Love Advice No. 9

From Papa Jack Advice Facebook Page:

Isa po akong mapaglarong babae noon. May nakilala po akong isang lalaki na hindi ko po aakalain na makakapagtino po sa akin hanggang sa naging sweet kami sa isa’t isa. Pero nung isang beses po sinubukan ko po siya. Sinabi ko po sa kanya na bumabalik sa akin ang ex ko. Nung bakasyon, hindi na kami nagkakaintindihan. Bago po ako umuwi sa probinsya, I’ll make sure na makakasama ko siya buong araw, pero nung time na iyon, pakiramdam ko po ay huli na naming pagkikita iyon. Nung umuwi po ako ng probinsya, nalaman ng magulang ko ang tungkol sa amin, kaya tinanggal nila lahat – cellphone, tablet, at kung anu-ano pa.


Pero akala po niya ay niloko ko siya, hanggang sa umabot ng paghihiwalay. At ako namang tanga po ay gumawa ng new account para makapagpaliwanag pero nabuking ako. After noon ay tinigil ko na. Pinilit ko po na alisin ang nararamdaman sa kanya at dumating sa point na kumuha ako ng rebound pero narealize ko na mahal ko talaga siya. Sa bawat araw, akala nila, nakamove-on na ako, pero lagi po akong nasasaktan kapag nakikita ko silang magkasama. At kapag naiisip ko na ako dati ang nagpapasaya sa kanya pero ngayon iba na, at pag pupunta po ako ng cr, hindi ko po maiwasang umiyak. Ano po ba ang gagawin ko, Papa Jack?

My Advice:

Kung siya pa rin ang iibigin mo, you have no choice kundi hintayin silang mag-break.

Isa pa, dapat sana hindi ka muna kumuha ng rebound kung hindi ka pa nakakamove-on sa lalaking iyan. Mag-move on ka muna bago kumuha ng rebound.

Kaya, ano ang dapat mong gawin?

Kailangan mong hiwalayan ang rebound na iyan. Hiwalayan mo muna siya.

Kung hindi ka kasi nakakapagmove-on bago ka kumuha ng rebound, hindi lamang ikaw ang masasaktan, pati siya. Dapat tandaan mo na nasasaktan din si rebound dahil lagi mong iniisip ang “ex” mo – na tuwing pupunta ka sa cr, si “ex” ang lagi mong iniiyakan at hindi si rebound.

Kung hindi mo na talaga kayang makontak si “ex” mo, mas makakabuti kung “Let It Go” mo na lamang siya kasama ang kanyang bagong girlfriend:

  • Nasubukan mo na kasi kung talagang mahal ka niya. Dito mo makikita kung talagang mahal ka niya o hindi. Ang resulta, wala siyang pakialam sa iyo, kaya hindi siya deserving sa iyo na tapat kung umibig.
  • Mahirap kasing ipilit ang isang bagay na hindi mo kaya. Mahirap ipilit na magkausap kayo at magkapaliwanagan kung nahihirapan kang makontak siya, kung long distance ang “relationship”, at kung malayo ang posibilidad na maaayos pa ang gusot.

Pagsubok Lamang Iyan

Walang masama kung susubukan mo siya, lalo pa nga’t kung gusto mong malaman at makita kung talagang mahal ka niya. Walang mali sa paniniguro. Mahirap na kasi yung mahal mo, malalaman mo na lamang na may kasamang iba. Sa panahon ngayon na laganap ang tukso sa paligid, dapat matapang din ang mga babae (at pati ng mga lalaki) pagdating sa paniniguro.

Dapat siguro ipaalala mo sa lalaking iyan ang awiting ito:

…Pagsubok lamang ‘yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko….at ‘yong labanan

Sinusubok mo lamang siya. Hindi mo naman ginusto na magkahiwalay kayo dahil sa birong iyan, di ba? Dapat sana hindi itinigil ni guy ang laban para sa inyong pagsasama. Dapat sana hindi isinuko ni guy ang inyong relationship. Pero hindi eh.

Dapat Sisihin si Guy

Sino ang dapat mong sisihin? Si guy mismo. Bakit?

