Love Advice No. 27

From the reader who asked a question via Search Box:

Walang araw na hindi kami nag-aaway ng bf ko. Hindi ko maintindihan. Part pa din ba sa pagmamahal?

My Answer:

Yes. Part iyan ng pagmamahal.

Kaya nga lang, grabe naman kayo. Walang araw na hindi kayo nag-aaway ng iyong bf:

  • Sa almusal: Awayin si bf.
  • Sa tanghalian: Awayin si bf.
  • Sa meryenda: Awayin si bf.
  • Sa hapunan: Awayin si bf.

Dahil diyan, papalakpak na lang ako with matching standing oblation. De. Joke lang! Susubukan kong magbigay ng advice tungkol diyan.

In actual practice, wala namang kasintahan (at walang mag-asawa) na hindi nag-aaway. Sige, maghanap ka sa buong mundo ng magkasintahan na hindi nag-aaway kahit isang beses sa buong buhay nila. Kung nakatagpo ka ng ganitong klaseng magkasintahan, eh di wow!

Para maintindihan mo pa kung ano ang sinasabi ko, let’s do the experiment: Subukan ninyo na huwag kayong mag-away sa loob ng isang taon. Subukan mong huwag kayong mag-away kahit sa pinakasimpleng bagay lang. Ano ang mapapansin mo? Sa totoong buhay, hindi mo kaya at hindi mo maaaring alisin ang away na iyan sa isang relasyon. Bahagi na iyan ng love story ninyong dalawa.

Sangkaterba ang mga bagay na puwede nilang pag-awayan, mula sa pagpatay sa isang langgam hanggang sa magsampa sila ng kaso laban sa isa’t isa sa Korte Suprema. Ang mas malala pa, puwede pa itong humantong sa murder o homicide.

Away ng Dalawa: Good and Bad Side

Ano ba ang good and bad side kapag nag-away kayo? Ipapaliwanag ko lang ito nang maikli sa iyo:

I’ll note the good side kapag nag-away kayo kahit isang beses lang: Posible kasi na ito ang babangon sa malamig na relasyon ninyo sa isa’t isa. Dahil dito, alam ninyo kung ano ang ayaw at gusto niya, at kung ano ang ayaw at gusto mo. At least, there’s communication, ika nga.

Kaya lang, dapat hindi ninyo hinahayaan na mag-away kayo sa isa’t isa. Kapag hindi nasolusyunan ang away ninyong dalawa, puwedeng manganib ang inyong relasyon. At kapag hindi na-handle nang tama ang away, puwede itong maging mitsa ng sama ng loob ninyo sa isa’t isa. Masama iyan sa puso mo at sa puso niya.

What to Do

Ano naman ang dapat mong gawin? Simple lang. Matuto naman kayong makipagkompromiso, magkasundo, at dapat alam ninyo ang limitasyon at kakayahan ng bawat isa sa inyo.

Talagang maraming bagay na puwedeng pag-awayan ninyong dalawa. Pero kung may problema, dapat solusyunan ninyo kaagad.

Advertisements

2 thoughts on “Love Advice No. 27

  1. Pano mo kung yung bf ko at ex nya may communucation pa? Ilang beses ko na pinagsabihan ang bf ko na wag na sya makipagcommunicate.. Paulit ulit gnagawa nya. Ano po ba dapat kong gawin?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s