Love Advice No. 17

Mahirap magbigay ng love advice, pero masaya. Masaya kasi sa pakiramdam yung nakakatulong ka sa iba, lalo pa’t kung masyadong seryosong problema ang nilulutas natin. Pero mas mahirap kapag kulang o hindi kumpleto ang love problem na ibinibigay sa TweetNewscaster. Dito nahihirapang ilagay niya ang kanyang sarili sa isang sitwasyon. Sa di kumpletong love problem, nahihirapan si TweetNewscaster na alamin kung ano ang totoong sitwasyon na nangyayari sa kanila. Ang resulta: puwede itong ma-misinterpret ng may-akda, at ang mas malala pa, hindi pa siya makakapagbigay ng love advice na angkop sa inyong pangangailangan.

Para sa kumpletong guidelines sa paghingi ng Love Advice, paki-click dito.


From the reader who asked a question via Search Box:

Isang mahirap na desisyon [na] mahal ko pa rin yung kapatid ng girlfriend ko.

My Advice:

Magdagdag ka pa ng info para masagot ko agad ang tanong mo.

Kulang pa ang detalye ng inyong love problem. Paano ko maibibigay nang maayos ang love advice sa iyo kung kulang pala iyan?

Nag-search ka dahil gusto mong malaman ang sagot sa tanong na bumabagabag sa iyo. At ito ay hindi na lingid sa kaalaman ng may-akda. Nag-search ka ng nasa itaas sa pag-asang makakuha ka ng kasagutan. Pero puwede mo naman itong ipadala sa akin, at sasagutin ko naman iyon agad-agad.

Sagutin mo nga ako: Ano ang gender ng kapatid ng girlfriend mo: boy o girl? Anong desisyon ang mahirap para sa iyo: Kung iiwan o sasamahan mo ba si girlfriend? Kung sasabihin mo ba sa girlfriend mo na mahal mo yung kapatid niya? Kung hihiwalayan mo yung present gf mo? Kung ito ba’y dahil gusto ng magulang na ang kanilang anak ay para sa iyo at hindi ang isa pa nilang anak? Ano ba talaga ang problema?

Magpadala ka sa akin ng iyong love problem sa pamamagitan ng e-mail: tweetnewscaster@yahoo.com. Doon baka mapagkasunduan natin ang mga bagay-bagay in a private manner.

Huwag kang mahiyang sabihin sa akin ang buong kuwento ng problema mo, KAHIT GAANO PA KAHABA IYAN. Anyway, hindi ko naman ibubulgar ang pangalan mo eh. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s