Love Advice No. 14

Isang tanong:

Napaisip ka na ba kung bakit mo mahal ang taong tinitibok ng puso mo?

My Advice:

Ibibigay ng may-akda ang ilang bagay na makakatulong sa iyo upang masagot ang tanong na nasa itaas.

Sa tingin mo, bakit kailangan mong sagutin ito?

Alam ko na in one way or another, mahal mo siya. Upang malaman mo ang tunay na intensyon kung bakit siya ang mahal mo, puwede mong tanungin ang sarili sa mga sumusunod:

  • Mahal mo ba siya dahil maganda siya? Dahil sporty siya (lalo na kung mahilig siyang mag-basketball)? Dahil pang-Miss Universe siya? Dahil ba matikas ang kanyang katawan?
  • Mahal mo ba siya dahil may nararamdaman ka sa kanya na hindi mo maintindihan – na nagbibigay ng tingling sensation sa tuwing kayo’y magkita o sa tuwing makita mo ang picture niya?
  • Mahal mo ba siya dahil sa araw-araw na ginagawa ng Diyos, lagi niyang ipinapadama sa iyo na special ka sa kanyang paningin?
  • Mahal mo ba siya dahil ipinadama niya sa iyo ang halaga mo bilang isang babae?
  • Mahal mo ba siya dahil naaakit ka lamang sa kanya? (Paulit-ulit pa nga ako eh, pero ganoon ang nangyayari sa totoong buhay.)
  • Mahal mo ba siya dahil napilitan ka lang ng magulang mo, ng kaibigan mo, ni Kupido, o ni Tadhana?
  • Mahal mo ba siya dahil iyan ang hilig ng puso? O mahal mo siya dahil dinidikta iyan ng iyong isip?
  • Mahal mo ba siya dahil kilala mo na ang buong pagkatao niya – kahit hindi siya masalita?
  • Mahal mo ba siya dahil siya ay isang matagumpay na propesyonal?
  • Mahal mo ba siya dahil mayaman sila?

“Bakit mo siya mahal?” Kung sasabihin mo lang sa akin, “Basta…”, hindi ito isang magandang dahilan. Walang taong nagmamahal nang basta-basta. Kung masasagot natin ang bagay na ito nang maayos, masasabi natin sa ating sarili kung talaga bang mahal mo siya o hindi. Kung mahal mo naman siya, dito mo malalaman kung may mabuti kang intensyon sa kanya o hindi.

In the end, hindi natin dapat gawing biro ang pagsasagot sa ganitong tanong. Mahirap kasi na mahal mo ang isang tao dahil lamang sa isang mababaw na katuwiran. Saka pa lamang natin malalaman na “Ah, wala na akong nararamdaman sa kanya.” Kung ganito lamang ang mangyayari, sayang lamang ang itinitibok ng ating puso.

Napakahirap nga ng ganitong klaseng tanong, pero tagos ito sa ating mga damdamin. I may be random in creating this love advice article, pero sana makatulong ito kahit paano dahil sa bandang huli, kung maganda ang itinitibok ng puso mo, mas magtatagumpay ka sa iyong pagmamahal sa kanya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s