Love Advice No. 20

From Pag-ibig Problems Facebook Page:

Hi po! I’m Sharmaine. I just need an advice from you. Hoping you can help me about this. Ganito po kasi yun:

2 years na po kami ng bf ko and alam ko po sa sarili ko na mahal ko pa yung ex ko. Please don’t judge me first.

Yung ex ko po kasi is my first love. After po ng break-up namin, nagka-bf ako and may times na naiisip and namimiss ko siya kahit may bf ako and i’m just ignoring that thought of mine kasi nga I have a boyfriend but then at the end nare-realize kong mahal ko pa din talaga sya.

Nag-break kami ng bf ko because he insisted na may mangyari sa amin and hindi po ako nagpapagalaw which is una pa lang sinabi ko na. Minahal ko din naman siya, kaso nga gumawa sya ng malaking kasalanan which is for me hindi na kailangan ng 2nd chance.

And then nagkaroon ulit kami ng communication ng ex ko and na-broken hearted ako dahil feeling ko pinaasa nya lang ako and ginantihan dahil nakipag break ako sa kanya nung kami which is pinagsisisihan ko. Nagawa ko yun dahil akala ko na iyon ang solusyon sa amin. Hindi pa naman kasi ako marunong mag-handle ng relationship at that time.

By the way, nung nagkaroon ulit kami ng communication, he also insisted na may mangyari samin na sobrang ikina-trauma ko. But thanks God, hindi natuloy. And after ng pangyayaring iyon mahal ko pa din siya. Tanggap ko padin ang lahat sakanya. I try my best para makapag move-on, then nagkaroon ako ng bf ulit at siya yung bf ko ngayon.

Hindi na kami nagkaroon ng communication ng ex ko after nun and di man lang sya nagsorry or what sa pangyayaring iyon. Hindi pa nga siya nagpaparamdam after nun. And yun na nga, August of this year nang magkaron ulit kami ng communication. Nagkita kami last September which is unang pagkikita namin after last what happened 2 years ago. Sobrang sweet niya but it’s very hard for me na paniwalaan ng lahat ng kinikilos and sinasabi nya, siguro dahil sa nangyari before.

Nakipag-break ako sa bf ko because I still love my ex nga and I don’t want to be unfair naman sa bf ko pero ayaw niya and mahalaga padin naman siya sa akin. I’m sorry alam kong magulo pero yun ang nararamadaman ko. Maski ako medyo naguguluhan. Basta ang alam ko, mahal ko padin talaga yung ex ko.

After ng lahat ng hndi magandang ginawa niya sakin at hindi magandang alam ko sa kanya, tanggap ko padin ang lahat-lahat sa kanya and sa kanya ko nakikita ang future ko actually. Sabi ng friends ko, nakikita nilang may feelings padin naman sa akin yung ex ko. Ano po bang dapat kong gawin?

Mahalaga padin po sa akin yung bf ko now, pero alam kong kaya ko siyang bitawan para sa ex ko mapatunayan ko lang na magtitino na sya at totoong mahal pa niya ako, kaso siyempre sobrang hirap po para sakin na gawin iyon and di ko po alam kung paano sisimulan. Sana maintindihan niyo po yung sitwasyon ko. And by the way more than 6 years ko na pong mahal yung ex ko na yun. Matulungan niyo po sana ako na mag-decide. Salamat po.

My Advice:

Tama ang sinabi ng admin: “Iwan mo silang dalawa to be fair.”

In the first place, bakit ka pa kumuha ng bago kung alam mo sa sarili mo na si ex pa rin ang nasa puso mo? In the first place, bakit mo sinagot agad-agad ang bf mo? Nagmamadali ka? Mauubusan ka ba ng mga lalaki? Hindi mo naman pala siya mahal, kahit nararamdaman ko na mas seryoso pa ang present bf sa iyo. Bakit mo siya sinagot? Halatang-halata ito, lalo pa’t sinabi mo na “alam kong kaya ko siyang bitawan para sa ex ko.”

Sa pagmamahal, kailangan ang puso. Okay lang sana, kaso sobra-sobra mo na itong ginamit. At that time na nagmahal ka, mas lalo mo lamang ginamit ang puso mo. Bakit ko nasabi ito? Hindi ka pa rin nadadala, kahit matindi na ang kalokohang ginagawa ng ex mo. Nagpapakatanga ka pa para sa kanya. Hindi dapat ganoon. Gamitin mo rin ang iyong isip. Isipin mo rin ang magiging consequences kung nagpatuloy ang relationship sa inyo ni ex.

