Love Advice No. 32

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Tama ba na makipag-meet ka sa ibang guys kahit may boyfriend ka na?

My Answer:

Yes. Walang masama kung makikipagtagpo ka sa ibang guys, kahit na may boyfriend ka na.

Bahagi na ng pagkatao mo ang makipagkaibigan sa kahit sino, kahit pa sa mga lalaki.

At kung hindi mo bibigyan si guy ng dahilan para pagselosan ka, go ahead. 🙂

Hindi naman tama na porke’t ikaw na ang girlfriend niya, ikukulong ka niya sa isang hawla o sa bahay niya at pagbabawalan kang gumamit ng gadgets. Hindi rin naman tama na pagbawalan ka niya na makipag-usap sa kahit sino. Lalabas na napakaselosa ng guy na iyan, at lalabas na siya ay isang sakim.

Sa kasong ito, matututunan ninyong dalawa ang tamang pakikipagkapwa tao, lalo pa’t kayo’y nasa In a Relationship status ngayon.


From the readers who asked questions via Search Box:

Crush ko ang second cousin ko.

Quotes about sa cousin mo na naging crush mo na

My Answer:

Walang problema.

Bakit? Okay lamang na magkaroon ka ng crush sa second cousin mo. Merong ilang kaso na kahit malayong pinsan, itinuring pa rin na kamag-anak iyon (at na hindi daw puwedeng magkatuluyan) while technically, puwede naman silang pumasok sa romantikong relasyon. Kahit pa nga yung iba ay may crush din sa kanilang first cousin.

Ito lang ang maibibigay kong quote sa kasong ito:

Kung first cousin ang crush mo, tapusin mo na ang crush crush na iyan. Wala iyang patutunguhan, kahit na ano pa ang gawin mo. Kung second cousin naman ang crush mo, puwede mong ituloy iyan.

Nasa batas iyan.

Please refer to Love Advice No. 29 for further discussion.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano kung nagpunta ka sa bahay ng nililigawan mo?

My Advice:

Una, alisin mo ang takot na nararamdaman mo.

Hindi kasi maganda na uunahin mong isipin kung ano ang mangyayari kapag ikaw ay tinanggihan ng mga tao na nasa bahay na iyon. Lalo ka pang mawawalan ng focus sa kung ano ang dapat mong gawin habang nandoon ka. At talagang masakit kapag nawalan ka na ng focus, binasted ka pa ng mga tao na nandoon! 😥

Isa pang bagay: Habang ikaw ay nasa bahay, i-apply mo doon ang lahat ng good manners na itinuturo sa iyo ng magulang mo habang ikaw ay nasa ibang bahay. Maging magalang ka sa mga taong nandoon, at laging magpasalamat sa kanila sa lahat ng serbisyong ibinibigay sa iyo. 🙂

Hanga naman ako sa tapang mo. Kung karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi na sinusunod ang ganitong kaugalian, ikaw naman ay nangahas na pumunta sa bahay ng nililigawan mo. Okay lang iyan. Maaaring sabihin ng mga kasinggulang mo na “pang-oldies iyang ginagawa mo,” pero hindi maiaalis ang katotohanan na sa pagpunta mo doon, maipapakita mo sa magulang mo na tapat ang hangarin mo sa dilag na iyan. There’s sense of respect to the girl’s parents if you do it. 🙂

Panghuli, habang nandoon ka, isaisip mo ang sinabi ni Ryzza Mae: Bawal ang sand. Dapat happy! 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Posibilidad kung mahal ka pa ni ex

My Answer:

Pauna pa lang ang mga posibilidad na ito, pero sana makatulong ito sa iyo.

Maaaring mahal ka pa rin ni ex kung:

  • Lagi kang kinukulit ng ex mo.
  • Lagi siyang tumatawag o nagtetext sa iyo.
  • Concerned siya sa iyo.
  • Nagpaparamdam siya sa iyo.
  • Naghihintay siya sa iyo. At sinusundan ka pa niya. Kung makakita ka ng ganitong klaseng ex, masuwerte ka. Deserving siya na tumahan muli sa puso mo. ^^’
  • Habang ginagawa niya ang alinman sa mga ito, hindi siya naghahanap ng iba.

From the reader who asked a question via Search Box:

Paano magsabi na ayaw kong magka-boyfriend?

My Answer:

Simple lang.

Sabihin mo na ayaw mong magka-boyfriend. Tapos, kapag tinanong ka kung bakit, maghanda ka ng isa o higit pang dahilan. Anuman ang magiging dahilan (or should I say “alibi”) kung bakit ayaw mong magkaroon ng isang boyfriend, dapat mong panindigan iyon. 

Halimbawa, kung ang dahilan ng pagtanggi mo sa kanya ay dahil gusto mo munang mag-aral, dapat mong panindigan iyon. Tapusin mo muna ang pag-aaral – at kung puwede sana hanggang kolehiyo pa. Habang nag-aaral ka, kahit na sa puso mo ay gusto mong magka-bf, huwag ka munang maghanap o magpabuntis. Otherwise, lalabas na sinungaling ka, at iisipin ng guy na ikaw ay isang taong sinungaling o mahilig magpalusot. Worse, ganito ang sasabihin niya sa iyo:

Wow, hindi ka kumuha ng boyfriend dahil study-study ka! Pero nagpabuntis ka naman (o naghanap ng bf, as the case may be).

