Love Advice No. 15

From the reader who asked a question via Search Box:

Paano mo ligawan ang babaeng ex gf ng kapatid mo?

My Advice:

Sorry, but I won’t disclose it in public. Ika nga, sariling diskarte iyan, pero gagabayan naman kita. May mga bagay na dapat gawin kung nais mong ligawan siya.

Ipakita mo na lagi kang nandiyan para sa kanya. Give her time to move on, and at the same time, suportahan mo siya. Pagaanin mo ang kanyang kalooban.

Malamang na nakikita mo na dating magkasama ang kapatid mo at ang kanyang ex dati, di ba? Malamang na kilala mo na sila. Malamang na kilala mo ang babaeng iyan. Use that to your advantage and to her advantage. Gamitin mo ang lahat ng nalalaman mo sa kanya upang gabayan ka pagdating sa panliligaw sa kanya.

Bakit hindi mo siya yayain sa paglalaro ng basketball? Kapag niyaya mo na, magpakitang-gilas ka na sa harapan niya. Shoot lang nang shoot.

Learn also from the mistakes of your brother. Dahil close ka sa kapatid mo, at the same time na close ka sa kanyang ex, dito mo malalaman kung ano ang naging pagkakamali ng kapatid mo para hindi mo na ito ulitin.

Pag-aralan mong mabuti ang kasaysayan ng kanilang pagsasama. I repeat, kasaysayan ng kanilang pagsasama. Meron ka bang nakitang bagay sa kanila na dapat mong i-improve para sa babaeng iyan? Hihigitan mo pa ba ang pagpapasaya ng kapatid mo sa babaeng iyan? May pagkukulang ba ang kapatid mo na kaya mong punan? May mabuti pa bang ginawa ang kapatid mo sa kanya na dapat mong paunlarin?

Kung gusto mo naman ng specific tips para ligawan ang babaeng ex ng kapatid mo, why not solicit advice from your male friends – o kahit pa sa tatay mo? They might help you to court her the manly way.

Other Tips

Ang mahalaga, maging totoo ka sa sarili mo. Huwag kang plastik. Nakakahiya kaya kapag ikaw na nanliligaw ay plastik. Mukhang iisipin ng liligawan mo na sinungaling ka, at na hindi ka daw mapapagkatiwalaan.

Halimbawa, iginiit mo sa gal, “Humble ako.” Sinabi mo iyon dahil ayaw mong malaman niya na mayabang ka talaga, lalo’t takot ka na maturn-off siya sa iyo kapag inamin mo iyon sa kanya.

Pero kahit ganoon, maging totoo ka rin sa sarili mo. Anyway, kung talagang mahal ka niya, tatanggapin ka pa rin niya kahit ganoon ka kayabang. Kung ayaw ka niya, let her regret her act.

Advice From Another Friend

Ito namang tips ay kinuha ko lamang sa isang friend:

  • “Precaution: Bago mo ligawan, sigurado ka ba? Wala kang karapatang i-break yan, ikaw ang manliligaw eh.”

May time ka pa para umatras sa panliligaw sa kanya, pero oras na isubo mo ang sarili mo sa panliligaw sa kanya, hindi ka na basta-basta makakaatras. Tatanungin kita: Siguradong-sigurado ka na ba? Handa ka ba na mahalin siya forever? Handa ka bang mahalin siya at wala nang iba? Kung ang sagot mo sa mga nabanggit ay oo, why not?

Kapag manliligaw ka, dapat dala-dala mo ang pagmamahal sa kanya sa puso mo. Bakit? Ipagpalagay natin na nanliligaw ka, pero wala kang feelings sa kanya. Kapag sinagot ka niya, malaki ang posibilidad na maging failure ang relationship: Magmamahal siya, pero hindi ka magmamahal, kasi in the first place, wala kang feelings sa kanya. Hindi gagana ang relationship kung ganito ang sitwasyon. Ngayon, kung liligawan mo siya nang wala kang nararamdaman sa kanya, at sinagot ka niya, eh di wow!

