Love Advice No. 4

From Papa Jack Advice Facebook Page:

Ano po ba ang dapat kong sundin – ang puso o isip ko? Ang hirap kasi ng tipong kapatid pa ng close friend mo ang taong minahal mo.

Share ko lang po: Yung bf ko kasi, may anak na siya ngayon. Tanggap ko naman iyon. Ang hindi ko lang kasi maintindihan, bakit biglang nagalit sa akin yung friend ko, nung nalaman niya na bf ko na yung kuya niya na may anak na?

Hindi ko alam. Nagalit siya kasi malamang hindi ko agad inamin sa kanya ang tungkol sa amin ng kuya niya. Tapos, bakit ganoon – parang dinadown pa nila sa akin ang boyfriend ko? Hindi daw ako nag-iisip, pero bakit ganoon?

Ang hirap para sa akin kasi galit sa akin ang taong importante din sa akin. Minsan, naiisip ko na hiwalayan ko na lang ang bf ko para hindi na magalit sa akin ang friend ko. Pero hindi ko rin kaya na mawala sa akin yung kapatid niya. Mahal na mahal ko siya kasi kuya niya iyon eh.

Yung kuya lang niya kasi ang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Kaya, napakahirap sa akin kasi hindi ko alam kung saan ako lulugar o ano ang susundin ko at gagawin kong hakbang. Please advice po.

My Advice:

Kung mahal mo siya, at mahal ka niya, push mo iyan!

Unang-una, naipakita mo ang true love by showing na tanggap mo ang anak ng bf mo. Ikalawa, nakikita ko sa iyo na lubha kang nag-aalala sa status ninyong dalawa. Ikatlo, pinipilit mong ipagtanggol ang pagmamahalan ninyong dalawa. Dapat nga sana natuto ding lumugar ang iyong bestfriend. Bakit? May sarili nang pamilya ang kuya niya. Siya na ang padre de pamilya, kaya wala siya sa posisyon para manghimasok nang basta-basta sa inyong relationship.

Tandaan mo rin na ang bestfriend ay hindi isang magulang na kung ano ang gusto niya ay siyang masusunod, tulad na lamang ng paghihigpit niya sa inyong dalawa.

Isa pang bagay: Dapat mong itulak ang boyfriend mo upang ipagtanggol ka at ang inyong pag-ibig sa isa’t isa. Love is all about pagtutulungan. Kung kaya ninyong ipagtanggol ang isa’t isa, makakatulong ito upang ma-preserve ang inyong relationship.

Ano pa ang dapat gawin ng boyfriend mo? Uulit-ulitin ko na siya ay isa nang padre de pamilya. He should assert his authority as the head of the family. Taglay na niya ang awtoridad ng pagiging isang padre de pamilya. Na anuman ang desisyon na kanyang gagawin, lalo na sa pag-ibig, hindi ito dapat panghimasukan pa ng kapatid niya.

Sige, susundin natin iyang bestfriend mo. Pero may hindi magandang mangyayari. Malulungkot ang kanyang kuya. Sino ang kanyang makakasama sa buhay? Sino ang aalalay sa kanya sa oras ng galak at kalungkutan? Dapat isipin din ng bestfriend mo kung ano ang di magandang mangyayari kapag ang kanyang mga pamangkin ay walang matatawag na isang ina.

In the first place, hindi dapat diktahan ng bestfriend mo kung sinong babae ang dapat makasama ng kanyang kuya. Pero dahil nagagalit naman siya sa iyo nang naging bf mo ang kuya niya, hindi naman niya iginagalang ang desisyon ng kanyang kuya. Kung tutuusin din, hindi siya nag-iisip – hindi niya iniisip kung ano nga ba ang magandang maidudulot sa kanyang kuya kung umibig siya sa iyo. At dapat sana matuwa pa ang babaeng iyan sa iyo. Bakit? Bestfriend ka niya, at dahil dito ay matagal ninyong kilala ang isa’t isa. Dahil alam niya kung sino ka, dapat matuwa siya sa iyo’t ikaw ang naging bf ng kuya niya. Pero hindi eh.

Lulugar ka ba? Hindi. Dapat gawin iyan ng bestfriend mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s