Love Advice No. 20

From Pag-ibig Problems Facebook Page:

Hi po! I’m Sharmaine. I just need an advice from you. Hoping you can help me about this. Ganito po kasi yun:

2 years na po kami ng bf ko and alam ko po sa sarili ko na mahal ko pa yung ex ko. Please don’t judge me first.

Yung ex ko po kasi is my first love. After po ng break-up namin, nagka-bf ako and may times na naiisip and namimiss ko siya kahit may bf ako and i’m just ignoring that thought of mine kasi nga I have a boyfriend but then at the end nare-realize kong mahal ko pa din talaga sya.

Nag-break kami ng bf ko because he insisted na may mangyari sa amin and hindi po ako nagpapagalaw which is una pa lang sinabi ko na. Minahal ko din naman siya, kaso nga gumawa sya ng malaking kasalanan which is for me hindi na kailangan ng 2nd chance.

And then nagkaroon ulit kami ng communication ng ex ko and na-broken hearted ako dahil feeling ko pinaasa nya lang ako and ginantihan dahil nakipag break ako sa kanya nung kami which is pinagsisisihan ko. Nagawa ko yun dahil akala ko na iyon ang solusyon sa amin. Hindi pa naman kasi ako marunong mag-handle ng relationship at that time.

By the way, nung nagkaroon ulit kami ng communication, he also insisted na may mangyari samin na sobrang ikina-trauma ko. But thanks God, hindi natuloy. And after ng pangyayaring iyon mahal ko pa din siya. Tanggap ko padin ang lahat sakanya. I try my best para makapag move-on, then nagkaroon ako ng bf ulit at siya yung bf ko ngayon.

Hindi na kami nagkaroon ng communication ng ex ko after nun and di man lang sya nagsorry or what sa pangyayaring iyon. Hindi pa nga siya nagpaparamdam after nun. And yun na nga, August of this year nang magkaron ulit kami ng communication. Nagkita kami last September which is unang pagkikita namin after last what happened 2 years ago. Sobrang sweet niya but it’s very hard for me na paniwalaan ng lahat ng kinikilos and sinasabi nya, siguro dahil sa nangyari before.

Nakipag-break ako sa bf ko because I still love my ex nga and I don’t want to be unfair naman sa bf ko pero ayaw niya and mahalaga padin naman siya sa akin. I’m sorry alam kong magulo pero yun ang nararamadaman ko. Maski ako medyo naguguluhan. Basta ang alam ko, mahal ko padin talaga yung ex ko.

After ng lahat ng hndi magandang ginawa niya sakin at hindi magandang alam ko sa kanya, tanggap ko padin ang lahat-lahat sa kanya and sa kanya ko nakikita ang future ko actually. Sabi ng friends ko, nakikita nilang may feelings padin naman sa akin yung ex ko. Ano po bang dapat kong gawin?

Mahalaga padin po sa akin yung bf ko now, pero alam kong kaya ko siyang bitawan para sa ex ko mapatunayan ko lang na magtitino na sya at totoong mahal pa niya ako, kaso siyempre sobrang hirap po para sakin na gawin iyon and di ko po alam kung paano sisimulan. Sana maintindihan niyo po yung sitwasyon ko. And by the way more than 6 years ko na pong mahal yung ex ko na yun. Matulungan niyo po sana ako na mag-decide. Salamat po.

My Advice:

Tama ang sinabi ng admin: “Iwan mo silang dalawa to be fair.”

In the first place, bakit ka pa kumuha ng bago kung alam mo sa sarili mo na si ex pa rin ang nasa puso mo? In the first place, bakit mo sinagot agad-agad ang bf mo? Nagmamadali ka? Mauubusan ka ba ng mga lalaki? Hindi mo naman pala siya mahal, kahit nararamdaman ko na mas seryoso pa ang present bf sa iyo. Bakit mo siya sinagot? Halatang-halata ito, lalo pa’t sinabi mo na “alam kong kaya ko siyang bitawan para sa ex ko.”

