Love Advice No. 16

Author-constructed problem:

Bale matagal na po kaming mag-on. Inilihim namin ang aming relasyon dahil dito:

Nagtanong ang nanay ko sa aking boyfriend kung ano ang kanyang narating. Sabi niya, siya ay isang tricycle driver. Hindi pa siya nakakatapos ng pag-aaral. Kinompronta ako ng aking nanay at ang sabi niya, bakit hindi propesyonal ang pinili kong boyfriend? Katuwiran niya, ano ba ang mangyayari sa aking buhay kung yung bf ko lang ang aking pinili?

Dapat ko bang ituloy ang aming relasyon?

My Advice:

Hindi ko sasagutin ang tanong mong iyan, pero dapat mong ikonsidera ang mga bagay-bagay:

Keeping Secret Is Difficult

Napakahirap ilihim ang isang relasyon. Mabuti pa sana kung yung iilan o maraming nakakaalam ay marunong magtago ng sensitibo at confidential na bagay tulad nito. Kung ang paglilihim naman ay ginawa mo upang di magalit sa iyo ang nanay mo, matindi ang consequences nito di lamang ninyong dalawa kundi pati ng nanay mo. Siguradong masasaktan ang nanay mo sa ginawang paglilihim. Magagalit pa nga siya sa ginawa mo, at malaki ang posibilidad na hindi na niya tanggapin ang iyong boyfriend.

Kung ipagpapatuloy ninyo ang lihim na relasyon, maraming puwedeng mangyari na hahantong sa hiwalayan ninyong dalawa.

  • Walang kasiguraduhan na magtatagal ang relasyon ninyong dalawa. Hindi mo pa alam kung hanggang kailan kayo magtatagal, lalo pa’t ang nanay na mismo ang tumututol sa inyo. Pwedeng anumang oras ay gagawa na talaga siya ng paraan para paglayuin kayong dalawa.
  • Hindi ka sigurado kung may tiwala ka pa sa kanya o kung may tiwala pa siya sa iyo. Puwedeng pagsuspetsahan mo ang iyong bf na may iba, or vice versa.
  • Ayaw naman ninyong malaman ng iba kung ano ang status ninyong dalawa. Pero posibleng may iba na makakaramdam at makakahalata sa inyong pagsasama.

Masasabi ko na “tama” ang nanay mo. Sa panahon ngayon na pahirap na nang pahirap ang buhay, hindi naman kailangang isang propesyonal ang boyfriend mo. Sapat na siguro ang may pinag-aralan siya at na kaya ka niyang buhayin at ang magiging pamilya mo.

What To Do

Kung ganoon, ano nga ba ang dapat mong gawin?

Hiwalayan mo muna ang boyfriend mo. Sabi mo pa nga, matagal na kayong nagsasama. Masakit ito, pero pagdating ng panahon, pareho kayong makikinabang. Mas mahirap na yung may palihim na relasyon kayo sa isa’t isa kaysa sa hiwalay kayo. Mabubunutan ka pa ng tinik lalo pa’t kung alam mo na wala ka nang pasanin sa iyong puso’t isip. Malaya ka nang makakakilos nang walang masyadong inaalala.

Kung hindi talaga maiiwasan ang isa’t isa, mabuting gumawa ng written contract. Dito ninyo ilalagay ang lahat ng mga bagay na napagkasunduan ninyo. Mas maganda yung may pinanghahawakan kayo. Sakali mang maghanap na ng iba ang boyfriend mo, may proof ka na kayo’y may napagkasunduan. Kung walang written contract, at naghanap ng iba ang bf mo, ito ang magiging sitwasyon:

Girl: Di ba’t ipinangako mo sa akin na tayo pa rin?

“Ex” Boyfriend: Wala naman akong sinabing ganoon sa iyo.

Kung ayaw mo namang magalit pa sa iyo ang iyong nanay at gusto mo naman si guy, may solusyon diyan. Pag-aralin mo ang boyfriend mo sa kahit saang eskwelahan na gusto niya.

Di Afford? May Paraan!

Tanong: Paano kung hindi naman niya afford na makapag-aral sa isang kolehiyo o unibersidad?

Pwede naman siyang pumasok sa isang public university, o kumuha muna ng technical-vocational course. Mas magaling pa kung sa TESDA, lalo pa’t maari siyang makapagtrabaho. Kung afford na niya, puwede na siyang kumuha ng kahit anong kurso.

Muli, hindi ko sasagutin ang tanong mo. Pero naibigay ko na ang mga bagay na dapat mong ikonsidera. Dito mo ibabatay ang iyong desisyon kung itutuloy ba ninyo ang relasyon o hindi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s