Love Advice No. 34

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Pacific Ocean ka ba?

My Answer:

Bakit?

Sige, hindi ka naman sumasagot. Hihintayin ko na lang ang pick-up line mong iyan, basta sagutin mo agad. Or else, sasabihin ko na waley iyang pick-up line mo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang ibig sabihin kapag gusto ng boyfriend na may mangyari sa inyo?

My Answer:

Posibleng:

  • Hindi na siya makapaghintay. Excited much siya na buntisin ka o magpakasarap sa buhay.

Sa kasong ito, gusto kong bigyang-diin na true love waits, while fake love does not wait. Alam naman nating lahat na sa panahon ngayon, halos lahat na lang ng bagay ay minamadali. Pero ang true love, sa kahit anong panahon, hindi iyan nagmamadali. Again, true love waits. It takes time.

  • Ayaw niyang magkaroon ng obligasyon sa iyo, at ang gusto lang niya ay puro sarap ang mararamdaman niya (kasama ka).

Kung ganoon, bakit pa siya naghanap pa ng girlfriend, eh kung gugustuhin niya, puwede naman siyang maghanap ng mga tao na magbibigay sa kanya ng panandaliang aliw? Of course, true love consists of give and take. Hindi naman puwedeng siya lang ay take nang take.

Kung umabot sa punto na gusto niyang may mangyari sa inyo, at nabuntis ka, gusto mo bang takasan niya ang obligasyon niya sa iyo? Hindi naman, di ba?

Dapat panagutan ka niya, or else, he is irresponsible, and he is not man enough. At kahit na ang katawan niya ay mature, hindi ako makukumbinsi ng kahit sino na talagang mature nga siya.

  • In rare cases, ayaw naman talaga niya, kundi sinusubukan niya kung gaano ka kagaling manindigan. Wala namang masama dito. Promise. Pagsubok lang iyan. Kaya mo iyang lampasan.
  • Hindi niya naiintindihan ang magiging resulta kung itinuloy niya ang kanyang balak.

Seryoso ang bagay na ito. In actual practice, may mga kaso na dahil dito, inoobliga ng magulang ng dalaga na pakasalan ng nakabuntis ang anak nila upang masiguro na di matatakasan ang obligasyon. At dahil sa maagang pag-aasawa, hindi na napagbibigyan ang Panahon para patunayang bagay talaga sila. Wala na talagang panahon para magkakilala sila nang lubusan. At wala na ring panahon para paghandaan ang kanilang kinabukasan.

Kung parehong hindi propesyonal/tech-voc (o kung hindi sapat ang kinikita nilang dalawa), mahihirapan silang itaguyod ang kanilang anak.

  • Sex lang ang habol sa iyo.
  • All or some of the above.

Ito lang ang maibibigay kong payo sa ganitong sitwasyon:

Kung ganito ang boyfriend mo, at ayaw mo naman, sabihin mo sa kanya nang maayos na hindi mo magagawa ang ganoong bagay hangga’t hindi pa kayo kasal. In the first place, kung talagang ayaw mo, hindi ka niya dapat pilitin. Pero kung hindi siya makapaghintay, sabihin mo sa kanya na break na kayo at na malaya na siyang makipaglampungan sa ibang babae. Napakaimmature naman ng isip ng bf mo kung magtatantrums siya kapag di naibigay sa kanya ang gusto niya.

Tungkulin niyang maghintay, at iyon ay kailangan niyang gawin dahil ipinangako naman niya na gagawin ang lahat para sa iyo. Ibang usapan na kapag willing ka nang tuparin ang hiling niya.

Pero kung gusto niya na may mangyari sa inyo pagkatapos ng kasal, walang problema.


From the reader who asked a question via Search Box:

May posibilidad din bang magkatuluyan ang mag ex lovers?

My Answer:

Oo.

Ibibigay ko sa iyo ang isang real-life situation:

Mayroong isang babae na nakipaghiwalay sa kanyang boyfriend. Sa kasong ito, ex lovers na sila. No attachments kumbaga. Tapos, itong si bf ay nakikipagbalikan sa gal. Tinanggap naman ni gal. Sila na ulit.

May posibilidad na magkatuluyan ang mag-ex lovers kung tatanggalin nila ang galit sa isa’t isa; kung magkakasundo sila na maging sila ulit; kung kakalimutan nila ang kasalanan nilang dalawa; at kung bumalik ulit ang dati nilang pagtitinginan.

Isang magandang sagot sa tanong mo ay walang iba kundi ang nangyari kina Luis Manzano at Angel Locsin. Naghiwalay sila, at kumuha ng kani-kanilang pares: ang una kay Jennylyn Mercado at ang huli kay Phil Younghusband. Some time later, naghiwalay ang kani-kanilang pares, at makalipas lang ang ilang buwan ay naging official na ang relationship (or should I say, pagbabalikan) nina Luis at Angel.


