Binalayok Recipe

Naging usap-usapan na sa social media kung paano ginawa ni Amor ang “binalayok”. Our fellow blogger, Dexter Diwas, had researched the secret behind the most-sought dish today.

img_0846
Dexter Diwas’ version of Binalayok, inspired from the teleserye Pangako Sa’Yo (The Promise)

But as I am reading the said article, napansin ko na may idadagdag pa para maging mas masarap at mas romantic ang binalayok. Pero ano ba talaga ang binalayok?

Ayon sa tagapagluto ni Angelo Buenavista, iba ang paraan ng pagluluto ni Amor ng binalayok. Sabi niya, “Tinatapalan pa niya ng clay sa ibabaw, saradong-sarado yun na niluluto sa pugon. Kapag naluto na, babasagin mo na ang palayok. Sasambulat sa mukha mo ang samyo ng napakabango, napakalinamnam, malasang-malasa, walang kaparis, saksakan ng napakasarap na binalayok!”


Kung ganoon, ano nga ba ang basehan ng anumang lutuin ng binalayok? Uulitin natin ang sinabi ng tagapagluto. Dapat ang binalayok ay…

  • May clay sa ibabaw.
  • Saradong-sarado na niluluto sa pugon.
  • Babasagin ang palayok.
  • Napakabango.
  • Napakalinamnam.
  • Malasang-malasa.
  • Walang-kaparis.
  • Saksakan ng napakasarap.

Titingnan natin mamaya kung nakasusunod ba ang ating recipe ng Binalayok sa lahat ng criteria na nakalagay sa itaas.

For this, I will try (for the first time) to publish a recipe for Binalayok – TweetNewscaster’s Version.

We will follow the same format used by our fellow blogger in describing the recipe, with some modifications. Due to lack of camera and time, I would not further illustrate how we do it. Never mind.

Tara, ihanda na natin ang mga ingredients for our own version of binalayok:

  1. Clay plates or chinaware. I strongly recommend na manipis na clay plates or chinaware ang gagamitin, para naman maluto nang husto ang nasa loob.
  2. Coconut lamp. Follow our fellow blogger’s advice. Magdagdag na lang ng coconut lamps. Siguraduhin din lang na huwag sobra. Otherwise, you would end up your date with your kapartner with a blazing fire. You would end up putting out fires kaysa sa tikman ang niluto mong dish.
  3. Instead of bigas, I would advise you to use flour. Dapat pinong-pino din, and if not, you would end up creating pandesal (or any bread) instead of the mouth-watering binalayok. You may use Turkish flour or any flour na ginagamit ng bakery ninyo sa inyong lugar.
  4. Martilyo. Follow also our fellow blogger’s advice.
  5. Yellow banana. Yes, follow also our fellow blogger’s advice.
  6. Turmeric powder, kung makakakuha ka talaga nito. Please seek help of Indian nationals in your place for assistance. But instead of turmeric powder, na talagang napakahirap hanapin, you may use luya, preferably luyang dilaw. And take note, for consistency, and for the reason na isasama din natin iyan sa dish, dapat pinong-pino din ang luya na bibilhin mo. Consider also buying luya powder (sa salabat).
  7. Instead of hazelnuts, look for pili nuts from Pili, Camarines Sur. Kasi kung sa ibang lugar galing ang type ng maning binili mo, hindi na pili nuts ang tawag diyan sa pili nuts. Kung sa Lipa City galing ang “pili nuts”, ang magiging tawag diyan ay “lipa nuts.” Same too kung ito’y galing sa Lucena City, this time, magiging “lucena nuts” ang tawag diyan.
  8. Instead of cocoa solids or powder, please choose tsokolate tablea from Batangas. Mas masarap ang luto ng binalayok kapag sariwang cacao/cocoa ang ginamit natin, like this tablea:
    tablea
    Tsokolate tablea as being made in Batangas

    And we’ll add kapeng barako from Batangas too. Matindi ang aroma at magkakaroon ng kakaibang lasa if you prefer to use them both. We’ll deal with tsokolate tablea later, pero siguraduhin na pinong-pino naman ang kapeng barako.

kapengbarako
Kapeng Barako ng Batangas, na mas kilala dahil sa kakaibang aroma nito.

