutol sa 2” ang haba. Huwag ka nang mag-inarte, dapat putulin sa ganoong sukat ang okra. Kung mapilit ka pa rin, wala na akong magagawa.
  • Isang taling sigarilyas, pinutol sa 1 pulgada ang haba. Sundin mo na lang kasi ang recipe.
  • Tatlong pirasong gabi. Puwede mo itong pagputul-putulin.

Ngayong handa na ang ating mga sangkap, magluto na tayo!

Paraan ng pagluto:

  1. Ilagay ang karne sa tubig. Isama ang kamatis at sampalok.
  2. Pakuluin at palambutin ang karne. Siyempre. Anong gusto mo, patigasin pa ang karne? Well, good luck sa ngipin mo kapag ginawa mo iyan. Haha.😀
  3. Kapag lumambot na ang karne ay ihulog ang gabi.
  4. Kapag malambot na ang gabi ay ihulog ang sitaw, kangkong, sigarilyas at okra.
  5. Hanguin ang sampalok at ligisin ito sa pinaglagaang tubig at salain bago itimpla sa sabaw ng sinigang.
  6. Isama ang asin ayon sa alat at asim. Tutal, ikaw naman ay may sarili nang panlasa. Go ahead.
  7. Serve hot and enjoy. The Sinigang na Baboy is now ready to be served.

Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito. Sana nakatulong ang netizen sa pagbibigay niya sa inyo ng tips sa pagluto ng sinigang na baboy. Tamang-tama ito, yamang malapit na rin ang tag-ulan, at unti-unti na ring lumalamig ang panahon. Have a good appetite ang happy cooking!😀

Bagoong Alamang Recipe

Good day, readers! Pagkatapos nating magluto ng pancit canton, ngayon naman ay maghahain tayo ng panibagong dish para sa site na ito. Ngayon, maghahanda tayo ng Bagoong Alamang.

Ibinahagi ito ng isang netizen dahil uso na daw ang mangga ngayon. Sa totoo lamang, hindi ko alam kung tag-mangga na din ba ngayon. But anyway, hindi lang ito puwedeng ipangsawsaw sa mangga. Perfect na kapartner nito ang tuyo. De, joke lang!😀 Bahala ka na kung anong pagkain ang gusto mong ipares diyan, pero mas maganda kung ang kapares nito ay hindi masyadong maalat. B-)


Ito ang basic recipe sa paggawa ng matamis na Bagoong Alamang. Ihanda na natin ang mga ito:

  • ½ kilo salted bagoong alamang. Actually, puwede kang bumili ng bagoong na alamang kahit na hindi salted. Kung ganoon ang nabili mo, saka mo na lang siya lagyan ng asin. Matatawa na lang ako kung salted na nga, eh lalagyan mo pa ng asin.😀
  • Dalawang kamatis. These should be diced. Pero kung pa-star, pentagon, octagon, o kung anuman ang shape na gusto mong gawin sa kamatis na iyan, bahala ka na sa buhay mo!😡
  • 4 cloves garlic. These should be diced too. Same instructions as with tomatoes.
  • 2-3 kutsarang puti/pulang asukal. Tanong lang: Bakit kaya pula ang tawag sa brown sugar, eh hindi naman pula ang kulay ng asukal na iyon? Ibig sabihin ba nito na color-blinded ang ilan?😛
  • Siling labuyo, diced. Hindi na bale kung kulay luntian o pula ang sili na gagamitin sa dish na ito. Sa ngayon, imposibleng gawing dice-shaped ang sili, kaya gagawin nating pabilog ang hiwa.

Sige, lutuin na natin ang ating special dish!

  1. Sa mainit na kawali na may mainit na mantika, igisa ang bawang at kamatis. Anong gusto mo, sa malamig na kawali na solid ang mantika? Kung oo at kaya mong gawin iyan, eh di magaling!
  2. Ilagay ang bagoong.
  3. Ilagay ang asukal, siling labuyo, at suka.
  4. I repeat, pakuluin. Gusto mong ulitin ko pa?
  5. Dagdagan ang suka kapag naaalatan pa rin. The special Bagoong Alamang recipe is now ready to be served.

Perfect ang dish na ito sa kare-kare at sa singkamas!


Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito. Sana naaliw kayo sa isa na namang serye na puno ng kuwela at naiibang balita mula sa may-akda. Salamat din sa netizen na nagbahagi ng recipe na ito. Happy cooking!🙂

Duterte Serye: Awit ng Davao

By: Jo Barredo

Ang seryeng ito ay iba sa lahat dahil hindi ito direktang nakatuon kay Mayor Duterte kundi sa kung ano ang Lungsod ng Davao. Lilinawin ko lang, ang pinakamagandang argumento na maari nating ibato laban sa mga naninira kay Duterte ay ang mga natamong karangalan ni Mayor Duterte at ng LGU ng Lungsod ng Davao upang [ilagay] ang Lungsod ng Davao sa kinatatayuan nito ngayon.

Nagdesisyon akong isulat ang artikulong ito nang marinig ko ang awiting iyan nong isang gabi sa isang local scouting encampment sa distrito ng paaralang pinaglilingkuran ko. Wala itong epekto sa akin noon pero ikinukuwento ng awiting ito kung anong klaseng lungsod ang Davao. At ipinakikita nito kung paano ito pinamahalaan [nang maayos] sa kabila ng pagiging isang lungsod na may halu-halong kultura. Nasasabik na akong sumulat tungkol dito, pero habang isinusulat ko ito, hindi ko mahanap ang angkop na mga salita upang sabihin kung ano ang aking nararamdaman. Mas mabuti ngayong magbanggit ng ilang linya at makinig dito:

“Halina’t sumama, tayo ay iisa
Tulad ng bahaghari, tayo ay pinag-isa
Sari-saring kulay, di nagkakahiwalay
Tungo sa maunlad at payapang buhay”

“Dito sa lupain ng sari-saring lahi
Sa pamumuhay tayo ay magkabahagi
At sa mga mata ng Dakilang Ama
Tayong lahat ay iisa…”

Siyanga pala, ang awiting ito ay maaring magsilbing buod ng lahat ng nilalaman ng Duterte Serye:


Translated by: TweetNewscaster

Duterte: Happy to be called Mayor

By: Monching Lumantas

Nagpatawag ng presscon si Duterte ng hapong ito sa Matina Enclaves sa Lungsod ng Davao. Ginulat niya ang mga nakikinig sa kanyang mga bagong patalastas:

“Magiging masaya ako kung tatawagin lang ninyo ako na Mayor. Ako ay isang lingkod-bayan lamang.”

Sa mga tiwaling tauhan ng pulis at militar: “Mag-resign o magretiro na. Ayaw kong ipabatid ang inyong pangalan sa publiko. Sa mga may kaso, lumayas kayo!”

“Dapat may curfew sa mga menor de edad. Hindi dapat arestuhin ng mga pulis ang menor de edad, sa halip ay arestuhin ang kanilang mga magulang.”

Sa susunod na Hepe ng PNP: “Tatlo ang pagpipilian: Apolinario, Dela Rosa at Aspera.”

“Makukuha ni Atty. Art Tugade ang DOTC. Magaling siya.”

“Huwag hihingi ng endorsement galing sa mga senador, kongresista, gobernador, o sa kahit sino.”

Kay Senator Alan Peter Cayetano:

“Maari niyang piliin na maging miyembro na lang ng Senado, kung saan igagalang ko ang kanyang pasya. Ikaw pa rin ang aking Pangalawang Pangulo.”

(Mga larawan sa kagandahang-loob ni Richard Reyes.)


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Pugoy Part 2 (Metrodiscom)

By: Jo Barredo

Kung hindi mo pa nababasa ang unang bahagi ng kuwentong ito, inirerekomenda ko na puntahan mo muna iyon bago basahin ito. Kung hindi, maaring hindi mo maintindihan kung ano ang nangyayari.

Ilang araw matapos ibalik ang mga hostage takers, kasama ang kanilang lider na si Felipe Pugoy, sa Davao Penal Colony (Dapecol) dahil sa pagsisikap ng Davao City Police at ni Mayor Duterte, sinubukan nila ulit na makatakas. Sa oras na ito, sinamantala nila ang pag-aaral ng Bibliya na ginanap para sa kanila upang makakuha ng bihag. Ito ang ikalawang bunga ng utos ni Pangulong Cory Aquino.

Ayon sa balita, nagsimula ang insidenteng ito nang nilinlang at nahigitan nila ang lakas ng mga guwardiya ng kulungan na nagbabantay sa kanila habang nag-aaral ng Bibliya. Saka sila nakapunta sa barracks at nakakuha ng mga armas. Sa madaling salita, mas mapanganib sila kaysa noong una nang sinubukan nilang kumuha ng mga bihag.

Nang malaman ito ni Mayor Duterte, sinubukan niyang makipagnegosasyon ulit. Pero ayaw nang sumuko ng mga preso. Ito ay maaring dahil nalinlang sila noon ni Mayor Duterte. Ang kailangan na ngayon ng mga kriminal ay ibigay ang kanilang hinihiling.

Nagtagal ang insidente nang tatlong araw… at sa panahong iyon napatay na ang mga bihag. Napuno na ang pasensya ni Mayor Duterte. Inutusan niya ang kanyang mga tauhan na sugurin at patayin ang mga hostage takers. Nakisali na rin mismo si Mayor Duterte sa pagsugod [sa kanila].

May barilan. Sinabi ni Mayor Duterte sa “Gikan sa Masa, Para sa Masa” na ito na lang ang maaring pagpilian. Papatayin na ng mga hostage takers ang mga natitirang bihag.

Nang matapos na ang barilan, naging malinaw na ang resulta. Dalawampu’t isa ang patay, kasama na rito ang labing-anim na preso at limang bihag. Ang mga limang bihag na pinatay ay sinasabing binaril ng mga nakakulong bago ang pagbihag, kasama na rito ang isang siyam na taong gulang na bata at ang dayuhang misyonaryo na nagsagawa ng pag-aaral sa Bibliya. Sampung bihag ang nasagip at ligtas. Pero, ito ay isa ding madugong katapusan.

PS:

Habang isinusulat ko ang seryeng ito, may natanto lang ako. Paano kung hindi pinigilan ni Pangulong Cory Aquino si Mayor Duterte sa kanyang unang plano na gamitin ang mga snipers upang patayin ang mga hostage takers sa unang insidente? Ganoon din kaya ang magiging resulta? Palagay ko hindi. Naniniwala ako na kung ginawa iyon ni Mayor Duterte sa simula pa lang, walang inosenteng buhay ang masasayang. Pero sa ngayon, hanggang “paano kung” na lang ito. Hindi na maibabalik pa kung ano ang nangyari noon.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Pugoy Part 1 (Dapecol)

By: Jo Barredo

…Nangyari ito noong 1989. Dalawang taong gulang pa lang ako kaya ang mga pangyayari na ikukuwento ko sa iyo ay base sa sinabi sa akin ng nanay ko at sa aking nasaliksik. Idinagdag ko rin ang impormasyon na ibinahagi mismo ni Mayor Duterte sa kanyang programang Gikan sa Masa, Para sa Masa noong isang buwan.

Sa totoo lamang, dalawa ang mahalagang insidente [na ang una ay sa Dapecol sa Panabo at ang ikalawa ay sa Metrodiscom sa Lungsod ng Davao]. Upang maging malinaw ang kuwentong ito, hahatiin ko ito sa dalawang bahagi.

Nagsimula ang kuwentong ito sa tangkang pagtakas sa Davao City Penal Colony (Dapecol) noong 1989. Sinimulan ng grupo ng mga preso, na pinamunuan ni Felipe Pugoy, ang isang riot upang makatakas sa kulungan. Nang sila’y pinigilang makatakas, saka sila kumuha ng kanilang mga bihag, pangunahin na ang mga bumibisita sa ibang nakakulong. Nagdemanda sila ng isang trak bilang kapalit ng pagpapalaya sa mga bihag.

Sa panahong ito, ipinaalam ng Davao City Police [ang naturang insidente] kay Mayor Duterte. Ang unang naisip niya ay gamitin ang mga snipers para patayin agad ang mga bumihag. Ang paniniwala niya, tatlong minuto lang ang kailangan para patayin sila at iligtas ang mga bihag. Pero hindi nangyari ang inaasahan.

Bago gawin ni Mayor Duterte ang kanyang plano, nakatanggap siya ng tawag mula sa Palasyo ng Malakanyang, ayon kay Duterte. Gusto ng dating Pangulong Cory Aquino na lutasin ito ni Mayor Duterte nang walang pagdanak ng dugo. Tandaang mabuti ang bahaging ito dahil dalawa ang resulta nito, na ikinukuwento sa atin ng media.

Kailangang baguhin ni Mayor Duterte ang kanyang plano. Kaya pinili niyang makipagnegosasayon. Nang nakausap na niya si Pugoy, nadama niya na nagsisimula nang mabaliw ang kriminal na ito. Nakita din ni Mayor Duterte na natatakot ang mga bihag. Kasama na dito ang isang apat na taong gulang na bata (na hindi ako sigurado sa gulang na iyon). Saka inalay ni Mayor Duterte ang sarili bilang kapalit [sa pagpapalaya] ng mga bihag. Ito ang unang malaking hakbang na isang tuwirang bunga ng utos ni [Pangulong Cory Aquino].

Nakalaya na ang mga bihag. Pero patuloy pa rin ang negosasyon. Saka nakumbinsi ni Mayor Duterte ang grupo ni Pugoy na iwan ang kulungan at pumunta sa city hall para hintayin ang kanilang hiling.

Ang hindi alam ng mga bumihag, mayroon nang grupo si Mayor Duterte na naghihintay sa City Hall. At nang makapasok sila, nadaig sila ng lakas at saka pinosasan ng mga pulis.

Tagumpay ang bahagi ng kuwentong ito. Naibalik na ang mga bumihag sa kulungan at nailigtas ang mga binihag. Pero sa kasamaang palad, merong nangyari pagkaraan ng ilang araw.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Ben Tambling

By: Jo Barredo

Sa seryeng ito, babalik tayo sa 1998 at 2002. Maaring alam ito ng ilan, pero hindi talaga naglingkod si Mayor Duterte sa loob ng 22 taon nang tuluy-tuloy bilang Alkalde ng Lungsod ng Davao. Naniniwala akong alam ng lahat na naging Vice Mayor siya sa kanyang anak [na si Inday Sara] noong 2009. Pero nagsilbi din siya bilang kongresista sa unang distrito ng Lungsod ng Davao noong 1998.

…Sa ngayon, ituon natin [dito] kung bakit pinagsilbihan nang matagal na panahon ni Mayor Duterte ang Lungsod ng Davao.

Noong 1998, matapos ang kanyang ikatlong termino, nagdesisyon si Duterte na magretiro sa pulitika. Iyon ang dahilan kung bakit naging isang sorpresa ang pagtakbo niya bilang kongresista noon. Ipinasa niya ang sulo ng pamumuno sa Lungsod ng Davao sa kanyang Bise Alkalde na si Ben de Guzman.

Nangampanya si Mayor Duterte para kay De Guzman. At naging mahirap ang labanan sa halalan nang nakuha ng karibal nila na partido ni Nograles ang momentum dahil hindi nila kalaban si Duterte sa pulitika noong mga panahong iyon.

Pero sa tulong ni Mayor Duterte, nanalo si De Guzman. At iyon ang naging simula ng kuwento ni Ben Tambling (tulad ng taguri sa kanya ngayon ng mga Dabawenyo).

Ibinigay ni Mayor Duterte ang kanyang buong tiwala kay De Guzman. Inaasahan din ng lahat ng mga taga-Davao na itutuloy niya kung ano ang nasimulan ni Mayor dahil nailagay na ang Davao sa isa sa mga pinakamainam na lugar na tirhan sa Asya (livable place in Asia) noong mga panahong iyon. Saka lumabas na nagkamali kaming lahat ng akala kay De Guzman.

Matapos maupo nang ilang buwan, tuluyang nahinto ang anumang sinimulan ni Mayor Duterte. Nagsimulang gumala ulit ang mga kriminal sa lungsod. Meron ding katiwalian sa mga multong empleyado (ghost employees). At ang pinakamalaking dagok sa ekonomiya ng Lungsod ng Davao ay ang utang nito upang pondohan ang Artica Sports Complex sa Buhangin, Lungsod ng Davao.

Naiwala ng Davao ang ranking nito bilang isa sa mga pinakamainam na tirhang lungsod noong 1999, isang taon matapos umalis sa puwesto si Mayor Duterte. At nagkasira-sira na ang lahat.

Noong 2002, nagsawa na ang mga tao sa Lungsod ng Davao sa kung ano ang nangyayari sa paligid at nagsimulang kalampagin si Mayor na tumakbo ulit bilang Alkalde. Tumakbo nga siya at dito nagalit si De Guzman.

Ginamit ni De Guzman ang lahat ng meron siya upang manalo sa halalang iyon.

Dumating ang araw ng eleksyon, at halata na ang pamimili ng boto. Pero binoto pa rin ng mga tao sa Lungsod ng Davao si Mayor Duterte kahit na hindi siya gumastos ng anumang pondo para mamili ng boto. Abot-abot na ang tagumpay. May ilang kuwento na nagwala si De Guzman sa kanyang mansyon matapos ihayag ang resulta, na tinatapon ang anumang bagay na mahawakan niya.

Nang bumalik si Duterte bilang alkalde noong taon ding iyon, saka lamang nabatid ng mga tao sa Lungsod ng Davao kung ano ang nangyari. Baon ngayon sa utang ang lungsod dahil sa pangungutang sa bangko. Ang mas malala pa, hindi na magagamit ang sports complex dahil nakatayo ito sa tabi ng bangin na may active fault line na tumatagos sa ilalim nito. Hindi pa kasama dito [ang ulat na] lahat ng mga materyales na ginamit ay walang kalidad (substandard).

Ang pagbalik ni Mayor Duterte ay nangangahulugang kailangang magsimula ulit sa wala. Iyon ang dahilan kung bakit hindi tamang sabihin na inabot siya ng 22 taon para paunlarin ang Lungsod ng Davao sa kinalalagyan nito ngayon. Sinimulan niya ulit ang trabaho noon pang 2002.

