Love Advice No. 1

From Papa Jack advice Facebook page:

Papa Jack, help po…

Yung girlfriend ko at ako ay nahihirapan sa sitwasyon namin kasi po long distance relationship kami. Parehas na po kasi kaming nasasaktan ngayon. Nag-text siya na MAGPAPAHINGA lang daw sya kasi di na niya kayang i-manage ang TIME niya para sa akin. Ano po ba ang dapat kong GAWIN?

My Advice:

Kung kayo talaga, dapat gawan ninyo ng paraan para magkausap kayo kahit long distance ang relationship ninyo.

Sa dami ng mga magagamit na mga bagay para magkausap kayo, tulad ng FB Messenger, WhatsApp, Skype, FB, Twitter, Yahoo Mail, WeChat, KakaoTalk, Viber, GMail, at marami pang iba, walang sapat na dahilan para sabihin na nahihirapan na kayo sa sitwasyon ninyo.

At sa dami ng mga pa-instant-instant din pag may time (gaya ng instant noodles, instant way-pay, instant canton, instant pansit, etc.), may time pang matitira para sa inyong dalawa.

Sa nababasa ko sa sitwasyon mo, mukhang nag-aalangan na siya na ibigin ka. Kausapin mo rin siya nang todo-todo para alam mo kung ano talaga ang problema niya.

Mas Nahihirapan si Guy

Kung titingnang mabuti, mas masuwerte pa si gal sa iyo. Reklamo lamang siya nang reklamo, samantalang hindi niya naiintindihan na kailangan ninyong magkalayo para sa kapakanan ng isa’t isa. She takes your relationship for granted, na hindi naiintindihan na ikaw ay laging tapat at laging nagmamahal sa kanya kahit na magkalayo.

Pareho kayong nahihirapan sa sitwasyon ninyo ngayon, at iyon ang dapat maunawaan ng iyong girlfriend. Kung ayaw naman niyang mahirapan sa sitwasyon, dapat siya mismo ang gumagawa ng paraan. Dapat sumama siya sa iyo. Dapat sumama siya kahit saan ka man magpunta. Walang pera? Dapat gawan din niya iyan ng paraan.

Hindi mo sinabi kung sino sa inyong dalawa ang nagtatrabaho. Pero kahit sino sa inyong dalawa ang may trabaho, wala siyang karapatang magreklamo. Kung tutuusin, pareho kayong nahihirapan. Kaya, wala siyang karapatang magreklamo kung bakit LDR kayo. Ginusto ba ninyo yung nangyari sa inyong – na Long Distance Relationship? Hindi naman, di ba?

Kung reklamadora pa rin ang gf mo, dapat gawin niya ang mga bagay na ito:

  • Bumuo siya ng rocket, jet, o eroplano. Mag-aral siya ng pagpipiloto o kumuha ng drayber ng rocket, jet, o eroplano. Kumuha din siya ng sariling airport at iparegister iyon sa CAAP o sa Air Transportation Office, o sa alinmang ahensya ng gobyerno na may hawak sa kasong ito. Hayaan mo siyang paliparin iyon at her own expense. Kapag nagawa niya iyon, hindi niya mararamdaman na magkalayo kayo.
  • Dapat sumama siya sa iyo, at her own expense. Siya ang sasagot sa pamasahe, pagkain, pasalubong, at sa kahit anong gastos na babayaran niya kung gusto niyang sumama sa iyo. Kung abroad ka naman, siya ang sasagot sa gastos ng pagpapagawa ng kanyang pasaporte at visa, at sa tiket ng eroplano at iba pang pamasahe papunta sa inyo.
  • Mag-imbento siya ng mga pakpak na kanyang gagamitin sa paglipad papunta sa inyo.
  • Dapat makamit niya ang kapangyarihan na galawin ang lupa. Oo, magagalaw ang lupa, kung gugustuhin niya. Kung ayaw niyang magkalayo kayo, dapat paglapitin niya ang lupain niya at ang lupain mo. Halimbawa, kung ikaw ay nasa London, at siya’y nasa Maynila, dapat paglapitin niya ang dalawang lugar na nabanggit.

True love implies sacrifice. Sa isang relasyon, dapat handa ang bawat isa na magtiis. Iyan ang dapat inisip ng gf mo bago magreklamo sa sitwasyon ninyo ngayon.

Meanwhile, magduda ka na. Yung sinabi niya na magpapahinga daw siya ay nangangahulugan na may di magandang nangyari sa inyong relasyon. Mas mabuti na puntahan mo din siya para alamin ang tunay na lagay niya. Baka magpapahinga siya dahil “sinasabi” niya na break na kayo. At lalong baka magpapahinga siya dahil may iba na siyang kinuha nang di mo namamalayan.

(Tutukuyin ko dito ang literal na pahinga.) At kung gusto niyang magpahinga, hindi niya iyon kailangang sabihin sa iyo. Gawin niya iyon, pero dapat alalahanin pa rin niya na mawawala ang pagod kapag nagpahinga siya. Pansamantala lang ang pagod. Hindi naman iyan magiging permanente.

Quotable Quote For This Post:

“Kung mahal mo siya at pagod ka na, walang problema, edi magpahinga ka. Wag yung hihiwalayan mo agad siya. minsan kasi may ibang dahilan talaga kaya mo nasasabi yung salitang PAGOD KA NA . No matter what happens, BREAK UP IS NOT THE SOLUTION.”

– Papa Jack

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s