Love Advice No. 5

From Papa Jack Advice Facebook Page:

Hi, Papa Jack. Need ko po ng strong advice niyo.

Minahal ko po siya nang buong buhay ko at hindi ko kaya sa sarili ko ang iwan siya. Pero sobrang nasasaktan na po ako sa mga ginagawa niya. Paano ba pipigilin na huwag mahalin ang isang tao na minahal mo na nga pero pinapaiyak ka lang lagi at walang ginawa kundi ang saktan at balewalain ka dahil alam niya na mahal na mahal mo siya?

Kahit pride ko ay nawala na. Kahit anong kamalian niya, nagpapakumbaba ako para lang hindi kami magkahiwalay. Pero sobra na. Ang sakit na ng ginagawa niyang pambabalewala sa akin. Nagagawa pa niya akong iwan kahit alam niyang nasasaktan ako. Babalik na lang siya kung kailan niya gusto.

Ano ba ang gagawin ko – wag magmahal o magpapakamartir na lang ba ako dahil mahal ko siya?

My Advice:

Wag magmahal. Lalong hindi mabuti ang magpakamartir ka. Sabihin natin na paulit-ulit kang nagpakamartir, subalit hindi nito mababago ang pagtingin ng lalaki sa iyo. Hindi ka pa niya ma-aapreciate.

Sa dami ng efforts na ginagawa mo upang kayo’y magkatuluyan, nakakapanghinayang na binabalewala niya ang lahat ng pagod mo. Now is the time naman para hiwalayan mo muna siya. Sarili mo na ang intindihin. Ang babaeng katulad mo – na matindi kung magmahal – ay hindi nararapat sa isang guy na hindi marunong magpahalaga kahit kaunti.

Isipin mo rin ang mangyayari kung masusundan mo ang aking payo. Dito pa lamang ay maari siyang mag-isip nang mabuti, mag-reflect, at pagsisihan niya ang mga panahon na hindi ka niya minahal. Dito siya kikilos para suyuin ka niya muli, at dito niya matutunan ang mga pagkakamali upang hindi niya ito maulit.

Another Alternative Advice:

Oo, masakit talagang iwanan ang isang tao na minahal mo nang lubos. Kaya, hindi kailangang iwanan siya agad-agad. Huwag mo muna siyang kausapin upang mabigyan si guy ng time para mag-reflect at pagsisihan ang kanyang kasalanan. While waiting for the time na pagsisihan niya ito, subukan mo lamang na maglaan ng oras para sa pamilya, kaibigan, at sarili mo, at gawin iyan araw-araw. Pagdating ng panahon, mawawala na ang sakit at kirot na dala ng pag-iwan sa bf/gf na sobrang mahal mo. Saka ka na magdedesisyon kung pagbibigyan mo si guy o kailangan mo na siyang hiwalayan.

Quotable Quotes For The Post:

Girls, hindi kayo parang ministop o 7/11 na pwede ka nyang balikan o tambayan kung kailan gusto niya.

Ang babae pagsisilbihan ka niyan.
Susundin lahat ng utos at gusto mo maging masaya ka lang.
Ang gusto lang nilang kapalit ay mahalin mo sila
at irespeto at higit sa lahat wag mo silang sasaktan.

– PAPA JACK advice (word of wisdom)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s