Magmula noon, kontento na ang mga tao sa Lungsod ng Davao. Duda na kami sa paglalagay ng isa pang apelyido bilang pinuno ng lungsod. Iyon ang dahilan kung bakit hindi lang basta political dynasty ang mga Duterte. Ang mga tao sa Lungsod ng Davao ang naglagay sa kanila [sa mga posisyong iyan]. Hindi kami basta-basta nagtitiwala sa kahit sino. Ang tatlong taon na walang isang Duterte bilang lider ay sobra nang paghihirap para sa amin. Tatlong taon ng katiwalian na nagpahirap sa buong lungsod. Siguradong natuto na kami at hindi na namin iyon uulitin. Iyon din ang iniisip ni Mayor Duterte nang hilingin niya sa lahat na suportahan si Inday Sara noong 2009.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Ben De Guzman

Duterte Serye: Extrajudicial Killings

By: Jo Barredo

Susubukan kong sagutin ang isyu ng tinatawag na extrajudicial killings sa Lungsod ng Davao. Ito ay isang alamat na ikinalat at naging sikat anupa’t naniniwala maging ang CHR (na mukhang inutil sa pagsasagawa ng imbestigasyon) ay naniniwala na totoo ito. Narito ang mga punto kung bakit ko nasabi ito:

  1. Ang Davao Death Squad ay itinatag ng mga Alsa Masa noon pang dekada 80 upang labanan ang Sparrow Unit ng NPA sa Lungsod ng Davao. Pansinin na hindi pa alkalde noong mga panahong iyon si Duterte.
  2. Nang maging alkalde si Duterte noong 1988, ang unang hakbang na ginawa niya ay palakasin ang puwersa ng pulisya upang maging sandata laban sa mga armadong kaguluhan sa pagitan ng DDS at Sparrow Unit. At dahil ang DCPO (Davao City Police Office) ay mas handa na ngayon at inaalagaan na nito ang mga mamamayan, nawala ang layunin ng Sparrow Unit na magsagawa ng pagpaslang sa mga pinaghihinalaang kriminal. At dahil hindi na gumagana ang Sparrow Unit, ang tinatawag na DDS ay hindi na rin kailangan.
  3. Kapag sinabi ko na magaganda ang mga gamit ng DCPO, ibig sabihin nito ay [mayroon silang] mas magagandang baril, mas magandang sistema ng komunikasyon, mas magandang transportasyon, [at] mas magandang suweldo. At dahil naibibigay nang maayos ang kanilang ga pangangailanga, ang mga tauhan ng DCPO ay hindi basta-basta natutukso sa suhol.
  4. Ngayon, tungkol naman sa tinatawag na bersiyon ni Duterte ng DDS, wala ang grupong ito. Hindi na kailangan ang mga vigilante kung sapat ang puwersa ng pulisya upang pigilin ang karamihan sa mga krimen.
  5. Hindi isang kathang-isip lang ang mga kriminal na namamatay sa lungsod. Pero gusto kong bigyang-diin na legal ang paraan ng kanilang pagkamatay. Gaya ng sinabi ni Duterte, kapag gumawa ka ng krimen sa lungsod at aarestuhin ka ng pulis, mas makakabuti sa taumbayan kung manlalaban ka. Ito ang magbibigay ng dahilan sa mga pulis na lumaban din at patayin ka. Ang mga utos ni Duterte ay hindi patayin ang sinuman na nakaluhod o nakatali.
  6. Sa pag-unlad ng command center ng lungsod (kasama na ang mga CCTV sa lungsod), mas nagiging mabilis na para sa mga pulis na hulihin ang sinumang gagawa ng krimen. At sa mabilis na pagresponde ng DCPO (na wala pang 15 minuto), naaaresto ang mga kriminal na nagtulak sa kanila na manlaban at saka dito ipinatutupad ang utos na shoot to kill.
  7. Sa paggiit ng CHR na kasama ang mga menor de edad sa mga napapatay, kung gagawa ka ng sarili mong imbestigasyon, malalaman mo na ang mga menor de edad na ito ay hindi napatay ng mga alagad ng batas kundi ng kapwa menor de edad. Ito ang natitirang problema ng DCPO na hindi nila magawang lutasin dahil nakatali ang kanilang kamay. Bakit? Tingnan ang Juvenile Justice and Protection Law ng dating (walang-kuwentang) Senador Pangilinan na nagpoprotekta sa mga menor na ito [na gumawa ng krimen]. Maging ang mga pulis ay hindi pinapayagan na galawin sila. Paano kaya nila mapipigilan ang mga menor de edad na ito kung ganoon ang kaso? Iyan din ang dahilan kung bakit sinabi ni Duterte na dapat ibasura agad ang batas na ito.

Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Jollibee Bolton

By: Jo Barredo

Ito ay tungkol sa aking personal na karanasan kasama si Mayor Duterte. At ito ang aking ikalawang pagkakataong  makita siya nang malapitan. Espesyal ito dahil (mukhang) nakakausap ko siya.

Nasa kolehiyo ako noon, ikatlong taon na at nag-aaral sa UP Mindanao campus. At bilang estudyante ng UP, masuwerte ako na magkaroon ng walong oras na tulog sa gabi lalo na tuwing “linggo ng impiyerno” (examination week). Nangyari ang kuwentong ito matapos tapusin ko at ng aking mga ka-blockmates sa pag-dissect ng kuwento gamit ang Sigmund Freud’s Psychoanalytic Theory.

Matapos ang mahabang oras ng pagtatrabaho, nagpasya kaming maghanap ng makakain. Ala-una na ng madaling-araw. Nasa Mintal kami, at hindi kilala ang lugar na iyon sa pagkakaroon ng mga negosyo na bukas 24 oras. Kaya nagdesisyon kaming lima na pumunta sa Downtown para maghanap ng pagkain.

…Bumaba kami sa Quirino Avenue mula sa sinasakyan naming jeep. At ang Jollibee sa Bolton branch lamang ang alam namin na lugar kung saan siguradong may makakain. Ang naturang fast food branch ay limang bloke lamang ang layo sa amin. Inabot kami ng 30 minuto para makapunta doon. At nang makarating kami sa lugar na iyon, agad kaming umorder ng aming pagkain.

Matapos ang labinlimang minuto o higit pa, napansin ko na dalawa sa aking mga ka-blockmates na malapit sa pintuan noong mga panahong iyon ay hindi napigilang tumingin sa labas. nang tanungin ko sila kung ano ang nangyari, sinabi nila na nasa labas si Mayor Duterte. Alas-dos na ng umaga noon. Nang lumingon ako, nakita ko si Mayor na papunta sa store at dumiresto sa counter. Nag-order siya ng isang hot chocolate. Saka siya umupo sa isang mesa sa tabi namin.

Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin at inabot kami ng limang minuto bago namin siya nabati ng magandang umaga. Saka siya tumingin sa amin at nagtanong:

“Umaga na. Saang lugar kayo nag-gimik?”

Isa sa amin ang sumagot, “Hindi kami gumimik, Mayor. Galing kami [doon] para gumawa ng aming project.”

Saka ngumiti ang Mayor at malumanay na tumugon:

“Mabuti at hindi kayo umiinom. Mag-aral kayo nang mabuti.”

Tinanong namin ang mga store attendants kung suki si Mayor dito at sinagot nila na laging pumupunta siya sa branch na ito dalawa o tatlong beses sa isang linggo nang mga alas-dos o alas-tres ng madaling araw. Sinabi nila na ito ang lugar kung saan kumakain o umiinom lagi si Mayor pagkatapos niyang magmasid sa lungsod at bago umuwi.

Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Ito ang unang pagkakataon na wala akong masabing anuman sa kabila ng pagiging pinaka-masalitang tao sa aming grupo. Ang karisma lang ni Duterte ang nagpanganga sa akin at nakakalula ang kanyang aura. Iyan ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang lider na mas matindi ang malasakit sa kanyang mga kababayan kaysa sa kanyang sarili.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Firecracker Ban

By: Jo Barredo

Naniniwala akong alam ng lahat na ipinatutupad ng Lungsod ng Davao ang pagbabawal sa pagpapaputok tuwing Pasko, Bagong Taon, at kahit pa sa Bagong Taon ng mga Intsik. Kasama sa naturang pagbabawal ang lahat, kahit pa ang mga maliliit na paputok (watusi) na mabibili sa 15 piso bawat kahon o maging boga. Alam din ng marami ang katotohanan na magmula nang ipatupad ang pagbabawal sa pagpapaputok, naitala ng Lungsod ng Davao na walang insidente ng pinsala o pagkasawi dito. Pero ang hindi alam ng marami, merong taon na halos naiwala ng Lungsod ng Davao ang zero casualty record.

Narinig ko ang istoryang ito mula sa aking kaibigan na personal na nakasaksi nito. Siya ay isang intern nurse noong mga panahong iyon sa Davao Medical Center (ngayo’y SPMC). Kahit na ipinatutupad ang firecracker ban, naka-high alert pa rin ang mga ospital sa Lungsod ng Davao tuwing Pasko at Bagong taon upang pagsilbihan ang mga pasyente na maaring manggaling sa mga katabing lungsod tulad ng Panabo at Samal. Ito ay dahil sa katotohanang pinakabago ang mga pasilidad ng ospital ng Davao sa buong Mindanao. Para mapanatiling malinis ang zero casualty record, lahat ng mga nabiktima ng paputok ay tinatanong kung saan sila galing at saan sila naputukan para alamin ang kumpletong record.

Gayunman, noong bisperas ng Bagong Taon, ginulat ng isang tao ang isang staff ng SPMC. Nang tanungin kung saan siya galing, sinabi niya na siya mismo ay taga-Lungsod ng Davao. Sinabi niya rin na naputukan siya sa loob ng lungsod. Hindi niya ibinigay ang pangalan at anumang detalye kung saan talaga siya nakatira. Mabuti na lang at nagtamo lang siya ng kaunting pasa mula sa paputok na kanyang nilalaro.

Nang hiniling ng doktor sa attending nurse na ikalap nang mabuti ang mga records para maayos na makuha ang impormasyon mula sa pasyente, pabirong sinabi ng doktor:

“Patay ka kapag nalaman ni Digong iyan. Sinira mo ang [mabuting] record ng Lungsod ng Davao.”

Ayon sa aking kaibigan na nakadinig ng pag-uusap na iyan, namutla ang mukha ng lalaking iyon. para bang umalis ang buhay sa kanya. Ang ginawa lang ng lalaki ay magbigay ng isang mahinang ngiti.

Matapos bigyan ng paunang lunas at bago bigyan ng huling lunas, humingi ng permiso ang lalaki kung makakapunta siya sa comfort room. Pinayaga siya ng doktor. Pero hindi na siya bumalik.

Nang iutos ng doktor ang mga nars na hanapin ang taong iyon, hindi na siya mahanap sa ospital. Hindi nakuha sa kanya ang kompletong impormasyon kaya naitala ito bilang si John Doe na walang tirahan.

PS: Maaring isipin ng ilan na ang Pasko at Bagong Taon sa Lungsod ng Davao ay isang karaniwang gabi lang dahil sa pagbabawal sa pagpapaputok. Pero mula nang maipatupad ito, nagbigay-daan ito sa maraming street parties at sa kilala nang “Torotot Festival.” Sa madaling salita, binigyan nito ng pagkakataon [ang lahat] na magsaya pa nang hindi natatakot na mawalan ng daliri dahil dito.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Inday Sara

By: Jo Barredo

Ito ang pinakasikat na bahagi ng kuwento. Sa katunayan ito ay nakatuon kay Mayor Inday Sara Duterte.

Noon ay umaga matapos ang baha at si Inday Sara ay kasama ni Digong sa NHA Bangkal, Lungsod ng Davao upang tulungan ang mga biktima ng bagyo. Maya-maya may ibinigay na ulat sa kanila na magsisimula na ang demolisyon ng mga informal settlers sa Barangay Agdao.

Bilang Alkalde noong mga panahong iyon, hiniling ni Inday Sara sa tanggapan ng sheriff na itigil pansamantala ang demolisyon sa loob ng isang oras, o hanggang sa makapunta siya sa lugar na iyan upang tumulong sa pagpapatahimik ng mga tao. Sanay na ang mga Dabawenyo na sa tuwing may demolisyon, kusang nagsisialisan ang mga informal settlers sa mga itinakdang lugar ng LGU. Walang karahasang nagaganap.

Ang hindi alam ni Inday Sara at ni Digong, hindi pinagbigyan ng sheriff ang kanilang hiling. Natuloy pa rin ang demolisyon.

Nagbarikada ang mga residente sa lugar at nilabanan ang demolition team. Nagliparan ang mga bato. Nanlaban ang demolition team at marami ang nasugatan. Matindi ang kaguluhan doon. (Sa pagkakaalam ko,) ito na ang unang pagkakataon na mangyayari ito sa Lungsod ng Davao.

Nang dumating si Inday Sara sa lugar, nakita niya ang kaguluhan at napasugod sa kalagitnaan ng away. Dala-dala ang megaphone, sumigaw siya:

“Magsitigil ang lahat!”

At hindi kapani-paniwalang itinigil ng magkabilang panig ang away. Ibinaba ni Inday Sara ang megaphone at lumapit sa mga residente. Muli, sumigaw siya,

“Magsiupo kayong lahat!”

Walang pag-aalinlangang sumunod ang mga residente. Ang sumunod na nangyari ay alam ng maraming tao. Sumigaw sa huling pagkakataon si Inday Sara:

“Nasaan ang sheriff?”

Nang lumapit sa kanya ang sheriff, humingi siya ng demolition order. At saka sinunggaban niya ang sheriff sa kuwelyo at naglabas ng tatlong matinding suntok sa mukha.

Pinalabas ng mga pambansang media na sumigaw si Mayor nang walang dahilan at tinawag ng maraming tao sa labas ng Lungsod ng Davao si Inday Sara bilang isang malupit [na pinuno]. Inakala ng lahat na namuhay sa takot ang mga tao sa Lungsod ng Davao dahil sa naturang insidente.

Pero para sa mga tao sa Lungsod ng Davao, nakita namin ang isang lider na mas inuuna ang kapakanan ng mga tao.

Saka lang namin nalaman na si Inday Sara (bilang isang abugado) ay nagalit nang nabasa niya ang dokumentong ibinigay ng sheriff. Ito ay isang “Notice of Demolition,” na sinasabing may labinlima hanggang tatlumpung araw ang mga tao para umalis sa lugar na iyon. Hindi ito isang “Order of Demolition.”

Malungkot ang araw na iyon, lalo’t dahil nababasa at naririnig ng mga Dabawenyo ang mga negatibong komento mula sa labas ng lungsod. Pakiramdam namin ay wala kaming magawa kasi hindi namin naipagtanggol nang maayos si Inday Sara. Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi nakakaalam ng buong kuwento.

PS: Ako ang isa sa mga nakasaksi sa insidenteng iyon. Kakagaling ko lang sa trabaho at ang aking boarding house ay malapit lang sa kalye kung saan nangyari ang demolisyon.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Baha

By: Jo Barredo

Laging kilala si Mayor Duterte bilang isang siga. Pero merong mga panahon na nakikita siya na lumuluha. Ang maaring alam ng marami kung pag-uusapan ang pag-iyak ni Duterte ay noong tinulungan niya ang mga biktima ng bagyong Yolanda. Subalit, ang hindi alam ng maraming hindi Dabawenyo, merong isang insidente na pinipigilan niyang umiyak sa isang panayam. Ito ay ang araw ng matinding baha sa Lungsod ng Davao.

Ang kuwentong ito ay maaring hatiin sa dalawang bahagi dahil maaring alam ng maraming tao ang naiibang kuwento nito. Ang kuwentong ito ay nakatuon mismo kay Mayor Duterte na tumutulong sa pagsagip at nagbibigay ng relief goods sa mga apektadong pamilya.

Iyon ay gabi ng napakatinding ulan noong 2010 (o 2011). Hindi ko malilimutan ang gabing iyon dahil ito ang panahon na talagang lumangoy ako sa tubig baha para magtrabaho (dahil noon ako ay isang call center agent). Kumalat ang balita na marami sa mga lugar sa tabing ilog sa buogn Lungsod ng Davao ay matinding naapektuhan ng baha at ang buong LGU ng Lungsod ng Davao kasama ang Central 911 ay nagmamadali para tulungan ang mga biktima. Kasama na dito si noo’y Vice Mayor Digong.

Kinabukasan ng umaga, nang nag-log out na ako sa trabaho, nakita ko ang panayam sa kanya sa lobby ng opisina namin. Mukhang pagod na siya pero siksikan ang mga taga-media sa kanya. Nakalimutan ko kung ano ang tanong pero hindi ko makakalimutan ang sinabi niya habang pinipigil niya ang pagluha:

“Putang ina, wala akong nagawa. Hindi ang ulan o baha ang may sala.”

“Ang problema ay kahirapan. Wala akong nagawa, nangamatay sila dahil mahirap sila.”

“Wala akong magawa. Putang ina. Kung meron lang akong pera, ililipat ko silang lahat.”

Tinukoy niya ang mga informal settlers na nakatira sa tabing ilog.

Ito ang unang pagkakataon na makita kong lumuluha ang aming Mayor. At talagang naramdaman ko na dismayado siya sa sarili na hindi napigilan ang insidenteng iyon.

Matapos ang ilang linggo, nabalitaan ko na bumili ang LGU ng Lungsod ng Davao ng malawak na lupain sa Barangay Los Amigos. Ginawa itong isang malaking relocation area para sa mga informal settler na kailangang ilipat. Meron itong sariling pabahay, tubig, at kuryente. Isa lang ang kondisyon para sa mga taong ililipat at mabibigyan ng pabahay ay huwag ipagbili kung ano man ang kanilang natanggap mula sa LGU ng Lungsod ng Davao.

Tuwing pupunta ako sa Downtown at dadaan sa relocation site na ito, totoong namangha ako kung ano ang hitsura nito. Hindi ito parang low cost housing kundi mukha itong isang Class B subdivision. Ngayon, ang lugar na ito ay meron nang sariling covered court/basketball court. At sa tapat ng kalye ay isa pang malawak na lupain na ginagawang phase two ng relocation site.