Fake Move-on

Dapat sana noon pa, sinigurado mo sa sarili mo na naka-move on ka na. Na kahit na alalahanin mo ang ex mo, hinding-hindi ka na masasaktan, hinding-hindi ka na maghahangad na magkabalikan kayo, at hinding-hindi ka na aasa na magkakabalikan pa kayo. Pero hindi eh. Hindi ka na lubos na nakakamove-on, pero kuha ka na agad ng bagong boyfriend.

Bibigyan kita ng mga dahilan kung bakit hindi mo na dapat pang balikan si ex:

  • He insisted na may mangyari sa inyong dalawa.
  • Nung nagkaroon ulit kayo ng communication, he also insisted na may mangyari (na naman!) sa inyo.
  • Ano ba? Kahit binalaan mo na siya, at kahit anong pakiusap mo, hindi siya nakikinig sa iyo at hindi niya kayang pigilin ang kanyang pagnanasa.
  • Sa halip na siya mismo ang makipagbalikan, sa halip na humingi ng tawad sa kanyang mga kalokohang ginawa, at sa halip na baguhin ang kanyang ugali, ikaw pa itong nakikipagbalikan sa kanya.
  • Ikaw na mismo ang nagsabi na“gumawa siya ng malaking kasalanan which is for me hindi na kailangan ng 2nd chance.” Kung iisipin mo, marami na siyang kalokohang ginawa. Binigyan mo pa siya ng 2nd chance, pero sinabi niya na may mangyari na naman sa inyo. Bakit mo pa siya bibigyan ng isa pang pagkakataon?
  • Isa pa, iniisip lamang ng ex-bf ang kanyang sarili. Hindi niya inisip na sa isang relasyon, kailangan niyang isakripisyo ang sarili niyang kagustuhan para sa ikaliligaya mo. Kung makikipagbalikan ka sa kanya, at ganito pa rin ang ugali niya, isa nang malaking pagkakamali ang balikan siya.
  • Panghuli, iresponsable siya. Nung nag-break kayo, gumanti siya, sa halip na akuin ang responsibilidad na siya ang dahilan ng paghihiwalay ninyo. Sabihin natin na nasunod ang gusto ng ex mo. Kung may mangyari sa iyo, handa ba niyang panagutan ka? Handa ba siya na maging responsableng bf para sa iyo? Parang hindi eh.

Tatanungin kita:

  • Si ex lang ba ang lalaki sa mundong ito, at todo desperada ka nang makipagbalikan sa kanya?
  • At that time na nanliligaw pa lang sa iyo ang bagong bf, sinigurado mo bang siya lamang ang mamahalin mo at wala nang iba pa?
  • At that time na nanliligaw pa lang sa iyo ang bagong bf, tinatanong mo ba sa sarili mo kung bakit mahal mo siya? Mas mahirap kapag sinagot mo siya, tapos sasabihin mo, “Wala na akong nararamdaman sa present bf ko.”
  • Kung hindi ka marunong mag-handle ng relationship, humihingi ka ba ng tulong sa magulang at kaibigan mo? Mahalaga ang humingi ng tulong sa kanila, upang magabayan ka nang tama sa paghawak sa isang relasyon.

Oras na kumuha ka ng bagong bf, i-apply mo na agad ang Let It Go Theory. Past is past. Dapat sana ang iniisip at inaasikaso mo ay ang bagong bf, pero hindi eh. Si ex pa rin ang nasa isip mo.

Tandaan mo rin na hindi biro ang manligaw, lalo na sa parte ng mga lalaki. Sana maintindihan mo na totoo ang bagay na ito bago mo sabihin na handa mong iwan siya para lang sa ex mo. Some girls, especially you, have taken this unmistakable fact for granted. Hindi dapat ganoon. Hindi mo dapat pinaglalaruan ang damdamin ng bf mo, dahil nagpapakahirap din siya para sa iyo. Hindi sila barbecue para tuhugin mo silang dalawa. Dapat sana hindi mo sinayang ang pag-ibig na ibinigay sa iyo ng present bf mo, pero hindi eh. Hindi mo na-realize na talagang mas mahal ka ng present bf mo kaysa sa ex mo. Mas lalo mo lamang pinagmukhang tanga at kawawa ang bf mo.

Nanliligaw siya sa iyo. Sinagot mo naman siya agad-agad. Tapos sasaktan mo lang siya? Ano ito, lokohan? Sa totoo lang, lokohan din ang ginagawa mong pakikipagrelasyon sa present bf mo. Nasayang na ang pag-ibig ng bf mo sa iyo. Nakakapanghinayang talaga!

Maraming Lalaki Diyan

Don’t worry. Hindi ka mauubusan ng lalaki na seryoso sa iyo at igagalang ka bilang isang babae. Bakit ko ito nasabi? Hayaan mong sabihin ko sa iyo kung bakit:

Ang populasyon ng Pilipinas ay umaabot sa mahigit 100 milyon. Karamihan sa populasyong ito ay mga kabataang tulad mo.

