Nadine Lustre vs. Kathryn Bernardo

Mali ang akala mo. Hindi natin dapat pag-awayin sina Nadine at Kathryn.

Marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit magkamukha sina Nadine at Kathryn:

BxAgEw3CYAAiwfa

Kung mapapansin kasi, talagang kamukha ni Nadine si Kathryn. Mahahalata din ito sa kanyang music video na Paligoy-ligoy sa pelikulang Diary ng Panget:


Kaya naman, ang tanong: Bakit sila magkamukha?

Isa lamang ang kasagutan:

Magkapatid si Nadine at Kathryn. Minsan kasi, magkakamukha ang magkakapatid. Di ba’t napapansin din natin na kung kinikilala natin ang isang tao at ang kanyang kapatid, minsan nakikita natin na sila’y magkakamukha? Halimbawa, sa isang “sex video”, napagkamalan si Andrea Brillantes na siya ang nasa video, samantalang ang nakatatandang kapatid niya ang talagang nandoon. Kung nagkaroon ng mistaken identity sa pagitan ni Andrea Brillantes at ng kapatid niya, puwede ding mangyari iyan sa magkapatid na Nadine at Kathryn.

Same case goes sa dalawang babaeng ito:

Bvimw-KCYAAuIMT

Talagang magkapatid sila. Pansinin: Di ba’t magkatugma naman ang pangalan nila? Ito: Nadine…Kathryn…

Bakit Kapatid?

Tanong: Bakit naman ninyo nasabi na magkapatid itong si Nadine at Kathryn?

Pansinin: Bakit nga ba pumirma ng kontrata si Nadine sa Kapamilya Network? Ang dahilan: Para ma-guide at maalagaan pa niya nang mas mahusay ang kanyang kapatid. Isa pa, hindi sapat ang kinikita ni Kathryn bilang artista para matulungan ang kanyang ina, kaya si Nadine na mismo ay nag-aartista din para matulungan ang kanyang kapatid at ang kanilang ina.

Like begets like. Ganoon din sa magkapatid na sina Nadine at Kathryn. Aalalayan ng magkapatid ang isa’t isa anuman ang mangyari. Kung hindi niya kapatid si Kathryn, bakit pa siya pumirma ng kontrata sa network kung saan naroon ang huli?

Sasabihin ninyo, “Sige, ipa-DNA Test natin ang dalawang iyan.” Pero anuman ang magiging kalalabasan ng DNA Test, hindi nito mababago ang katotohanan na magkapatid si Nadine at Kathryn. Unang-una, kuhang-kuha ni Nadine ang mata ni Kathryn. Ikalawa, kuhang-kuha niya rin ang ngiti nito. Ikatlo, pati hugis ng mukha, kuhang-kuha niya rin. At panghuli, kuhang-kuha din niya ang [porma ng] buhok nito.

Higit sa lahat, ano ang pinakamatinding ebidensya kung bakit magkapatid sila? Kuhang-kuha din niya ang boses ni Kathryn. Ayon pa sa isang artikulo:

Sinasabi rin ng marami na kamukha niya si Kathryn at magkasingtunog pa sila ng boses?
“Well, I can’t do anything about it. I guess, yung tipo ni Kath at yung sa akin, pansinin, e.”

Mismong ang ABS-CBN ang magpapatunay na magkamukha sila dahil sa sila’y magkapatid:

kathryn_nadine

Magkapatid sila dahil mayroon silang isang hilig: ang magpose nang sabay. Trip nila ito, at wala ka nang magagawa para pigilan ang kanilang hobby.

Sanay na silang gayahin ang isa’t isa. Sa tagal kasi ng pagsasama ni Nadine at Kathryn bago pa man nila tahakin ang kani-kanilang mga karera sa showbiz, nagagawa na nila ito sa isa’t isa. Di ba’t kapag matagal na nating nakasama ang isang tao, naiimpluwensiyahan ka sa kanyang pagkatao? Ganoon din sa kanilang dalawa.

Pagandahan pa nga sila sa kung sino ang may pinakamagandang pose sa kanilang dalawa. Sa katunayan, ang nakikita mong featured image sa artikulong ito ay isang magandang halimbawa.