  • “Siyempre effort, hatid-sundo-text-kain-kilig at paulit-ulit lang, kung ano yung bukal sa loob mo plus effort ha.”

Gusto ko ring dagdagan na kailangan mong alamin ang pagkatao at hilig niya para maging matagumpay ang panliligaw sa kanya. Halimbawa, kung mahilig siyang mangolekta ng mga basura sa Payatas, puwede mong bigyan siya ng isang mabahong basura kapag liligawan na si gal.

Mahalaga din ito para ipakita sa kanya na talagang mahal mo siya. And take note: hindi lang iyan ang mga paraan para ligawan siya. Marami pang paraan – kung gugustuhin mo. Ang mahalaga, nanliligaw ka na angkop sa kanyang pagkatao at hilig.

  • “Mas okay kung nililigawan mo siya na alam ng magulang: Punta ka sa bahay, hindi yung kung saan-saan dadalhin na hindi alam ng magulang. Ano ka kidnapper? Mas okay ang legal please.”
  • “Mag-alay ka ng isang dosenang itlog sa birhen para sagutin ka, charing, pwe. Daanin mo rin sa dasal, ligawan mo rin si Lord, baka makatulong hihi.”

I’ll sum these two with a sentence: “Ligawan mo muna ang parents niya, friends niya, at pati si Lord.” You can view her parents and her friends as partners. Sikapin mong kuhanin ang loob ng mga magulang at kaibigan niya, and treat them well. Baka matulungan ka nila upang alamin ang hilig at pagkatao niya. At baka matulungan ka pa nila para ligawan siya.

Mahalaga rin na ligawan si Lord, at baka masagot niya ang hiling mo. Mahalin mo rin si Lord, at magpakabuti ka. Ang kabutihan mo ay lilitaw sa iyong pagkatao, at baka dahil dito mas may chance ka para masagot ka niya. Siyempre pa, effort ka pa rin dapat. Si Lord na ang bahalang magpalambot sa matigas na puso ng dalaga.

Another Important Advice

In actual practice, kapag nanliligaw ka sa isang tao, dapat siguraduhin mo na mapanatili ang iyong kaunting ego at ang iyong dignidad. Kung may ipinagagawa sa iyo ang dalaga para mapasagot lang siya, sige, gawin mo. Pero kung umabot na sa punto na ipinapahiya ka niya na para bang inalisan ka ng dignidad, mas mabuti na huwag na lang muna siyang ligawan. Kung binasted ka niya, huwag kang basta-basta papaapekto. Ipakita mo sa kanya na matapang ka.

Siguraduhin mo lamang na may dignidad ka pa na nasa sa iyo, lalo pa’t ilan sa mga babae ay inaabuso ang kultura ng panliligaw sa atin. Mahirap kasi ang mawalan ng dignidad kapag nanligaw ka: Hinuhubaran na ang pagkatao mo nang di mo namamalayan, dahil nagpapakatanga ka para lang sa kanya, at na hindi ka sigurado kung sasagutin ka baga niya o hindi.

Persistence is also the key. You should not be discouraged kahit na binasted ka. Kahit ganoon, bumangon ka, ligawan mo siya ulit, at sikapin mo na mapasagot ka niya. Kung magagamit mo ito ng tama, makakatulong ito para ipakita sa kanya na talagang seryoso ka sa kanya.

Dito ko na ilalagay ang mga tips kung paano dapat manligaw ang isang lalaki. Kahit na hindi ko sabihin nang diretsahan kung paano mo siya dapat ligawan, sana nakatulong ako sa pagbibigay ng mahahalagang tips na dapat mong tandaan bago gawin iyon. Sana nakatulong ang artikulong ito upang maging matagumpay ang panliligaw mo sa iyong pinakamamahal na dilag.

Advertisements

2 thoughts on “Love Advice No. 15

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s