Love Advice No. 26

From Pag-Ibig Problems Facebook Page:

May bf po ako. Matagal na po kami. Three years na [kaming mag-on]. Mahal na mahal ko po siya.

Kaso, ayaw po ng pamilya ko sa kanya, kaya [mula] noon, hindi na din siya nagpaparamdam sa akin, hanggang sa nabalitaan ko na may iba siya. Masakit [para sa akin ang pangyayaring iyon]. Nahirapan akong magmove-on, kaya lumayo na lang ako [sa kanya] at hindi nagpaparamdam.

Tama bang lumayo ako kahit masakit?

My Advice:

Oo. Tama lang na lumayo ka sa kanya, kahit masakit.

In the first place, may iba na siya ngayon. Iniwan ka na niya.

Kayong dalawa ang dapat sisihin kung bakit naging isang malaking pagkakamali ang inyong relasyon. Bakit?

  • Ipinagtanggol mo ba siya? Kung hindi, huwag ka nang magtaka pa kung bakit iniwan ka niya. Bugbog-sarado na nga siya dahil “sinusuntok” na siya ng pamilya mo, eh ikaw pa itong hindi kayang ipagtanggol siya? Kung hindi mo kayang ipagtanggol siya, aakalain niya na hindi mo na siya mahal, at na di na siya tanggap ng pamilya mo. Natural, iiwan ka niya.
  • Siya rin ang may kasalanan. Kahit na hindi siya sinasang-ayunan ng pamilya mo, dapat panindigan ka pa rin niya. Dapat patunayan niya sa iyong pamilya na karapat-dapat siya sa iyo. Pero hindi eh. Bibitaw na siya agad sa relasyon ninyo, samantalang ang matinding problemang kinaharap ninyo ay may maraming paraan para lunasan ito.

Hindi mo nga lang sinabi kung may trabaho na ang “ex”-bf mo o wala. Hindi mo rin sinabi kung bakit tutol ang pamilya mo sa “ex” mo. Mahalaga kasi ito para mapayuhan kita nang tama. Pero kahit ganoon, dapat ninyong paninidigan ang inyong relasyon.

Sana matuto ka na sa pagkakamaling ito. Sa susunod, maghanap ka ng lalaki na may paninindigan, na handang ipagtanggol ka niya anuman ang mangyari, at kaya kang buhayin. Kung ganito ang gagawin mo, mapapansin mo na kaunti na lamang ang poproblemahin ninyong dalawa. At sana maipagtanggol mo din naman ang magiging boyfriend mo, para di ka niya iwan at para di ka na masaktan pa. Bakit? Kaloob siya ng Diyos, at ibinigay Niya iyan sa iyo. Alagaan mo siya nang mabuti.

Di pa nakakamove-on? Huwag magmadali. Take your time para kilalanin ang mga lalaking tulad ng inilarawan ko sa itaas. Sana maging matagumpay naman ang susunod mong pakikipagrelasyon. Sana talaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s