Ang kuwentong ito ay hindi napabalita sa mga pambansang media. Mas lalo silang nakatutok sa bahagi ng kuwentong ito pero hindi sinasabi ang buong kuwento nito. Alam ito ng lahat bilang “Tatlong suntok sa mukha ng sheriff.”


Translated by: TweetNewscaster

Lucky Me Pancit Canton Recipe

Good day, readers! Ngayong araw na ito, magluluto na naman tayo ng katakam-takam na recipes mula sa isang netizen. Sa araw na ito, magluluto tayo ng Lucky Me Instant Pancit Canton. Yup, you read it right. Madali lang lutuin ito.😀

So, handa na ba tayo? Kung oo, eh di sige! Magluto na nga tayo!😀


Ito ang mga ingredients na dapat mong paghandaan bago tayo magluto:

  • Tubig. Preferred ang pinakuluang tubig para mas madali tayong makaluto.
    Sa totoo lang, puwede ang all types of water. Tatanungin mo naman sa akin, “Anong klaseng tubig?” Kahit ano. Gusto mo, pati yung tubig sa swimming pool, gamitin natin?
  • Dalawang totoong kalamansi. Hindi puwede ang fake na kalamansi na mabibili sa Recto. Otherwise, hindi magiging malasa ang dish natin. Kung walang kalamansi sa bakuran, puwede na ang dalandan, orange, o lemon. Try mo lang din, baka mas masarap pa ang lulutin nating pancit pag ginamit natin iyon.
  • Dalawang pack ng Lucky Me Pancit Canton. Piliin ang green version nito na kung tawagin ay Kalamansi Flavor.

Handa na ba ang ating mga ingredients? Kung oo, simulan na natin!


  1. Kumuha ng dalawang pack at isalang sa kaserola.
  2. Pakuluan ang dalawang pack ng noodles sa isang kaserola sa loob ng dalawang minuto. Bakit ko ito nasabi? Ngayon, ano ang mangyayari kung ibababad mo sa tubig? Eh di wala rin.😡
  3. Pagkatapos ng dalawang minuto, patayin ang apoy. Kung hindi mo magagawa iyan, at gusto mong kainin ang napakalambot nang noodles, eh di magaling!
  4. Hanguin ang noodles sa tubig at isabak sa hinandang sauce na kasama sa pack.
  5. Lagyan ng isa o dalawang kutsarang tubig sa noodles para kumalat ang lasa.
  6. Paghaluin ang noodle mix at pigaan ng dalawang totoong kalamansi. I repeat, dalawang totoong kalamansi. Kung gusto mo naman ng fake na kalamansi, go ahead.🙂 At huwag isasama ang buto ng kalamansi, unless gusto mo ring kainin iyan. Haluin nang mabuti. Your Lucky Me Instant Pancit Canton is now ready to be served.

Well, salamat sa inyong pagbabasa ng recipeng ito. Sana nagustuhan ninyo ang paraan natin ng pagluluto nito. Now, enjoy the saucy pancit canton na maasim-asim at maalat-alat. Perfect combo ito sa tirang malamig na kanin. Have a good appetite and happy cooking!🙂


Featured Image Credit: Pancit Canton

Duterte Serye: MNLF visits Davao City

By: Jo Barredo

…Nangyari ito maraming taon na ang nakalipas. Hindi ko ito nasaksihan nang personal, pero ibinahagi ng kapwa ko guro ang kuwentong ito sa akin nang nag-uusap kami tungkol kay Mayor Duterte.

Siya ay isang estudyanteng guro nang mga panahong hiniling ng MNLF na makapasok sa lungsod upang ipagdiwang ang taon ng kanilang pagkakatatag. Kung ang Lungsod ng Davao ay tulad ng iba pang mga lungsod sa Mindanao, malamang na maglalaban ang mga sundalo ng AFP at MNLF. Pero hindi ito nangyari.

Pinayagan ni Duterte ang daan-daang mga sundalo ng MNLF na makapasok sa lungsod. Pinahintulutan pa niyang ipagamit sa kanila ang Rizal Park (ang liwasang ginamit din ng mga sumali sa Duterte caravan). Isa lamang ang kondisyon: Lahat ng kanilang mga sandata ay dapat isuko pansamantala sa Toril Checkpoint.

Kung hindi si Mayor Duterte [mismo] ang magbibigay ng ganitong kondisyon, sigurado ako na hindi papayag ang MNLF. Pero noong mga panahong iyon, mahigpit ang utos ni Mayor Duterte at magalang na tinanggap ng MNLF ang kondisyon.

Saka nawili ang contingent ng MNLF sa pamamalagi sa lungsod at walang naiulat na kahit isang insidente ng karahasan noong mga panahong iyon. Matapos ang kanilang programa, kusa at mapayapa silang umalis sa lungsod. Naibalik na rin ang kanilang mga sandata gaya ng ipinangako ni Mayor.

Magmula noon, merong mga sundalo sa MNLF at kamakailan sa MILF na sumasali sa taunang parada ng Kadayawan (Araw ng Dabaw) tuwing Marso. Ipinakita lang nito kung gaano katindi ang kanilang respeto at kung paano nila pinahahalagahan kung paano sila tinatrato ni Mayor Duterte, bilang kaibigan at kanilang kaparis.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Ipakaon ang Papel!

By: Jo Barredo

Alam ng marami ang insidenteng ito nang pinakain ni Mayor Duterte ang manloloko ng isang papel. Ito ang isa sa mga insidente ni Mayor Duterte na nabandera sa balitang pambansa bago siya napabantog sa buong bansa.

…Nagsimula ito nang ipinagbili ng manloloko ang isang kapirasong lupa sa ilang “kliyente”. Inaangkin niya na may karapatan siya sa lupa dahil nakareserba ito bilang lupain ng kanilang ninuno (ancestral domain) para sa kanilang tribo.

Napakababa ng presyo ng lupa kaya marami ang nahikayat na magbayad para magkaroon ng kapiraso ng lupang iyon. Subalit, merong kaunting problema.

Ang lupa ay nasa Bangkal sa Lungsod ng Davao. Upang bigyan kayo ng ideya kung bakit ito ang problema, subukang isipin ang isang bakanteng lote sa isang urbanisadong lugar ng lungsod. Napakalayo nito sa mga barangay na itinuturing na lupain ng mga ninuno para sa iba’t ibang mga tribo ng Lumad. Sa madaling salita, hindi ito pag-aari ng mga Lumad at ang may-ari ng lupa ay may makatuwirang pag-aari sa lupaing iyan.

Dalawa ang pagkakamaling nagawa ng manloloko:

  1. Hindi niya sinuri nang mabuti kung meron bang may-ari ng lupang inaangkin niya.
  2. Ginawa niya ang naturang panloloko sa Lungsod ng Davao.

Naisampa na mga reklamo laban sa manloloko, pero iginiit niya na iyon na tama siya. Hanggang kinompronta siya ni Duterte.

Kung makakabasa ka ng balita tungkol dito, maaring alam mo ang tungkol sa manloloko at na sinasabing pinilit ni Mayor Duterte na kainin ng lalaki ang dokumentong ginagamit niya sa modus. Nagdulot ito ng gulo sa CHR.

Pero merong sariling bersiyon si Duterte ng kuwentong iyan (sa Gikan sa Masa, Para sa Masa):

“Bakit mo sila niloko?”

Galit na sinabi ni Mayor.

“Sinira mo ang reputasyon ng mga Lumad!”

“Bakit mo ginawa iyan?”

Saka sinubukan ng lalaki na sagutin ang tanong na iyan. Pero pinigil siya ni Mayor Duterte:

“Teka lang. Mabaho ang bibig mo. Heto ang bubblegum. Nguyain mo muna.”

At iyon ang eksena na kinunan ng mga camera. Kung papel o bubblegum man, ang manloloko at si Mayor Duterte lang ang nakakaalam. Kahit paano, nabigyan ng tubig ang manloloko matapos ang insidenteng iyon. Pero wala nang maniniwala sa kanya sa Lungsod ng Davao. Huli kong nabalitaan na naipakulong na siya.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Pasko sa Lungsod ng Davao

By: Jo Barredo

Merong tradisyon sa Lungsod ng Davao tuwing Pasko. At iyon ay bigyan ng kalinga ang mg Lumad na bababa mula sa kabundukang bahagi ng lungsod at hihingi ng “aginaldo” sa mga tao mula sa mga mababang lugar.

Ako ay 28 taong gulang ngayon at sa pagkakaalam ko, tuwing Pasko, nagbibigay ang aking pamilya ng anuman sa mga Lumad sa abot ng kanilang kakayahan. Naniniwala ako na ganito din ang ginagawa ng marami sa mga tao sa mga mababang lugar ng lungsod.

Noong isang taon, nagbigay ng espesipikong utos si Mayor Duterte:

“Kapag [gustong] pumunta ang mga Lumad sa mall, payagan ninyo.”

“Karapatan nila iyan. Huwag kalimutan na meron tayong ordinansa laban sa diskriminasyon.”

At palagay ko, ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit napakabukod-tangi ang Lungsod ng Davao at may totoong pagkakaisa anuman ang lahi, kultura, o pananampalataya.

Ang nagtulak sa akin para isulat ang seryeng ito ay ang lumabas sa lokal na balita noong isang linggo sa biometrics registration sa isang satellit site ng COMELEC dito sa Lungsod ng Davao. Sa balita, merong mga Lumad na nagpapa-update ng kanilang biometrics. Totoong bihirang mangyari ito kahit pa sa Lungsod ng Davao.

Nang tanungin sila ng media kung bakit sila nagparehistro, tumugon ang kanilang lider:

“Nagparehistro kami para kahit papaano, mapasaya namin si Mayor.”

Nararapat ding banggitin na naglakbay sila ng mahigit dalawang oras para makapunta sa satellite registration site. Ito’y isang oras ng pagsakay at isang oras ng paglalakad.

Nakakataba ng puso na gagamitin ng mga Lumad ang kanilang karapatang bumoto upang ipakita ang kanilang katapatan at suporta sa Alkalde ng Lungsod ng Davao.


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Okay sa Davao

Via: DDS – Metro Manila Chapter

Isang kuwento kay Duterte.

Tinanong siya ni Boom: Okay ba talaga kayo diyan sa Davao? Ito ang tugon na kanyang natanggap. Mahaba ito para i-screenshot. Mas madaling i-copy paste. Hindi ko ilalagay ang pangalan dahil hindi ako humingi ng permiso pero ang aming mga kaibigan sa Facebook ang makapagpapatunay diyan. Tumagos talaga sa akin ito.

Isang Dabawenya sa Lungsod ng Davao at kay Rody:

“Bilang Dabawenyo, masasabi ko na oo, maganda ang kalidad ng buhay dito, pagdating sa kalapitan sa mga kaginhawaan sa kabayanan habang may diwa ng pagkakaisa. Best of both worlds, kumbaga. Nakatira na ako dati sa Maynila at Cebu…

Sinubukan kong gamitin nang ilang beses ang 911. Dumating ang rescue team nang wala pang sampung minuto. Astig eh. Pinatay nila ang ahas sa loob ng bahay namin, at naisalba ang aleng nakaladkad ng motor sa highway.

Nang maipatupad ang pagbabawal sa paninigarilyo at alak, isa ako sa mga nabad-trip kasi nagyoyosi ako at mahilig lumabas. Hindi na puwedeng magyosi kahit saan namin gusto? Dapat sa mga itinakdang lugar lang puwedeng manigarilyo? Kailangan nang umorder nang sandamakmak bago pumatak ang alas-dos ng umaga? Bad trip. Nagreklamo na kami noon pa parang mga batang nilimitahan ang oras ng pag-DoTA. Habang tumatagal, naisip namin na hindi naman iyon gaanong kasama. Ayos lang rin naman pala. Nabawasan ang bisyo ko. Ayos! Eh kahit naman si Mayor Rody, mahilig lumbas at mag-videoke, pero hindi nagreklamo sa sarili niyang batas, eh.

Alam kong nasa Davao na ako kapag nagbabayad ako sa taxi, at sinusuklian ako nang sakto. May sukli kahit dalawang piso. Hindi uso ang palko dito. Naikuwento rin ng kapitbahay namin: Madaling araw umuwing naka-taxi. Nagtataka siya na bakit hindi pa rin umaalis ang taxi habang nag-aantay siyang pagbuksan ng gate sa bahay nila. Nagtanong siya kay manong drayber. Utos daw ni Mayor sa lahat ng taxi operators na huwag umalis hanggat hindi nakakapasok ng bahay ang mga pasahero nilang babae, lalo na’t nag-iisa at dis-oras ng gabi.

Totoo lahat ng kuwento. Malaya kaming naglalakad nang madaling araw na walang takot ma-holdap at gaguhin ng kung sino diyan. Hindi kailangang ipuwesto sa harap ang backpack na baka laslasin. Isa kasi sa mga ugali ni Mayor ang magmanman nang hindi nagpapahalata sa gabi hanggang madaling araw. Naka-jacket at baseball cap. Pawis na pawis, pucha, balot na balot eh. Naglalakad mag-isa sa lungsod. May nakabuntot na ilang tao lang. Nagbabantay. Sinisigurado ang seguridad ng mga tao. Nagmamaneho rin siya ng taxi, lalo na nung may pangyayaring may hinoldap at pinatay na drayber. Nag-aabang na matsiyambahan ang mga sira-ulo.

Galit na galit siya sa droga at rapist. Minsan, narinig ko syang magkuwento. Sa dami ng krimen, may isa siyang hindi malimutan. Sanggol na iilang buwan pa lang. Ginahasa. Wasak ang kalahating katawan. Sino ang hindi mapapamura? Sino ang hindi magagalit na ganyan ang nagagawa ng droga sa utak ng tao? Pakiramdam ko, minsan dinadaan na lang ni Mayor sa pagmumura lahat kesa naman umiyak sya. Di na kailangan sigurong paramihin ang ganitong insidente bago magdesisyon na linisin ang lungsod. Sapat na ito na dahilan. Ito lang ang kailangang dahilan. Wala nang maraming drama.

Ang dami pang ginagawa ni Mayor para sa mga tao na hindi ko pa sana malalaman kung hindi siya tumakbo  sa pagka-presidente. Hindi dahil sa diskonektado ako. Hindi kasi mahilig si Mayor magpa-media. Di nya trip ang magpasikat. Titindig balahibo niya. Kung hindi dahil sa rape joke, hindi ko malalaman na may Balay Dangupan pala kami dito na takbuhan ng mga babaeng biktima ng pisikal at sekswal na pang-aabuso. Hindi ko malalaman na nagpabihag siya para makawala ang mga inosente. Ayos lang sa kanya magpalaslas ng lalamunan para sa ibang tao? Ang kulit rin.

Hindi ko nga din alam na iyakin pala si Mayor, lalo na pag dinadalaw niya ang mga batang may cancer na ginawa niyang personal na proyektong tulungan. Oo, personal. Kasi kung ano ang hindi kayang gampanan na tulong pinansyal ng gobyerno, ginagawan niya ng paraan. Nilalakad niya para kumuha ng tulong galing sa pribadong sektor. Gumagalaw siya na tahimik lang. Kaya nga, kung lalabas man sya sa TV, puro pagmumura ang maririnig mo na mensahe niya sa mga salot, kase iyon lang ang ibino-broadcast nya.

Ang dami ko pang puwedeng sabihin. Nakakalula.

Mabuting tao si Digong. Handa siyang mamatay para sa Pilipinas. Ngayon lang ako nakaramdam na puwede pa palang mauso ang maalab at totoong pagmamahal sa bayan. Kaya siya inilalaban ng mga tao dahil alam namin kung anong klaseng tao sya.

Balik tayo sa tanong mong napakasimple.

Oo, dude. Maayos ang buhay dito sa Davao dahil kay Rody Duterte.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Power of Speech

By: Si Duterte ang Reseta Ko

Tinanong ako ng aking kaibigan kung bakit dapat maging Pangulo si Duterte. Narito ang aking sagot:

Maraming dahilan kung bakit siya nga, pero pinili ko siya kasi naniniwala ako sa talata na “kung mapagkakatiwalaan ka sa maliit na bagay, mapagkakatiwalaan ka rin sa malalaking bagay.” (Lucas 16:10) Ang mga maliliit na bagay ay pagbabawal sa paggamit ng paputok, pagbabawal sa paninigarilyo, paglilimita sa tulin ng mga sasakyan, Central 911, at paglaban sa krimen sa Davao. Ang mga malalaking bagay ay pambansang katiwalian, krimen, at kawalan ng disiplina.

Isang bagay na nagustuhan ko kay Duterte ay nagagamit niya ang [kapangyarihan ng] media nang lubos. Ang lingguhang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” sa telebisyon ay isang mabuting paraan ng pagdidisiplina sa mga tao at pagbibigay ng takot sa mga kriminal sa pagsasalita lang niya sa TV. Alam kong itutuloy niya ito sa buong bansa. Kailangang turuan at alalayan ang mga Pilipino. Sa kanyang katangi-tangi pero makapangyarihang mga talumpati, naiintindihan siya ng mga tao at nagbabago sila. Makapangyarihan ang pagsasalita at ginagamit niya ito upang matamo ang kanyang layunin.

Tingnan mo si P-Noy. Nakikita mo ba na nagsasalita siya sa taumbayan araw-araw o linggo-linggo para sumunod ang mga tao sa batas? Hindi. Sinayang niya ang maraming pagkakataon. Paano naman si GMA, Erap, Ramos, at Cory? Hindi nila ginagamit ang kanilang boses upang baguhin ang pag-iisip ng mga Pilipino. Nagawa na iyan ni Duterte sa Davao, kaya nakikinig at sumusunod sa kanya ang mga tao dahil binibigyan sila ng inspirasyon at itinatama sila. Nakatulong din kahit paano ang kanyang pagpapatawa! Kailangan ng mga Pilipino ang masalitang lider tulad niya, na para bang misyonaryo ng disiplina at pagmamahal sa bayan.

Isa pa, naniniwala pa rin ako na posible ang kapayaan sa mga kapatid nating Muslim. Tulad sa Dubai [o sa United Arab Emirates], lahat sila’y mga Muslim pero mapayapa at maunlad ang kanilang bayan. Sana ganito din ang Mindanao at ang pag-asa namin ay nasa taong ito kasi nakikinig sila sa kanya, dahil naiintindihan niyang mabuti [ang sitwasyon nila].


