Love Advice No. 33

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang ibig sabihin na kapag niyaya ka ng boyfriend mo sa bahay nila?

My Answer:

Ibig sabihin nito, nais niya na makilala mo siya nang personal.

Ibig sabihin nito, ikaw ay welcome sa kanyang tahanan. Gusto din niya na makilala mo kung sino ang kanyang mga kamag-anak, magulang, at/o mga kapatid niya.

Ang ibig sabihin nito, masuwerte ka. Bakit kamo? Kasi naman, kung ang ibang magkasintahan ay inililihim ang kanilang personal data kahit pa sa kanilang kapartner, siya pa ang nagyaya sa iyo na kilalanin siya.

For my final advice, kapag ganito ang boyfriend mo, huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Grab the opportunity. Basta huwag mo lang ibibigay ang lahat-lahat ng nasa iyo habang nandoon ka. At kahit na ano pa ang impormasyon na malalaman mo habang nandoon ka, accept him as who he is, for love is ready to accept the person whoever he/she is.


From the reader who asked a question via Search Box:

Pag nagtaksil ang girlfriend dapat bang hiwalayan na?

My Answer:

Hindi ko masasagot nang diretso ang tanong mo, pero may mga pagkakataon na dapat mo na siyang hiwalayan. May mga pagkakataon naman na kahit iyan ang ginawa niyang kalokohan laban sa iyo, hindi mo pa rin siya dapat hiwalayan.

Muli, hayaan mo siyang magpaliwanag. May mga babae kasi na sa hindi sinasadyang pagkakataon ay kasama ang iba, kaya inaakala ni guy na siya’y pinagtataksilan ng kanilang gf. May mga babae naman na dahil hindi matiis ang long distance relationship (regardless of time) ay naghahanap na ng lalaki na malapit lang sa lugar nila.

Minsan kasi, talagang mahal ka niya. Nagkataong may kasama siyang lalaki. Pero dahil mali ang timing mo, hayan, napagbintangan mo siya. Kawawa siya, kawawa ka. Sayang ang luha ninyong dalawa dahil lamang sa isang maling bintang.

Pero kung talagang pinili yung bagong guy niya kaysa sa iyo, that’s the time na dapat mo na siyang hiwalayan. Mahahalata’t mahahalata mo rin kung ganyan siya sa iyo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Kailangan ba ibuhos [ang] pagmamahal sa bf?

My Answer:

Puwede, pero huwag sobra.

Siyempre pa, dahil sinagot mo na siya, at dahil boyfriend mo na siya, kailangan mong ibuhos ang pagmamahal mo sa kanya. Matatawa na lamang ako kung ginawa mo na siyang bf mo, tapos hindi mo ibubuhos ang pagmamahal sa kanya. XD

Sa pagbubuhos ng pagmamahal mo sa kanya, dito mo ipinapakita na pinapahahalagan mo ang biyayang ibinigay ng Diyos sa iyo. 🙂

Pero hindi ibig sabihin nito ay ibubuhos mo na nang 100 percent ang pagmamahal mo sa kanya. Paano kung may hindi magandang nangyari sa kanya – namatay, nakipaghiwalay sa iyo, o naghanap ng bago? 😥 Di ba’t masakit iyon? 😥 Kaya, balansehin mo ang pagmamahal mo sa iyong sarili at ang pagmamahal mo sa bf na iyan. 


From the reader who asked a question via Search Box:

Bibigyan ko pa ng chance yung ex boyfriend ko

My Answer:

Bakit hindi?

Lahat naman tayo ay nagkakamali. Wala namang perpektong tao, at lalong walang perpektong kasintahan. Walang perpektong relationship, lalo na sa sitwasyon ninyong dalawa. Kung may perpektong tao at relasyon dito sa mundong ibabaw, eh di wow! 😮

Pero kung ang tinutukoy mo ay ang seryosong kalokohan na ginagawa ni boy, huwag mo na siyang bigyan pa ng maraming pagkakataon.

Okay na siguro kung bibigyan mo siya ng second o third chance. Kawawa naman kasi ang boyfriend mo na hindi matiis na pagsisihan ang nagawang kasalanan at mag-effort para hingin ang kapatawaran mo. 😥 Pero kung lumampas na’t naging fourth chance na, magduda ka na. 😡 Niloloko ka lang talaga niya, at aabusuhin niya iyon. Magkakaroon pa ng sungay ang boyfriend mo, tulad nito: 😈


From the reader who asked a question via Search Box:

Sino ang gusto ni Nadine Lustre na bf?

My Answer:

Wala pa. 😀

Isa pa, hindi komo ka-loveteam niya si James Reid – at hindi komo nagkasama sila ng guy sa loob ng matagal na panahon – ay masasabi natin na siya ay bf na ni Nadine Lustre.

Mali naman na sabihing bf na ni Nadine si Jame Reid. Sa katunayan pa nga, nagkasundo pa diumano ang dalawa na sila’y hindi magkaka-ibigan sa isa’t isa. Ibig sabihin nito, hanggang friends na lang sila. At tanggap na ito ng kanilang fans. Aww. So sand. 😥

And as usual, ang lagi nilang ikinakatuwiran ay pagtutuunan nila daw ng pansin ang kanilang career. 😎

Well, abangan na lang natin kung sino ang magiging kasintahan ni Nadine pagdating ng panahon. Maaaring hindi niya ito sabihin kahit talagang may boyfriend na siya, pero kailangan niya itong aminin.


From the reader who asked a question via Search Box:

English ng “pag ako may nakarelasyon ulit sisiguraduhin ko siya na ang una’t huli”

My Answer:

Ito ang salin sa Ingles:

If I will have a partner again, I will make sure that she (or he) will be my first and last love. ^^’

O di kaya:

If I enter again into a relationship, I will ensure that I will love him/her forever. ^^’

Sana natulungan kita sa pagsasaling ito. Maraming salamat sa iyong pagtatanong. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s