I’ll add another set of ingredients:

  1. Chili. According to Cosmopolitan.com, chili has “[c]apsaicin, a chemical found in fiery peppers, increases circulation to get blood pumping and stimulates nerve endings so you’ll feel more turned on.” Mabisa ito lalo pa’t kung wala sa mood ang kapartner mo na tumikim ng pinaghirapan mong dish. Sa pagkain ng sili, magrereklamo pa ang kapartner mo kung bakit napakaanghang ng niluto mong binalayok. This will start your conversation with him/her.
    539f8d2e69f42_-_cos-chili-peppers-0509-de-25626652For the type of chili, just make sure that you pick chilis planted anywhere in Bicol region. Alam naman natin na mahilig ang mga taga-Bikol sa mga maaanghang, kaya eksperto sila sa pagtatanim ng chili para sa gagawin nating dish. Before we cook it, kailangang ito ay dinurog muna.
  2. Baseball bat. Gagamitin natin iyan mamaya. Pero kung hindi ka naman mahilig sa baseball, puwede mo ring gamitin ang dos por dos na kahoy.
  3. Tali. Tataliin natin kasi ang clay plates or chinaware.
  4. Oysters. Pangside dish/appetizer na lang natin iyan sa binalayok. And of course, just in case na nagsasawa ka na sa sobrang tamis ng binalayok, puwede mo itong kainin.
  5. Ulang. Parang hipon lang ito sa unang tingin. It should be sliced into little pieces, kasi isasama natin iyan sa oysters. If you still do not know what ulang is, here is the picture:IMG_8200.JPG
  6. Vermicelli. Ito yung tinatawag na rice noodles sa Italian. Just make sure that you choose the Vermicelli brand, otherwise, hindi na vermicelli ang tawag diyan sa noodles na iyan:

    IMG_7339
    And for our vermicelli, dapat half-cooked ang pagkakaluto. Iluluto pa kasi natin iyan sa oven. 🙂
  7. Red wine. Madalas makikita natin ang alak na ito kapag romantic ang lugar na pinupuntahan natin. Obviously, red wine has red color, symbolizing love and romance. Kaya nga tinawag na red wine eh. Matatawa na lang ako if the color of the red wine is white. XD
  8. Cherries. Bahala ka na kung anong uri ng cherry ang gusto mong ilagay sa binalayok. Just make sure na hindi Cherry Mobile ang ilalagay mo diyan, unless kaya mong kainin iyan.
  9. Strawberries. Ito ang ating magiging panghimagas sa ating binalayok dish. For a romantic experience, please choose strawberries from La Presa, like this one:liza
  10. Honey. Preferred ang local honey, like this raw one from Batangas. We will use this later.batangas-raw-honey
  11. Plato at panyo. Any kind of plate and handkerchief will do. We’ll use these later.
  12. Lemon grass. Sa atin, ito ay tanglad (Cymbopogon citratus). Please pick fresh leaves of tanglad, like this one:
    Cymbopogon_citratus_leaves
  13. Egg and coconut milk. For our coconut milk, kaunti lamang nito ang ating gagamitin.
  14. Sabaw ng halaan. Sa ibang bayan, ang tawag dito ay tulya (na kung saan dito rin kinuha ang pangalan ng Tullahan River sa Valenzuela City.) Mas preferred para sa dish na ito ang sabaw ng halaan mula sa ginisang halaan. Kaunting sabaw lamang ang ating gagamitin sa dish na ito.
  15. By the way, brown sugar and yeast also. Yeast being added to our product would make it tastier. At saka, brown sugar ang gagamitin natin kasi mas sweet ang brown sugar kaysa sa white sugar. Pero kung hindi ka masyadong sweet sa kanya, puwede na rin ang white sugar.

Tatanungin naman kita: Nakahanda na ba ang lahat ng ingredients? Kung oo, puwede na tayong magluto:

Igisa ang oysters at ang ulang sa isang kawaling may mainit na mantika. Add soy sauce, hanggang sa maluto ang dalawang iyan. Itatabi muna natin at pang-appetizer na iyan.

Put the half-cooked vermicelli in the binalayok. Ito mismo ang magsisilbing sapin para sa gagawin nating binalayok dish.

And for the main course of the dish:

  • “Happily mix all the ingredients together. With a smile, to add glow to your personality while doing it.”

For our recipe, we will mix flour, yellow banana, turmeric powder, pili nuts, tsokolate tablea (which should be grated first), kapeng barako, siling Bikolano, lemon grass, coconut milk, egg, sabaw ng halaan, brown sugar, and yeast.

