Love Advice No. 10

Sa isang linya ng awiting “Pangarap Lang Kita” ng Parokya ni Edgar, ganito ang mababasa:

Ang hirap maging babae
Kung torpe ‘yung lalaki
Kahit may gusto ka ‘di mo masabi

Ano ang mapapansin sa linya ng awiting iyan? Sa kasalukuyan, hindi daw dapat sabihin ni gal ang feelings niya kay guy.

Gag Order Is An “Obstacle”

Tanong: Paano kung hindi si gal ang magsasalita, tapos torpe pa si guy?

Lalong walang mangyayari kung hindi sasabihin ni gal ang feelings niya sa guy. Hindi pa siya makakahanap ng lalaki na seryoso sa kanya. Worse, posible na siya’y tumandang dalaga.

Iyan ang mahirap kapag hindi magsasalita ang babae. Kung ganoon ang mangyayari, tapos torpe pa si guy, pareho silang masasaktan. Hindi pa alam ni guy at ni gal kung ano ang dapat planuhin upang magtagpo ang kanilang mga puso. Lalo nilang hindi alam kung magtatagpo baga ang puso nila o hindi. In short, nagkakaroon ng Love Mismatch.

Ang problema sa ganitong klaseng kultura, hindi nito kinokonsidera ang pagiging risk-averse nating mga Pilipino. Nahihirapang alamin ng mga lalaki kung gusto ba siya talaga ng isang babae o hindi. Kaya, hindi natin masisisi kung bakit torpe ang mga lalaki, o di kaya ay sugal-sugal din pag may time sa panliligaw. Tulad na lamang ng isang guy na litung-lito:

So mahal ko na siya… Problema ko kung liligawan ko ba or hindi. Natatakot kasi ako na mabasted at paasahin: for short, sigurista ako. ADVICE PLEASE!

Tatalakayin natin sa susunod na love advice ang problemang ito. Tatanungin kita: Susugal ka ba sa isang bagay na hindi ka sigurado kung iyon ba’y darating? Ganoon din sa panliligaw. Yamang hindi alam ng mga lalaki kung gusto ba talaga sila ni gal, hindi natin sila dapat sisihin kung bakit sila’y torpe.

Dahil hindi alam ni guy kung sino ang gusto ni gal (dahil may “gag order” para kay gal), kapag nanliligaw na siya sa isang babae, hindi na iyon panliligaw. Sugal na ang tawag doon.

Mahirap kasi ang ganitong sistema. Bakit? Kung hindi magsasalita si gal, maraming nasasayang na pag-ibig na dapat sana’y mapapakinabangan pa. Oo, ang nasayang na gamit o pera ay puwedeng palitan, pero kapag nasayang na ang pag-ibig, malamang na hindi na ito mapapalitan pa.

Bago mo basahin ang susunod, sagutin mo muna ang tanong na ito sa Comment Box ng TweetNewscaster:  

Ano’ng Problema?

Upang maging malinaw pa kung ano ang problema sa panliligaw, tingnan ang problema ni gal:

Natatakot po ako na i-approach ko siya. Kasi, baka kung anu-ano naman ang sasabihin ng iba.

Sa isang post sa Papa Jack Advice Facebook Page, natatakot pa rin ang isa pang babae na magtanong sa guy:

Papa Jack, minahal ko ang bestfriend ko nang higit pa doon. Ang masakit pa, pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako at mahalaga ako sa kanya. Pero bakit ganoon? Hindi ko maintindihan kung ano ba kami. Kasi, ang panget naman kung babae pa ang magtatanong, di ba? Pero umalis siya para pumunta ng seminaryo, at sinabi niya sa akin na after 5 years, may sasabihin siya sa akin, at di na kami magkakatext till 5 years. Dapat ko ba siyang antayin? 😦

Tips for Gals

Tanong: Ano kaya ang puwedeng gawin ng mga babae para iparating ang feelings nila sa guy?

Madali lang iyan. Narito ang mga tips:

  1. Magparamdam ka sa kanya. Iparamdam mo sa kanya na lagi kang nandyan para sa kanya. Alalayan mo siya kahit ano pa ang mangyari. Sabi nga ng isa pang love adviser, kung ngayon ay caring ka sa kanya, dapat mas lalo ka pang caring sa kanya sa susunod. Yes, kahit na hindi mo sabihin sa kanya na mahal mo siya, he may “get” the message.
  1. Show genuine concern and acceptance for him. Mahalaga din sa mga lalaki na maramdaman na sila’y pinapahalagahan. And yes, lalong mapapahalagahan ni guy kung tanggap siya ni gal kahit ano pa ang hitsura o pagkatao niya.
  1. Magtanong ka sa kanya. Bakit dapat mong gawin iyan? Kasi ito ang magiging starting point para magkausap kayo at makilala ninyo ang isa’t isa. Maari mo rin itong gawin kung nararamdaman mo pa rin na nahihiya ka pang sabihin ang feelings mo sa kanya. Bigyan ko kayo ng halimbawa:
  • Ano ang favorite mong food?
  • Ano ang pangarap mo sa buhay?
  • Kung sakaling may nagmamahal sa iyo, ano ang gagawin mo?
  1. Maging komportable ka sa kanya. Ipakita mo na lagi kang komportable kapag kasama mo siya. Ipakita mo rin na mapagkakatiwalaan ka, lalo na’t kung tungkol ito sa lihim sa kanyang pagkatao. Na kahit ganito siya, hindi mo siya iiwanan o lalayuan. Na kahit ganito siya, sisikapin mo na hindi mailang sa kanya.