Dahil matagal na silang magkapatid, darating ang puntong mayroon silang isang hilig, hindi ba? At ang iisang hilig nila ay ang pagpose nang sabay:

CB11TlIUgAAewAM B92cPsoCMAAjTY0

katnad

Minsan pa nga’y iisa ang pose nila, pati ang damit na kanilang sinusuot. Iisa din ang kanilang trip pagdating sa pagsusuot ng damit:

Screenshot_2014-04-22-22-00-49-1

At dahil nakuha din nila ang katangian ng isa’t isa, hindi maiiwasan na magkaroon sila ng bashers na pinupuna ang panggagaya sa isa’t isa. At mas lalong apektado dito si Nadine kung tutuusin, subalit hindi siya nagpapaapekto dito.


Work as Sisters

Bilang magkapatid, gustung-gusto ng dalawa na makatrabaho ang isa’t isa. Sa katunayan, open naman si Kathryn na makatrabaho si Nadine. Kahit na ituring niya na “rival” ang huli, hindi siya magdadalawang-isip na makasama siya sa isang project. Isang artikulo ang magpapatunay na sinabi ito mismo ni Kathryn: “Open ako kahit sino, hindi ako choosy.” Ganoon din ang pagnanais ni Nadine na makatrabaho ang kapatid niya. Ayon sa nasabing artikulo, sinabi pa ni Nadine, “hopefully, pwede kaming sisters.”

Nasabi nila ang mga bagay na ito dahil bibihira silang magkita, palibhasa’y masyado silang busy sa kani-kanilang career. Halimbawa, sa sobrang busy ni Nadine, wala na siyang time para panoorin ang pelikula ng kanyang kapatid na She’s Dating The Gangster.

Sa katunayan pa nga, nagkasama lamang ang magkapatid sa ASAP 20. (Ngayon lang sila nagkita, kaya sa simula, may ilangang magaganap sa pagitan ng dalawa. Sa tindi ng awkwardness, sinabi ni Nadine na hindi sila magka-text.) Gayunpaman, nagcongratulate pa nga si Nadine sa tagumpay ng kanyang kapatid sa pagganap ng huli sa Pangako Sa’Yo. Nagcongratulate naman si Kath kay Nadine sa pagsabak ng huli sa pelikulang Para Sa Hopeless Romantic.

asap-3jathdinedsweetbox

Naging magaan ang feeling ni Kath sa pagkikita nila ng kanyang kapatid. Sa katunayan, ayon sa isang artikulo, sinabi niya na “So, happy ako [kasi] finally nag-meet kami. And I’m looking forward na sana sa ASAP,sa mga guestings, makasama ko siya (Nadine) para mas makilala ko siya.”

And finally, nagkaroon sila ng chance na magkasama sila sa iisang project. Sa katunayan, nagkasama silang magkapatid, pati na sina James Reid, DJ, at ang Lizquen sa isang music video/Christmas Station ID ng ABS-CBN – “Thank You For The Love”:


Sisters Helping Each Other

At dahil magkakapatid, nagtutulungan sila sa isa’t isa. Nagtutulungan ang magkapatid: Tinutulungan ni Kathryn si Nadine na umarte. In return, tinutulungan naman ng huli ang una pagdating sa pag-awit at pagsayaw. Kung mapapansin kasi, nababaguhan sila sa field kung saan di pa sila sanay noon. For example, kakaacting lamang ni Nadine sa Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, at sa My App Boyfie. Kakagawa lamang ni Kathryn Bernardo ng kanyang pinakaunang album noong 2012 (kung saan kasama rito ang kanyang awiting “Mula Noon Hanggang Ngayon”).

Habang tumatagal, gumaganda ang career ni Nadine Lustre dahil bukod sa pagsabak sa mature roles sa TBYD at sa PSHR, mapangahas niyang ginampanan ang paghalik sa labi ng kaloveteam na si James Reid, tulad ng nangyari sa Talk Back and You’re Dead:BvkI36ECEAAL3_F

Samantala, napako na si Kathryn sa pa-tweetums roles dahil naiilang siya sa paghalik kay DJ at sa pagsusuot ng shorts sa teleseryeng Pangako Sa’Yo.