Sa pagmamahal, kailangan ang puso. Okay lang sana, kaso sobra-sobra mo na itong ginamit. At that time na nagmahal ka, mas lalo mo lamang ginamit ang puso mo. Bakit ko nasabi ito? Hindi ka pa rin nadadala, kahit matindi na ang kalokohang ginagawa ng ex mo. Nagpapakatanga ka pa para sa kanya. Hindi dapat ganoon. Gamitin mo rin ang iyong isip. Isipin mo rin ang magiging consequences kung nagpatuloy ang relationship sa inyo ni ex.

Fake Move-on

Dapat sana noon pa, sinigurado mo sa sarili mo na naka-move on ka na. Na kahit na alalahanin mo ang ex mo, hinding-hindi ka na masasaktan, hinding-hindi ka na maghahangad na magkabalikan kayo, at hinding-hindi ka na aasa na magkakabalikan pa kayo. Pero hindi eh. Hindi ka na lubos na nakakamove-on, pero kuha ka na agad ng bagong boyfriend.

Bibigyan kita ng mga dahilan kung bakit hindi mo na dapat pang balikan si ex:

  • He insisted na may mangyari sa inyong dalawa.
  • Nung nagkaroon ulit kayo ng communication, he also insisted na may mangyari (na naman!) sa inyo.
  • Ano ba? Kahit binalaan mo na siya, at kahit anong pakiusap mo, hindi siya nakikinig sa iyo at hindi niya kayang pigilin ang kanyang pagnanasa.
  • Sa halip na siya mismo ang makipagbalikan, sa halip na humingi ng tawad sa kanyang mga kalokohang ginawa, at sa halip na baguhin ang kanyang ugali, ikaw pa itong nakikipagbalikan sa kanya.
  • Ikaw na mismo ang nagsabi na“gumawa siya ng malaking kasalanan which is for me hindi na kailangan ng 2nd chance.” Kung iisipin mo, marami na siyang kalokohang ginawa. Binigyan mo pa siya ng 2nd chance, pero sinabi niya na may mangyari na naman sa inyo. Bakit mo pa siya bibigyan ng isa pang pagkakataon?
  • Isa pa, iniisip lamang ng ex-bf ang kanyang sarili. Hindi niya inisip na sa isang relasyon, kailangan niyang isakripisyo ang sarili niyang kagustuhan para sa ikaliligaya mo. Kung makikipagbalikan ka sa kanya, at ganito pa rin ang ugali niya, isa nang malaking pagkakamali ang balikan siya.
  • Panghuli, iresponsable siya. Nung nag-break kayo, gumanti siya, sa halip na akuin ang responsibilidad na siya ang dahilan ng paghihiwalay ninyo. Sabihin natin na nasunod ang gusto ng ex mo. Kung may mangyari sa iyo, handa ba niyang panagutan ka? Handa ba siya na maging responsableng bf para sa iyo? Parang hindi eh.

Tatanungin kita:

  • Si ex lang ba ang lalaki sa mundong ito, at todo desperada ka nang makipagbalikan sa kanya?
  • At that time na nanliligaw pa lang sa iyo ang bagong bf, sinigurado mo bang siya lamang ang mamahalin mo at wala nang iba pa?
  • At that time na nanliligaw pa lang sa iyo ang bagong bf, tinatanong mo ba sa sarili mo kung bakit mahal mo siya? Mas mahirap kapag sinagot mo siya, tapos sasabihin mo, “Wala na akong nararamdaman sa present bf ko.”
  • Kung hindi ka marunong mag-handle ng relationship, humihingi ka ba ng tulong sa magulang at kaibigan mo? Mahalaga ang humingi ng tulong sa kanila, upang magabayan ka nang tama sa paghawak sa isang relasyon.