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Song Artist

By: Gail Blanco-Viduya

Nakatagpo ko si Mayor Duterte noong 2005, nang magkaroon ako ng pagkakataong irecord ang isang awitin para sa Mindanao na nilikha ni Sammy Asuncion. (Ginawa ko ang lahat para mahanap ang CD na iyon pero hindi ko na matandaan kung saan ko iyon inilagay at hindi ko rin matandaan ang pamagat ng awiting iyan. Malamang si Kuya Sammy o si Bayang ang makatulong sa akin dito. Hehe.) Nag-aalangan akong tanggapin ang pagkakataong iyon nang malaman ko na gusto akong pakantahin ni Mayor Duterte ng awiting iyon, live sa kanyang programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” dahil hindi pa ako nakakapunta sa Davao at talagang natatakot ako na pumunta doon dahil ang pagkaunawa ko sa Davao noon ay isang lugar ito kung saan maaring maglaban anumang oras ang mga rebelde at sundalo. Pasensiya kung nagmumukhang katawa-tawa pero ito ang naisip ko noon tungkol sa Davao.

Sa patuloy na pamimilit ni Bayang Barrios, bumigay din ako sa wakas. Maaga akong dumating noong umaga kung saan binati ako ni Ma’m Peng Aliño, isa sa mga pinagkatiwalaang tao/kaibigan sa media ni Mayor. Nakapaggala ako kahit paano sa Davao dahil nakatakda akong makipagkita kay Mayor sa gabi. Dinala ako ni Ma’m Png sa isang kainan na tanaw ang magandang Lungsod ng Davao (hindi ko matandaan kung ito ba ay Jack’s Ridge o may iba pa), NCCC Mall (na aking paborito kasi mura ang Guess doon, palaging sale. Hehe), Marco Polo, Davao City Hall, at iba pa.

Gabi na. Sinabihan ako na gusto akong makita ni Mayor Duterte sa kanyang paboritong tambayan, “After Dark”, isang maliit na KTV bar kung saan pinatutugtog ng isang pianista ang kanyang mga paboritong kanta at minsan kung nasa mood siya, kumakanta siya ng isa o dalawa. Ipinakilala ko ang aking sarili at ipinaliwanag na alam ko kung paano magsalita ng Bisaya dahil galing talaga ako sa Cebu. Marami siyang tinanong sa akin. Sinabi ko sa kanya na ito na ang una kong pagbisita sa Davao at nagustuhan ko ang pomelo at mangosteen. Saka niya tinanong sa akin kung alam ko ba ang awiting “Ikaw,” na kanyang paboritong kanta. Masuwerte na lang at inawit ko iyon, salamat sa maaga kong pagkababad sa mga lokal na patimpalak kung saan doon ko natutunan ang awiting iyon. gusto kong sabihin, taliwas sa kung paano nakikita ng tao si Mayor bilang “babaero daw”, o mahilig sa babae, talagang nagulat ako kung gaano siya maginoo [sa akin].

Kinabukasan, gumising ako nang maaga dahil ang kanyang programa ay pang-umaga. (Ang larawan sa ibabang kaliwa ay kinunan noong araw na umawit ako sa kanyang programa.) Nang matapos akong umawit, napakinggan ko siya na nagsalita sa buong panahon ng programa na siyang nagpahanga sa akin. Gumaganap siya bilang totoong ama na pinagsasabihan ang mga bata. Ginagamit niya ang kanyang programa sa telebisyon bilang kasangkapan para maihatid ang kanyang mensahe sa lahat.

Natanto ko na iba siya sa iba pang mga alkalde o pulitiko na aking nakatagpo. Bigla kong naintindihan ang kapayapaang nararamdaman ko paglabas ng eroplano gayong sobra akong takot na pumunta doon sa labas. Ang naramdaman kong takot ay napalitan ng kaligtasan. Alam kong ako’y nasa mabuting kamay. Matapos ang programa, nilapitan ko si Mayor at nagpasalamat sa kanya para sa pagkakataong makaawit sa kanyang programa at kasiyahang makatagpo siya sa personal.

Nakatakda ang aking paglipad papuntang Maynila sa gabi kaya sinabi niya na hindi na siya sasama sa akin kasi may kasal at burol pa siyang pupuntahan. Maya-maya ay inutusan niya si Ma’m Peng na samahan ako dahil marami pa akong bakanteng oras. Sa isip-isip ko, wow, close na kami ni Mayor. Masaya at kontento ako sa paghihintay kay Ma’m Peng na samahan ako kung saan pa niya ako dadalhin. Sa aking pagkagulat, inutusan pala siya ni Mayor na libutin ako ulit, sa pagkakataong ito, sakay sa chopper para makita ang buong Lungsod ng Davao. Wow! As in, wow! Iyan ang pagkakataon na maramdaman ko na espesyal ako [gayong] ordinaryong mang-aawit lang naman ako at nagsisikap na magkaroon ng pangalan para sa sarili ko. Parang ginawa niya ang kanyang makakaya upang ipakita sa akin kung gaano kaganda ang kanyang minamahal na Davao (at siyempre, mas maganda na ngayon.) Matapos ang nakakaaliw na pagsakay sa chopper kasama si Ma’m Peng, doon ko na napatunayan na maganda nga pala talaga ang Davao anupa’t sinabi ko sa sarili ko na parang gusto ko na ding tumira dito. Panahon na para bumalik ako sa Maynila. Hindi ko mapigilang magpasalamat kay Ma’m Png, Bong Go, at siyempre kay Mayor Duterte sa ipinakita nilang pagkamagiliw sa akin.

Noong 2007, naimbitahan akong kumanta ulit sa oath taking niya sa Davao. Iyan ang huling pagkakataon na nakita ko siya hanggang nitong Enero ng taong ito nang magsimula ang kanyang kampanya sa mga lalawigan. (Ang larawan sa kanan, pang-itaas na bahagi ay kinuha sa isang kampanya niya sa Cebu noong Enero 7, 2016.)

Para sa akin, si Mayor Duterte ay isang talentadong pulitiko sa diwa na nagawa niyang baguhin ang Davao upang maging isang mapayapang lungsod at makuha ang TIWALA AT RESPETO ng mga mamamayan nito.

Ang larawan sa ibabang kanan ay kinuha noong Mayo 7, 2016 (larawan sa kabutihang-loob ni Trixie Dauz) sa Miting de Avance ng Duterte Cayetano Team sa Luneta kung saan tinatayang 1.3 milyong mga tagasuporta ang nagtipon-tipon na nagbigay-daan sa pagiging makasaysayan ng kaganapang ito. sino ang mag-aakala na ang pinakasimpleng Alkalde mula sa Mindanao, kahit na may “masamang bibig” pero may mabuting kalooban, ang bumihag sa puso ng milyong Pilipino sa buong bansa?

Dati, naisip ko, paano kaya kung tumakbo si Mayor bilang Presidente? Noong Sabado ng gabi, hindi ako makapaniwala na ang aking mga inaasahan noon ay nasaksihan ng aking mga mata. Mas naging emosyonal ako sa panonood nang natanto ko na nakatayo ako sa entablado kasama ang tao na magiging susunod na Pangulo ng ating bansa.

Sa pagtatapos ng aking kuwento, gusto kong magpasalamat sa butihing Alkalde sa pagtugon sa tawag ng taumbayan na tumakbo siya sa kabila ng mga problema sa makinarya, batuhan ng putik, at mga maitim na propaganda na tiniis niya sa buong panahon ng kampanya.


Translated by: TweetNewscaster

Translating My Duterte Stories

578045_1715386652076363_6920218838596748525_n

By: TweetNewscaster

Bakit isinasalin ng may-akda ang maraming kuwento kay Duterte?

Bago ko sagutin ang tanong na iyan, bigyan ko naman kayo ng ideya tungkol sa aking pagsasalin.

Isinaalang-alang ko kung paano maiintindihan ng sinumang babasa nito ang kuwento ng malasakit niya.

Kaya mapapansin mo na meron akong mga tinanggal na parirala (phrases).

Hindi ko kasi isinalin iyon dahil hindi naman iyon mahalaga.

Ginamit ko ang aking kaunting nalalaman sa wikang Bisaya para maisalin ang mga pahayag sa naturang wika sa wikang Tagalog.

Kung medyo mali ang aking pagkakasalin mula sa wikang Bisaya, pakisabi sa akin.

Ibabahagi ko ang aking kuwento para malaman ninyo kung bakit isinasalin ng may-akda ang mga kuwento ng malasakit ni Duterte.


Narito ang aking sariling “kuwento” kung bakit ako pumanig sa kanya.

Kilala ko si Mayor Duterte noong 2013. Ang unang pagkakilala ko sa kanya, siya ay mamamatay-tao, bastos sa mga babae, komunista, at walang galang sa kapwa. Lahat ng mga ito ay nababasa ko sa Facebook. Akalain mo iyon, hindi pa nga siya tumatakbo noon, binabatikos na siya dahil dito? Kaya ayaw ko sa kanya.

Habang tinitingnan ko ang mga komento sa naging mga pagbatikos kay Duterte, napansin ko dati na talagang masigasig ang pagtatanggol ng mga netizens, lalo na ng mga Dabawenyo, sa kanya. Sa halip na matakot ako sa kanilang mga “pagbabanta”, humanga ako sa kanilang tapang. Bakit kaya ganitong katindi kung ipagtanggol siya ng mga taong ito?

Naisip ko kasi na kahit na anong gawin ng isang pulitiko, hindi iyon papansinin at pahahalagahan ng mga taong pinagsisilbihan niya. Kaya may mga epal.

Unang Quarter ng 2015. Usap-usapan noon si Mayor Duterte sa Filipino Vines at sa Gandang Gabi Vice. Kahit na hindi ko siya gusto noong una, hindi ako nagdalawang-isip na panoorin ang mga ito. At nagulat ako sa aking napanood.

Inaasahan ko na siya pa rin ang tao na nakilala ko na barumbado at walanghiya. Inaasahan ko na papatay siya nang basta-basta, pero nabigo ako sa aking inaasahan. Bakit kaya sa dinami-dami ng mga bintang sa kanya, nakikita ko na siya ay isang mahinahong tao, na kaya niyang makisama sa iba?

April 2015. Kahit na naging guest speaker pa si Duterte sa isang paaralan sa aming bayan, hindi pa rin ako kumbinsido sa kanya.

August/September 2015. Unti-unti na akong nagdesisyon na si Duterte na ang aking Pangulo nang marinig ko sa aking guro at aking mga kaklase ang sari-sari nilang kuwento na nabibiktima sila habang nasa Maynila.

Nabasa ko naman ang balita na nabiktima si LJ Reyes ng bukas-kotse gang.

“Hanggang ngayon ay natutula pa rin daw si LJ kapag naiisip na naging biktima siya ng basag kotse gang. Wala na raw bang safe na lugar sa ating bansa?”

Ang naturang pahayag ang nagkumbinsi sa akin na kung walang kamay na bakal na lider, walang mangyayari sa ating bayan. Ito na ang pinaghahawakan ko sa tuwing maiisip ko na gusto ko na siyang bitawan.

Magmula noon, sinubaybayan ko siya.

October 2015. Tulad ng iba, inasahan ko rin na maghahain siya ng kanyang kandidatura, pero hindi iyon nangyari. Pero nakinig pa rin ako sa mga nagkokomento sa naturang balita, at doon ko nalaman na puwede pala ang substitution. Natutuwa pa rin ako na nagawa na niyang tumakbo bilang Pangulo sa pamamagitan ng substitution. At hindi naging maganda ang mga nangyayari sa kanyang unang talumpati noong Nobyembre 30.


Nang pumutok ang isyu ng pagmumura niya diumano sa Santo Papa, bumaha ng sari-saring kuwento ng kabayanihan, katapangan, at malasakit ni Mayor Duterte.

Kaya lang, ang mga ito ay nakasulat sa wikang Ingles.

Kaya naman, naitanong ko sa aking sarili, “Paano kaya ito maiintindihan ng mga karaniwang tao?”

Paano nga naman ito maiintindihan ng mga tao na ang alam lang ay wikang Tagalog?

Dito na nagsimula ang aking hangarin na isalin ang maraming kuwento sa naturang wika.

Gusto kong isalin ito sa wikang maiintindihan nila.

Dahil gusto kong ipaintindi sa kanila ang naiibang balita tungkol kay Duterte.

Hiniling ko pa nga sa inyo na isalin ito sa iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Sabagay, isa lang ang misyon ng site na ito: Ang maghatid ng naiibang balita, lalo na sa Alkalde ng Davao.


Gaya ng sinabi ko noong una, ibabalik ko na ang pangalan ng site na ito sa Facebook page.

Simula sa Mayo 10, babalik ito sa dating pangalan na “TweetNewscaster”.

Pero, patuloy pa ring maghahatid ng naiibang balita ang may-akda.

Tuloy pa rin ang paghahatid ng naiibang kuwento kay Duterte.

Sana ganito din ang gawin natin kahit na matapos ang araw ng halalan.

Bukas na Liham sa DDS

156210_1696110590601924_213503081522196180_n

MGA KAPANALIG NA DDS:

Malapit nang matapos ang kampanya natin para kay Rodrigo Duterte.

Sa araw na ito ay ipakita natin ang lakas ng ating pagkakaisa: Sa araw na ito, sa araw ng botohan, at hanggang matapos ang kanyang termino.

Maraming salamat sa lahat ng pagsisikap na inyong ginagawa upang kumbinsihin ang iba na sumama sa ating laban.

Ito lang ang sasabihin ko:

May kaunti pa tayong oras na natitira. Ilaan natin para ibahagi ang mga kuwento tungkol sa ating pambato sa ating mga kaibigan, kapatid, kapamilya, kamag-anak at iba pa.

Kumbinsihin pa natin sila.

Kahit na naaamoy natin ang ating panalo, hindi pa rin tayo dapat maging kampante.

Bantayan natin ang halalan.

PAKILUSIN ANG ATING MGA KAPANALIG NA BUMOTO SA ARAW NG HALALAN.

KILOS NA.


Malinaw na sa simula ng paganyaya natin na tumakbo siya bilang Pangulo, iba’t ibang pagsubok ang hinarap nating mga kapanalig at ni Duterte.

Sa samu’t saring isyu tulad ng mura ni Duterte sa Santo Papa, sa isyu ng rape joke, diumano’y pagputol niya ng relasyon sa ibang bansa, at nitong huli ang Anti-Duterte ad ni Trillanes, dito nasusubok kung sino ba talaga ang nanghahawakan sa kanya hanggang sa huli.

Dahil dito, napupukaw ang pagkamausisa ng mga tao tungkol sa kanyang mga nagawa bilang alkalde sa loob ng maraming taon.

Sa hindi paghahain agad ng kandidatura, dito nasusubok kung sino ba talaga ang responsable sa kanilang sarili. Yaong mga tao na gustong iboto siya pero hindi nakapagrehistro noon ay nawalan na ng pagkakataon na gawing totoo ang pagsuporta sa ating pambato. (Gayunman, sila ay atin pa ring kapanalig sa labang ito.)

Sa pagbabahagi ng mga kuwento ng tapang at malasakit niya, nakikita natin ang kanyang naiibang mukha.

Sa pagboto natin sa kanya, maipapadama natin na totoo ang ating hangarin na magkaroon ng pagbabago sa sarili at sa bayan.

 

Duterte Serye: Homeless People

By: Jo Barredo

Sana bigyan-kasagutan ng artikulong ito ang isyu ng diumano’y mga taong kontraktuwal ni Mayor Duterte at ng Lungsod ng Davao.


…Inaangkin ng mga naninira kay Duterte na inutos niya ang pagpatay sa lahat ng mga taong walang matirhan sa Lungsod ng Davao, kaya hindi mo makikita ang mga palaboy kahit saan. Sasabihin ng ilan na pinapatay pa mismo ng Alkalde ang mga batang palaboy.

Nakikita ko na nakakatawa ang mga bintang na iyan dahil una, meron pa ring mga palaboy sa lungsod. At ikalawa, merong makatuwirang dahilan kung bakit kakaunti lang sila. Sasagutin ng kuwentong ito kung bakit.

Mahigit isang taon na ang nakalipas nang ako at ang aking mga pinsan ay naghihintay ng iba pa naming kamag-anak sa Rizal Park, Lungsod ng Davao. Pupunta sana kami sa SM Ecoland para sa hapunan ng buong angkan namin. Iyon ay alas-4 na ng hapon at nakaupo kami sa entablado ng Rizal Park, pinapanood ang mga bata na naglalaro at para pakainin din ang mga kalapati na naninirahan mismo sa parke.

Pinapakinis din ng isa sa aking mga tiyo ang kanyang sapatos ilang metro lang mula sa lugar kung saan kami umupo.

Ang buong lugar ay kanlungan para sa mga taong ang kanilang trabaho ay masahista, tagalinis ng sapatos, nagmamanicure/pedicure, manghuhula, at iba pa. Pinapayagan naman sila ni Mayor Duterte na manatili at gamitin ang bahagi ng Osmeña Park at Rizal Park para magkaroon sila ng disenteng kita.

Saka ko napansin ang grupo ng mga tao na dumaan sa aming kinauupuan. Hindi ko intensiyon na pakinggan sila, pero narinig ko kung ano ang sinasabi nila.

“Bay, nakasama ka ba sa mga nabigyan ng kontrata kanina?”

“Oo, ibinigay pa sa amin ang lugaw. Anim na buwan daw. Kung maayos ang trabaho, irerenew agad ni Mayor,” ang tugon naman ng isa.

Nagtaka ako sa napag-usapan nila, kaya tinanong ko ang aking tiyo na isang opisyal ng barangay sa aming bayan. Ipinaliwanag niya na isa sa mga proyekto ng lungsod ay bigyan ng trabaho ang mga talagang nangangailangan nito, lalo na sa mga walang bahay. Pinagtatrabaho sila sa halip na bigyan ng araw-araw na rasyon para alam nila kung paano susuportahan ang kanilang mga sarili.

Saka ko tinanong kung posible bang maging permanente ang kanilang trabaho sa halip na i-renew ang kontrata kada anim na buwan. Simple lang ang sagot ng aking tiyo, pero masakit para sa akin nang maintindihan ko kung bakit.

