Love Advice No. 31

From Pag-ibig Problems Facebook Page:

Hello po? Puwede po makahingi ng advice? Depress lang talaga ako ngayon lalo na [at] wala akong malalabasan ng sama ng loob because of my situation.

Graduate student na ako bilang BS Pharmacy last year at nakapag-licensure exam na rin. Now I have my small drug store in Taguig. NBSB po ako. Opo, NBSB – that is, no boyfriend since birth. Bawal po kasi, sabi ng parents ko. Pero na-inlove na po ako at yun ay hindi [nagresulta sa] happy ending:

I’ve met a guy thru online. Sumali kasi ako sa isang group chat sa mga groups ko. Nainlove ako sa kanya. Kasi ang bait niya, he even have [the] looks, mahilig [siyang] kumanta at gumitara, at napakasweet niya. ^^’ Para sa mga katulad kong NBSB, maiinlove tayo agad lalo na [at] first encounter ko [na ito] sa mga ganitong tao.

Yun na nga na-inlove na ako. Na-depress ako. 😥 Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko siya… o mahal na. Ang hirap para sa akin na ipaalam ito sa kanya. So ang ginawa ko, I open this topic to one of my groupmate sa GC, she’s a newbie there. So wala pa siyang magiging ka-close. I open the topic about my crush sa guy na ito. At galit kaagad siya. Nung nalaman niya na ka-groupmate din namin [ang crush ko], kinausap niya iyon. Matagal siya bago mag-reply sa mga chat ko sa kanya.

Nung nag open forum kami, confirmed na malandi nga itong babae na ito in just 16 years of her age. He had 8 boyfriends already. Samantala, [ako itong] 22 years old na, ni isa wala akong naging boyfriend o manliligaw. Hndi sa panget po ako ah? May itsura naman po ako. Medyo chubby lang kasi ako.

Back to the story… kinausap na niya ang guy. Pero wala siyang napala na sagot doon. Naghinala ako. Baka nagchachat sila? Pero siyempre hindi ko na tinuloy pa ang iniisip ko nun [kasi] ayaw ko nang magkaroon ng kaaway.

At ito na nga – that day comes. Nasabi ko na rin sa kanya ang nararamdaman ko. But the sad part is that trip nya lang pala ako. Isang trip na nagguho sa pagkatao ko. Dahil dun, isang buwan na akong hindi nagbusiness ng drug store ko, at hindi ako makakain nang maayos at makatulog. Miserable ang buhay ko. 😦

Pero nung tumawag at pumunta talaga mismo ang isa kong GC mate, inopen ko sa kaniya yun, kaya inalis nila ang guy na yun sa GC… Balik ako sa normal kong buhay kahit may kirot na sa aking dibdib. Ginagawa lahat ng mga kaGC ko para pasayahin ako. We have a meet up, nagkakatuwaan kami…

Akala ko [nakamove-on] na ako. Akala ko. Akala lang siya. Dahil kahapon, I accidentally clicked his name in the add people sa chatbox. Hindi man siya nagparamdam dun pero it made my heart beat so fast, pero umalis din agad. Sabi naman nitong new girl “Oh? Nagleave na okay kana? Tss.” Tinawanan ko lang siya pero it made me cry. 😥 Naging miserable na naman ang buhay ko. I feel incomplete. Nung gabing yun, nagsarado ako ng drug store ko at natulog ako nang maaga…

I wake up at 3 am sharp in the morning. I decided to open my Facebook at muntikan ko na mabitawan ito dahil sa nakikita ko: Ang babaeng pinagkatiwalaan ko sa problemang pag-ibig, ang unang lalaking nagpatibok ng puso ay magkarelasyon na. In a relationship sila. 2 hrs ago lang. Ang sakit. Ang sakit na nagtaksil ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan.

Alam ko [na] wala akong karapatang masaktan pero sobrang sakit. Hanggang ngayon nasasaktan ako. Gusto ko humingi ng tulong sa inyo. Paano ba magmove on? Paano ko ba makakalimutan at mapapatawad ang lalaking minahal ko at ang babaeng pinagkatiwalaan ko? Alam ko po na sasabihin nyo na magfocus na lang ako sa business ko pero hindi ko maiwasang mainlove. Sana. Sana po makatulong kayo sa akin. Ang hirap lang po kasi eh, [yung feeling na] lihim akong nasasaktan… Please hide my identity. Thank you and God bless sa makakatulong. Pasensya na rin sa abala.