Oras na kumuha ka ng bagong bf, i-apply mo na agad ang Let It Go Theory. Past is past. Dapat sana ang iniisip at inaasikaso mo ay ang bagong bf, pero hindi eh. Si ex pa rin ang nasa isip mo.

Tandaan mo rin na hindi biro ang manligaw, lalo na sa parte ng mga lalaki. Sana maintindihan mo na totoo ang bagay na ito bago mo sabihin na handa mong iwan siya para lang sa ex mo. Some girls, especially you, have taken this unmistakable fact for granted. Hindi dapat ganoon. Hindi mo dapat pinaglalaruan ang damdamin ng bf mo, dahil nagpapakahirap din siya para sa iyo. Hindi sila barbecue para tuhugin mo silang dalawa. Dapat sana hindi mo sinayang ang pag-ibig na ibinigay sa iyo ng present bf mo, pero hindi eh. Hindi mo na-realize na talagang mas mahal ka ng present bf mo kaysa sa ex mo. Mas lalo mo lamang pinagmukhang tanga at kawawa ang bf mo.

Nanliligaw siya sa iyo. Sinagot mo naman siya agad-agad. Tapos sasaktan mo lang siya? Ano ito, lokohan? Sa totoo lang, lokohan din ang ginagawa mong pakikipagrelasyon sa present bf mo. Nasayang na ang pag-ibig ng bf mo sa iyo. Nakakapanghinayang talaga!

Maraming Lalaki Diyan

Don’t worry. Hindi ka mauubusan ng lalaki na seryoso sa iyo at igagalang ka bilang isang babae. Bakit ko ito nasabi? Hayaan mong sabihin ko sa iyo kung bakit:

Ang populasyon ng Pilipinas ay umaabot sa mahigit 100 milyon. Karamihan sa populasyong ito ay mga kabataang tulad mo.

Ayon sa National Statistics Office (now merged with PSA), sa bawat 100 babae, 102 ang mga lalaki sa buong Pilipinas. Kung ikaw ay nasa 14 taong gulang pababa, may 107 na lalaki sa bawat 100 babae. Kung ikaw naman ay nasa 15-64 taong gulang, may 102 lalaki sa bawat 100 babae. Kung titingnang mabuti, may sobra pang kaunti, tulad ng inilalarawan ng NSO:

pr1266f2

Ang general rule sa atin, stick to one. Samantala, sa bawat isang babae, higit sa isa ang lalaki sa Pilipinas. Kaya, hindi ka mauubusan ng mga lalaki.

Kailangang hiwalayan mo sila pareho. Nasabi ko na ang mga dahilan kung bakit di mo dapat balikan si ex. Hiwalayan mo na rin ang present bf mo. Bakit? Pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Pinahihirapan mo na ang present bf mo, sinasaktan mo pa ang puso niya! Kung ipinagpatuloy mo ang relasyon sa kanya, masasaktan mo pa ang present bf mo, dahil hindi mo naman pala siya mahal. Hayaan mong may babae na talagang magmamahal sa kanya.

Hindi na bale sana kung hiniwalayan at “sinaktan” mo si ex, para magtanda siya at matutunan niya ang matinding leksyon. Iyon na ang disciplinary action na puwede mong gawin sa ex na iyan.

Pasensya at Salamat sa Iyo

Pasensya na kung ako man ay lubhang naging prangka sa iyo, pero dapat kong sabihin ang mga bagay na ito para ma-realize mo kung ano ba talaga ang dapat mong gawin. Sana nakatulong ako upang magabayan ka pagdating sa pag-ibig. Hangad ko na sa susunod na muling iibig ka, hindi mo na uulitiin pa ang gayong pagkakamali. Kahit na hindi ka mismo humingi sa akin ng payo, salamat din sa pagbibigay ng love problem. Masarap magbigay ng love advice sa tulad mo na nagbibigay ng sapat na detalye ng love problems.