“Ginagawa ni Mayor Duterte at ng LGU ng Lungsod ng Davao ang lahat ng kanilang makakaya. Ang mga manggagawa na kontraktuwal sa Lungsod ay hindi mabibigyan ng permanenteng trabaho kasi kailangan itong aprubahan ng pambansang pamahalaan para ma-item nang permanente sa gobyerno.”

“Hinihingi din ng maraming permanenteng posisyon ang eligibility sa civil service. Ito ang nagpapahirap sa kanila na makakuha ng permanenteng trabaho lalo na ang mga hindi nakapagtapos ng elementarya at namumuhay sa kalsada. At ang mga hindi sinuwerte ay yaong mga tao na pinakaprayoridad sa mga ganitong kontraktuwal na trabaho.”


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Trip to Korea

By: Joy Barredo and Inday Sara Duterte

Ang paglalakbay na ito ay hindi ibinalita sa media, lokal man o pambansa. Nalaman lang ng ng mga Dabawenyo ang paglalakbay na ito sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa,” kung kailan bumalik si Mayor Duterte. Ang dahilan ng kanyang paglalakbay ang nagbigay-kasabikan sa lahat. Nag-inspeksiyon si Mayor Duterte ng isang halimbawa ng train compartment na gagamitin sa pinaplanong LRT ng Lungsod ng Davao (ibabang larawan).

Ito ay isang malaking balita sa lahat. Ibig kong sabihin, sa wakas ay magkakaroon na ang Lungsod ng Davao ng sarili nitong tren. At mukhang napaka-cool ng tren (kahit paano sa aking panlasa). Pero ang higit na espesyal sa pahayag niya ay nang ibinigay ang kaunting impormasyon: Hindi ginamit ni Mayor Duterte ang pera ng lungsod para tustusan ang kanyang paglalakbay. Ginastos niya ang sarili niyang pera.

Nagsaliksik ako matapos ang programang iyon at nalaman ko na hindi gumastos ang lungsod ni isang kusing sa tuwing maglalakbay si Mayor Duterte. Kahit na ito ay opisyal na paglalakbay para sa lungsod, ginamit niya ang kanyang sariling pera, na idineklara ito bilang non-official trip. Sa pagkakaalam ko, ang mga opisyal na paglalakbay ay sagutin na ng lungsod. Pero hindi, ayaw ito ni Mayor Duterte.

Ito rin ang dahilan kung bakit pinapalampas niya ang ilang paglalakbay niya sa tuwing iimbitahan siya sa mga events sa labas ng bansa. Madalas niyang sinasabi, “Wala akong pera para maglakbay.”

Natatandaan ko pa ang isang insidente na gumastos ang grupo ng mga politiko ng milyones para lamang sa isang hapunan. At sa isang bansa kung saan ginagastos ng mga pulitiko ang pera ng bayan para tustusan maging ang kanilang bakasyon, ang pagkakaroon ng isang Mayor Duterte bilang lider ng Lungsod ng Davao ay isang malaking ginhawa.


Narito naman ang ulat mula sa isang fanpage ni Inday Sara:

Nasa South Korea ang Alkalde ng Lungsod ng Davao na si Rodrigo Duterte upang makipagpulong sa mga mamumuhunang Koreano na interesadong maglagak ng puhunan para ipatayo ang mass transportation system sa lungsod.

Pero ang naturang pagbisita ay hindi isang official business trip dahil gumastos ang alkalde ng lungsod ng sariling pera para sa kanyang sariling paglalakbay…

Nakipagkita si Duterte sa mga opisyal ng Korean Engineering Corporation (KEC) na magsasagawa ng feasibility study sa light rail transit (LRT) ng Lungsod ng Davao. Ang feasibility study ay isasagawa hanggang Marso 2015.

Sinabi ng kompanyang Koreano na ikokonsidera nila ang 2013-2020 Zoning Ordinance ng lungsod sa kanilang pagsasagawa ng feasibility study.

Mainit na sinalubong ng mga Koreano si Duterte na nakipagkita din sa iba pang Koreanong mamumuhunan na gustong magnegosyo sa Lungsod ng Davao tulad ng Hanshin PBS at Sindonga General Construction. Dumating siya sa South Korea noong Oktubre 27.

Dalawang ruta ng LRT ang tinukoy ng KEC, lalo na sa ruta mula sa Davao Golf and Country Club sa Toril hanggang sa Francisco Bangoy International Airport.

Ang dalawang ruta ay dadaan sa iba’t ibang iminungkahing istasyon, na ang unang ruta ay may habang labintatlong kilometro at ang ikalawa ay labimpitong kilometro.

Ang buong proyekto ay tinatayang aabot sa ilang bilyong piso at sasailalim sa Build-Operate-Transfer scheme.

Basahin dito: http://bit.ly/1torNdk

Larawan: Subways and Urban Transport South Korea


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: NEDA o NADA?

By: Jo Barredo

Binabasa ko ang mga komento ng nakalipas na serye tungkol sa LRT ng Lungsod ng Davao at sinasabi ng iba na sila’y lilipat na sa Lungsod ng Davao. Palagay ko, dapat ninyong malaman na nagkaroon ng problema ang proyektong ito, at muli ay dahil sa pambansang pamahalaan.

Matapos ang inspeksiyon ni Mayor Duterte sa South Korea, nakahanap na din siya ng isang sponsor na tutustos sa unang tatlong taon ng proyekto. Bilang karagdagang serbisyo, gagawa din ang kompanya ng feasibility study nang walang-bayad. Pero pinaantala ang proyektong ito.

Kung titingnan ninyo ang link ng nakalipas na serye, Nobyembre 2014 ang petsa nang naipost ang larawang iyan. Sinulat ko pa ang seryeng ito nitong Nobyembre 1, 2015. Dapat sana sinimulang pag-aralan ang naturang proyekto noong Enero 2015 pero hindi ito natuloy.

Noong Abril ng 2015, naliwanagan ang mga tao sa Lungsod ng Davao [sa paliwanag ng Alkalde] tungkol sa naturang delay. Nahihirapan ang Koreanong investor na makakuha ng permit para isagawa ang feasibility study. Ayaw kasing aprubahan ng NEDA (National Economic Development Authority) ang feasibility study at [sa halip ay] pinapalibot nito ang investor sa buong NCR. Sinabi ng NEDA:

“Hindi pa kailangan ng Lungsod ng Davao ang LRT.”

Dito nagalit si Mayor Duterte. Totoo na sa ngayon, hindi na kailangan ng Lungsod ng Davao ang mass transportation system. Pero tinataya na sa taong 2020, kailangan na ng lungsod ang LRT upang pagsilbihan ang lumalaking populasyon ng lungsod (dahil marami ang talagang nandarayuhan ngayon sa Lungsod ng Davao.) Sinabi ni Mayor Duterte:

“Alangan namang maghintay tayo kung kailangan nang ituloy ang proyekto.”

“Kailangan ng mga tatlong taon para matapos na ito.”

“Kung maghihintay pa tayo ng taong 2020, tatlong taong maghihirap ang mga tao sa matinding trapik.”

“Mas dadami pa ang tao sa panahong iyon, magmamadali tayo para maisakay sila.”

“Dapat itong NEDA, tawagin na lang NADA, kasi wala tayong makukuha sa kanila.”

Alam ni Mayor Duterte na kailangan ng Lungsod ng Davao na magkaroon ng mass transport system bago pa ang taong 2018. Alangan namang hintayin nating dumating ang problema bago tayo gumawa ng hakbang para dito. Mas mabuti na pigilan kaysa agapan ito.

Mabuti na lamang at ibinigay na ng NEDA ang pahintulot na isagawa ang feasibility study. Nagsimula ito noong isang buwan (o magsisimula sa buwang ito). Tinataya na matatapos ng investor ang proyektong ito sa Disyembre sa taong ito o sa Enero ng 2016. Saka pa sisimulan ang pagtatayo ng LRT ng Lungsod ng Davao sa Hunyo ng 2016. Sana hindi na makialam pa ang NADA.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Helmet

12651023_10153959067881522_3617994930307496569_n

By: Jo Barredo

Sikat ang kuwentong ito sa lahat ng iba pang mga serye, pero palagay ko dapat itong isama upang malaman ng mga hindi pa nakakalam ng kuwentong ito.

Alam ng marami na gusto ni Mayor Duterte ng mga motorsiklo. Madalas niyang ginagamit ang motorsiklo tuwing magpapatrolya sa Lungsod ng Davao. Pero siyempre, bilang isang makina, minsan nasisira din ang kanyang motorsiklo.

Merong insidente kung saan dinala ni Mayor Duterte ang kanyang pinakamamahal na sasakyan sa isa sa mga repair shops sa Lungsod ng davao. Sinabihan siya na aabot ng ilang araw bago pa man ito maipaayos, kaya nagdesisyon ang alkalde na gamitina ang kanyang taxi para magpatrol noong mga panahong iyon.

Noong gabi ng ikalawang araw ng pagkawalay niya sa kanyang sasakyan, nakatanggap si Mayor Duterte ng tawag na maari nang gamitin ang motorsiklo. Naniniwala ako na sabik na siyang sumakay ulit sa motorsiklo anupa’t dali-dali siyang tumungo sa shop. Sa kanyang pagmamadali, nakalimutan niya ang isang bagay, ang kanyang helmet.

Natanto niya na nagkamali siya nang sasakay siya sa motor. Mag-isa din siya noong mga panahong iyon. (Madalas hindi siya naglalakbay kasama ang isang aid o anumang body guards kapag magpapatrolya siya o may gagawin siya sa pribado niyang panahon tulad ng pagsakay sa motor.) Wala siyang nagawa kundi sumakay sa motor para maiuwi ito sa bahay.

Sa kasamaang palad ni Mayor Duterte, isang grupong pantrapiko ang nagpapatrolya sa mga kalye malapit sa shop. Utos ni Mayor Duterte na gawin ito lagi. Lahat ng lalabag ay dapat pagsabihan. At dahil sa utos na iyan, nahuli si Mayor Duterte nang walang suot na helmet.

Hindi pumalag si Mayor Duterte sa mga enforcers na umaresto sa kanya. Natiketan siya at bilang parusa, pinagmulta siya. Nakumpiska ang kanyang lisensya at pinauutos sa kanya na dumalo sa seminar ng batas pantrapiko.

Nang sumunod na araw, pumunta si Mayor Duterte sa tanggapan ng LTO sa Lungsod ng Davao at dumalo sa naturang seminar. Walang media na naroon at nagulat ang lahat nang malamang naaresto ang alkalde. Alam lang ng mga tao sa Lungsod ng Davao na nangyari ito dahil ang mga naroon na dumalo sa seminar kasama siya ay ipinagmalaki na nakasama nila doon ang Alkalde ng Lungsod ng Davao. Ito ang pinakasikat na usapan sa mga drayber.

Matapos ang ilang buwan, sa kanyang programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa,” tinanong si Mayor Duterte kung totoo ang insidenteng iyon. Ang sagot niya:

“Hindi ko suot ang helmet, kaya nadakip ako.”

“Kasalanan ko ito, at dapat lang na arestuhin ako. Mabubuti itong mga enforcers.”

Ibang-iba siya sa isa pang alkalde na kilala ko (na ngayon ay dating alkalde dahil na-dismiss siya ng Ombudsman noong isang buwan)  kung saan nasisante ang dalawang guwardiya dahil pinigil nila ang alkalde na pumasok sa gate ng isang eksklusibong subdibisyon nang walang pahintulot. Nakunan pa ito ng isang CCTV camera na lumilikha siya ng eksena at iginiit niya na siya ang alkalde ng pinakamayamang lungsod sa Pilipinas (pero ang totoo ay pangalawa sa pinakamayaman dahil mas malaki ang kita ng Quezon City ayon sa datos noong 2014).


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Times Beach

By: Joy Barredo

Palagay ko ito ay nangyari dalawa o tatlong taon na ang nakalipas. Kilala ang Times Beach sa Lungsod ng Davao kung saan maari kang uminom at mag-videoke habang naririnig ang mga alon sa dagat. Isang insidente ang nangyari diyan na maaring maging bahagi ng Duterte Serye na ito.

Isang gabi, may mga ulat na iwinawagayway ng isang lalaki ang isang pistol matapos maging lasing na lasing. Pinagbantaan niya na babarilin niya ang sinuman na lalapit at kakausap sa kanya.

Iniulat ang insidenteng ito sa DCPO (Davao City Police Office) sa 911 at agad ipinadala ang isang team sa lugar na iyon. Nang dumating ang pulis, nalaman na ang lalaking nagwawagayway ng baril ay isa rin palang police officer.

Sinubukan siyang pakalmahin ng kanyang mga kabaro pero mas lalo siyang nataranta. Dito na ipinaalam ang insidenteng iyon kay Mayor Duterte.

Labinlimang minuto matapos matanggap ang naturang ulat, dumating si Mayor Duterte sa lugar na iyon sakay ng kanyang motorsiklo. Bumaba siya at mapayapang naglakad upang lapitan ang lasing na officer.

Nang makita ng lasing na pulis na naglalakad ang alkalde papunta sa kanya, nagsimula na siyang maging kalmado. Ibinaba niya ang kanyang baril. At nang sa wakas ay nasa harapan na niya si Mayor, lumuhod siya at umiyak. Sabi ng ilan na niyakap pa niya ang hita ni Mayor. Saka sinabi ng lalaki: “Patawarin mo ako, Mayor. Iniwan ako ng asawa ko.”


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Why Change?

By: Jo Barredo

Gustong gamitin ng mga grupong nagtutulak para tumakbo si Mayor Duterte ang agaw-atensyon na katagang “Kalma lang, parating na ang pagbabago.” Pero bilang trivia, ito rin ang minsang ginamit noon laban kay Mayor Duterte sa isa sa mga halalan sa Lungsod ng Davao.

Palagay ko ito ay noong 2005 o 2006.* Nakalimutan ko ang eksaktong petsa. Nakakasabik ang lokal na halalan sa Lungsod ng Davao. Sa ikalawang pagkakataon, dalawang malaking pangalan ang tumakbo para labanan si Mayor Duterte. Sila ay sina Ben de Guzman (dating alkalde/bise-alkalde) at Boy Nograles (na “Noggie” ang tawag ng mga Dabawenyo).

Tulad ngayon, nagsimula nang kumalat ang propaganda laban kay Mayor Duterte. Ilan sa mga ito ay ang isyu tungkol sa DDS, at ang basura nang isyu ng overpricing.

Pero isang partikular na propaganda ang nakaagaw ng pansin sa mga Dabawenyo. Ang mga billboards sa lungsod ay napalitan ng mensahe ng “Pagbabagong kailangan natin, pagbabagong dapat nating gawin.” Ipinatalastas din ng mga local channels at istasyon ng radyo ang mensaheng ito. malinaw na maraming pera ang ginastos upang ihatid lang ang mensaheng ito.

Merong usap-usapan sa lungsod kung sino ang gumawa nito dahil walang pangalang nakakabit sa mensaheng iyon. Pero ang nangyari pagkatapos nito ay mas matindi para sa lahat ng sumusuporta kay Mayor Duterte.

Matapos ang dalawang linggo ng pag-ere ng “mensahe ng pagbabago”, dalawang billboard ang nakita. Isa ay nasa timog na bukana ng Downtown area, ang isa naman ay nasa hilaga. Naglalaman ang mga billboard ng mensahe, “Bakit kailangan pang magbago? Meron naman tayong magaling.” At muli, walang pangalan diyan pero naintindihan ng lahat kung ano ang ibig sabihin.

Pansinin na halos walang posters na makikita kay Mayor Duterte noong mga panahong iyon. At nang dumating ang araw ng halalan at inihayag ang mga nanalo, nanalo si Mayor Duterte sa pamamagitan ng landslide.


* Posible na ang tinutukoy niya ay ang 2007 elections.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Tourists in a Taxi

hqdefault

By: Jo Barredo

Bago kumalat ang balitang palihim na pagmamaneho ni Mayor Duterte ng taxi, isang kuwento ang nabanggit ng isang dayuhang turista maraming taon na ang nakalipas tungkol sa kanyang hindi-malilimutang pagsakay sa taxi sa Lungsod ng Davao.

Paalis na ang turista at ang kanyang kinakasama sa Lungsod ng Davao pagkatapos ng kanilang bakasyon. Itinakda nila ang flight sa gabi para kahit paano ay mawili sila sa katahimikan ng gabi sa Lungsod ng Davao sa huling pagkakataon.

Pinara nila ang isang taxi at ang isa na tumigil sa kanilang harapan ay minamaneho ng isang lalaki na nasa mga 50 taong gulang.

Nang magsimula ang biyahe, sinimulang tanungin ng taxi driver ang mga pasahero kung saan sila pupunta. Siyempre, sinabi ng magkasintahan na sila’y papunta sa paliparan. Saka magalang na tinanong ng drayber kung ano ang ginagawa nila sa Lungsod ng Davao.

Ikinuwento ng magsyota ang lahat ng kanilang naranasan nila sa lungsod at kung gaano sila kasaya sa buong panahon ng kanilang bakasyon.

Saka nagkomento ang turista na pinakagusto niya ang kaligtasan sa Lungsod ng Davao. Sinabi ng turista na ang kaligtasan ang nagbibigay-kawilihan sa kanilang mga aktibidad dahil hindi na nila kailangang mag-alala pa.

Maayos ang takbo ng biyahe at hindi napansin ng mga pasahero na nasa paliparan na sila. Nang magbabayad na sila, hindi na ito tinanggap ng drayber. Ang sinabi lang ng drayber, “Masaya ako at nasiyahan kayo sa pananatili sa Lungsod ng Davao.”

Nagtaka ang magkasintahan at iginiit ang bayad, pero mahigpit ang pagtanggi ng drayber na tanggapin ito. Sa wakas ay hindi nila ito itinuloy at nagpasalamat na lang sa drayber.

Matapos bumaba ang magkasintahan sa taxi, lumapit ang guwardiya ng paliparan sa kanila at sinabi, “Masuwerte kayo.”

Saka nagtanong sila, “Bakit?”

Tumugon ang guwardiya, “Ang drayber ng taxi na iyan ay Alkalde ng Lungsod ng Davao.”


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Overpass

By: Jo Barredo

Narinig ko ang kuwentong ito…sa isang local channel sa Lungsod ng Davao. Pero ibubuod ko ito para sa inyo.

