Love Advice No. 3

From Papa Jack Advice Facebook page:

Papa Jack, paano po ba mag-move on? Madali po kasing sabihin, pero mahirap pong gawin.

My Opinion:

Move on. Ito ang lagi nating sinasabi sa mga tao na dumaranas ng matinding kirot at sakit sa puso.

Tama ka. Madali nga lamang itong sabihin pero mahirap itong gawin – sa simula pa lang. Subalit mare-realize mo rin na after all, magiging madali na rin ang mag-move on.

My Advice:

Maraming mga articles at essays na nagsasabi ng mga paraan kung paano tayo makaka-move on. Sa blog na ito ilalahad ko kung paano makakapag-move on ang isang tao.

1. For a while, huwag mo muna siyang kakausapin o papansinin. Lalo pa’t kung may sama ka talaga ng loob sa kanya o kung hindi mo siya talaga gusto.

Ngayon naman, kung nasanay ka na na lagi mo siyang kausap, puwede mo namang unti-untiin ang oras na kausap mo siya. However, in the real world, mas mabuti na rin na huwag mo muna siyang kausapin.

2. Gawin mo ang mga bagay kung saan makakapag-enjoy ka. At kung magagawa mo ito, dapat mag-enjoy ka diyan and make the most out of it. And to enjoy it well, dapat focus ka lang diyan sa ginagawa mo.

3. Delete mo lahat ng pictures niya, yung mga pictures na magkasama kayo at yung mga pictures na nagdedescribe sa inyo bilang kayo.

Ito ay kung may soft copy ng romantic pictures niyo. Ngayon, kung may hard copy ka, itago, itapon, o sunugin ang mga ito.

Hindi kasi puwede na habang nagmo-move on ka sa pinagdadaanan mo ay panay tingin ka sa pics ninyong dalawa. If not, wasted lang ang efforts mo to move on, and worse, mas masasaktan ka pa lalo.

4. Magpasama o sumama sa magulang o sa kaibigan mo. Subukan mong magbigay ng oras sa kanila. Promise. Makakatulong ito upang hindi ka laging magfocus sa sakit na nararamdaman mo sa pag-ibig. Invest or add more time for them hanggang sa feel mo na nakamove-on ka na o hanggang sa kailangan mo nang umibig muli.

5. Learn from your (or your ex-bf’s/ex-gf’s) mistakes. Bakit? Minsan sa relationship, hindi talaga maiiwasan ang magkamali. Minsan pa, sa sobrang dami ng pagkakamali, umaabot sa punto na kahit masakit, kailangang maghiwalay tayo.

Alamin mo muna kung saan ka nagkamali sa relasyon. Alamin mo rin kung saan nagkamali si ex-bf o ex-gf mo. Makakatulong ang bagay na ito upang may matutunan ka. At ano naman ang silbi ng pagkatuto sa pagkakamali? Ito na ang magsisilbing gabay para sa iyo upang hindi na ulitin ang gayong pagkakamali.

6. Kung hindi ka makamove-on dahil may sama ka ng loob o nasasaktan ka pa rin, puwede mong ilabas ang iyong damdamin sa Tacsiapo. Ang gagawin mo lamang ay magbato nang magbato ng mga pinggan, tasa, atbp sa Wall.

Pag nagawa mo iyan, doon mo mailalabas ang sakit na nararamdaman mo. Afterwards, you will feel better pagkatapos mong gawin iyan.

7. You’ll just have to push yourself. Walang tutulak sa iyo para mag-move on kundi ikaw lamang. Still, kahit itulak ka ng magulang o friend mo na gawin ito, nasa sa iyo ang desisyon. Kung hindi ka magmo-move on at babangon, kawawa ka rin. Isipin mo rin na kaya ka nagmo-move on kasi hindi lang ito para sa sarili mo kundi para na rin sa family and friends mo.

Pauna pa lamang iyan, pero abangan din kung ano pa ang mga tips kung paano ako, ikaw, at tayo makakamove-on. Hintay-hintay din pag may time, at i-eedit ko ang article na ito pag meron pang tips.

Advertisements

6 thoughts on “Love Advice No. 3

  1. Hello, I think your blog might be having
    browser compatibility issues. When I look at your
    blog in Opera, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping.

    I just wanted to give you a quick heads up! Other then that,
    superb blog!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s