Eh di wow! 😡

At the end of the day, hindi ka dapat pilitin ng kahit sinong lalaki na baguhin ang desisyon mo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Kathniel kailan ba nila sasabihin ang kanilang totoong relasyon

My Answer:

Nasabi na nila ang kanilang totoong relasyon. M.U. na sila.

Sa katunayan, inilabas ng ABS-CBN News.com ang mga larawang nagpapatunay na ‘sila’ na nga.

Pero kung titingnan natin sa mga naunang artikulo, mahuhulaan natin na hanggang loveteam na lamang sila. Sinabi mismo ni Kathryn na ang kanyang hinahanap na boyfriend ay dapat karelihiyon niya. Si Daniel naman ay Katoliko. Unless magbago ng isip si Kath o magpalit ng relihiyon si DJ, walang mangyayaring relationship sa kanila.

Ako man ay naguguluhan din. 😕 Nang magkaroon ng isyu sa pagitan ni DJ at ni Jasmine Curtis-Smith, humingi ng apology ang binata kay Kathryn, samantalang in the first place, wala namang karapatan ang huli na hingin iyon, at walang obligasyon si DJ na gawin iyon.

Samantala, wala din namang karapatan si DJ na pagbawalan si Kath na magsuot ng swimwear. Hindi rin obligado si Kath na konsultahin ang huli pagdating sa pagsusuot niya. Kaya, malaya si Kathryn na magsuot ng swimwear anumang oras gustuhin niya.

Hindi pa sila, kaya sabi ni Kath, malaya si Daniel Padilla na ligawan ang ibang babae na napupusuan. Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, walang balita kung sino ang kanyang nililigawan. Anuman ang estado ng kanilang relasyon sa ngayon, ito lang ang advice sa kanila: Huwag sanang paasahin at lituhin ni Kath at ni DJ ang kanilang fans.

LATEST UPDATE: Ayon sa mapagkakatiwalaang source, sinagot na ni Kath si DJ. Well, kung mapagkakatiwalaan talaga ang source na iyan, mahuhusgahan natin na true love nga ang tinataglay ng dalawa. Sana talaga.


From the reader who asked a question via Search Box:

Sino dapat sisihin sa break up –  girl o boy?

My Answer:

Depende sa sitwasyon.

Para masagot ko pa nang maayos ang tanong mo, kailangan mong ibigay sa akin ang isang love problem. Hindi na mahalaga kung totoo iyan o hindi. Ang mahalaga, iyan ay dapat based on real-life experience, at kumpleto ang detalye.

Kung si guy mismo ang nakipaghiwalay sa kanyang girlfriend, tapos sinisi natin ang huli kung bakit naging isang pagkakamali ang relationship nila, eh di wow! 😡


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano kung hinihingi ng boyfriend mo ang password mo?

My Answer:

Para sigurado, hingin mo muna ang password niya – bago pa man niya makuha ang password mo.

In actual practice, naghihiraman ang magkasintahan ng kanilang sensitibong impormasyon sa isa’t isa, lalo pa’t kung sangkot dito ang mga social networking sites nila. Pero kahit ganoon ang nangyayari sa actual practice, may masamang mangyayari. Bakit?

Kung hindi mag-iingat ang isa’t isa, posibleng gamitin ng isa ang impormasyong ito upang ipitin o gipitin ang kasintahan. Posibleng ariin niya ang account ng kanyang bf/gf, lalo pa’t hindi titingnan ng computer kung sino ang naglolog-in sa account niya, as long as credentials like username and password are logged in properly. Ang mas malala pa, puwede niya itong gamitin para i-blackmail ang kanilang kapartner, lalo pa’t kung oras na ng paghihiwalay ay todo desperada siya.

Upang hindi magkaroon ng matinding problema, lalo na sa data sharing, inirerekomenda ko na magkaroon kayo ng nakasulat na kasunduan o kontrata. Puwedeng ganito ang hitsura ng kontrata ninyo:

1. Dahil magkasintahan na si Guy at si Gal, nagkakasundo ang magkabilang partido na maghihiraman sila ng data, kasama ang username at passwords.

2. Malinaw sa kontratang ito na hindi nila gagamitin ang impormasyon sa isa’t isa sa mali at sa masamang paraan.

[Ilagay pa ang iba pang napagkasunduan ninyo.]

Nilagdaan ni:

Boyfriend

Girlfriend

Sa sitwasyong ito, masusubukan talaga kung talaga bang mapagkakatiwalaan ninyo ang isa’t isa. Bakit kamo? Kung ginamit niya sa maling paraan ang impormasyong ibinigay mo sa kanya, masasagi sa iyong isip na siya ay isang lalaki na hindi mo dapat pagkatiwalaan. He can’t handle information properly, and that he did not use it in a responsible way.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s