Sa isa sa mga serye ng lingguhang talk show ni Mayor Duterte (na hindi pinalalampas ng aking pamilya) na “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa,” nakatanggap ng reklamo si Duterte tungkol sa mga vendors na nakaharang sa bangketa sa ilalim ng overpass malapit sa Davao Medical Center (na kasalukuyang Southern Philippines Medical Center).

Nanggaling ang reklamo mula sa isang pedestrian na sinabing nahihirapan ang mga tao na gustong maglakad sa lugar na iyon dahil nakaharang ang mga vendors sa halos buong [ilalim ng overpass], at naiiwan ang maliit na puwang para makadaan.

Sinabi rin ng nagrereklamo na hindi sila umaalis sa daanan kahit na pinakikiusapan sila ng mga pulis.

Saka sinabi ni Duterte sa programa:

“Sa mga in-charge sa lugar na iyan, magpapadala tayo ng isang malaking kaldero, yung ginagamit sa pagluluto ng lugaw para sa feeding program.”

“Pakuluan ninyo ang tubig, saka dalhin sa ibabaw ng overpass.”

“Saka bilangin sila ng sampu. Sabihin sa mga vendors na pinasugo ko [ang aking mga tauhan] na buhusan ang mga vendors ng tubig.”

Isang araw matapos ang naturang programa, isang news follow-up ang ginawa. Wala nang vendors na nakaharang sa bangketa at silang lahat ay sumusunod na sa 1/3 – 2/3 rule ng lungsod sa mga itinakdang lugar sa mga kalye. Sa kabutihang palad, hindi na ginamit ang malaking kaldero.

PS: Ang 1/3 – 2/3 rule ay ipinatupad upang okupahan ng mga nagtitinda ang 1/3 na daanan para maipagpatuloy nila ang kanilang negosyo habang binibigyan ng sapat na puwang para makadaan ang mga tao.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Menor de Edad

By: Jo Barredo

Nabanggit ko noon na hindi ko pinalalampas ang isang serye ng “Gikan sa Masa, Para Sa Masa,” ang lingguhang palabas sa telebisyon ni Mayor Duterte para sa mga tao sa Lungsod ng Davao. At dahil dito, napansin ko ang isang problema na gustong lutasin ni Mayor pero hindi niya ito magawa dahil sa Pambansang Pamahalaan. Ang problemang ito ay ang dumadaming mga batang nasasadlak sa krimen hindi lang sa naturang lungsod kundi pati na rin sa buong Pilipinas. Ito ay dahil sa Juvenile Justice Code of the Philippines.

Madalas sabihin ni Mayor Duterte:

“Tuwing maglilibot ako tuwing gabi, nakikita ko ang mga kabataan na nagsisimula ng gulo.”

“Sila’y pinagsasabihan ko at sila’y aalis, pero alam ko na pag aalis ako, babalik sila.”

“Ganoon din ang problema sa mga pulis, hindi nila magagalaw ang mga iyan kasi bawal, child abuse daw iyon. At minsan nasasaktan ang mga pulis dahil ang mga batang gumagawa ng krimen ay nagdadala ng mga sandata.”

“At iyan ay dahil sa batas na iyan na inakda ni Pangilinan, ginagawang kriminal ang mga kabataan.”

“Hindi natin sila madisiplina nang maayos. Maari natin silang ipadala sa DSWD, pero matapos lang ang ilang oras, nakakalabas sila. Malinaw na hindi pinag-isipan nang maayos ang batas na iyan.”

“Kung ako masusunod, ibababa ko sa labindalawa, kung hindi man sa labintatlo, ang edad na puwedeng ikulong ang isang tao. Kung magkasala ang bababa sa gulang na iyan, dapat malaman kung alam ba niya ang ginagawa niya o hindi pa.”

“Masyado nang matanda ang 18 taong gulang. Labintatlong gulang man ay nanggagahasa na rin ngayon.”

Sa tuwing naririnig ko na binabanggit ni Duterte ang mga linyang ito nang paulit-ulit kung may naiulat na menor de edad na nasangkot sa krimen, natanto ko na tama siya. Dapat makatulong ang batas na iyan para madisiplina ang mga tao. Hindi ito inakda para hindi parusahan ang mga menor de edad kahit na nakagawa na sila ng karumal-dumal na krimen. At ito ang pinakadahilan ko kung bakit hindi ko iboboto si Pangilinan.


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Samal Island

13091916_1009392535764664_3361382529849510744_n

By: Annabelle Claveria

Isang araw, noong 1991, ito ang araw na iniligtas kami ni Mayor Duterte mula sa mga matitinding alon ng Pulo ng Samal matapos hindi makabalik ang aming bangka papunta sa lungsod. Ang mapagmahal na Alkalde ay may pulong noong mga araw na iyon sa islang iyon… Walang naglakas-loob na maglayag pa dahil mapanganib.

13091916_1009392535764664_3361382529849510744_n

Habang tinatanaw namin ang malawak na dagat at nagdarasal na sana kami’y maligtas, nakita namin ang isang bangka mula sa malayo, papunta sa amin, at kumakaway ang isang tao sa amin para sumama sa kanila at magmadali. Napabuntung-hininga ako sa tuwa dahil hindi na mag-aalala pa ang aking mga magulang. Inalok niya sa amin ang napakagandang upuan kasama ang kanyang asawa.

Pabiro niyang tinanong kung sino kami. Buti na lang at sinabi ng aking kaibigan ang kanyang pangalan. Tumugon siya sa pabirong tono, “Akala ko, hindi ninyo ako kilala. Ihulog ko sana kayo sa bangka,” at sinabihan siya ng kanyang asawa na huwag takutin kami.

13051510_1009741532396431_283491353142542140_n

Nagpapangiti sa akin ang panonood ng kanyang mga panayam at debate. Ito pa rin ang Mayor na kilala ko. Mahigpit, tulad ng isang ama, pero mapagmahal at nagtatanggol sa amin. Masuwerte ako na nakilala ko ang isang taong tulad niya. Totoo, simple, at walang paligoy-ligoy. Siya ang Pangulo ng Pilipinas sa aking puso!


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Maria

13040865_1774611492766886_1797392788009098097_o

13040865_1774611492766886_1797392788009098097_o

By: Editha Zaragosa Caduaya

Si Maria, isang ina sa anim na anak, isang magandang batang ina, ay napilitang mangibang-bayan dahil sa kahirapan, tulad ng iba pang OFWs sa buong mundo ngayon.

Nangibang-bayan siya upang magtrabaho, pero umuwi nang bangkay. Ginahasa siya at brutal na pinatay sa Gitnang Silangan noong Setyembre 23, 1993. Naipabatid sa pamilya ang tatlong iba-ibang bersiyon ng kanyang kamatayan, pero itinago ng pamahalaan ang totoong dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ipinaalam lang ng Pasuguan ng Pilipinas sa pamilya ni Maria ang balita noong Oktubre 4 sa di-malamang dahilan.

Mula sa Hilagang Cotabato, humingi ng tulong ang pamilya sa Kalihim ng Kagawaran ng Paggawa, sa Kalihim ng Transportasyon, at maging sa iba’t ibang grupong pangkababaihan, kasama na ang militanteng Gabriela sa Maynila, para tulungan sila at kahit paano ay maisaayos ang paglipat ng kanyang kabaong mula sa isang pandaigdigang paliparan sa Maynila papuntang Lungsod ng Davao, pero bigo sila. Ang mas malala pa ay binitin sila.

Tinawagan ng pinakabatang kapatid ni Maria, na noon ay correspondent ng isang kilalang pambansang pahayagan, ang ilang grupong pangkababaihan sa Maynila para tumulong dahil wala ni isa sa pamilya ang nariyan para mag-asikaso ng paglipat sa kabaong. Sinisikap ng pamilya na makaipon ng pondo upang bayaran ang kabaong, at sinabihan sila na ang pamasahe mula Maynila papuntang Davao ay mahal.

Walang-tigil ang tawag mula Oktubre 4 hanggang Oktubre 20, pero INUTIL ang gobyerno at wala sa mga tinatawag na women’s groups…ang dumating upang saklolohan sila.

Noong Oktubre 19, eksaktong alas-dose ng madaling araw, binisita ng isang di-kilalang tao ang kapatid ni Maria sa kanyang bahay sa Davao, isang tao na nagpakilala bilang isang staff ni Mayor Rodrigo Duterte. Ipinaalam niya sa pamilya na ang paglipat ng kabaong at pagbabayad para dito ay nangyayari na, at hindi na kailangang mag-alala ang pamilya sa gagastusin nila dahil nagpadala si Duterte ng isang staff sa Maynila upang maasikaso ang paglipat at pagbabayad.

Sinabi ng staff sa pamilya, “Tama na ang iyak. Mamayang umaga, dadating na ang katawan dito sa Davao.”

Ilang segunod matapos sabihin niya ito sa kapatid ni Maria, may tumawag sa kanyang hand-held radio at sinabi ng staff sa kapatid nito, gusto ni Duterte na makausap siya.

Sa pagitan ng kanyang mga hikbi, kinausap niya si Duterte sa radyo. Narinig niya ang sabi ni Duterte, “Huwag ka nang mag-alala. Tutulungan ko ang iyong pamilya. Sabihin mo lang kapag kailangan mo pa ng tulong para madala ang kabaong sa iyong pamilya sa Hilagang Cotabato.”

Ang hindi alam ng pamilya, sinusubaybayan ni Duterte ang pagdating ng aircraft kinabukasan ng umaga.

Nang mabuksan ang kabaong sa loob ng punerarya sa F. Torres St. sa Davao, hindi makapaniwala ang mga miyembro ng pamilya. Natakot ang pinakabatang kapatid pero dinamayan siya ng isang tao at sinabihan, “Magpalakas ka. Magdasal. Naiinitindihan ko ang sakit [na nararamdaman mo].”

Hindi niya alam na humahagulgol siya sa mga bisig ni Duterte.

Sa loob ng kuwarto, dinamayan ni Duterte ang pamilya. Umiiyak siya kasama nila habang sumisigaw ang pamilya ng katarungan.

Nang tahimik na ang lahat, tumayo si Duterte at ang sinabi niya sa pamilya, “May problema tayo dito, walang kasunduang bilateral sa paggawa (bilateral labor agreement) ang Pilipinas sa maraming bansa, at KAHIT NA LALABAN TAYO NGAYON, MAGIGING MAHIRAP ANG LABANG ITO.”

Nagpunta pa si Duterte sa Hilagang Cotabato sakay ng kanyang motorsiklo isang araw bago inihatid si Maria sa huling hantungan.

Lumitaw na ngayon ang pamilya, dahil alam nila sa kanilang puso, SA LIKOD NG MASAMANG BIBIG NI DUTERTE, NAKATAGO ANG MALAMBOT NIYANG PUSO – HANDANG PROTEKTAHAN ANG SINUMAN LALO NA ANG MGA NANGANGAILANGAN AT MGA PAMILYA NG MGA MAHIHIRAP NA BIKTIMA NG PANGGAGAHASA.

ITO ANG AKING KUWENTO. Inabot ako ng dalawang araw upang isulat ang kuwentong ito, dahil hindi ko itinuloy ang pagsusulat – umiiyak habang inaalala ang trahedya  kung paanong brutal na pinaslang ang aking kapatid at kung paanong ang isang estranghero – RODRIGO DUTERTE – ay dumating upang saklolohan kami.

Masakit para sa akin na marinig ang mga tao na inaapi si Duterte gayong kailangan pa nilang subukan ang ganitong uri ng pamamalakad. Hindi nila talaga kilala si Duterte.

Ako si Editha Zaragosa Caduaya, pinakabatang kapatid ni Maria.

Ang babae sa kaliwang bahagi ng larawan.


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Branch Manager

By: Dan Taytay

Ilang taon na ang nakalipas, iniulat ng branch manager ng aking kliyente sa Davao na siya’y nadukot at ang 3M na dala-dala niya at dapat sana’y idedeliver niya sa isang supplier ay ninakaw sa kanya ng apat na nakakubli ang mukha at armadong kalalakihan sa SM Davao. Siya diumano ay pinalaya 36 oras ang lumipas sa di-mataong kalsada at ang kanyang service car ay natagpuan na abandonado sa isang gas station sa naturang highway ilang kilometro lang ang layo. Mukhang may hindi tama sa kanyang kuwento kaya ipinadala ako ng aking kliyente sa Davao upang ipaimbestiga sa pulisya ang insidente.

Nagpunta ako sa pulisya ng Lungsod ng Davao at isinalaysay ko ang kuwento ng aming branch manager. Hindi maitago ng mga pulis ang kanilang tawanan. Nang tanungin ko sila kung ano ang nakakatawa, sinabi nila na ang apat na taong iyon na dudukutin ang sinuman sa SM Davao ay hindi makakalabas sa lungsod nang hindi nakikita ng mga awtoridad. Pero nangako sila na iimbestigahan iyon.

Dahil ako’y isang Manilenyong abogado, iniabot ko ang pera sa pulisya bilang pampadulas. Alam kong hindi sila kikilos kung walang pera. Tinanggihan ng mga pulis ang pera at mukhang totoong nainsulto sila. Sinabi po nila sa akin, “IBA PO ANG DAVAO SA MAYNILA.” Ito na ang unang pagkakataon para sa akin na totoong tinatanggihan ng mga pulis ang naturang pampadulas.

Umuwi ako na inaasahang walang anumang mangyayari. Nasiyahan at nagulat ako nang isang linggo ang lumipas nang tawagan ako ng isang pulis at sinabing nalutas na nila ang kaso. Nakakita sila ng mga saksi sa gas station kung saan inabandona ang kotse. Sinabi nila na ang branch manager ang nang-iwan diyan ng sasakyan, at hindi ang apat na armadong kalalakihan. Natuklasan din ng mga pulis na ang aming branch manager ay nakailang beses nang bumili (unauthorized purchases), kasama na ang pick-up truck na kanyang sinusubukang itago sa bahay ng kanyang kamag-anak. Ito ay isang kaso ng “hold-up me”. Talagang alam ng mga pulis kung paano mag-imbestiga. Hindi sila barumbado na ang alam lang ay takutin at patayin ang mga suspek.

Kaya naghain na ako ng kaso sa piskalya ng Davao at dahil ako’y isang Manilenyong abogado, nagbigay ako ng “pampadulas” sa piskal upang masiguro na hindi maibabasura ang aking kaso. Pinagsabihan ako ng piskalya dahil sinubukan kong suhulan siya. Muli, sinabihan ako, “IBA ANG DAVAO SA MAYNILA.” Sa loob lang ng ilang linggo, nalutas ang aking kaso at ang branch manager ng aking kliyente ay sinampahan na ng kaso sa korte.

Ang pulis at mga piskal ay HINDI nasa ilalim ng tanggapan ng alkalde pero ang political will ni Mayor Duterte ay may epekto sa maraming lingkod-bayan sa Davao. Ang aking paglalakbay sa Davao ay ang una kong pagkakataong makakita ng “No Lunch Break” sa mga tanggapan ng gobyerno!

Si Duterte ay parang si Bugs Bunny sa Space Jam, nagbibigay ng tubig sa kanyang mga ka-team mates, sinasabing ito ang sikretong bagay ni Michael Jordan at agad-agad sila’y naging mas mabuting manlalaro.

Ito ang dahilan kung bakit ko iboboto si Duterte. Una, siya ay may POLITICAL WILL. Wala ni isang presidente mula kay Marcos ang may political will. Ikalawa, siya ay may karisma at umaasa ako na ang kanyang sigasig sa paglilingkod sa bayan at ang kanyang pagmamalaki dito ay may epekto sa bawat lingkod-bayan at mamamayan upang palitan ang kawalang pag-asa na nararanasan ngayon ng ating mga kababayan sa ating bansa. Hindi kayang baguhin ni Duterte ang bansa nang mag-isa. Kailangan natin siyang tulungan. Pero siya lang ang kandidato na kayang magbigay ng inspirasyon o tatakutin tayo upang baguhin [ang ating bayan] sa ikabubuti.

Parating na nag pagbabago. Huwag labanan ito. Yakapin ito.

Iboto si DUTERTE PARA PANGULO.


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Interview

12512639_545333385636499_1864932322950814426_n

By: Erica Jean Palmera

12512639_545333385636499_1864932322950814426_nHindi naman “ganoong” kahirap na humingi ng isang tatlumpung minutong panayam sa kanya. Ipinadala namin angunang apat na kabanata sa tesis dalawang buwanpa ang nakalipas, na nangangahulugang kailangang tapusin ang tesis nang napakaaga sa aming klase. Ipinadala namin ang aming profiles para sa background check dahil alam namin kung gaano kahigpit ang seguridad doon. Una na kaming tinanggihan ng kanyang kalihim na sinabing hindi niya ito maipapadala dahil ang itinakdang petsa ay isang linggo bago mag-Pasko. Nakiusap kami na ipadala pa rin niya ito kay Mayor at hayaan siyang magdesisyon. Nakuha namin ang kanyang oo!

Naisingit kami sa pagitan ng isang pulong sa isang gobernador at ang kanyang pagdalo sa AFP/PNP Christmas Party, pero pinalugitan niya ang 30-minutong panayam sa isang oras, at ito ang aming natutunan sa ganoong karanasan:

  1. Siya ang unang alkaldeng Bisaya ng Lungsod ng Davao. Ang lungsod ay minsang pinamahalaan ng mga panginoong maylupa mula sa Luzon na walang interes sa kapakanan ng mga mamamayan.
  2. Halos kalahati sa kanyang mga apo ay mga Muslim. Hindi na kataka-taka kung bakit siya lamang sa mga tumatakbong pangulo ang nakakaintindi sa problema ng mga Moro.
  3. “Minsan, pinapasama nila ang pagtingin ng media sa akin.” Ayon kay Mayor, kinapanayaman siya ni Zabriskie, isang manunulat na nagsimulang tawagin siyang “The Punisher”, para sa isang artikulo sa Mindanao bilang isang magulong lupain. Nagulat (si Duterte) nang karamihan sa naturang artikulo ay patungkol sa kanya. Meron bang media ethics?
  4. Merong konsepto ng paghahati sa bangketa sa Lungsod ng Davao: 1/3 para sa mga vendors, 2/3 para sa mga naglalakad.
  5. Karamihan sa mga ordinansa na “dito lang sa Davao” na ipinatutupad ay buhat sa house rules ng kanyang ina.
  6. Smoking ban
  7. Firecracker ban
  8. Midnight curfew para sa mga nightclubs at bars (“Sabi ng nanay ko, mag-inom tayo pero matulog tayo nang maaga.”)😀
  9. Biro lang ang pagkakaroon niya ng mga “syota”. “Biro lang iyon. Hayaan mong magbiro ako kahit kaunti.” Nangyari ang lahat ng ito bago pa tumakbo bilang Pangulo.

