Trivia No. 20

Alam niyo ba na mas magaling magpatawa ang aksyon kaysa sa salita?

Proof:

laughter than words

Actions are Comedians

Sa panahon ngayon na lubhang seryoso na ang mundong ito, kailangang may karamay na tutulong sa atin upang malampasan ang sobrang seryosong mga bagay sa ating buhay.

Maraming mga tao tulad ni Dolphy, Michael V., Alex Gonzaga, at marami pang iba ang nag-aalay ng kanilang sarili sa pagpapatawa sa ibang tao. Sa kasalukuyan, sari-sari ding gag shows ang nagsulputan tulad ng Banana Split, Goin Bulilit, Tropa Mo Ko, Nice Di Ba?, at ang Bubble Gang. Pero ang mahalagang tanong na dapat sagutin ngayon ay ito: Bakit mas magaling magpatawa ang actions kaysa sa words?

Simple lamang ang sagot diyan:

Kapag may natisod ang isang tao at nadapa siya, madalas tinatawanan natin siya, kasi hindi naman siya diumano nag-iingat.

Ipagpalagay natin na sinadyang ginawa ni Allan K. ang paglalaglag ng kanyang pustiso. Di ba’t tinatawanan din natin iyon?

Yung aksyong ginagawa ni Michael Fajatin – yung pagbabalita niya – di ba’t natatawa tayo sa kanya?

Eh kung words lamang ang gagamitin, minsan waley pa nga ang mga sinasabi niya, lalo pa’t kung iyon ay jokes?

Iyan ay nangyari kay Pangulong Noynoy Aquino nang minsan nagpasample siya ng jokes sa Gandang Gabi Vice. Sinabi niya na nagreklamo ang isang anak na marami siyang ginagawang quizzes, assignments, tests, and so on and so forth. Sagot naman ng ama sa kanyang anak, tumigil siya dahil kinder pa lamang siya sa paaralan. Hindi masyadong natawa si Vice sa joke ng Pangulo ng Pilipinas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s