Love Advice No. 30

From a reader who posted in TweetNewscaster’s Comment Box:

Paano po kung yung bf ko at ang ex niya ay may communication pa? Ilang beses ko nang pinagsabihan ang bf ko na huwag na sya makipagcommunicate. Pero, paulit-ulit itong ginagawa niya. Ano po ba dapat kong gawin?

My Advice:

Depende sa paksang pinag-uusapan nila.

Tatanungin kita:

  • Magkatrabaho ba ang ex at ang boyfriend mo? In actual practice, kahit anong iwas niyan, magsasalubong at magsasalubong pa rin sila, regardless kung magkapareho sila ng department o hindi. Hindi rin maiiwasan na magkausap sila, lalo na’t kung hindi naman ito related sa kanilang relationship.
  • Napapansin mo ba na mas sweet siya sa ex niya kung makipag-usap kaysa sa iyo? Mahahalata mo ito kahit tingnan mo pa si ex o hindi: Either tingnan mo ang facial expressions at body language niya o tingnan mo ang kanyang mensahe sa ex.
  • Napapansin mo ba na inuubos ni boyfriend ang oras sa pakikipagchat sa ex kaysa kausapin ka?
  • Anong mga paksa ang madalas pag-usapan nila? Tungkol sa trabaho? Tungkol sa isang mahalagang seminar/event? Tungkol sa pag-aasikaso ng kanilang closure ng kanilang past relationship?
  • Tinitingnan mo ba ang usapan nilang dalawa? Mahalaga ito para kung sakaling may kalokohan kang nadiskubre, may basehan ka na para magselos o magtampo sa kanya.

What to Do

Kaya, ano ang dapat mong gawin?

Imbestigahan mo muna siya. Hindi naman puwedeng basta-basta mo na lang siya hihiwalayan, pagseselosan, o magtatampo ka sa kanya. Hayaan mo muna siyang magpaliwanag. Sa pamamagitan nito, makakapagsimula ka nang mag-imbestiga, at mahuhuli mo siya sa kanyang bibig sakaling magsinungaling siya sa iyo. Halimbawa, sinabi sa iyo ni guy:

He: Friends lang kami ng ex ko.

Tapos sa pag-iimbestiga mo, napansin mo na hinahalikan niya sa leeg ang kanyang ex. Again, mahuhuli mo siya sa kanyang pagsisinungaling sa iyo.

Another tip: Kapag nag-iimbestiga ka, dapat gawin mo ito nang palihim. Otherwise, kapag nalaman niya na iniimbestiga mo siya, itatago pa niya ang kanyang kalokohan sa mas malalim na lugar. At dito mahihirapan ka nang imbestigahan siya. Kung afford mo naman, puwede kang kumuha ng private investigator para di ka masyadong pagsuspetsahan.

Bilang bagong girlfriend niya, may karapatan ka na inspeksiyunin ang lahat ng mensahe niya sa kanyang ex. Ngayon, kung hinihingi ang password (in any form), magduda ka na.

Letter to Boyfriend

Kailangan niyang makipagkapwa-tao sa kahit sino, kahit pa sa ex niya. Bahagi iyan ng kanyang pagkatao. But don’t worry. Papayuhan ko naman ang boyfriend mo:

Dear Sir:

Pinagsabihan ka ng girlfriend mo na tigilan mo na ang ex mo. Hindi ito ibig sabihin na kailangang 24 oras ay lagi mong kakausapin ang gf mo ngayon. Hindi ito ibig sabihin na hindi ka na makikipagcommunicate sa ex mo kahit kailan. Hindi ka naman niya pinagbabawalang makipag-usap sa kahit sino. Hindi naman niya sinamsam ang iyong cellphone, tablet, laptop, o telepono para di ka na makipag-usap sa kahit sino maliban sa kanya.

Pakiusap, makinig ka na sa kanya. 😦 Sana limitahan mo ang pakikipag-usap sa ex mo, kasi parang niloloko mo lang ang sarili mo. Alam kong hindi mo ito seseryosohin lalo pa’t kung happy-go-lucky ka pagdating sa relationships. Kung hindi mo mapipigilan ang communication mo sa ex mo, mapapansin mo na maraming oras ang napupunta sa kanya kaysa sa present girlfriend mo. Yung regalo mo sa present gf mo – ang pagbibigay ng (maraming) oras sa kanya – ay nasasayang lang.

Kaloob siya ng Diyos sa iyo. Ibinigay Niya iyan sa iyo. Show appreciation sa pamamagitan ng paglilimita sa pakikipag-usap sa ex mo. Dito mapapatunayan mo sa kanya na nakamove-on ka na sa iyong past relationship, at mapapatunayan mo sa kanya na walang dahilan para pagselosan ka.

Nakikiusap ang girlfriend mo; hindi ka niya inuutusan. Ang tanging hiling lang niya ay makinig ka sa kanya.

Nakikiusap,

TweetNewscaster

Final Words

Maraming salamat sa pagtatanong gamit ang Comment Box ng site na ito. To tell you honestly, medyo nakulangan ako sa detalye ng love problem mo, but don’t worry. Puwede ka pang magdagdag ng detalye (kung ano’ng nangyari’t bakit ganyan ang sitwasyon niyo). Baka dahil dito ay babaguhin ko ang aking love advice para sa iyo.

Anyway, ang main objective ko dito ay tulungan ka sa problema mo sa iyong boyfriend. Sana nakatulong ako sa iyo, at pasensya na rin kung natagalan ang pagbibigay ng love advice sa iyo. Natagalan ako ng pagsasagot kasi kailangan ko munang sagutin ang final exams namin. At isa pa, nag-reflect ako sa aking mga nagawa habang umaandar ang Holy Week ngayong taon. Again, thanks for asking me! 😉

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s