687474703a2f2f64697374696c6c657279696d616765302e73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f63363461373732633665343431316532396363323232303030613966333863635f362e6a7067

Alam ni Nadine na kapag hindi nagmature ang career ng kanyang kapatid, mawawalan ng ningning ang career ng huli. Kaya, tinutulungan din niya ang kanyang kapatid kung paano harapin ang mga challenging roles. Hindi na nakapagtataka ang pagtulong niya kay Kath dahil kakasabak lamang ni Kathryn sa mature niyang role sa Pangako Sa’Yo:

CHJ1HUCWMAALRjM

Dahil kailangang sumabak sa mature roles at the same time being conservative, to the rescue si Nadine sa kanyang kapatid. Nagsuggest kasi si Nadine na ibahin ang anggulo sa first kiss ng kanyang kapatid kay DJ. Tinuruan niya si Kathryn kung paano gagampanan ang paghalik sa kapareha ng una nang hindi direktang nakikipaghalik sa binata. Hindi na rin ito kataka-taka dahil kakasalang din ni Kath sa una niyang kissing scene sa Pangako Sa’yo:

CNLdzndVAAA0YQL

Sa totoo lang, natatakot si Nadine na gumanap sa isang horror film. To the rescue naman ang kanyang kapatid. Obtaining an experience sa kanyang horror movie na Pagpag, tinuruan ni Kathryn si Nadine kung paano umakting pagdating sa horror films. Kung mapapansin kasi, kakaakting lang ni Nadine Lustre sa Chain Mail.

Nagtutulungan din sila sa pamamagitan ng pagco-cosplay sa isa’t isa, at iyan ay tatalakayin natin sa huling bahagi ng artikulong ito.

Samantala, alam natin na sa magkakapatid, hindi talaga maiiwasan na mag-away ang isa’t isa. At hindi exempted sa rule na iyan ang dalawang dilag. Tatawagin natin iyan bilang “sibling rivalry” sa natitirang bahagi ng artikulong ito.

Sibling Rivalry

Tanong: Paanong nagkaroon ng “sibling rivalry” sa pagitan ng magkapatid na Nadine at Kathryn? 

Nang maipalabas ang Diary ng Panget, kung saan kasama si Nadine, hindi nagpahuli si Kathryn, at sumama pa siya sa pelikulang She’s Dating the Gangster. Ayaw namang magpaiwan ni Nadine, at gumanap siya ulit sa pelikulang Talk Back And You’re Dead. Dahil dito, sumabak ulit si Kathryn sa pelikulang Crazy Beautiful You. Hindi naman magpapahuli si Nadine, at sa ngayon ay gumaganap siya sa movie na Para sa Hopeless Romantic.

Nang wala nang movie si Kathryn, inungusan na siya ni Nadine na nagsisikap na maging bida din sa pelikula tulad ng kanyang pagganap sa Beauty and the Bestie at This Time.

Doon sa tinatawag na “sibling rivalry”, ganito din sila kahit sa telebisyon. Bakit? Nang tanungin kung ano ang gagawin niyang project sa ABS-CBN, sinabi ni Nadine na hindi niya ito ibubunyag muna sa publiko:

Bwm8ITiCUAAf56Z

Bakit wala siyang sinabi? Malamang, ayaw niya na malamangan siya ni Kathryn lalo’t may niluluto ding proyekto ang huli sa Kapamilya Network.

Kung mapapansin, nalamangan na si Nadine, kasi kinuha ni Kathryn si DJ bilang kanyang ka-love team. Para magkaroon din siya, kinuha naman ni Nadine si James Reid bilang kanyang ka-love team. At dito na nagsimula ang kanilang “sibling rivalry.”

Nagkaroon din sila ng “sibling rivalry” nang sumabak si Nadine sa Wansapanataym, na pinamagatang My App Boyfie. Hindi naman nagpahuli si Kathryn, at sumabak din siya sa Wansa, sa episode na Puppy Ko Si Papi. Sumali din siya sa MMK, pero humabol din si Nadine at nabigyan pa ng isang episode sa MMK. Nagtatrabaho na si Kathryn para sa kanilang bagong soap ni DJ na Pangako Sa’yo, samantalang may bagong paandar ang Jadine dahil gagawa din sila ng bagong soap na On The Wings of Love.

Hindi nagpapahuli ang isa’t isa, pati na ang kani-kanilang ka-loveteam sa pagpopromote ng kanilang sarili sa mga magazines:

Kathryn-Bernardo-Nadine-Lustre-Candy-girls-Cosmo-girls

20150128214804240

kathnieljadinekathnielformetrojadineforcosmo

Maging sa commercial ay hindi nila ito pinalampas. Nang unang nag-endorse si Nadine Lustre sa Jollibee…


…lalong hindi nagpahuli si Kathryn at nag-endorso siya sa KFC at dinagdag pa niya ito ng matching dance step at “Gangnam! Gangnam! So good!”


