Love Advice No. 11

From the reader who asked a question via Search Box:

Paano kung ang gf mo ay isang cosplayer?

My Advice:

Hayaan mo siya sa kanyang hilig. Wala namang mali sa pagcocosplay. Fashion nga niya iyan eh. Ika nga, walang basagan ng trip.

Uso na kasi ang cosplay lalo na sa mga kabataang tulad mo. Ito na rin kasi ang isang paraan ng pagmomodelo – na paraan ng pagiging fashionista ng kahit sinong cosplayer. Sa pagiging bahagi ng nasabing propesyon, ipinapakita niya na siya’y isang fashionista. Iba kasi kapag cosplayer ka – akala ng iba, ang mga nagsusuot ay pawang totoong cartoon characters.

Girls also want to be supported by their boyfriends, lalo na sa pagsabak sa ganitong gawain. Kailangan niya mula sa iyo ang suporta. Sa pagsuporta mo sa kanya, makikita niya na talagang mahal mo siya. Kung todo suporta ka naman sa kanya, walang problema. Paghuhusayan niya ang field na kanyang napili, and if she brings home the bacon, lalo ka namang magiging proud sa kanya.

Let’s face it: A girl in the field of cosplay does not necessarily mean that she will be that character in real life. Hindi naman niya masyadong seseryosohin ang bagay na ito. Kumbaga, just for fun and entertainment ang ginagawa nilang ito.

Intindihin mo rin na siya ang the other half ng pagkatao mo – na kahit magkaiba man ng gusto, complementary naman iyon sa isa’t isa. Anyway, kung hindi mo kayang mag-cosplay, gagawin naman iyan ng girlfriend mo. Yamang karamihan sa mga cartoon characters na ginagampanan nila ay magaganda, natural lamang na matuwa ka. Bakit? This will be another opportunity for her na magpaganda siya sa harapan mo. Gusto mo namang makita siya bilang isang magandang dilag, di ba? Pero alam na alam ko naman na maganda naman siya sa paningin mo.

Maraming salamat sa pagbibigay ng love problem sa TweetNewscaster. Sana nasagot ko na ang simpleng tanong na bumabagabag sa iyo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s