  • Wala naman siyang pagkukusa para alamin kung kumusta ka na, kung anong nangyari sa iyo, kung ano ang lagay mo, at iba pa. Kasi naman, kahit magtampo pa sa isa’t isa nang maraming beses ang magkasintahan, sila’y gagawa at gagawa din ng paraan para kausapin ang isa’t isa.
  • Wala naman siya talagang pakialam sa iyo: Kahit na siya’y mabiyaya pagdating sa mga gadgets, wala naman siyang ginagawang paraan para kausapin ka. Hindi ka niya kinokontak.
  • Hindi niya inaayos ang gusot ninyong dalawa bago pa siya nakipag-break sa iyo at kumuha ng iba.
  • Umasa siya sa maling akala: Akala niya naka-move on ka na diumano, kaya kumuha na siya ng iba.
  • Masyado siyang seryoso – sineryoso niya ang pagsubok mo, at na hindi niya ginawa ang lahat para mag-research kung totoo o biro ang sinasabi mo sa kanya.

Another Alternative Advice:

Hindi ko ito irerekomenda sa iyo, pero puwede mo itong gawin: Makibalita ka kung hiwalay na ang dalawa. Kapag hiwalay na, huwag mo nang sayangin ang pagkakataong makapagpaliwanag sa kanya. Gumawa ka na ng paraan para kausapin siya, at ipaliwanag sa kanya ang lahat-lahat.

Hindi Ikaw Lang

Hindi ikaw lamang ang naglalagay sa bf mo sa isang pagsubok. Inilagay din ni Pangulong Manuel L. Quezon sa isang pagsubok ang kanyang naging asawa na si Doña Aurora Aragon Quezon.

Gustong alamin ni Manuel Quezon kung talaga bang mahal siya ni Aurora. Isang araw, naglagay siya ng orange blossoms sa kanyang leeg. Nang makita ito ng huli, sinabi ni Quezon na may asawa na siya. Umiyak si Aurora, at dito nakita ni Quezon na siya ay mahal talaga ni Aurora. Nagtanan pa sila noong 1918. (Filipiknow)

Trivia No. 8

Alam ninyo ba na natukoy na ng mga pulis kung sino ang lider sa Martilyo Gang?

Ito ang patunay:

thor

Love Advice No. 8

Si gal ang may problema:

Duh, hindi ko naman kasalanan kung nahulog ang loob ko sa iyo. Sorry, eh hindi mo naman siguro ako masisisi, ano? Ikaw kasi, pa-cute, pa-fall, at paasa ka kasi…
Yun tuloy, hindi mo na ako pinapansin. Kainis ka naman eh. Sorry kung gusto kita. Hindi talaga maiwasang ma-in love sa bestfriend…

Tinanong niya kung ano ba ang dapat niyang gawin sa ganitong sitwasyon.

My Advice:

In the first place, hindi ka dapat talaga humingi ng tawad sa kanya, kasi naman minahal mo siya eh. Ano pa ba ang magagawa niya? Hindi naman niya puwedeng diktahan ang damdamin mo para i-suit (o iangkop) sa kanyang gusto.

Sayang nga, eh, lalo pa’t friendship is a good place to start a relationship. Mostly kahit na sa loob ng maikling panahon, medyo kilala niyo na ang isa’t isa. Sayang din, lalo pa’t makakatulong sa kanya kung pipiliin ka niya. Dahil alam mo kung ano ang ugali at pagkatao ng lalaki, there’s a chance na alam mo na kung paano mo dapat tratuhin si guy, which is expected sa isang relationship.

In the end, hindi mo rin talaga makokontrol ang emosyon ng bestfriend mo. Boys should appreciate girl’s feelings for them, pero desisyon na niya kung gugustuhin ka niya o hindi. Pero may paraan pa. Bakit hindi mo kumbinsihin siya na mahalin ka niya, kahit kaunti lang? Bakit hindi mo siya kausapin upang mabigyang-linaw ang lahat at para malaman mo kung anong steps ang dapat mong gawin? Puwede ka ring magpaganda sa harap niya. Make yourself attractive to his eyes.