Love Advice No. 19

From Pag-ibig Problems Facebook Page:

Three years na kami ng bf ko, but meron akong na-discover recently lang.

Nung 7 months pa lang kami noon, may naka-fling siya on Chat lang daw naman iyon. They had this conversation na once lang naman nagka-chat at nag uusap sila na medyo below the belt. (Medyo lang, kasi not directed exactly on sex thing). But sabi niya, yung chat na iyon ay nangyari daw nung hindi pa kami. Pero kung susundin ang date na nakalagay sa Facebook chat, 7 months na kami nung nangyari ang chat na iyon. So yun nga, recently ko lang siya nabasa (recently since hindi naman talaga ako yung type ng gf na todo halukay sa Facebook).

Ang nakakapagtaka doon, he didn’t delete or hide the conversation man lang. Parang hinahayaan niya na lang na mabasa ko. So hayun, nag-away kami nang todo (of course nasaktan ako eh). Pero he demanded a second chance and pinipilit niya talaga na nangyari iyon nung hindi pa kami. Nung 7 months kase, iyan yung mga time na lagi ko siyang inaaway, lagi ko siyang pinapaiyak, at medyo sumasakit ang ulo nya sa akin dahil sa pinagagawa ko. Pero nagbago na ako, sobra. Parang bumaliktad na nga ang kwento eh.

To continue the story, ngayon, ang hirap ibalik ng tiwala ko sa kanya. Sobra. Lahat ng bagay pinag-iisipan ko. Ultimo yung motor niya nilalagyan ko ng palatandaan (kung may kaangkas siya o wala), kasi praning mode ako kumbaga. Pero iniintindi niya ang galit ko. Lagi pa niya akong sinusuyo pag nagagalit ako.Basta, pinapasaya niya ako kapag magkasama kami. Minsan naiirita siya kapag O.A. ang pagseselos ko, pero iniintindi pa din niya [ang sitwasyon ko].

May mga times na minsan, feeling ko walang effort , ganun. Minsan, ayaw niya ako ihatid or sunduin (kahit na ako na ang nag-rerequest), which is sobrang kinakasama ng loob ko. Kapag naman sinasabi ko sakanya na parang walang effort, nagagalit siya, at ang sabi, di daw ako maka-appreciate. Ano po ang gagawin ko?

Masaya kami. Sa katunayan, sabi niya nga, asawa na daw talaga ang turing niya sa akin. Legal on both sides, may trabaho na siyang regular, walang problema kumbaga.Hayy, ewan [ko ba,] naguguluhan ako. Ayoko lang kasi masyado na sakanya umiikot ang mundo ko eh, kasi paano kapag iniwan niya ako, di ba?

My Advice:

Dahan-dahan ka lang sa pagseselos.

Once lang naman siyang nagfi-fling sa chat.

To take note, maraming nangyayari sa loob lamang ng maikling panahon. Seven months na nang nagsimula ang away ninyo, pero three years na pala kayo?

Kung titingnang mabuti, mas masuwerte ka pa nga. Once nga lang nagloko ang boyfriend mo, samantalang yung ibang boyfriend, once na nagloko ay lilipat sa iba.

Mahilig Kang Maghanap ng Effort

Tama ang boyfriend mo: Talagang hindi mo naapreciate yung effort niya. Bakit ko ito nasabi? Talagang nag-effort si guy para sa iyo:

  • The mere fact na palagi ka niyang iniintindi kapag galit ka ay nangangailangan ng matinding effort sa part ng lalaki. Kailangan niyang intindihin ka, at nagpakaeffort siya para matupad lamang ang obligasyong iyan sa iyo.

Nung time na sobrang selosa ka, nagsasawa ba ang boyfriend mo na intindihin ka? Hindi, di ba? Effort na rin iyon sa part ng lalaki.