May maidadagdag ako sa listahang ito upang ipakita sa inyo na siya’y katulad natin, o higit pa. Nang tanungin kung bakit siya naiiba sa lahat, hindi niya sinabing “walang rape, walang massacre, at iba pa” (tulad ng sinasabi ng kanyang mga panatiko) pero sinabi lang niya na “Sineseryoso ko ang aking panunumpa. Hindi ko ginagamit ang salitang “official”. Ako ay isa lamang kawani ng pamahalaan na ginagawa ang dapat gawin – protektahan ang interes ng lahat, panatilihin ang kaayusan.”

Ikaw? Gaano katotoo ang iyong pangulo?

Bonus: Ang kanyang paboritong artista ay si Demi Moore.🙂

P.S. Meron silang video clips upang suportahan ang mga nabanggit. Hingin kay Erica Jean Palmera kung gusto.


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Returned Wallets

13001264_10209099085665436_5954620540722504800_n

By: Naprey Almario

Ito ay dapat ibahagi at ito ang aking sagot sa pagsasabi ni Mr. Trillanes na hindi ligtas ang Davao.

Nawala ang wallet ng aking dalawang kaibigan at ngayon ay nai-post nila sa Facebook na naibalik ito sa kanila. Hindi ito bago sa Lungsod ng Davao. Madalas, ibinabalik talaga ng mga taxi drivers kung ano man ang maiwan sa taxi nila. Dito lamang sa Davao.

13001264_10209099085665436_5954620540722504800_n


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Barista

By: Maan Roldan Tiburcio

Hindi na mahalaga ang aking opinyon, pero gusto kong ibahagi ito. Hindi na talaga ako matahimik. Ipinanganak ako at lumaki sa Maynila. Nag-aral ako sa eksklusibong girls’ school sa Lungsod Quezon at saka nag-aral sa isang pamantasan sa Maynila sa kolehiyo. Nang mga panahong iyon, ako ay isa ring working student na magtatrabaho ng closing shifts sa isang food chain hanggang sa nagtrabaho ako bilang isang barista sa Makati, nang ako ay estudyante pa, isang intern. Ang aking araw ay parang rutang La Loma, Q.C.èP. Faura/TaftèBuendia/AyalaèEDSAèQuezon Avenue. Nang ako ay naging isang intern, dagdagan mo pa ang Mandaluyong, Caloocan, Montalban, kahit saan sa rutang iyon. Kung ikaw ay galing ng Maynila, alam mo kung ano ang nararamdaman mo habang namamasahe.

Minsan na akong nahold-up, ninakawan nang mga tatlong beses, at nadukutan nang mga anim na beses. Ito ay sa kabila ng pagiging mapagbantay at oo, pagiging alerto sa aking paligid. Nasubukan ko na ring maglakad sa bahay mula sa Taft Avenue dahil hindi gumagalaw ang traffic at kailangan kong umuwi nang nasa oras. Araw-araw, isiniksik ko ang aking sarili sa masikip nang LRT/MRT train na ikinataka ko kung lalaki ba ito kahit paano. Nakatayo ako sa mga bus na may cooking pans, mga parol, at mga buto at utak ng tao, na hindi namamalayan ng mga kasama ko sa bus. Huwag kang mag-alala, ang mga bagay na ito ay hindi na naghahalu-halo. Makakaintindi niyan ang isang OT intern.

Ang gantimpala o sumpa ng pag-aaral sa UP Manila, anuman ang iyong pagtingin diyan, ay madaling lapitan ang mga lugar para gumimik. Alam kong wala na sa bokabularyo ko ang “gimik,” ako’y 35 taong gulang na, huwag naman kayong manghusga.🙂 Minsan ginagabi ako hanggang madaling-araw at kahit na anong antok ko, kailangan kong siguraduhin na ako’y gising 110 porsiyento sa oras na nasa loob na ako ng taxi. Iyan ang itinuro sa akin ng mga dati kong karanasan sa pagsakay sa taxi.

…Nakita ko ang aking sarili sa Davao noong 2004. Sawa ako. Sawang-sawa na ako. Walang gumaganang SM, walang Ayala Malls, walang Starbucks! Para akong nalulunod sa pagkasawa sa kawalan. Pero namalagi ako dahil nakakaintrigang saksihan ito na magbagong-anyo bilang isang metropolis. Meron akong beach sampung minuto lang ang layo, at paanan ng bundok mga 45 minuto lang ang layo. Wala kaming stoplights at puwede kang literal na maglibot sa loob ng lungsod ng 15 minuto. Hindi pa rin ako sigurado kung makikibagay ako sa lungsod.

Nakita ko ang aking sarili na palaging “umuuwi” sa Maynila, na nabibighani ulit sa mga ilaw at tunog nito. Pero natanto ko na ako’y nagrereklamo sa tuwing gagawin ko iyan, at hindi na ako makapaghintay na bumalik ulit sa Davao. Ugali ko na ang makipag-away sa tuwing ako’y nasa Maynila. Nakikitawad ako sa taxi driver at nagmumura ako sa trapiko na kasimbagal ng suso kung umusad. Lahat ng lakas ko ay naubos na sa panahong nasa destinasyon ako. Mas malala akong bersiyon ng aking sarili kapag ako’y nasa Maynila. Kailangan kong maging ganoon, upang mabuhay.

Natatandaan ko na noong isang araw, ako at ang aking asawa ay namasyal sa Davao. Nakapunta na kami sa lahat ng mga mall sa Davao sa loob lang ng isang araw na may natitira pang lakas sa huling bahagi ng araw, sapat na para tapusin ang isang video game. Victoria Plaza-GMall-JS Gaisano-Chimes-SM Ecoland-NCCC Mall. Posible pa rin iyan noon, mukhang posible pa rin iyan ngayon pero kailangan mong limitahan iyon sa tatlong mall. Nag-commute din kami. Subukan mong gawin iyan sa Maynila.

Nabasa ko pa nga na pang-apat ang Davao sa crime index sa buong bansa. Tumingin ka sa aking ikalawang talata: sampung krimen na hindi ko isinumbong sa pulisya: robbery, snatching, at pickpocketing…. Kahit na ako ang biktima, hindi ko isinumbong iyan. Hindi ito iniulat ng mga mamamahayag. Kasi naramdaman ko na aksaya lang ito sa oras kasi hindi nila malulutas ang krimeng ito, at palaging may takot na baka sa huli ay magbayad sa isang officer para asikasuhin ang aking pangangailangan. Dito sa Davao, kinailangan ko nang dalawang beses ang pulis sa nakalipas na sampung taon, at sa parehong pagkakataon ay hindi ako nagdalawang-isip na tawagan ang 911. Sa parehong pagkakataon, dumating sila sa oras at sa parehong pagkakataon, naramdaman ko na ligtas ako. Tuwing maglalakad ako at makakita ng isang pulis na nakatayo sa sulok ng kalye, maglalakad pa rin ako nang may ngiti at hindi ako nahiyang mag-text habang ngumingit kasi pakiramdam ko ay ligtas ako. Ilagay mo ako sa Maynila, at ang una kong gagawin ay hawakan ang aking kalupi nang mahigpit, titingin sa baba, at maglalakad nang mabilis, kasi ramdam ko na hindi ako ligtas diyan. Hindi ko sinasabi na hindi sila magaling, sinasabi ko lang na hindi ako ligtas diyan.

2006 na nang nagdesisyon akong ilipat ang aking pamilya galing Maynila at dalhin dito sa Davao at masasabi ko na ito at mukhang ito pa rin ang isa sa mga pinakamabuting desisyon na ginawa ko para sa aking sarili, at sa aking mga anak. Si Duterte ang aking alkalde dahil ang kanyang anyo ng pamamalakad ay isang anyo na nagbibigay kaligtasan sa akin. Isa na nagtutulak sa akin na sumunod sa mga batas, ordinansa, at patakaran. Isa na magbibigay sa akin ng pakiramdam na ito ang uri ng lipunan kung saan dito ko gustong palakihin ang aking mga anak. Para sa akin, siya ang uri ng lider na laging makukuha ang aking respeto. Kung hindi ka pa handa sa naturang pamumunong iyan, sa lahat ng pagkakataon ay huwag mo siyang iboto. Masaya naming aangkinin ang alkalde para sa aming sarili….

Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Love Across the Oceans

By: Kristoffer Escleto

Ayaw niyang gamitin sa propaganda ang mga batang ito. Hindi ko nagustuhan ang paraan niya ng pagkakamit ng katarungan. Hindi ako sang-ayon sa mga grupong vigilante. Pero nagbago ang aking isip.

Ito ang aking kuwento. Hindi ako tubong Lungsod ng Davao. Ipinanganak ako sa Lungsod ng Cotabato, kung saan hindi maitatanggi na hindi normal ang kapayapaan at seguridad dito. Nang ako ay labinlimang taong gulang, lumipat ang aking buong pamilya sa Davao. Iniwan namin ang maraming luho, bagay, at mga tao kapalit ng mas mapayapang buhay.

Nang nagsisimula pa lang akong makibagay sa aking bagong tahanan, natanto ko ang mga pakinabang sa pagkakaroon ng mapayapang lungsod. Maari akong umuwi nang late sa bahay ng aking kaklase habang gumagawa ng mga proyekto nang hindi nag-aalala ang aking mga magulang. Maari kong gamitin ang aking cellphone kahit saan kung gusto ko. Sa totoo lamang, sa simula ay hindi ako sigurado kung totoo ang mga ito pero sa paglipas ng mga taon, napatunayan ko na totoo ang mga ito. Pagkatapos ng lahat ng ito, hindi pa rin ako nakumbinsi na makatuwiran ang kanyang paraan. Hindi kasi maikakatuwiran ng kanyang layunin ang mga paraang ginamit.

Tinutukso pa ako nang sinabi ko ang aking pag-aalala at hindi pagsang-ayon sa kanya sa isang pulong sa kolehiyo. Hindi ko maintindihan kung bakit ang aking mga kaibigan na tubong Davao ay napakasigasig sa pagtatanggol sa kanya.

Nakatapos ako at naging isang nars. Naglingkod ako sa Southern Philippines Medical Center (at tingnan mo, ito rin ang ipinagmamalaki ng Davao), ang pangunahing pagamutan ng pamahalaan sa lungsod. Doon ko nakilala ang naiibang pagkatao niya.

Naitalaga ako sa pediatric PhilHealth ward kung saan sinasalinan ng dugo ang isa sa mga batang pasyenteng may cancer. Masaya ang kanyang ina kasi ayon sa kanya, ibinigay ni Mayor sa kanila ang groceries at ilang pera, lahat sila na namamalagi sa Bahay ng Pag-asa. Pero nilinaw ko sa kanya na sila’y hindi taga-Davao, base sa nabasa ko sa kanilang chart. Sinabi niya na hindi ito mahalaga sa kanya, dahil hindi siya nagtatangi sa kung saan ka galing, at higit sa lahat, maingat niya itong ginagawa. Nagulat ako. Hindi ko maintindihan kung ano ang kanyang motibo. Ang mga taong ito ay hindi naman boboto sa kanya, ni hindi niya kailangang magpasikat kasi noong mga panahong iyon, maari siyang tumakbo nang paulit-ulit bilang Alkalde, at walang magiging karibal [sa pagtakbo].

Iba na ang pagtingin ko sa kanya. Hindi bilang isang kinatatakutang lider kundi isang taong may puso. Pero, sa isip ko, paano naman ang mga mahihirap na tao, mga biktima ng kahirapan na nalulong sa droga. Hindi pa rin sila dapat mamatay.

Pagkaraan ng ilang buwan, muli akong naitalaga sa ophthalmology clinic. Isang araw, sinamahan ng isang babae (na suot ang dilaw na polo na may sagisag ng lungsod sa kanyang kaliwang bulsa) ang lalaki na suot ang dilaw na damit. Nakita ko na mapula ang kaliwang mata ng batang lalaki. sinimulan ko siyang tanungin kung ano ang nangyari at ipinaliwanag niya na nasiko ang kanyang mata sa isang laro sa basketball.

Matapos ang paunang pagsusuri, handa na ang doktor na suriin siya, na nagbigay sa akin ng panahon para kausapin ang babaeng umalalay sa kanya. Tinanong ko sa ale kung saang ahensiya ng pamahalaan siya galing. Galing siya sa rehab center. Medyo nagulat ako. Nakatira ako sa lungsod sa loob ng mahigit isang dekada at hindi ko narinig ang naturang rehab center ng gobyerno. Pabiro ko siyang tinanong sa Bisaya, “Hindi ba sila basta-basta pinapatay…?” Ngumiti siya at sinabing binibigyan sila ng maraming pagkakataon.

Ipinakita niya sa akin ang ilang larawan ng center, at nagulat ako na ito talaga ay isang rehab facility. Sinabi niya na ito ay nasa Mintal. Ngayon, kung ikaw ay galing ng Davao, alam mo ba na ang distansya sa pagitan ng Mintal at SPMC ay kasinghaba ng distansya mula Makati hanggang Parañaque? Wala pa ring ideya? Napakalayo nito. Malaki ang aming lungsod. Natanto ko na dinala nila ang lalaking ito dahil lang sa munting insidenteng iyon. tinanong ko kung bakit hindi madalas alam ng kahit mga residente ng Davao ang rehab center na iyon. Sinabi ng ale na gusto ng Mayor na ganoon ang mangyayari.

Ilang araw matapos nito, nakatagpo ko naman ang isang ale na nakasuot ng dilaw, sa pagkakataong ito kasama niya ang ilang matatanda. Kabilang siya sa City Home For The Aged Center, na hindi ko rin alam. Nagsimula na akong magpalagay na ako lang ang hindi nakakaalam tungkol diyan kaya tinanong ko ang ibang tao. Mukhang hindi alam ng maraming tao ang tungkol sa mga naturang pasilidad ng gobyerno. Pero nalaman ko na gumagana nang maayos ang mga pasilidad na iyon. Siguro, iyon ay dahil walang pangalan ng mga pulitiko ang nakadikit sa mga proyektong iyon. Siguro, ang mga rehab center, day care center, home for the aged, at iba pa ay hindi napapansin dahil hindi ibinabalandra ng pamunuan ang bawat serbisyo nito.

Iba ang pagtingin ko sa kanya. Natanto ko na mas mabuting siya’y kinatatakutan at tinitingnan ng marami bilang magaspang at mayabang kaysa ipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng mga nagawa niya. Narinig at nakita ko ang maraming ebidensya na sapat para kumbinsihin ako. Ngayon, ako na ay isang masigasig na tagasuporta. Wala akong pakialam kung tawagin man akong Dutertard. Ito ang taong naglilingkod sa kanyang mamamayan, isang tao na mahal ang kanyang bayan. At nagtataka ang mga naninira sa kanya kung bakit matindi ang sigasig ng mga tagasuporta sa pagtatanggol sa kanya. Hindi lang siya ang aming Alkalde. Itinuturing ng mga mamamayan ng Davao si Duterte bilang kanilang ama, at huwag kang magbabato ng putik at isiping kaya mong takasan ang ginawa mo. Manalo o matalo, meron siyang tahanan, isang pamilya, isang lungsod na matindi ang pagmamahal sa kanya. At ngayong halalan na, alam niya na ang pagmamahal na iyon ay hanggang sa labas ng Lungsod ng Davao, kahit pa ang pagmamahal ay tawid-dagat. Ito ang aking kuwento.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Lumads at Christmas

12990960_1002156609874185_8537767490692206336_n

By: Sykes king john

12990960_1002156609874185_8537767490692206336_n

Kung sa ibang lugar sila ay inaayawan at nilalayuan sa pinakapaboritong araw ng mga Kristiyano, alam ng mga katutubo na sila ay may tahanan sa Lungsod ng Davao sa pamumuno ni Mayor Rodrigo Duterte.

“May utos si Mayor na pabantayan ang mga Lumad, para hindi sila saktan,” sabi ni Omilis Laraze, isang miyembro ng tribong Matigsalog.

Si Laraze, 50 taong gulang, ay residente ng Sitio Patag, Salumay, distrito ng Marilog. Ang dating kagawad ng barangay ay hinirang na pinuno ng iba’t ibang tribo na tinuring na tahanan ang Mintal gym ngayong Kapaskuhan.

12993442_1002156619874184_7168289621674856142_n

Ibinunyag niya na unang sumali siya sa grupo na dumayo sa Davao noong 2006 matapos lisanin ang Bukidnon.

“Napansin ko nga na nandito sila upang humingi ng pamasko at pagbalik ay meron na silang dalang bigas,” dagdag pa niya.

Sang-ayon dito si Pacita Tinampon.

Pakiramdam ni Marilog, 56 na taong gulang na residente ng Sumilop, na sila’y komportable sa lungsod.

“Kada hapon, binibigyan kami ng dalawang kilo ng bigas,” sabi niya.

Ipinagmalaki ni Tinampon, na kasapi ng tribong Manobo, na kada tao ay nabibigya din ng dalawang piraso ng de lata at tatlong pakete ng noodles.

13055323_1002156646540848_224371076266655195_n

Pagdating sa gym, bawat isa ay binibigyan ng meal tickets para makakuha ng rasyon ng pagkain para sa buong panahon ng kanilang pananatili doon.

“Alam namin na hindi kami magugutom,” sabi pa niya sa wikang Cebuano.

Sinabi ni Laraze na meron pang sapat na pagkain para ibahagi sa kanilang pamilya sa kanilang pag-uwi sa Disyembre 26.

Sinabi ni Eilin Macla, 50 taong gulang at isang Matigsalog tulad ni Laraze, na dinadala ng karamihan sa mga dumayo dito ang kanilang pamilya, pati na ang mga maliliit na bata.

