Love Advice No. 25

Natalakay na natin kung bakit dapat ibahagi ng isang babae ang kanyang nararamdaman sa lalaking nagustuhan niya. Kung inyong matatandaan, may isang love problem na ginamit natin para ilarawan kung gaano kahirap para sa mga lalaki ang “sumugal” sa panliligaw, lalo’t di pa alam ang nararamdaman ng isang dilag.

Sa pagkakataong ito, sasagutin natin ang nasabing love problem mula sa Wanted: Boyfriend or Girlfriend Page:

Hello. Gandang umaga, si #PapaRick po ito. May love problems kasi ako eh. So ito po yung istorya:

Ahm, nag-aalinlangan ako [na] ligawan yung isang girl, kasi masyado daw mabilis, kakagaling ko lang sa break up. Pero iniisip niya na ginagawa ko siyang panakip-butas. Nag-explain ako sa kanya, then naniwala naman siya sa akin. Tinanong ko kung may pag-asa ba ako, at ang sabi niya, meron.

Mahal ko na talaga siya. Paano ko nasabi [ito]? Laging siya ang nasa isip ko at lagi akong nakatulala.

Sinabi niya sa akin na disappointed daw siya kasi may gf ako dati, eh break na kami. So mahal ko na siya mga ka-WBOG. Alam kong mabilis ang lahat pero the way na magchat kami is more than friends – nandun yung concern at pagmamahalan. Problema ko kung liligawan ko ba [siya] or hindi. Natatakot kasi ako na mabasted at paasahin. For short, sigurista ako. ADVICE PLEASE!

My Advice:

Dahan-dahan ka lang sa panliligaw.

Sinabi naman niya sa iyo na may pag-asa ka sa kanya, at mabuti naman at sinabi niya iyon sa iyo.

Bakit naman siya madidisappoint? Eh in the first place, wala na nga kayo ng inyong ex. Mas magdidisappoint siya kung at that time na nagtanong ka sa kanya, may gf ka pa!

Kung na-develop ang relationship ninyong dalawa, then good for both of you! Develop it further, at kapag nagawa mo iyan, mapapansin mo na parang chicken na lang para sa iyo ang ligawan siya. Magiging at ease ka, at hindi ka masyadong magiging tensed kapag haharapin mo na siya.

Isa pa: Di ba’t nanliligaw ka dati sa ex mo? Bakit hindi mo gamitin ang past experience na iyan para tulungan ka sa panliligaw? Anuman ang naging pagkakamali mo sa panliligaw noon sa ex-gf mo, ito ay isang malaking tulong para gabayan ka sa tamang pagsuyo sa kanya.

Kung natatakot ka namang mabasted, tingnan mo rin ang naging experience mo sa ex-gf. Nung binasted ka sa simula ni ex, ano ang isang bagay na dapat mong matutunan doon?

Persistence is the key. Hindi ka dapat magsawa sa panliligaw sa kanya, kahit na sa pakiramdam o sa totoo lang ay binabasted ka niya.

At saka kung inaalala niya na gagawin mo lang siyang panakip-butas, hindi mo siya masisisi kung bakit niya naipalagay iyon. In the first place, kaka-break mo lang, manliligaw ka na agad? Nagmamadali? Normal lang na magduda siya sa iyong motibo noong una. Ngayong binigyan ka ng pagkakataon, patunayan mo na ngayon sa kanya na hindi ka ganoong klaseng tao na gagamit ng iba bilang panakip-butas.

Love Advice No. 24

Sa pagkakataong ito, iba ang magiging paraan ng pagsasagot ng may-akda sa nasabing love problem. Paghahatiin ang nasabing love problem na nagmula sa isang nagkomento sa Pag-ibig Problems Facebook Page:


Question No. 1:

Guys, bakit ba nagkakakaroon ng Second crush?

My Answer:

Nagkakaroon ng second crush ang isang tao kapag:

  • Hindi siya makuntento sa isang crush lamang.
  • Mahilig siyang mangolekta ng mga crushes. Kung may kilala kang ganitong klaseng tao, eh di wow! 😡 😡 😡
  • Mayroong isang bagay na taglay ni Second, pero hindi naman taglay ni First.
  • Mahilig kang makipagsapalaran.
  • Trip mo lang.
  • Yung first crush mo ay dedma sa iyo, samantalang yung second crush mo ay may gusto sa iyo.
  • Taglay niya ang ilan o lahat ng mga nabanggit.

Question No. 2:

Sino ba dapat ang pipiliin? Ang First or Second?

My Answer:

Depende sa iyo iyan. Kapag nagka-crush ka, normally walang attachments na magaganap sa pagitan mo, ni First, at ni Second. Pakiligan lang kayo kumbaga. 😀

No attachments, no pressure. Therefore, you are free to decide.

Sino ba dapat ang piliin mo – si First o si Second? Ikaw ang sasagot sa tanong na iyan.


Question No. 3:

Pano kung kayo na nung First, pero nagkaroon ka ng Second crush?
Ano daw ang gagawin?
Nagpapatulong kasi yung friend ko eh! Di ko naman alam yung isasuggest or isasagot ko!
Kaya patulong na lang din.