Kaya lang, sayang talaga. Dapat sana bago mo inilabas ang nasa loob ng puso mo, inalam mo din dapat kung may feelings sa iyo ang lalaki, lalo pa’t kung lalaki siya, malamang sasabihin niya kung sino ang gusto niya. Kung dumating ang panahong sabihin niya na gusto ka niya, maaari mo nang sabihin o iparamdam sa kanya na may gusto ka rin sa kanya. Nagtagpo ang pag-ibig ninyong dalawa, at ang resulta: hindi na nasayang ang pagmamahal mo sa kanya.

On the other hand, lumalabas na ipinaramdam mo sa kanya na mahal mo siya. Hinahangaan ko naman ang pagiging matapang mo. Kung yung ibang babae ay todo ang hiya pagdating sa pagsasabi ng nararamdaman sa isang lalaki, ikaw naman ay nagpapahayag ng damdamin sa isang lalaki – na kung hindi mo sinabi, at least, ipinaramdam mo ito sa kanya.

Tinatanong mo pala kung ano nga ba ang dapat mong gawin. Sige, ganito ang gawin mo: Palipasin mo muna ang sama ng loob ninyo sa isa’t isa. Tapos, kailangan mong maipakita sa kanya na sa kabila ng lahat ay concerned ka pa rin sa kanya.

Kapag okay na kayo, kailangan mong mag-experiment. Mahalin mo siya kahit konti, pero huwag mo muna siyang mahalin nang sobra unless sinabi niya na gusto ka niya. Puwede mo siyang asikasuhin hanggang sa feel mo na hindi mo na siya dapat pang asikasuhin dahil hindi ka niya talaga mahal.

Next Topic: Dapat Sabihin Din Ng Babae ang Feelings Niya sa Guy

Love Advice No. 7

From Papa Jack Advice Facebook Page:

Papa Jack, I need an advice 😦

What can I do? Sobrang galit na galit pa din ako sa ex ng bf ko kahit almost 6 years na kami. Matagal na silang walang contact, at one year pa lang kami ay putol na ang contact nila sa isa’t isa.

Yung past niya, may bagong boyfriend na din. Pero hindi po ako makamove-on sa ex ng boyfriend ko dahil alam ko po na sobrang minahal niya ito dati. Nung sila pa, first gf niya iyon at tumagal din sila.

Pero pinaparamdam naman sa akin ngayon ng boyfriend ko na ako na talaga ang mahal niya. Bakit po ganito? Nababaliw pa din ako kahit na matagal na silang wala. Please advice naman po. Thanks a lot. 🙂

My Advice:

Simple lamang iyan: Kalimutan mo na ang ex ng boyfriend mo.

Mas masuwerte ka. Kung yung ibang may bf o gf ay open pa rin ang lines of communication nila sa kanilang ex, iba ang kaso sa inyo – putol na pala ang contact niya sa past. Kung open pa rin ang lines of communication nila sa isa’t isa, most likely magpa-panic ka. Dahil open pa rin ito, malaki ang posibilidad na ang mag-ex ay magkakabalikan. Pero sa kaso ninyo ng bf mo, putol na pala ang contact sa kanyang ex. Kung hindi ginagamit ng dalawa ang lines of communication na ito, most likely magdedeteriorate ang relationship nilang dalawa, so there’s no reason para mag-alala ka.

Nakalulungkot nga lang na hindi mo sinabi kung bakit ka galit sa ex ng bf mo. Pero anuman ang iyong hinanakit sa ex ng bf mo, tandaan mo na kailangan mo pa rin siyang patawarin. At alisin mo din ang iyong galit sa kanya. Bakit?

  • Kung galit ka pa rin sa gal na iyon, hindi mo naman lubusang ma-eenjoy ang moments ng bf mo kung iyon at iyon din ang lagi mong iintindihin.
  • Masama din sa kalusugan ang pagkikimkim ng sobrang galit.
  • Sa halip na ibuhos mo ang buong atensyon sa bf mo, ibinuhos mo pa iyon sa ex niya, gayung hindi mo naman syota yung ex niya.
  • Ngayong ikaw ay kanya na, now is the time para patunayan sa kanya na mas karapat-dapat ka sa puso niya kaysa sa ex niya.
  • Siniguro pa at ginawa pa ni guy ang lahat upang mahalin ka niya.

