Love Advice No. 28

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Bakit naghahanap pa ng iba ang lalaki kahit may syota na [siya]?

My Answer:

Kadalasan, hindi kuntento ang lalaki sa kanyang kasintahan.

Ito ay kinuha ko lamang sa isang artikulo na naipost ko last time regarding sa mga crush, pero totoo ito, lalo na sa actual practice:

  • Hindi siya makuntento sa isang syota lamang.
  • Mahilig siyang mangolekta ng mga syota. Kung may kakilala ka na ganito ang ugali, papalakpak na lang ako with matching standing oblation. ^_^
  • Tinatrato lang niya ang mga gals na parang trophy, medal, o awards. Para may maipagyabang sa iba. If that’s the case, then his supposed “love” is not technically a real love. 😡 😡 😡
  • Mayroong isang katangian si Second na wala o hindi maibigay ni First.
  • Trip lang niya.
  • Nanlalamig si present gf sa kanya, kaya no choice si guy kundi maghanap ng iba. Kakaiyak naman! 😥
  • Any or all of the above. 😀

My Advice:

Kung may bf ka na ganito ang ugali, huwag mo munang basta-basta sabihin na huwag siyang humanap ng iba. Alamin mo muna kung bakit siya naghahanap ng iba.

Samantala, ito ang mga tips para hindi maghanap ang syota mo ng iba:

Akitin mo siya. Yes, akitin mo siya. Tutal, siya naman ang boyfriend mo eh. Walang masama sa gawaing iyan, lalo na kung hindi mo siya aakitin na makipagtalik sa iyo. De. Joke lang! 🙂

Tatanungin mo naman sa akin, “TweetNewscaster, anong klaseng pang-akit ang gagawin ko?”

Simple lang. Anumang pang-akit ang gawin mo para lang sa kanya, go lang nang go! Hindi mo naman kailangang gumastos nang malaki para gawin ang bagay na iyan. Puwedeng ang simpleng glitters sa pilikmata, puwede na. Kaunting blush-on, puwede na. Maayos ang buhok mo, puwede na. Kung mahilig kang mag-cosplay, mas lalong magaling. 🙂

Iparamdam mo sa kanya na lagi kang nandyan para sa kanya. Mararamdaman ng mga lalaki na sila’y minamahal kung sila’y inaalalayan, dinadamayan, at kung sila’y nakakaramdam na hindi sila nag-iisa.


From the reader who commented via Search Box:

Masakit maghiwalay nang walang sapat na dahilan

My Answer:

Very true. Magtataka ka pa nga kung bakit ka niya hiniwalayan.

Tatanungin kita: May sinabi na ba siya sa iyo na dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay? May dahilan ba siya para hiwalayan ka niya? Ikaw ba ang may kasalanan kung bakit nasira ang relationship ninyo?

My Advice:

Masakit ang maghiwalay. Pero mas masakit kapag iniwan ka ng boyfriend o girlfriend mo nang walang dahilan.

Kapag sinabi mo na maghihiwalay kayo, masakit. Pero kapag walang dahilan ang paghihiwalay, mas masakit: hiniwalayan ka na, tinakbuhan ka na, ayaw pa niyang magpaliwanag sa iyo!

Ito lang ang ibibigay kong advice sa mga gustong makipaghiwalay:

Kung gusto mo na siyang hiwalayan, sabihin mo na agad. Ipaliwanag mo sa kanya ang pinakadahilan mo kung bakit kailangan mo siyang hiwalayan. Oo, masakit, pero bakit kailangang gawin ito? Dito gagaan ang loob mo, na alam mo na kapag sinabi mo iyon, wala ka nang mararamdamang kaba o pag-aalinlangan na baka kagalitan ka dahil nagsisinungaling ka. Isa pa, kapag hiniwalay mo siya nang sinabi mo ang dahilan, most likely hindi na siya mangungulit sa iyo. Either sex ay magiging curious at gustong alamin ang dahilan ng break-up.

Para naman sa mga nakikipaghiwalay nang walang dahilan, makonsensya naman kayo! 😡 Hindi biro ang kalokohang ginagawa ninyo. Nakakasakit na kayo ng kapwa, at lumalabas na wala kang pakialam sa kung ano ang nararamdaman ng magiging “ex” mo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano kung torpe ang lalaki? Bilang babae, ano ang gagawin mo?

My Advice:

Kailangan mong unawain at intindihin siya.