  • Sinusuyo ka pa niya kapag nagagalit ka.Hindi rin biro para sa isang lalaki ang suyuin ang babaeng nagtatampo at nagagalit, lalo na ang katulad mo. Kung hindi siya nag-eeffort, dapat sana hindi siya ang sumusuyo sa iyo. Mas malala pa, wala pa siyang pakialam sa iyo.
  • Pinapasaya ka pa niya. Iyan ay isang likas na tungkulin at pananagutan ng bawat isa sa isang relasyon, at iyon ay tinutupad din ng boyfriend mo. Sa pagpapasaya, kailangan ni guy ng matinding effort sa pagpapasaya sa iyo, lalo na kung in bad mood ka o kung sa tingin mo waley yung pagpapasaya niya sa iyo. Kung titingnang mabuti, effort na rin iyon.
  • The fact na may trabaho siya ay patunay na nagpapakaeffort siya para sa iyo at sa kinabukasan ninyo. Mas masuwerte ka pa nga. Kung ang ibang magkasintahan ay ipinaglalaban ang kanilang pagmamahalan kahit na wala silang trabaho, ikaw naman ay may “asawa”, ika nga, na may trabaho. Kung yung iba ay pinoproblema ang trabaho, ikaw at ang iyong bf ay wala nang problema kasi may trabaho naman siya. Since wala na siyang problema kumbaga, puwede na kayong lumagay sa tahimik. Effort na rin iyon para sa iyo at sa magiging anak ninyo.

Tatanungin kita: Ano ang gusto mong effort na gawin niya para sa iyo?

  • Maglalaslas siya ng pulso gamit ang samurai?
  • Tatalon ba siya sa isang gusali sa Makati?
  • Iinom ba siya ng isang toneladang lason?
  • Magpapabaril ba sa Luneta?
  • Tutulay ba siya sa live wire ng Meralco?
  • Kakain ng giniling na bubog na may sahog na isang bag ng siling labuyo?

Kaya, huwag ka nang magtaka pa kung bakit magagalit ang boyfriend sa iyo. Nagpaka-effort siya, tapos mararamdaman mo na hindi mo naapreciate lahat ng efforts niya. Nakakapagod ang magbigay ng effort para sa iyo, pero mas nakakapagod kapag ikaw mismo ang hindi nakakaapreciate. Ano ito, lokohan?

Isa pang bagay ang dapat mong tandaan: Kung hindi siya nag-effort, magsasawa na siyang intindihin ang ugali mo. Magsasawa na siya sa pagpapasaya sa iyo. Magsasawa na siyang suyuin ka. Magsasawa na siya sa pagtatrabaho – magtatrabaho siya, pero hindi na ito para sa iyo.

Ibabahagi ko sa iyo ang isang quote na natatandaan ko pa dati:

527555_258525707592512_952533278_n

Masama ang Sobrang Selos

Naiintindihan ko na by nature, magseselos ka. Pero huwag sobra-sobra. Bukod kasi sa masama ang sobrang selos, dahil sa ito’y lason at hadlang sa relasyon ninyong dalawa, may mga sitwasyon sa inyong dalawa na dapat mong ikonsidera:

  • Sumabit ba siya sa isang relasyon noong 7 months pa lang kayo at nung nangyari ang nasabing chat? May nakarelasyon ba siya sa chat? Nakabuntis ba siya?
  • Sa loob ba ng tatlong taon ninyong pagsasama, bukod sa pag-fling niya sa chat, may iba pa bang babae ang boyfriend mo? Lumalabas kasi na mababaw ang dahilan para pagselosan mo siya nang sobra.
  • Mahal ba niya ang taong nahuli mo na ka-chat niya dati? Ikaw mismo, bilang “tagahalukay” ng FB niya, ang sasagot niyan.
  • Bukod ba sa below-the-belt chat nila, nag-uusap ba sila sa paraang nanliligaw si guy sa taong iyan? Again, kung ang sagot dito ay hindi, lalabas na masyado ka nang selosa.