My Advice:

Mahalin mo si First.

Kung crush mo sila pareho, you are free to decide. Ibang usapan na kapag ginawa mo nang bf/gf si First crush.

Niligawan ka ni First, samantalang si Second ay hindi pa.

At kung kayo na ni First, congratulations! Mahalin mo na lang siya, kasi ang “first-crush-turned-boyfriend (girlfriend)” ay kaloob ng Diyos, kaya dapat tayong magpasalamat sa Kanya. Mahalin mo na rin siya kasi in the first place, si First ang pinili mo na maging iyong boyfriend. Spend more time for him than the Second.

To take note, mas mataas kasi ang level ng true relationship kaysa sa crush. Yung crush mo, puwedeng meron ngayon, pero bukas wala na, tapos sa susunod, crush siya, tapos wala na ulit.

Hindi ganoon ang nangyayari sa isang true relationship. Kung in a relationship na kayo, once na na-establish na iyan sa inyong dalawa, magiging permanente na iyan. Hindi mo puwedeng basta-basta sabihin na “Wala na akong nararamdaman sa kanya, di tulad ng dati.” Lalabas na niloloko mo lang ang sarili mo, ang boyfriend/girlfriend mo, at ang inyong relasyon. Pati nga mga nasa paligid ninyo ay niloloko mo rin.

Salamat sa pagtatanong. 🙂 Kahit na hindi ka direktang humingi ng love advice/magtanong sa akin, sana nakatulong ako sa iyo at sa friend mo. Sana mabigyan mo ng konsiderasyon ang artikulong ito para sagutin naman ang tanong ng kaibigan mo.

Love Advice No. 23

From Pag-Ibig Problems Facebook Page:

Hi admin.

Pa-advice naman po. Actually, hindi po sa aking pag-ibig problem ito.

Sa cousin ko po [galing] ang love problem. Sana matulungan niyo po ako sa pagbibigay ng advice sa girl kong cousin.

Here’s her pag-ibig problem:

Sabi niya, may isa daw na lalaki na crush na crush niya. Medyo close naman daw sila. Nagkukulitan at nag-aasaran sila. Minsan nga, sabi daw nung mga friends niya sa kanya, “Uy, may crush siya sa iyo.”

Pero one day daw nalaman ng cousin ko na may girlfriend na daw pala si guy. Siyempre, nasaktan siya sa nalaman nila. Ang sabi niya sa akin, wala daw siyang karapatan na masaktan kasi hindi naman daw naging sila, which is totoo naman.

Tapos, these days daw po, si guy pinili siya (si gal) bilang kapartner kasi may dance presentation daw sila, pero may isang guy naman na may gusto sa kanya. Kaya, iyon na ang kapartner niya sa sayaw, kahit ang gusto niya ay si guy na crush niya.

Sabi pa po ng cousin ko, as a girl, may instinct rin siya na may crush din si boy sa kanya. Para sa akin, nag-assume lang si girl cousin ko, kasi di ba, may girlfriend na si guy pero crush pa rin siya?

Pa-help po, kasi kahit ako, naguguluhan [na rin]. Thanks po.

My Advice:

Sabihin mo ito sa pinsan mo:

Huwag ka nang umasa pa.

Kahit na sabihin mo na para fair, sinabi mo na wala ka daw karapatang masaktan (dahil in the first place hindi pa naman kayo), ibang-iba ang mangyayari sa iyo. In actual practice, masasaktan at masasaktan ka pa rin sa ganitong sitwasyon. Bakit? Umasa ka sa isang bagay, pero nabigo ka. Okay lang na masaktan. Crush mo naman siya, eh. Kung hindi ka nasaktan sa sitwasyon, ibig sabihin niyan: Manhid ka.

In the first place, bakit pa magkaka-crush si guy sa iyo kung may girlfriend na siya? Dapat sana pinili ka niya, pero hindi eh. Kung crush ka niya talaga, dapat ikaw ang nililigawan niya, at hindi ang girlfriend na iyon.

Don’t assume unless otherwise stated. Tatanungin kita: Sinabi ba ni guy na may gusto siya sa iyo? Kung oo, dapat sana sinabi niya ito sa iyo, kasi lalaki naman siya, di ba? Kung gusto ka niya, at sinabi niya ito sa iyo, that’s the time na puwede ka nang umasa sa kanya. Pero base sa sinabi mo, wala naman siyang ibinunyag sa iyo. Hindi naman niya sinabi na may gusto siya sa iyo, di ba? Nararamdaman ko na ang turing lamang niya sa iyo ay isang kaibigan lamang, at iyon ang katotohanang dapat mong tanggapin.

Kung gusto mong makuha siya, dapat sana sa simula pa lamang, sinabi mo na sa guy na may crush ka sa kanya, either directly or indirectly. Tatalakayin ko sa susunod na artikulo kung paano mo ito gagawin. Samantala, huwag kang mag-alala. Malamang ay nasa high school ka pa. Huwag masyadong agahan ang paghahanap ng boyfriend.