Dapat ang proportion ng other mixed ingredients sa sabaw ng halaan at sa coconut milk ay 90:5:5 by weight. Ayaw mong maging nilugaw na binalayok ang dish mo, di ba? Nasunod mo na ba ang proportion na iyan? Sige, mix-mix din pag may time.

I just want to remind you na bago mo gawin ang binalayok dish, kailangang in good mood ka. Kailangan ang good mood na iyan para makuha mo ang sarap at aroma ng dish na hinahangad mo. Otherwise, kung in bad mood ka habang ginagawa mo iyan, malaki ang epekto niyan sa dish: hindi na magiging masarap ang binalayok kapag in a bad mood ka. 😡


We will follow the same directions in cooking as what Dexter Diwas did, but this time, instead of breaking the clay with a hammer, ganito ang gagawin natin:

  • Itali ang naluto nang binalayok. Watch here to know how to tie, this time, the binalayok:

  • Kapag naitali na natin ang binalayok, isabit natin ang naitaling binalayok sa kahit saang mataas na lugar. Sa ilalim ng hanging binalayok, we will have our plate. Dapat ang distansya mula sa ilalim ng clay plate (above) at ang plato (below) ay around 6 inches or less.
  • Makiusap sa iyong kapartner na ilagay ang panyo sa paligid ng kanyang mata. Siguraduhin mong wala siyang makikita. Kapag wala siyang makita, ibigay mo na sa kanya ang baseball bat o dos por dos.
  • Give him/her a signal para hampasin niya ang clay plate, and remind him/her na huwag sobra ang hampas or else mapapatak sa kung saan ang dish mo.
  • After playing with the one you love, ihain mo na ang binalayok. Spread the honey over the top of the dish and put the cherry at the upper central part. Dapat ang ideal na binalayok recipe ay may kasamang coconut lamp at the back, binalayok at the center, ginisang ulang + oysters at your left sides, strawberries at your left sides too, and red wine at your right sides.

Following these, may dagdag ka nang playtime moments with your kapartner. But if you don’t want to play with him/her and with the binalayok, you may dramatically remove the lid. The Binalayok – TweetNewscaster’s Version is now ready to be served.


Naluto na natin ang Binalayok. Nasunod na ba ang lahat ng criteria? Tingnan natin:

  • May clay sa ibabaw. Sa recipe na ito ay may clay plate o chinaware tayong ginamit. Check!
  • Saradong-sarado na niluluto sa pugon. We have followed the cooking procedure by our fellow blogger. Talagang sa pugon o oven natin niluluto iyan. Check!
  • Babasagin ang palayok. Dito talagang may basagan ng palayok. Kaya nga meron tayong baseball bat o dos por dos at panyo. Check!
  • Napakabango. Ang pampabango natin sa binalayok ay ang lemon grass. Check!
  • Napakalinamnam. Malinamnam ang ating binalayok dahil sa tsokolate tablea, kapeng barako ng Batangas, siling Bikolano, at iba pa. Check!
  • Malasang-malasa. Hindi ko na masyadong sinukat nang eksakto ang dami ng ingredients na ilalagay mo, basta tama sa panlasa mo. Sa tamang paglalagay ng sangkap, magiging malasang-malasa ang ating dish. Check!
  • Walang-kaparis. Sa kasong ito, wala talagang kaparis ito dahil ni-research ng may-akda ang maraming sangkap sa paggawa nito. It’s not just more of a gayuma recipe – it’s also a romantic recipe. Check!
  • Saksakan ng napakasarap. Masarap ang binalayok kapag taglay mo na ang lahat ng recipe dito. Check!

Dahil dito, masasabi natin na nahuli na natin ang paraan ng pagluluto ni Amor ng Binalayok. Yehey! Kainan na!


Hope this article helps you in creating the special version of the recipe, as featured in Pangako Sa’Yo Remake. Though I don’t have any picture to show how it is being cooked, sana nakatulong ako para magkaroon ka ng romantic moments together with the one you love.

Kaya, try mo nang gawin ito. Promise. Having your partner who does not love you? Ipatikim mo na ito sa kanya, and I’m sure he/she will love you back with this recipe, for “The way to a woman’s [or man’s] heart is through her [or his] stomach.”

Sa susunod nating artikulo, gagawa naman tayo ng recipe ng “Batas ng Isang Api.”


If you like this article, you might read also: Second version ng Binalayok Recipe


Featured Image Credit: Binalayok as captured from our fellow blogger’s point of view.

Advertisements

One thought on “Binalayok Recipe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s