By nature kasi, hindi masyadong masalita ang mga lalaki. Lalo na kapag nanliligaw, kasi kultura ang nagdidikta ng panliligaw. Nakakahiya kasi sa mga lalaki na sabihin ang feelings niya sa iyo, sa takot na mabasted mo siya. At nakakaiyak talaga kapag sa una pa lang, binasted mo siya! 😥

But don’t worry. May mga tips para sa mga babae para basagin ang pagkatorpe ng lalaki. Tatalakayin sa Love Advice No. 10 kung ano ang dapat gawin ng mga babae sa sitwasyong iyan.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano kung gusto mo nang sagutin si boy?

My Advice:

Depende sa sitwasyon.

Kung may problema ka (and because of this, nagsearch ka dito), ipadala mo ang iyong detalyadong love problem sa e-mail o sa Comment Box ng site na ito. But for the time being, ipapaliwanag ko kung ano ang mga bagay na dapat mong ikonsidera.

Kung hindi mo pa nasasagot si boy, pero gusto mo na siyang sagutin, hinay-hinay muna. Magpakipot ka muna bago mo siya sagutin. This will give you time to know him more.

Tanong: Paano naman kung nagpakipot ako sa loob ng matagal na panahon? Tatanungin kita: Nakilala mo na ba ang magiging boyfriend mo? Nasisiguro mo na ba na siya lamang ang mamahalin mo at wala nang iba? Naging tapat ba siya sa iyo at that time na pinipilit ka niyang mapasagot? Alam mo ba at tanggap mo ba ang kanyang buong pagkatao?

Kung “Oo” ang sagot mo sa mga tanong na nabanggit, puwede mo nang bigyan ng isang matamis na “oo” ang magiging boyfriend mo.

For further discussion, please read Love Advice No. 18.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano ang sasabihin ng babae pag gustong pagaanin ang loob ng lalaki?

My Answer:

Simple lang. Words of encouragement ang kailangan.

I’ll give you a sample:

No matter what, I will always be here for you.

Go Sexy! Go Sexy! Go Sexy, Sexy Love!

Go, go, _____! Go, go, go, _____, and Go!…

Kung puwede, ikaw na ang magbigay ng jokes sa lalaking iyan. Kapag nagawa mo iyon, gagaan ang loob ng lalaki, at gagaan ang kanyang pakiramdam.

Puwede mong sabihin ang anumang bagay o paksa na light and easy para sa kanya. Kung feeling niya ay okay lang sa kanya na pag-usapan mo ang tungkol sa love story ninyong dalawa, bakit hindi? 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Niloko nila ako, ginawa nila akong tanga, nabuking ko sila. Dapat ko pa bang siyang patawarin?

My Advice:

Depende iyan sa iyo.

Pero siyempre, at the end of the day, dapat mong patawarin siya. Kaya nga lang, ang isang masamang biro tulad nito ay hindi dapat kunsintihin.

Regarding sa kalokohang ginawa niya sa iyo, hayaan mong ma-karma siya. Si karma na ang kikilos at gaganti para sa iyo.

Samantala, hayaan mong unti-unting tanggapin sa sarili mo na hindi siya para sa iyo. In the first place, kung siya’y para sa iyo, bakit ka pa niya lolokohin?

Tandaan mo rin na hindi porke’t pinatawad mo na sila, ibig sabihin nito, bibigyan mo na siya agad ng chance para magkabalikan kayo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Seryoso ba ang lalaki kapag willing syang maghintay?

My Answer:

Kung may lalaki na hindi seryoso sa iyo, pero naghihintay siya sa iyo, eh di wow! 😡

Siyempre pa, kapag ang isang lalaki ay naghihintay ng matamis na oo sa iyo, at sobra ka pa namang pakipot, natural na siya ay maghihintay para sa iyo.

Sa paghihintay, masusubok kung gaano siya kaseryoso sa iyo, at sa paghihintay, masusubok din kung kaya niyang tiisin ang long distance relationship ninyo kung sakali’t nagkataong magkakalayo kayong dalawa. At sa paghihintay, dito mahuhulma ang pagmamahal niya sa iyo – at pati ang pagmamahal mo sa kanya.

At kapag pinatagal mo pa ang pagsasagot sa kanya, mas lalo siyang magiging seryoso sa iyo. Pero huwag namang paghintayin si guy nang sobra. Kawawa naman siya. Sayang lang ang effort niya sa iyo. At baka pag dumating sa punto na na-realize na gusto mo pala siya, may mahal na siyang iba. How sand naman. 😥

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s