Love Advice No. 13

From the reader who asked a question via Search Box:

Bakit nagagalit si ex pag may nanliligaw sa ex niya?

My Answer:

Maraming dahilan.

Pero isa ang sagot diyan: Posible kasing mahal pa rin niya ang babaeng iyon.

Siyempre pa, kahit na hindi na sila para sa isa’t isa, hindi ito ibig sabihin na agad-agad magiging civil ang turingan sa isa’t isa. Dadaan pa sila sa proseso na masasaktan sila hanggang sa punto na kapag nagkita sila, ang turing na sa isa’t isa ay di na gaya ng dati. Sa panahong patuloy na nagmo-move on ang mag-ex, may tira pang pag-ibig si guy sa kanya, or vice versa.

Ang isa pang dahilan ay umaasa siya na darating ang araw na magkakabalikan sila. Umaasa siya na kahit anong mangyari, sa bandang huli’y sila’t sila pa rin. Na kahit na wala na sila, willing siyang maghintay para sa kanya. Wag ka nang magtaka kung bakit magagalit ang ex kapag nanligaw ang iba sa kanyang ex-gf.

Tatanungin kita: Ano ang gusto mong sabihin sa tanong na iyan? Hangga’t di mo nasasagot ang tanong na iyan, sa artikulong ito ay ipagpapalagay natin na nagagalit si ex-bf kapag may nanliligaw sa kanyang ex-gf.

My Advice:

In the first place, past is past.

Masakit ang feeling kapag nakikita mo ang iyong ex na may kasama nang iba. Mas lalong masakit sa iyo kapag sinabihan ka niya na mas mapalad siya sa pagkakaroon ng bagong bf kaysa sa iyo.

Ano ba ang dapat mong gawin kapag may nanliligaw sa iyong ex? Huwag mo nang pansinin si gal. Huwag mo na ring papansinin ang mga nanliligaw sa kanya. Bakit? Kasi bilang mag-ex na, malaya na kayong makipagbalikan o maghanap ng mas mabuting kasintahan para sa isa’t isa. Malaya na ninyong magagawa ang mga bagay na gusto ninyong gawin. Ika nga, no attachments.

Kung masaya na siya sa kanyang bagong bf, apply the “Let It Go” theory. Tatanungin mo naman sa akin, “TweetNewscaster, eh kung ayaw ko?” Sige, ipagpalagay natin na galit ka nga’t nakahanap kasi ng bago si ex mo. Tapos, sa sobrang galit, may untoward incident kang ginawa. Wala ka nang ginagawa kundi kalokohan. Ang resulta: Hindi lamang mapapaaway ka, mapapabaranggay ka na, mapapasama ka pa sa paningin ng ex mo at ang bagong bf niya. Worse, kapag single na ulit siya, mostly makukumbinsi siya na hindi ka pa niya dapat balikan.

Ang intindihin mo na lang ay ang iyong sarili. At the end of the day, kapag mahal mo na ang sarili mo, posibleng magkaroon ka pa ng babae na higit na magmamahal sa iyo. Or if you love yourself, posibleng balikan ka pa ng gf mo. Kailangang intindihin mo muna ang sarili mo, dahil bukod sa nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon, sarili mo lang ang ginagamit kapag nagmahal ka. Matatawa na lamang ako kung sa panahong nagmahal ka ay ginagamit mo ang iba. (Sa ibang artikulo tatalakayin ko kung paano ka makakamove-on.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s