Kung titingnan mong mabuti, mas masuwerte ka pa nga. Kahit na hindi mo tuklasin ang lihim na iyon, alam ng boyfriend mo na kailangan niyang baguhin ang ugali para sa iyo. Hindi na ito tungkol sa usapin kung totoong nangyari iyan noong bago o habang nasa relationship status kayo. Kung malalaman mo ang lihim na ito sa anumang oras, at kahit hindi hilingin ni guy sa iyo na bigyan siya ng second chance, matagal na nag-effort ang bf mo para patunayan sa iyo na hindi mo na siya dapat pagselosan pa.

Kung feeling mo lagi ay nagseselos ka sa kanya, bakit hindi mo siya akitin? Tutal, siya naman ang boyfriend mo eh. Kung hindi ka makikipagkompetensya sa mga pinagseselosan mo, mas malaki ang chances na siya ay mawala sa iyo.

Kung ayaw mo namang umikot lang sa kanya ang mundo mo, puwede ka namang kumuha ng 2nd boyfriend, 3rd boyfriend, 4th boyfriend, 5th boyfriend, at marami pa, para di lang sa kanya iikot ang mundo mo, di ba? De. Joke lang! Kung ayaw mo namang umikot lang sa kanya ang mundo mo, madali lang iyan: Huwag kang masyadong umasa sa kanya, at huwag mong ibuhos ang lahat-lahat ng pag-ibig mo papunta sa kanya. Ikaw mismo ang magtatakda kung iikot lang ba ang mundo mo sa kanya o hindi.

Kung gusto mong imbestigahan si guy, huwag kang masyadong praning. Sa halip, make inquiries sa mga taong malapit sa kanya.

Ineffective Strategy

Sorry, pero hindi ko nagustuhan ang paglalagay mo ng palatandaan sa kanyang motor. Bakit? Sabihin natin na dalawang lalaki ang kanyang kaangkas. Sakaling gumana ang palatandaan mo, ito ang sasabihin mo sa kanya:

You: Hoy, mahal, ano ba itong nahahalata ko na may kaangkas ka? May iba kang babae?

He: Hindi, ah! Si Pedro at si Juan ang kasama ko.

You: Sus, Juan at Pedro… Ang sabihin mo, three-timer ka!

Puwedeng hindi ito ang sabihin mo sa kanya. Pero isa lang ang malinaw: Hindi ito ang isang effective na paraan para mahuli siya. Baka magulang, kapatid, kaibigan, o kamag-anak ang kaangkas niya.

Tampo Mode

Regarding sa pagtatampo mo sa kanya porke’t hindi ka niya inihatid o sinundo, mali naman na masyado kang magtampo sa kanya. Hindi naman sa lahat ng oras ay ihahatid ka o susunduin.

Another point: Mas masuwerte ka pa nga. Kung yung ibang bf o gf ay halos hindi inihahatid o sinusundo, ikaw naman ay miminsan nakakaranas nang ganito. This means, madalas na ang paghahatid o pagsusundo ng boyfriend sa iyo.

Final Words

Mas masuwerte ka kumpara sa ibang magkasintahan. Sana maintindihan mo ang bagay na ito bago ka magselos o magtampo nang sobra sa kanya.

For my final words, huwag kang masyadong selosa at praning. Kailangan mong maintindihan na kailangan niyang makipagkapwa-tao sa kahit sino, lalo na sa babae na kagaya mo.

Past is past, at ang nangyaring kalokohang ginawa dati ng bf mo ay hindi dapat maging hadlang sa inyong relasyon at sa kinabukasan ninyo.

Never take your boyfriend for granted. Huwag mong paabutin pa sa punto na kapag iniwan ka niya dahil sa masamang ugali mo, saka mo pa lang mare-realize na hindi mo pala dapat siyang pagselosan nang sobra.