Isang halimbawa: Sinabi niya sa iyo, “May mga nakakatalik akong mga babae dati pa…” Siguro nga, kung talagang mahal mo siya, hindi mo naman siya lalayuan dahil lamang diyan. At dapat lang magsikap ka na hindi mailang sa guy na iyan dahil sa past event na iyan.

  1. Sabihin mo na sa kanya. Gamitin mo ang bibig. Pagkatapos mong sundin ang mga advice na nasa itaas, at wa epek pa rin ang mga ito, puwede mong gamitin ito as a last resort. Sabi pa nga, “kung hindi madaan sa santong dasalan, daanin na sa santong paspasan.”

Just a word of warning, gamitin lang ito kung talagang kailangan. Kahit na irekomenda ko na dapat sabihin mo ang iyong feelings sa guy, dapat ka pa ring mag-ingat. Dahil makapangyarihan ang salita, maging handa ka sa maaaring mangyari. Maging handa ka sa anumang sasabihin niya sa iyo: Kung gusto ka niya, walang problema. Kung hindi, better luck next time.

Babae, Hindi Dapat Kimi

Isang bagay lamang ang gusto kong bigyang-diin: Hindi komo sinabi ng kultura na hindi dapat magsalita ang babae, iyon at iyon din ang susundin. Hindi komo sinabi ng kultura na hindi dapat magsalita ang babae, susundin at uunawain ito nang literal. Hindi komo hindi dapat magsalita ang babae, magkikimi at uupo lamang ang babae sa isang tabi.

Bakit Dapat Sabihin Sa Kanya?

Tanong: Bakit dapat sabihin ng babae kung ano ang nararamdaman niya sa guy?

  • Sabihin natin na gusto mo si A. Pero si B ang nanliligaw naman sa iyo, at hindi mo naman siya gusto. Kung sasabihin mo na gusto mo si A, you are setting the limitations sa pagitan ninyo ni B. Dahil dito, hindi puwedeng lumampas sa limitasyon si B.
  • Same example. At the same time, napapalawak mo ang limitasyon sa inyong dalawa, lalo pa’t kung gusto naman pala ninyo ang isa’t isa.
  • Dahil naipapahayag nila ang kanilang damdamin, mababawasan ang mga nasayang na pag-ibig dahil sa love mismatch.

Dalagang Filipina Pa Rin

Tanong: Ngayon, sinabi mo na dapat magsalita ang babae. Ibig bang sabihin nito, hindi na siya tatawaging “Dalagang Filipina?”

Hindi. Hindi porke’t sinabi na niya ang feelings niya, automatically hindi na siya maituturing na “Dalagang Filipina.” Siyempre pa, kahit ganoon ang gawin niya, kailangan pa rin niyang magpakipot. Dapat pa rin niyang hayaang magpursige si guy sa panliligaw sa kanya. At lalong dapat niyang ipakita sa lalaki na siya ay isang babae na hindi basta-basta makukuha ng kahit sinong manliligaw.

Final Words

Expected na ang lalaki ang magda-damoves. Pero dapat gawin din ito ng babae. Dapat din silang magpapansin.

Kahit na may responsibilidad ang lalaki sa panliligaw, dapat maging responsable din ang babae. Hindi sapat na lalaki lamang ang manliligaw at na uupo na lamang ang babae. May papel din ang babae sa panliligaw, lalo pa’t unti-unting kinikilala na magkapantay ang babae’t lalaki pagdating sa pakikipagrelasyon.

Maselan ang paksang ito, pero kailangang isulat ang artikulong ito. Hindi biro ang magsulat ng ganitong klaseng artikulo, pero kailangang tapusin ito. Sa bandang huli, maraming salamat sa pagbibigay ng oras para dito. Sana makatulong ang artikulong ito para hindi masayang ang pag-ibig ng kapwa lalaki at babae.

Featured Image Credit: Picture from ABS-CBNMobile via YouTube

Advertisements

5 thoughts on “Love Advice No. 10

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s