From the reader who asked a question via Search Box:

Mga hindi dapat gawin ng dalagang may sakit sa puso

My Advice:

Ito ang mga bagay na hindi niya dapat gawin:

  • Hindi inumin ang gamot na inirereseta ng doktor.
  • Manigarilyo at/o maglasing.
  • Hindi laging nagpapacheck-up sa doktor. Mahalaga na ma-check-up siya ng doktor upang masolusyonan kaagad ang problema sa kanyang puso.
  • Laging kumakain ng maaalat at matatabang pagkain. Sodium increases blood pressure, while fat (especially saturated fat/bad cholesterol) can clog arteries and veins, thereby making it harder for the heart to pump blood.
  • Yung pagpunta sa Enchanted Kingdom o Star City, lalo na sa mga rides na puno ng tensyon. Nagtatrabaho ang puso lalo na kapag ikaw ay nasa rides tulad ng Space Shuttle o EKstreme. Mas malala ang mangyayari sa iyo kung may sakit na nga ang puso, pagtatrabahuin mo pa iyon.

Pero kung ang tinutukoy mo naman ay ang pag-ibig, may mga bagay na hindi dapat gawin ng isang dalaga kapag siya’y brokenhearted:

  • Laging tumitingin sa pictures ng lalaking nanakit sa puso mo.
  • Magmukmok na lamang sa isang tabi.
  • Hindi pag-iyak.
  • Sampalin o saksakin ang taong nanakit sa puso mo.
  • Hindi pagsasabi ng seryosong problema sa magulang, sa kaibigan, o sa taong mapagkakatiwalaan mo.

Please also refer to Love Advice No. 3 for further discussion.


From the reader who asked a question via Search Box:

May lalaki pa kaya iibig sa akin kahit di na ako virgin? 

My Answer:

Merong ilang babae na minamahal ng kanilang kasintahan kahit di na virgin. Ikaw pa kaya?

Meron kasing ilang kaso na kahit na ibinigay nila sa kanilang bf ang pagkababae nila, minahal pa rin sila.

True love should make a person accept you just the way you are – kahit pa hindi ka na virgin. Okay lang iyan. Nangyari na ang nangyari, at hindi mo na maibabalik pa ang virginity, kahit ano pa ang gawin mo. Ang mahalaga, may natutunan kang leksyon sa pagkawala nito sa iyo.

Tandaan mo rin na hindi lahat ng lalaki ay iisa ang kanilang pag-iisip. Iba-iba sila. May mga lalaki na virgin lang ang gusto nila. May mga lalaki na kahit hindi virgin, puwede na. May mga lalaki na walang pakialam sa estadong iyan, basta mahal sila ng kasintahan. Kaya, tatanggapin ka niya kahit ganyan ka, basta sabihin mo lang ang totoo sa kanya.

Salamat sa pagtatanong. Sana makakuha ka na ng lalaki na para sa iyo. God bless. 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang dapat gawin pag inuuna ni bf ang tropa bago ang gf?

My Advice:

Ipaalala mo sa iyong boyfriend na balansehin ang oras niya sa tropa at sa iyo.

Mag-usap kayo ng boyfriend mo. Sabihin mo sa kanya kung ano ang problema ninyong dalawa. Tapos, magkasundo kayo sa kung ano ang dapat ninyong gawin para malutas ang problemang ito.

Halimbawa:

Problema mo: Every weekdays, laging nasa internet cafe si bf kasama ang kanyang mga kabarkada.

Pagkasunduan ninyo: 9 am to 12 noon lang siya sa internet cafe. Pagkatapos ng laro, kailangan niyang pumunta sa poder ng gf. Dapat hindi siya lalampas ng 2 pm pagpunta sa inyo. He has to spend time with you from 2 pm to 2 am.

Kung titingnang mabuti, wala naman talagang problema kapag inuuna niya ang kanyang mga kaibigan kaysa sa iyo. Most likely, kasa-kasama niya ang mga ito bago mo pa siya sinagot. Tulad mo, ang tropa niya ay kumukumpleto sa kanyang pagkatao, at tumutugon sa hilig niya na mapabilang sa alinmang grupo. Iba ang pakiramdam niya kapag kabilang siya sa grupong napupusuan niya. Kailangan din niyang makipagkapwa tao. Kaya, mali naman na masyado mo siyang hihigpitan sa pakikitungo niya sa kanyang mga katropa.

Ang pinakamagandang gawin sa ganitong sitwasyon ay samahan mo ang bf sa kanyang lakad kasama ang kanyang katropa, lalo pa’t kung hindi naman eksklusibo lang sa kanila ang affair. Kung ganito ang gagawin mo, pareho na siyang may oras sa iyo at sa kanyang kasamahan. Mas lalo mo pang makikilala ang kanyang mga kaibigan.

O di kaya, sumali sa kanila. Boyfriend mo na siya, katropa mo pa! Kung kasama mo ang katropa niya, mas malaki ang chance na unahin ka, dahil in the first place, inuuna niya ang kanyang katropa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s