Love Advice No. 12

Author-constructed problem:

Nung isang buwan, nakipag-break ako sa aking ex. Nasaktan ako kasi mahal ko pa rin siya kahit na di ko natiis ang kanyang mga kalokohan. Na di ko matiis yung kanyang laging pa-gimik-gimik at hangouts. Sa dami nga ng kalokohang kanyang ginawa, di ko na ramdam na mahal niya ako. Di ko na nararamdaman na may time siya para sa akin. Nasasaktan talaga ako kasi mas inuuna pa niya ang barkada kaysa sa akin. Pag niyaya ko naman siyang sumama sa akin, sabi niya lagi sa akin, “Saka na lang pag may time ako.” Pero nakikita ko naman sa mga posts at pictures niya na lagi niyang kasama ang kanyang barkada. In short, mas may time siya sa barkada.

Nung nalaman ng mga friends ko kung ano ang nangyari sa akin, sinabi pa nila sa akin, “Don’t worry. There are so many fishes in the sea.”

Hindi pa man ako lubos na nakakamove-on, heto na naman at may nanliligaw na sa akin. Todo tilian pa nga yung mga kaibigan ko. Ewan ko ba. Nagkatotoo yata ang sinabi nila sa akin. Pati ako, nahiya tuloy. Nakakahiya kaya kung ikaw na nililigawan ay ma-picture pa sa Instagram!

Hindi ko naman alam kung seryoso ba siya sa akin, pero sa nakikita ko sa panliligaw, todo effort naman siya. Nga naman, bakit pa siya nag-effort kung di siya nagseseryoso?

The next day, humingi ng tawad sa akin si ex. Sabi pa nga niya sa akin, “Babe, sige na please? Sana maging tayo pa rin.” Natatakot ako. Kung sasagutin ko siya, baka ulitin pa niya ang ginawa sa akin.

Sino po ba ang dapat kong piliin: Ang ex ko o ang nanliligaw sa akin?

My Advice:

Kung tatanungin mo ako kung sino sa kanila ang dapat mong sagutin, hindi ako ang sasagot diyan. Dapat sagutin mo ang tanong na ibinigay mo sa akin. But don’t worry. Tutulungan naman kita para magdesisyon.

Huwag mo munang sagutin si guy o balikan si ex agad-agad. Mas mabuti na bigyan mo silang dalawa ng pagkakataon. Para patas lang. Bakit? Pareho silang seryoso sa iyo. Pareho silang determinado, at pursigido na mahalin ka. Kaya, dapat pareho mo silang bigyan ng pagkakataon. Saka ka na magdedesisyon kung sino sa kanila ang karapat-dapat at mas matimbang sa puso mo.

Kung pinagbigyan mo lang ang ex mo, yung guy na nanligaw sa iyo ang mas kawawa. Kasi, hindi mo na siya binigyan ng pagkakataong ipakita sa iyo na seryoso siya sa iyo. Kung pinagbigyan mo lang ang guy na nanligaw sa iyo (at sinagot mo siya), si ex naman ang mas kawawa. Ang taong sinagot mo ang siya mo lamang binigyan ng pagkakataon. Hindi mo na hinayaang patunayan sa iyo ni ex na handa na siyang magbago para sa iyo.

Sinabi mo na di ka pa nga nakakamove-on. Pareho mo silang pagbigyan. Dito mo makikita kung sino sa kanilang dalawa ang nararapat tumuloy sa iyong puso. Also, this will give you more time para maghilom ang sugat sa puso mo, and this will give you more time to move on.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s