My Advice:

Hayaan mo na lang si guy at ang kanyang bagong gf na magsama.

Pero tatanungin muna kita: Gaano ka ba ka-chubby?

Totoo ang sinasabi mo. In actual practice, sa anumang aspeto ng pag-ibig, hindi mo maiiwasan na mainlove. Kahit ikaw pa ay naging isang matagumpay na pharmacist, lalabas pa rin na may kulang sa iyong pagkatao, at iyon ay ang paghahanap mo ng iyong “the other half.” Maaaring punan ng magulang ang pagkukulang pagdating sa romantic relationship, pero iba pa rin kapag iyan ay pinuno na ng isang lalaki na para sa iyo.

Gusto mo bang maghanap ng magiging boyfriend mo? Go ahead. 🙂

Study Accomplished, BF Now

Hindi mo nga lang sinabi kung kailan ka daw puwedeng magkaroon ng boyfriend. Pero isang bagay lang ang mahalaga: Nakatapos ka na ng pag-aaral. Nakapasa ka sa isang licensure exam. At may sariling drugstore ka na. Mission accomplished ka na kumbaga. So, dapat ka nang payagan nila na magka-bf. Sana maintindihan din ng magulang mo na ikaw ay nasa wastong gulang na para magka-bf.

Tatanungin kita: Umaasa ka ba na ibibigay ni guy ang kanyang puso sa iyo? Lalaki naman siya – at expected na sasabihin niya sa iyo na gusto ka niya, hindi ba? Nakikita mo ba sa kanyang mga ginagawa na may gusto nga siya sa iyo? Sinabi ba niya sa iyo na gusto ka niya? Kung oo, puwede ka nang umasa sa kanya. Pero hindi eh. Hindi na nga niya sinabi sa iyo na gusto ka niya, sinabi pa niya na trip ka lang niya.

Ang nangyayari kasi, hindi mo sinabi (agad), either directly o indirectly na may gusto ka sa kanya. So when the time comes na inaakala mong “right time” na para sabihin sa iyo na gusto mo siya, it’s too late na pala. Dapat habang hinihintay mong sabihin niya sa iyo na gusto ka niya, ipinaramdam mo sa kanya na gusto mo siya. Umasa ka, samantalang huli na nang ma-realize mo na dapat may ginawa ka para makuha mo siya, hindi ba? Hindi na nakapagtataka kung bakit masakit ito para sa iyo. 😥

And then, hindi ka na nakakain nang maayos, hindi ka pa nakakatulog. Buti na lang at di mo naisipan na gumamit ng droga para ma-solve iyang problema mo, lalo pa’t may sarili ka pang drugstore. Hahaha! De. Joke lang! 🙂

More Than Just Facebook

Mas maganda kung ikaw ay naghahanap ng iyong magiging boyfriend sa personal, kasi dito mo makikita agad kung anong klaseng pagkatao ang tinataglay ng napupusuan mong lalaki.

Pero kung ikaw naman ay naghahanap pa rin ng iyong magiging boyfriend sa pamamagitan ng Facebook, dapat maging maingat ka at huwag kang masyadong umasa. Totoo na in actual practice, may mga nagkakarelasyon dahil sa Facebook. Kaso, hindi naman natin alam ang pagkatao niya, unless you bother to know every nook and corner of his life. Posibleng mabait siya sa Facebook, pero sa personal hindi naman, and vice versa. Puwedeng parehong mabait sa Facebook at personal. Puwedeng hindi.

Another Consideration

Mas maganda sana kung isinama mo ang kapuwa mo Pharmacists sa itinayo mong drugstore. Mas maganda kung general professional partnership ang klase ng drugstore na iyong itinayo. Para just in case na masaktan ka pa ulit sa lovelife, maari mong iwanan ang drugstore na ito nang di naaantala ang operasyon nito. Tingnan mo: Isang buwan ka nang hindi mo inasikaso ang business sa drugstore mo. Ang resulta: Sayang ang isang buwan na iyan kasi makakatulong din iyan sa pamilya mo.

Ang totoo, mas masakit kapag sinabi niya sa iyo na trip ka lang niya matapos ka niyang gawing gf sa loob ng matagal na panahon. Lumalabas na pinapaasa ka lang niya. Masuwerte ka pa nga eh. At that time na sinabi niya sa iyo na trip ka lang niya, good for you kasi hindi ka na masyadong masasaktan.

Paano ba mag-move on? Please read Love Advice No. 3 para sa tips kung paano ka makakamove-on.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s