Ayon sa National Statistics Office (now merged with PSA), sa bawat 100 babae, 102 ang mga lalaki sa buong Pilipinas. Kung ikaw ay nasa 14 taong gulang pababa, may 107 na lalaki sa bawat 100 babae. Kung ikaw naman ay nasa 15-64 taong gulang, may 102 lalaki sa bawat 100 babae. Kung titingnang mabuti, may sobra pang kaunti, tulad ng inilalarawan ng NSO:

pr1266f2

Ang general rule sa atin, stick to one. Samantala, sa bawat isang babae, higit sa isa ang lalaki sa Pilipinas. Kaya, hindi ka mauubusan ng mga lalaki.

Kailangang hiwalayan mo sila pareho. Nasabi ko na ang mga dahilan kung bakit di mo dapat balikan si ex. Hiwalayan mo na rin ang present bf mo. Bakit? Pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Pinahihirapan mo na ang present bf mo, sinasaktan mo pa ang puso niya! Kung ipinagpatuloy mo ang relasyon sa kanya, masasaktan mo pa ang present bf mo, dahil hindi mo naman pala siya mahal. Hayaan mong may babae na talagang magmamahal sa kanya.

Hindi na bale sana kung hiniwalayan at “sinaktan” mo si ex, para magtanda siya at matutunan niya ang matinding leksyon. Iyon na ang disciplinary action na puwede mong gawin sa ex na iyan.

Pasensya at Salamat sa Iyo

Pasensya na kung ako man ay lubhang naging prangka sa iyo, pero dapat kong sabihin ang mga bagay na ito para ma-realize mo kung ano ba talaga ang dapat mong gawin. Sana nakatulong ako upang magabayan ka pagdating sa pag-ibig. Hangad ko na sa susunod na muling iibig ka, hindi mo na uulitiin pa ang gayong pagkakamali. Kahit na hindi ka mismo humingi sa akin ng payo, salamat din sa pagbibigay ng love problem. Masarap magbigay ng love advice sa tulad mo na nagbibigay ng sapat na detalye ng love problems.

Advertisements

3 thoughts on “Love Advice No. 20

  1. magandang Advice po ang binigay nyo…

    may pagkakahawig rn kami ni ate
    Yung PAGNANASA sayo ng BF mo…

    sa sitwasyon ko po.
    Tinawagan po ako niya sa umpisa hindi ko nakilala kasi num. lang at ng mdyo nagtagal ang usapan namin nakilala ko agad siya dahil sa boses at malakas yung feeling ko na BF ko yun at ang nakakainis po is nagpanggap siya bilang ibang lalaki NAgpre pretend-_- ….
    naki sakay nalang ako pero sinabi ko sakanya na ALAM KO na SIYA tlga yun kahit ayaw niya umamin
    ….
    marami siyang tinanong na hindi ko nasagot ng maayos tulad nalang po na MAY TIWALA KABA SA BF MO?
    SIGURADO KABA NA HINDI SIYA NAGLOLOKO SAYO?
    SIGURADO KABA NA IKAW LANG? at na topic rin po namin about sa maagang pagbubuntis.
    . pag aasawa ng maaga at magang pagkakaroon ng Bf

    kasi hoh baguhan pa po ako at SIYA ANG 1st bf ko…
    may experience na po sya sa isang relasyon may ex po siya…..
    pero never pa po siya nakipag sex.

    hanggang sa umabot na umamin rn siya na sya nga yung BF ko ….

    hanngang rin na Nag request siya na pwedi po rw HUmalik sa akin…
    sa phone lang po rw…. pero kahit ganun hindi po ako pumayag… pinilit niya ako ganun parin d ako pumayag.

    hanggang binantaan nya ako na Makikipaghiwalay rw siya pag d ko susundin sa phone mnlang rw….at ngayon lang rw yun.Ganun sinunod ko mahal ko po kasi….
    at ng gusto na nya ip@sok ang kmay ko sa ari niya….

    kung gagawin ko rw yun. AAyos na siya hindi siya mambabae at hindi na niya uulitin… rerespituhin nya na ako..

    kaya ganun hoh nagawa ko pro sa phone lang po dpo actual.

    sa palagay niyo po anuh siyang KLASENG BF?
    naguguluhan po ako ksi hindi naman siya ganyan sa pag kakakilala (ko
    maka Diyos po siya mabait at hindi manloloko pro sa ginawa niya nagdududa na po ako ….

    anuh po dpat kong gawin?
    pag nagkita na kami sa personal?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s