Batas Ng Isang Api Recipe

Naging trending na rin sa teleseryeng Pangako Sa’Yo (The Promise) ang isang eksena kung saan isinisigaw ni Amor, “Matitikman ninyo ang batas ng isang api!” And take note, sinabi niya na matitikman, hindi mararamdaman.

Pero habang pinanood ko ang eksenang iyon, isang tanong ang sumagi sa isip ko: “Ano kaya ang lasa ng ‘Batas Ng Isang Api?’”

This question had pushed me to research further about the recipe of the dish. Unlike Binalayok na kiniliti ang viewers sa pagpapakita nito pero hindi ng recipe, wala talagang niluto si Amor na “Batas Ng Isang Api”, at ni hindi niya ipinakita ang recipe nito.

So, want to find out the ingredients? These are the following:

1. Kawali. Obviously, this has no scientific name. Pero kung meron man, eh di wow! XD De. Joke lang! 🙂 Just make sure na sapat lang ang laki ng kawali sa dami ng ingredients na lulutuin mo, para swak na swak ang dish natin.

2. Taklob. For our taklob, highly recommended ang clay cover, for this will give an added soil and earth flavor to your dish, or in vernacular, lasang lupa.

3. Coconut lamp. Use coconut lamps like the one we used in our Binalayok recipe.

4. Spinach. Ge. 🙂 Ang Tagalog word nito ay alugbati. At any rate, any kind of spinach will do.

5. Ampalaya. Specifically, its scientific name is Momordica charantia. According to Wikipedia, the ampalaya is also known in English as “bitter melon, bitter gourd, bitter squash or balsam-pear”. Bitter nga siya, pero hindi naman siya mukhang melon, gourd, or squash. Ano ba talaga?

Momordica_charantia_Blanco2.357
Momordica charantia, or commonly known as ampalaya.

Mas mabuti na isama mo rin ito sa dish na gagawin natin, kasi sinasabi na ang side effects ng pagkain nito ay: “diarrhea, abdominal pain, fever, hypoglycemia, urinary incontinence, and chest pain” (Ibid.).

For our “Batas ng Isang Api” dish, just make sure na isasama mo hindi lamang ang bunga ng ampalaya kundi pati na rin ang dahon ng ampalaya. If we do this, maipaparanas natin sa kanya ang pait na nararamdaman mo ngayon.

6. Horseradish. Ideal din itong isang ingredient para sa ating dish. According to Wikipedia too, “The intact horseradish root has hardly any aroma. When cut or grated, however, enzymes from the now-broken plant cells break down sinigrin (a glucosinolate) to produce allyl isothiocyanate (mustard oil), which irritates the mucous membranes of the sinuses and eyes…. Once exposed to air or heat it will begin to lose its pungency, darken in color, and become unpleasantly bitter tasting over time.”

Raffi Kojian / http://www.gardenology.org
The foliage of the horseradish plant.

With these in mind, ihanda mo na ang horseradish na lulutuin mo. We will divide it into two: ang isa ay kukudkurin, at ang isa naman ay ating isasampay.

And take note, please pick horseradish talaga, at huwag malunggay. Madalas kasi, isinasalin sa Tagalog ang horseradish bilang malunggay, pero mali naman iyon. Iba ang horseradish sa malunggay, and obviously may kanya-kanya silang scientific name: Armoracia rusticana at Moringa oleifera, respectively. Isa pa, walang epekto sa ipatitikim mo kung malunggay ang isasama mo sa dish.

7. Lettuce. I would recommend romaine lettuce for our dish. Aside from being “tolerant of heat,” as defined again by Wikipedia, this romaine lettuce is perfect for cooking our exotic dish.

Iceberg_lettuce_in_SB
Iceberg lettuce. Puwede na iyan. 🙂

8. Secret ingredient. Iyan nga pala ay madalas nating napapakinggan sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho. Magaling ang mga researchers nito na magresearch ng kung anu-ano, except for secret ingredients sa mga lutuing kanilang itinatampok. It seems na wala talaga silang pakialam sa composition ng secret ingredients.

But never mind. Any kind of secret ingredient will do. Pero siguraduhin mong ikaw lamang at walang iba ang nakakaalam ng secret ingredient mo. Or else, hindi magiging secret ingredient iyan, kundi disclosed ingredient.

Sa ngayon, ang gagamitin nating secret ingredient ay ang Ariel 7.50, which is highly recommended hindi lang sa mga labada mo, kundi highly recommended sa lulutuin natin.