“Nabibigyan kami ng atensyong medikal ng mga health workers na laging nagbabantay sa amin,” dagdag niya.

Sinabi ng tatlo na ang Mintal, na labinlimang kilometro ang layo sa kabayanan, ay ang kanilang paboritong tahanan sa kanilang paglalakbay sa lungsod tuwing Pasko. Kinilala nila si Barangay Capt. Ramon Bargamento II sa pagbibigay ng espesyal na atensyon sa kanila.

Subalit tumanggi si Bargamento na tanggapin ang lahat ng papuri sa kanya, na sinabing tulad ng iba pang kapitan ng barangay na kumakanlong sa mga Lumad, sumusunod lang siya sa utos ni Duterte.

13015370_1002156659874180_5548178763809173219_n

Sinabi ni Bargamento, na nagsilbing deputy mayor bago maging kapitan ng barangay mula noong 2007, na nagbigay si Duterte ng mga detalyadong utos sa pag-alaga sa mga Lumad sa tuwing sila’y dadayo sa mga espesyal na araw.

Ibinunyag ni Laraze na ang mga dumayo ay hindi lamang galing sa Davao. Marami ang galing sa Bukidnon, Hilagang Cotabato, at iba pang malalayong mga lalawigan.

Napansin ni Bargamento ang pagdami nila nitong taon kaya kinailangang tanggihan ang marami pang dayo matapos sabihin ng mga health workers na umabot sila sa 3,800.

“Habang sila’y nandito, hindi lang namin sila pinakakain at inaasikaso ang kanilang kalusugan kundi sinusubukan namin na maging komportable sila hangga’t maari,” dagdag niya.

Upang gawin ito, sinabi ni Bargamento na maraming ahensiya ang kinuha kasama na ang health, social welfare, pulisya, fire,at environment.

Isang makeshift tent ang itinayo kung saan ang mga bata ay makakapaglaro, makikinig sa mga kuwento sa araw, at manood ng mga palabas sa video sa gabi.

Hawak ng ikatlong distrito ng Davao ang pinakamalaking populasyon ng mga Lumad kumpara sa naunang dalawang distrito.

Ipinaliwanag ni Rep. Isidro Ungab na silang lahat ay nagmula sa tribong Bagobo na nagluwal sa mga maliliit na tribo tulad ng Matigsalog, Tagabawa, Obu Manobo, Clata, at Aetas.

Siguradong hindi lahat sa kanila ang dadayo sa Davao tuwing Pasko. Pero sa mga dadayo, alam nilang may tahanang naghihintay sa kanila.

Malayo ito sa sosyal na bakasyon – iaabot ang kanilang mga palad sa mga di-kakilala, umaasa ng pusong mamon na magbibigay ng ilang piraso ng barya bago magkulay-berde ang ilaw ng trapiko sa intersection.

Kung masuwerte sila, merong pintuang bukas na magbibigay ng damit at pagkain nang may ngiti at matamis na salita.

Nang tanungin sa mga insulto at diskriminasyong naranasan nila sa iba na nag-iisip na sila’y nakakataas, tumugon si Laraze, “Hindi kami nag-aalala diyan.”

Para sa mga Lumad na dumadayo sa Lungsod ng Davao mula nang maupo si Mayor Duterte, alam nilang laging may silid para sa kanila.

Hindi na kataka-taka kung sabik sina Laraze, Tinampon, Macla, at iba pa nilang kapwa Lumad sa mangyayari kapag naging Pangulo si Duterte.

Hindi mahirap pagkatiwalaan ang isa na pinatunayan ang kanyang sarili.


Translated by: TweetNewscaster

Ayoko Nang Maging Supporter Ni Duterte!

13015335_10156816085965425_3238048094898789036_n

By: Russell Aguila

Ilang araw na lang, at maipapakita natin na talagang sinusuportahan natin siya sa pamamagitan ng pagboto sa kanya. Sa dami ng isyung ibinabato sa kanya, naiisip mo ba na minsan ay gusto mo nang sumuko? Kung oo, ang sanaysay na ito ang magbibigay sa iyo ng paninindigan na susuportahan natin siya hanggang sa dulo:


Ito yung pumasok sa isip ko kasi nga parang lulubog na ang bangka ni Mayor Digong noong pumasok ang “Rape Joke” Issue sa kanya.

Lahat ng media nakatutok sa kanya, lahat ng kalaban niya ay unti-unti nang naghuhukay ng libingan ng pangarap namin para kay Mayor Digong.

Kahit na anong pagtatangol mo, minsan aabot sa puntong susuko ka nalang.

Pero napaisip ako, sino ang susuportahan ko kung sakaling umalis ako sa poder ni Mayor?

Yung Presidentiable ba na maraming record ng kapalpakan?

Yung Presidentiable ba na maraming record ng corruption?

Yung Presidentiable ba na may puso ngunit sa mga bilyonaryong negosyante lang susunod?

Yung Presidentiable ba na okay na sana pero pumili pa ng ka-tandem na magnanakaw saka ayoko na rin siyang magtrabaho dahil may sakit na?

Wala akong ibang masuportahan dahil ikaw lang talaga ang may karapatan na maging susunod na Presidente!

Hindi ko alam, dahil lang ba sa maliit na issue na ito na ginagawang malaki ng mga media ay mawawala na ang lahat ng pinaghirapan namin?

Gusto kitang sisihin Mayor Duterte dahil sa pagsasalita mo ng ganoon! Dapat nag-iingat ka! Kaming mga supporters mo ang nahihirapan sa pagtatangol sa iyo!

Pero bakit ba pinagtatangol ka pa rin namin kahit ang tigas-tigas ng ulo mo, Daddy Digong?

Bakit kahit na halos buong mundo at lahat ng elitista ay kalaban namin ay hindi parin ako umaalis sa poder mo?

Ganoon na ba kita ka-idol kaya kahit sa girlfriend ko handa akong makipaghiwalay maipagtanggol ka lang?

Dahil ba sa rape joke na ito ay mawawalan na ng pagkakataon ang isang gustong maging Presidente na handang pumatay ng libo-libong rapist para lang protektahan kayong mga kababaihan?

Dahil ba sa rape joke na ito ay mawawalan na ng pagkakataon ang isang gustong maging Presidente na handang hulihin at banggain lahat ng drug lord at sindikato, kahit ang kapalit pa nito ay buhay niya?

Dahil na sa rape joke na ito ay mawawalan na ng pagkakataon ang isang gustong maging Presidente na tapusin ang kurapsyon sa gobyerno?

Mapapaiyak ka nalang minsan kapag inaalala mo na kinukutya ang sinusuportahan mo dahil sa isang video na pinutol para siraan ang isang taong may tunay na malasakit sa bayan.

Ngayon alam ko na kung bakit hindi naangat ang Pilipinas, dahil lahat ng utak natin ay kinokontrol ng media at ng mayayaman.

Ngayon talaga hindi na ako isang supporter ni Mayor Duterte, isa na akong anak niya na ipagtatangol ko parin manalo o matalo siya sa eleksyon.

Sana makarating sa iyo ito Mayor, wag nang matigas ang ulo, behave na tayo dahil nahihirapan kaming kontrolin ang mga taong sensitibo at nagmamalinis na gusto kang pabagsakin.

My Duterte Story: Jun Evasco

13012836_962373823878672_9163110751558680737_n

13012836_962373823878672_9163110751558680737_nBy: Pompee La Viña Duterte 2016

Marami pa rin ang hindi nakakaalam sa ugali at pagkatao ng kandidato at Alkalde ng Lungsod ng Davao na si Mayor Rodrigo Duterte. Sa likod ng kanyang matapang at matatag na persona na nakikita ng publiko ay isang taong may malasakit, tapat, at may prinsipyo.

Mukhang kilala ko na si Mayor Duterte bilang isang lingkod-bayan nang higit sa lahat, na naglingkod bilang chief of staff nang siya ay napili bilang vice mayor noong 1986 – tatlumpung taon na ang nakalipas. Idagdag mo pa ang isa o dalawang taon ng kanyang pagiging prosecutor na sinubukang ikulong ako noong panahon ng Martial Law dahil sumali ako sa sama-samang kilusan laban sa mga Marcos.

Nakita ko na itinataya niya ang kanyang sarili at tinatahak ang daang makipot sa buong panahon ng kanyang paglilingkod sa bayan. Sumusumpa ako sa Diyos – kung paanong sumumpa ako noong panahon ng aking pagpapari – na hindi niya sinamantala ang pagkakaroon ng posisyon upang payamanin ang sarili o ang kanyang pamilya. Bawat sentimo ng pera ng mga tao sa Lungsod ng Davao ay nagagamit nang maayos, at bawat yaman ay naipapamahagi at nagagamit nang tama.

Isang bagay na ayaw niya ay ang mga taong paulit-ulit na lumalabag sa batas at mga kriminal. Galit siya sa kanila.

Galit siya, lalo na sa mga tao na nagtatangi, nagsasamantala, at nananakit sa mga mahihinang sektor ng ating lipunan: mga Lumad, mga minorya, mga may kapansanan, mga taong iba ang piniling kasarian, at lalo na ang mga kababaihan.

Kahit madalas magsalita sa pagiging babaero niya, meron siyang malambot na puso sa mga babaeng sinasaktan, ginagahasa, at pinapatay. Ipapabilang ko pa sa iyo ang maraming kaso ng panggagahasa na personal niyang inasikaso nang may matinding sigasig.

Ang pagkakilala sa kanya bilang isang probinsyano, na walang-pakundangan at biglaan ang pag-uugali ay maaring makainsulto sa mga taong tinuruan kung paano dapat kumilos at magsalita ang ating mga pambansang lider. Maaring bastos, magaspang, at nakakadiri ang pagtingin sa kanya. Iyan ay dahil gusto ng mga coño na igiit ang kanilang makitid na patakaran sa ating lahat. Si Duterte ay hindi coño at siguradong kakaiba siya. Pero sa paningin ng Diyos, siya ay pinakatapat at pinakasimpleng lider na nakatrabaho ko.

Nagbibigay siya ng inspirasyon sa mga taong nakakilala sa kanya nang lubos.

Dahil diyan, hindi ko siya ipagpapalit sa kahit sino sa bansang ito. Hinihikayat ko ang mga sumusuporta at naniniwala sa kanya na kumapit pa sa kabila ng mga bagong pagsubok na hinaharap niya at hinaharap natin. Manalig tayo sa tao na napatunayang ilalagay niya ang kapakanan ng bayan bago ang sarili, kahit pa malagay sa alanganin ang kanyang buhay. Sa loob ng tatlong linggo, magdedesisyon tayo kung karapat-dapat bang suklian ang katapatan ni Mayor Duterte. Hinihikayat ko kayo na suportahan siya, iboto siya, at bantayan ang mga boto. Ang boto para sa kanya ay boto para sa kinabukasan at sa kinabukasan ng inyong mga anak at ng ating susunod na henerasyon.

(Sa larawan makikita si Mayor Jun Evasco na ipinakita ang kanyang buhay bilang bilanggo sa ilalim ng Martial Law. Ang tagausig ng kaso laban sa kanya noon ay si Rody Duterte. Si Mayor Evasco ang campaign manager ni Duterte ngayong 2016.)


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Lansones

817804427_2_1000x700

817804427_2_1000x700By: Joy Barredo

Ang insidenteng ito ay isa sa mga paborito ko sa lahat ng narinig ko tungkol kay Duterte bilang alkalde ng Lungsod ng Davao.

Upang bigyan ko kayong lahat ng ideya tungkol sa insidenteng ito, ang mga ruta ng jeep sa Lungsod ng Davao ay lubhang naiiba sa ibang lungsod kung saan maari kang sumakay sa isa at halos nalibot mo na ang buong lugar. Sa Lungsod ng Davao, saklaw lamang ng partikular na ruta ang parte ng lungsod. Sa insidenteng ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa ruta mula sa Mintal papuntang Downtown. Ito ay umaabot sa 14.5 kilometro kung one way, 29 kilometro kung balikan.

Merong pasahero sa loob ng jeep na bumabagtas sa rutang Mintal-Downtown na kumakain ng lansones. Habang umaandar ang jeep, itinatapon ng pasahero ang balat ng kanyang kinaing lansones sa labas ng sasakyan. Ginagawa niya ito mula sa Barangay Mintal hanggang sa Barangay Ulas. Ang distansya ay mga 9 na kilometro.

Saka hinarangan ang jeep ng isang lalaking naka-motorsiklo sa pangunahing intersection ng Barangay Ulas. Siya ay si Mayor Duterte. Tinanong niya ang mga pasahero kung sino ang kumain ng lansones at itinapon ang balat nito sa kalye. Dahil walang kumakain, nagkusa ang lalaking gumawa ng bagay na iyon na lumabas ng jeep at humingi ng tawad kay Mayor Duterte.

Ngayon, sigurado ako na maraming lungsod sa Pilipinas ang nagbabawal ng pagkakalat sa kalsada. Sa Lungsod ng Davao, mas sineseryoso namin ito. Ang parusa sa pasaherong iyon ay masasabing isa sa mga dahilan kung bakit.

Hinarap lang ni Mayor Duterte ang pasahero at sinabing, “Pulutin mo ang lahat ng balat na iyong tinapon.”

Walang pag-aalinlangang ginawa ng pasahero ang sinabi ni Mayor. At naglakad siya hanggang sa Barangay Mintal. Nilakad niya ang buong siyam na kilometro, habang sinusundan ni Mayor Duterte na naka-motorsiklo.


Translated by: TweetNewscaster

Plataporma ni Duterte

13139380_10156874661100425_990087200210159826_n

Text message from: DU30

Sa artikulong ito, ating ibubuod kung ano ba ang maaring asahan kapag nanalo si Duterte bilang Pangulo ng ating bansa.


Isa

Kailangan ng ating bayan si Duterte bilang instrumento ng totoo at makabuluhang pagbabago.

Ang kanyang pinakapangunahing plataporma ay umiikot sa: Kapanatagan, Kaayusan, at Kapayapaan sa ating Lipunan (Security, Order, and Peace).

Sa madaling salita, ito ay pagbawas sa krimen, katiwalian, at iligal na droga.


Tatlo

Sa badyet ng bayan, bukod sa pagpapanatili ng kapayaapaan, tatlo ang nais unahin ni Duterte, ayon sa kanyang sinabi sa isang forum sa UP Los Baños:

  1. Kalusugan
  2. Agrikultura
  3. Edukasyon

Lima

Sa mga programa at plataporma na nais ipatupad ni Duterte sa ating bayan, lima ang kanyang layunin:

  1. Kaligtasan at kapanatagan ng ating pamilya laban sa krimen at pag-aabuso sa droga.
  2. Magkaroon ng matalinong pagpili at oportunidad para sa mga sumusunod sa batas.
  3. Para sa pantay-pantay at matatag na pamumuhunan upang umunlad at lumago ang mga negosyo.
  4. Para sa aktibo at matatag na pagtugon sa mga emergencies at sakuna.
  5. Paunlarin ang imprastraktura, komunikasyon, at edukasyon.

Sampu

(Courtesy of PTV.)

Sa ilalim ng pamamahala ni Duterte, ihahain niya ang mga naturang adyenda:

  1. Ipagpatuloy at panatilihin ang kasalukuyang patakaran sa pambansang ekonomiya, kasama na ang mga patakarang piskal, pananalapi, at pangkalakalan.
  2. Magsagawa ng pagbabago sa pagbubuwis at paraan ng pangongolekta nito, na nakasandal ang mga buwis sa implasyon. Ang pagbabago sa pagbubuwis ay ihahain sa Kongreso sa Oktubre 2016.
  3. Palakasin ang kompetisyon at pabilisin ang pagnenegosyo. Ang ganitong programa ay ibabase sa mga lokal na lungsod na nagtagumpay sa pang-aakit sa mga negosyante (halimbawa, sa Davao), at paluwagin ang mga paghihigpit ng Saligang Batas sa pagmamay-ari ng mga dayuhan (sa mga korporasyon), maliban sa pagmamay-ari ng lupa, upang akitin ang pamumuhunan ng mga dayuhan.
  4. Pabilisin ang taunang paggastos sa imprastraktura hanggang limang porsiyento ng kabuuang produkto ng bansa (GDP), kung saan may mahalagang gampanin ang pagtutulungan ng pribadong sektor at gobyerno (Public-Private Partnerships).
  5. Itaguyod ang pagpapaunlad sa kanayunan, kasama ang agrikultura at turismo sa kanayunan.
  6. Seguruhin ang pagmamay-ari sa lupa upang makahikayat ng pamumuhunan, at tugunan ang mga sagabal sa pamamahala at pagpapatitulo ng lupa.
  7. Mamuhunan sa pagpapaunlad ng yamang-tao, lalo sa larangan ng kalusugan at edukasyon, at bigyan ng tamang kakayahan at kasanayan upang matugunan ang demand ng mga negosyo at pribadong sektor (sa kanilang kakayahan).
  8. Itaguyod ang agham, teknolohiya, at sining upang iangat ang pagkamalikhain na magdudulot ng kaunlaran para sa lahat.
  9. Palakasin ang programang nagpoprotekta sa lipunan, kasama ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan, upang maprotektahan ang mga mahihirap sa kawalan ng katatagan at krisis sa ekonomiya.
  10. Palakasin ang pagpapatupad ng RH Law upang magkaroon ng matalinong pagpili, lalo na ng mga mahihirap na mag-asawa, ng paraan ng pagpaplano ng pamilya.

My Duterte Story: Baha

13094321_1062280480511362_893986610961468911_n

By: Yzabels Yfc

Naranasan namin ang pagbaha noong 2011 (Kadayawan, Bankal, Lungsod ng Davao). Tingnan ninyo si MAYOR DUTERTE, maaga pa lang noong umaga ay dumating siya. May dala silang motorboat para makapagrescue ng ibang nasalanta. Wala siyang pakialam kung lumusong man siya sa baha. Hindi siya pabebe tulad ng iba.
13103422_1062280460511364_3579968239301002630_n13094321_1062280480511362_893986610961468911_n13062210_1062280690511341_634169275320509071_n13076539_1062280603844683_905427869670447871_n 13096243_1062280990511311_646967812583844961_n


Translated by: TweetNewscaster