Paano mo mababawasan ang galit sa ex ng bf mo? Ito ay kinuha ko sa dati kong isinulat na post, but I will interpret it para maging malinaw sa iyo ang mga tips:

1. For a while, huwag mo muna siyang kakausapin o papansinin. Lalo pa’t kung may sama ka talaga ng loob sa kanya o kung hindi mo siya talaga gusto. Kung kakausapin at papansinin mo pa rin siya, lalo lamang titindi ang away ninyong dalawang babae.

2. Gawin mo ang mga bagay kung saan makakapag-enjoy ka. At kung magagawa mo ito, dapat mag-enjoy ka diyan and make the most out of it. And to enjoy it well, dapat focus ka lang diyan sa ginagawa mo.

Mag-focus ka na lang sa pag-aasikaso sa boyfriend mo, lalo pa’t iyan ay isang bagay na naeenjoy mo.

3. Delete mo lahat ng pictures niya na magkasama silang dalawa. Para gawin ito, kailangan mong humingi ng tulong sa bf mo.

Hindi kasi puwede na habang kinakalimutan mo ang galit sa ex ng bf mo ay panay tingin ka sa pics nilang dalawa. If not, wasted lang ang efforts mo to move on, and worse, lalo ka pang magagalit sa kanya.

4. Magpasama o sumama sa magulang, sa kaibigan, o sa boyfriend mo. Subukan mong magbigay ng oras sa kanila. Promise. Makakatulong ito upang hindi ka laging magfocus sa galit na nararamdaman mo sa babaeng iyon. Invest or add more time for them hanggang sa feel mo na nabawasan na ang galit mo sa kanya.

5. Learn from his ex’s mistakes. Bakit? Minsan sa relationship, hindi talaga maiiwasan ang magkamali. Minsan pa, sa sobrang dami ng pagkakamali, umaabot sa punto na kahit masakit, kailangang maghiwalay tayo.

Malamang na may galit ka nga sa ex ng bf dahil nagkamali naman siya o may isang bagay sa kanya na hindi mo nagustuhan. Kung ganoon, you should have to learn from her para kapag nagkataon, hindi mo na uulitin ang pagkakamali niya.

6. Kung hindi ka makamove-on dahil may sama ka ng loob o nasasaktan ka pa rin, puwede mong ilabas ang iyong damdamin sa Tacsiapo. Ang gagawin mo lamang ay magbato nang magbato ng mga pinggan, tasa, atbp sa Wall.

Pag nagawa mo iyan, doon mo mailalabas ang sakit na nararamdaman mo. Afterwards, you will feel better pagkatapos mong gawin iyan.

7. You’ll just have to push yourself. Walang tutulak sa iyo para mag-move on kundi ikaw lamang. Still, kahit itulak ka ng magulang, ng friend mo, o ng bf mo na gawin ito, nasa sa iyo ang desisyon. Kung hindi ka magmo-move on at babangon, kawawa ka rin. Isipin mo rin na kaya ka nagmo-move on kasi hindi lang ito para sa sarili mo kundi para na rin sa family, sa bf mo, at sa friends mo.

Don’t panic. Mahal ka ng boyfriend mo: He left the past, at ipinaparamdam niya na talagang mahal ka niya. Nag-move on na siya. Now is your time to move on too.

Huwag mo sanang paabutin sa point na kung kailan nakipaghiwalay siya sa iyo dahil di ka makamove-on, saka mo pa lang mare-realize na hindi ka na dapat pang magtanim ng galit sa ex niya.

Six years is a reasonable, enough time para mapatawad mo siya, alisin ang galit mo sa kanya, at mag-move on. Dapat sana ginawa mo ito noon pa, but don’t worry. Simulan mo na ito ngayon din.