9. Magic Sarap. We will use these later.

10. Beer. I strongly recommend you to use Red Horse beer. Sabi nga nila, sarap ng sipa, lakas pa ng tama. Maipaparamdam mo pa sa kanya kung gaano katindi ang tamang ibinigay niya sa iyo.

And take note: Bago tayo magsimula sa pagluluto ng ating dish, siguraduhin mo na from the whole time ka na magluluto nito, kailangang in a bad mood ka para gawin iyon. Otherwise, hindi mo maipapatikim sa kanya ang pait at sakit ng feeling na naaapi. Isa pa, mag-iiba ang lasa kung habang ginagawa mo ito, ikaw ay wala sa mood o in good mood.


Ngayon, handa na ba ang mga ingredients? Kung oo, tara, magluto na tayo ng “Batas Ng Isang Api”:

1. Hiwain ang spinach, bunga ng ampalaya, dahon ng ampalaya, romaine lettuce, at horseradish. Para sa ampalaya, dapat tanggalin mo ang laman ng bunga pati ang mga buto nito. Siguraduhin lamang na hiwain mo ang mga nabanggit na gulay nang pinung-pino para makuha mo nang lubos ang lasa na gusto mo.

2. Sa isang kawali, maglagay ng kaunting mantika, at i-stir fry ang mga gulay gamit ang sandok. Just make sure too na may sandok ka, kasi kung wala, you would end up using your hands to mix the vegetables. Lalong kawawa ka kapag ginawa mo iyan.

3. Kapag half-cooked na ang mga gulay, puwede mo nang ilagay ang Magic Sarap at ang secret ingredient natin. In this case, our secret ingredient natin ay Ariel 7.50. Paulit-ulit? But anyway, damihan din ang lagay ng dalawang pampalasa para mas lalong sumarap ang dish.

4. Add mineral water and beer, at saka takluban.

5. Let the dish be cooked for 5-8 minutes.

6. Habang niluluto mo ang dish, hindi mo puwedeng tikman ang niluto mo. Bakit ko ito nasabi? In the first place, kanino mo ipakakain ang “Batas Ng Isang Api?” Di ba’t sa nang-api sa iyo? Pero kung inapi mo naman ang sarili mo, that’s the time na puwede mo na itong tikman.

7. Kapag luto na, saka na natin ilagay ang sinampay nating horseradish sa ibabaw ng dish natin.

8. Dalhin ang lutuin sa kahit sinong abogado o sa kahit sinong hukom. Hindi nila ito titikman, unless gusto mong ipatikim din ito sa kanila. Ang gagawin lang nila ay babasbasan ang dish na ito, hence the name, “Batas ng Isang Api.”

Paano naman ang gagawin nilang istilo ng pagbasbas sa lutuing iyan? Any kind of incantation will do. Puwede silang gumawa ng incantations using Hebrew, Latin, Greek, Tagalog, or Bisaya words or combination of them. Mas maganda kung Latin, dahil mas epektibo ang basbas kung gagamitin ang wikang ito. (Remember the exorcists in some literary works?) Makakarinig ka na ng salitang Latin sa kanila tulad ng negotiorum gestio, solutio indebiti, constitutum possessorium, at pati ang legal maxim na ito: Ignorantia legis non excusat.

Kapag nabasbasan na ng abugado o hukom, puwede mo na itong iuwi sa inyo. The “Batas Ng Isang Api” dish is now ready to be served.

Our ideal “Batas Ng Isang Api” should have the dish at the center, coconut lamp at your left side, and the beer at your right side. Oras na matikman niya ito, hayaan mo siya na mawili sa pagkain sa dish na ito.


Iyan lamang ang ating recipe para sa “Batas Ng Isang Api.” Sayang nga lamang at hindi ito niluto ni Amor Powers pagkatapos ng trahedya, but never mind. Sana nakatulong ako sa pagbibigay ng recipe sa lutuing ito para makita kung gaano kapait ang dinaranas ng isang api. Hindi ko naman sasabihin na mag-enjoy ka sa niluto mo dahil in the first place hindi ikaw ang talaga at dapat na tumikim nito kundi ang nakasakit sa iyo.

And another warning: Never ever share this recipe to your children with ages 18 years old and below, kahit na mahusay pa silang magluto. It is because these kids should not be taught to seek vengeance on their neighbor.


Featured Image Credit: “Amor mutating to Amor Powers after throwing the line “Matitikman ninyo ang batas ng isang api!”

Advertisements

One thought on “Batas Ng Isang Api Recipe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s