For the second time around, nang magkaroon ulit si Nadine ng appearance sa Jollibee kasama si James Reid…


…hindi rin nagpahuli si Kathryn sa kanyang pangalawang endorsement sa KFC (pero nalagay si DJ sa cameo role):


Kahit concerts ay nag-aaway din silang magkapatid. Nagdaos ng concert si DJ at si Kathryn sa Batangas City noong isang taon:

Bvu4fXDCQAEmvRj

BxdBEUvCEAAJm1p

Siyempre, nanlumo si Nadine dahil nalamangan siya ni Kathryn sa pagdalaw sa Batangas City. Para maipadama na mahal din niya ang mga tagaroon, at para makahabol, hindi nagpahuli si Nadine at isinama si James Reid sa kanilang concert sa nasabing lungsod:
10450928_1571511409730084_3774493985861044755_n11046483_814956415263864_1187410041303736735_n

 

At dahil nakita ni Nadine na mahina si Kathryn pagdating sa mga kissing scenes, tuluyan na nga niyang inungusan ang kapatid, tulad na lamang ng kanyang pagganap sa On The Wings of Love:


 


 




Dahil nakikita na rin ni Nadine Lustre na hindi pa rin makausad ang relationship ng KathNiel, sinagot na niya si James Reid. Ipinagmalaki pa niya sa buong mundo na mahal niya ang kanyang ka-loveteam, bagay na hindi ginawa ng kanyang kapatid. Hindi na kataka-taka, at hindi maiiwasan, na ikumpara ang kanilang ka-loveteam pagdating sa realness ng kanilang relationship. Kung “Team Real” ang tawag sa JaDine, “Team M.U.” naman ang tawag sa KathNiel.


Sobra Na Ang Away

Minsan naiilang na si Kathryn kay Nadine dahil napasobra na ang away nila sa isa’t isa sa kanilang career. Pinalala pa ito ng kani-kanilang mga fans na patuloy pa ring pinag-aaway ang magkapatid.

Hindi nakakatuwa kung gayon ang pagtatapat ng ABS-CBN ng programang On The Wings of Love pagkatapos ng Pangako Sa’yo, dahil pinalala pa nito ang malala nang “sibling rivalry” sa kanilang dalawa.

Ang mas malala pa, minsan nang nagpasimuno ang kanilang ina sa pag-aaway nilang magkapatid.

Ito ay sa gitna ng mga posts ng ina ni Kathryn na patama sa loveteam. As expected, marami siyang natatanggap na batikos. Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman siya lalo na ng mga sumusuporta kay Kathryn at sa ka-loveteam niya. Nakakalungkot nga lang na pinag-away niya ang kanyang mga anak, nagsalita pa siya nang masama kay Nadine. (By the way, nadamay din ang LizQuen loveteam sa naturang patama.)


Nadine as Kathryn’s Cosplayer (and vice versa)

Kung sasali si Nadine sa Your Face Sounds Familiar at sa Kalokalike ng It’s Showtime, siguradong mananalo siya sa mga programang iyon, lalo pa’t maraming nagsasabi na magkahawig sila, tulad na lamang ng pag-uusap ng magkasintahang ito:

Tinitingnan ni Girl ang billboard ng Jollibee:

nadine

Girl: Si Kathryn Bernardo iyan!

Boyfriend: Si Nadine kaya iyan!

Girl: Hindi ako maaaring magkamali. Si Kathryn kaya ang nasa picture.

Isa pang dahilan ng pagiging magkamukha ng dalawa ay nasasandal sa ganitong katotohanan: Magaling talagang mag-cosplay si Nadine Lustre. Dahil mahilig si Nadine sa mga anime, naging cosplayer siya. Yung skills niya bilang cosplayer ay nakatulong upang gawin din ito sa kanyang kapatid.

Naicocosplay niya si Kathryn, and vice versa. Dahil dito, maaari siyang maging alternate ni Kathryn in case na magkasakit o magkaroon ng mahalagang appointment ang huli, and vice versa. Nang minsang nagpunta si Kathryn sa isang lugar para sa isang mahalagang lakad, at nawalan ng time para magpa-picture kasama ang kanyang mga fans, si Nadine na ang gumanap para sa kanya:

“Oo, like sa mall. ‘Ay, Kath pa-picture naman!’
“Hindi po ako si Kath.”

(Just a friendly reminder: Kailangang itigil na ang pagbabangga kina Nadine at Kathryn, kasi magkapatid naman talaga ang dalawa.)


Featured Image Credit: Nadine Lustre on working with Kathryn ‘Pwede kaming sisters’

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s