Love Advice No. 35

From my friend:

Ano ba ang dapat kong gawin para maging payat ako?

My Advice:

Simple lang. Para maging payat ka, huwag kang tumaba.

De. Joke lang! 🙂 Ito ang tips:

Una, seryosohin mo ang pagpapapayat. Isulat mo sa isang papel kung ilang kilo ang gusto mong maalis sa iyong katawan. And be realistic. Huwag naman sobrang dami ng kilo ang kailangan mong ipayat. Kung ikaw ay tumitimbang ng 60 kg at gusto mong maalis ang 100 kg sa iyo, eh di wow! XD

Be consistent sa pagpapapayat. Kung sa isang araw magpapayat ka, tapos sa isang araw, hindi, darating ang isang araw na mahihirapan ka nang magpapayat. Also, consistency gives the best result. Masasanay at masasanay din ang katawan mo sa pagpapayat mo. Sa una, mahihirapan ka, pero sa bandang huli, marerealize mo na mas nagiging madali ang trabahong ito.

Choose the right diet. Dapat ang diet mo ay sari-sari. Preferred ang prutas, gulay, at isda (lalo na ang tuna). Puwede na rin ang lean chicken at lean pork. Huwag masyado sa matatamis at matataba. Importante rin na malaman na hindi naman kailangang hindi kumain para makuha ang hubog na matagal mong hinahanap. Stick to the usual diet and stick to the usual schedule.

Exercise. Napatunayan na sa loob ng matagal na panahon na ang exercise ay ang pinakamabisang paraan para mabawasan ang taba sa iyong katawan. Kaya, puwede ka nang pumunta ng gym at magworkout ka doon.

Pero kung wala kang time sa gym, puwede ka namang maglakad. Marami kang pagpipilian:

  • 3K Walk
  • 5K Walk
  • Death March. Sa kasong ito, maglalakad ka talaga sa ruta ng Death March mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando City, Pampanga. Kung puwede lang sana, hanggang Capas, Tarlac pa.
  • From Manila to Samar. Natatandaan niyo pa ba ang kuwento sa MMK na may magkapatid na naglakad nang ganoong kalayo? Iyon talaga ay mula Novaliches sa Quezon City hanggang sa Catbalogan City, Samar. Kung kaya nila, kaya mo rin.
  • Mula Batanes hanggang Jolo. Saan ka man ay halina kayo… De. Joke lang! Pero effective ang paglalakad na ito. Nabawasan na ang taba mo, nakalibot ka pa sa buong Pilipinas.
  • 1 AU. Ito ang distansya mula sa araw hanggang sa mundo. Bale ang lalakarin mo ay 150 milyong kilometro. Wala pang nakakagawa nito. Pero kung magagawa mo ito, ikaw na! Mapapalista ang pangalan mo sa Guiness Book of World Records bilang longest walk ever done by a human.

Pero dahil hindi mo magagawa (literally) na maglakad mula sa mundo hanggang sa araw, ganito ang gagawin natin: Maglalakad ka nang mula ABS-CBN papuntang GMA at pabalik nang 50 milyong beses. Sa kasong ito, gagamit tayo ng Timog Ave. at Tomas Morato Ave.

Ang mahalaga, lagi kang maglalakad araw-araw para mabawasan ang taba sa katawan.

Pero kung agresibo ka, puwede kang magjogging. Or join zumba classes.

Okay. Sana natulungan kita sa pagpapayo kung paano ka papayat. And promise, siguradong papayat ka sa mga payong ibinigay ko sa iyo kanina. Dalangin ko na maging matagumpay ka sa nasabing gawain. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s