Love Advice No. 22

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano kaya ang gagawin ko kapag nakipag break ako ng hindi nasasaktan?

My Answer:

Baka ang ibig mong sabihin ay ito: “Ano ang gagawin ko para makipag-break nang di ako nasasaktan?”

Simple lang. Maging 100 percent manhid. Dito mawawalan ka ng pakiramdam habang binebreak mo ang boyfriend mo. Oo, masasaktan siya, pero hindi ikaw, kasi manhid ka. Matatawa na lamang ako kung manhid ka nga ay nasasaktan ka pa.

Kahit hindi mo na siya mahal, masasaktan ka rin, kasi nakasakit ka na ng kapuwa. Kung mahal mo naman siya, hindi mo rin maiiwasan na hindi ka masaktan. Masasaktan at masasaktan ka pa rin. In actual practice, kakambal ng pag-ibig ang masaktan. Hindi mo maiaalis ang huli, kahit ano pa ang gawin mo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Kailan makaka move on ang boys sa kanilang ex?

My Answer:

Kapag nagawa na nila ang mga tips sa pagmomove-on. Tatalakayin sa Love Advice No. 3 kung anu-ano ang mga tips para makamove-on sila sa kanilang mga ex.


From the reader who asked a question via Search Box:

…Ano ang tawag sa kurso ng mga newscaster?

My Answer:

Ang tawag sa kurso ng mga newscaster ay Mass Communication. 

In other terms: AB Mass Communication, ABMC, or Bachelor of Arts in Mass Communication.


From the reader who asked a question via Search Box:

Linya para sa pagsuporta sa bf?

My Answer:

Baka ang tinutukoy mo ay ang aking advice sa pagsuporta sa bf sa pamamagitan ng mga maiikling linya.

Panimula pa lang ang mga ito, but I’ll give these for you:

Boys want also to be loved. Supporting him in his endeavors is also an expression of love.

Bilang gf niya, ikaw ay isang cheerleader para suportahan siya.

Sana kahit kaunti pa lang ito ay makakatulong ito para sa iyo. Maraming salamat sa iyong tugon.


From the reader who asked a question via Search Box:

Comment sa nasabing MMK ni Kathryn

My Answer:

Honestly, no comment ako. Kasi hindi ko pa napapanood ang kanyang pagganap sa MMK. I had used Kathryn’s role in the MMK for the purpose of illustrating the face-off between her and Nadine Lustre. Sorry talaga. 😥


From the reader who asked a question via Search Box:

Anong pwedeng sabihin sa bf na kapag gusto lang niya saka mapapansin?

My Answer:

Ayos nga lang sana ang love problem mo, kaso may napupuna akong kakulangan sa hinahanap mo.

Mapapansin nino? Mapapansin ka ni bf? O mapapansin itong si bf sa iyo? Anong klaseng pagkagusto ang gagawin ni bf? Gustung-gusto? Medyo gusto? Gusto, pero konti lang? Na ginusto ka niya kung kailan gusto mo siya? Na ginusto ka niya kung kailan di mo na siya gusto? Ano ba talaga ang problema?

Paano ako makakapagbigay ng advice kung kulang pala ang love problem na ibinibigay mo?

May serious problem ka na hindi mo sinasabi sa may-akda. Sabihin mo na. Nahihirapan kasi ang may-akda na magbigay ng sagot kung kulang ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s