Love Advice No. 6

From Papa Jack Advice Facebook Page:

Papa Jack, bakit hindi ko mapigil ang puso ko? Kasi kapag may babae akong nagustuhan, nililigawan ko kahit may syota na ako.

My Advice:

Tatanungin kita: Satisfied ka na ba sa girlfriend mo o hindi? Dito kasi masasagot ang una mong tanong – kung bakit di mo mapigil ang puso mo. Most likely, kaya hindi mapigilan ang puso mo kasi hindi ka kuntento sa gf mo, kaya naghahanap ka ng iba.

For the time being, ngayong may syota ka na, dapat maging kuntento ka sa kung anong meron ka. Bakit? Kasi ang girlfriend, kaloob iyan ng Diyos, kaya dapat tayong magpasalamat sa Kanya. Magpasalamat ka nga kasi nga nakuha mo ang matamis niyang “oo,” samantalang maraming pag-ibig ang nasasayang na dapat sana ay mapakinabangan pa ng iba.

Mas masuwerte ka. Kung yung iba ay desperado at bigo sa pag-ibig, heto ka naman ngayon at may syota ka na. Hindi ko alam kung nagpakahirap ka ba makuha lamang siya, pero ipagpasalamat mo din iyan. Count your blessings, ika nga.

Ngayon, kung hindi ka satisfied sa inyong relationship, dapat magpropose ka ng mga rekomendasyon para mapabuti ang inyong pagsasama. Ikalawa, subukan mong ibigin siya, pero huwag magmadali, since love takes time. Ikatlo, dapat pahalagahan mo ang mga efforts na ginagawa ni guy o ni girl sa iyo kasi wala namang sinumang tao ang magsasaya kapag nakita na wasted ang efforts niya.

Kung hindi ka naman satisfied sa inyong relationship, mas mabuting hiwalayan mo na siya ASAP. Oo, masakit ang makipag-break sa kasong ito sa simula, pero hindi ka na masyadong magkakaproblema sa “gf” mo lalo’t kung hanap ka pa rin nang hanap ng syota. Kung hindi, mas lalo mo pa siyang masasaktan, lalo pa’t kung ibinigay niya ang kanyang puso sa iyo sa loob ng matagal na panahon, gayong hindi mo pala siya talaga mahal. Mas masakit yung feeling na pinaparamdam mo sa gf na balewala lang siya sa iyo dahil naghahanap ka pa ng iba.

Kung hindi mo babaguhin ang pag-uugaling iyan, darating ang panahon na mahihirapan ka nang makakuha ng syota. Darating ang panahon na walang babaeng magtatagal sa iyo. Una, pahirapan na ang paghahanap ng gf. As in, pahirap na nang pahirap, lalo pa’t maraming magulang ang naghihigpit ngayon sa kanilang mga anak na babae. Ikalawa, tandaan mo din na gusto ng mga babae ang mga lalaki na tapat sa kanila.

As last advice, never take relationship for granted. Huwag mong hayaang dumating ang panahon na kung kailan nakipag-break siya sa iyo, saka mo pa lang ma-rerealize na hindi ka na dapat manligaw pa sa iba.

Another Alternative Advice:

Tutal kahit may gf ka na, ligaw ka pa rin nang ligaw sa iba. Tutal hindi mo mapigil ang puso. Mas maganda itong advice ko sa iyo: Ligawan mo ang girlfriend mo. YES, YOU READ IT RIGHT. Ligawan mo ang girlfriend mo.

Ganito kasi ang mangyayari: Manliligaw ka pa rin nang manliligaw, pero hindi na sa iba. Manliligaw ka na sa girlfriend mo. Girls like to be courted always, kahit na mag-on sila ng kanilang bf. Bakit hindi mo subukang ligawan siya? Most likely she will appreciate your efforts.

Quotable Quote For This Post:

“I don’t believe in courtship. It’s a waste of time. If I love the person, I’ll tell her right away. But for you, I’ll make an exception. Just love me now, and I’ll court you forever”

– Ferdinand Marcos, talking to his wife Imelda

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s