Love Advice No. 36

From Pag-ibig Problems Facebook page:

Hi I’m Chelsea. I want to share my story. I’m 19 years old, 3rd year college from Centro Escolar University.

May nanligaw sa akin. Ang pangalan niya ay John, at marine engineering ang course niya. Pareho kaming 3rd year college. Matagal na kaming magkakilala, I think 2 years na din. Noon, nagkakatext lang kami. Simpleng “Kamusta?” , “Hi?” , “Ginagawa mo?” , at group messages lang natatanggap ko sa kanya noon.

Hanggang dumating sa point na nagkalapit na kami at naging close kami. After 2 months ganoon ang set-up namin. Hanggang nanligaw na nga siya. Pumayag ako kasi siya ang tipong sikat man sa social media o sa school ay wala akong nabalitaang nagloloko o nambababae siya. Kaya kampante ako. Lagi niya akong sinusundo at inaantay para sabay na kaming umuwi. Lumalabas kami every weekend. 2 months siyang nanligaw [sa akin].

Napadaan kami ni John sa lugar ng kaibigan ko. And her name is Rhicca, taga-EARIST Manila naman siya. Sabi ko kay John:

Me: Babe, diyan nakatira friend ko. Rhicca ang pangalan. Do you know her?

John: No, babe.

May balak na akong sagutin siya, kaso nag-gm yung kaibigan ko.  And binasa ko [sa huling bahagi ng] gm niya ay buong pangalan ni John. Nagulat ako. Kinabahan. At halos parang di ko na alam gagawin ko. Mahal na mahal ko na si John. 😦

Hindi niyo ako masisisi na napamahal ako nang sobra. Kasi nga araw-araw kaming magkasama. Nakikita ko din yung efforts niya. Kaya naging kampante akong di siya magloloko.

After kong mabasa [ang gm na iyon,] tinext ko si Rhicca:

Me: Kilala mo si John? Ano mo sya?

Rhicca: Manliligaw ko, be. Why? Kilala mo sya?

Me: Hindi. John Gonzalo pala kilala ko. I hope maging kayo. God bless :*

Labag man sa kalooban kong sabihin iyon, pero wala na din akong nagawa. Tinext ko naman si John. Sabi ko:

Me: May Rhicca ka na pala. Nanliligaw ka pa. Grabe, ang kapal ng muka mo. Ilang page ba yan?

John: Hala, babe! 😮 Matagal ko nang itinigil ang panliligaw kay Rhicca.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, kung anu-ano na ang nasabi ko sa kanya. Ang sinabe niya lang:

John: Sorry, babe.

Iyak ako ng iyak nun. Kasi nung panahong iyon, magsisimba dapat kame at may surprise pa siyang ipapakita sa akin. Nag-text si Rhicca. Sabi niya:

Rhicca: Sorry be. Nagawa lang ni John yun kasi nag-away kami. Ü

Ang tibay din pala ng mukha niya, ano? Tinext pa ako! Parehas silang makapal ang mukha. Bagay sila. 😡

Hindi ko siya nireplyan. Neknek ba niya 😀

Nasa simbahan na ako at that time. Nag-gm nanaman si makati. Kasama niya daw si John.

Habang nakaluhod ako sa simbahan, iyak nang iyak ako. Wala pa namang panyo, eh di todo punas ako gamit ang kamay ko. Pati sipon ko tumutulo. Nakakatawa talaga. Haha. XD Ang daming tumitingin sa akin. Nakakaawa ako nung time na iyon. Wala akong kasama [sa pagsimbang iyon] kundi sarili ko lang. Tatlong araw na ang nakalipas, nabalitaan kong sila na. Siyempre bitter bitter ako. HINDI MAN LANG NIYA PINATAGAL YUNG PANLILIGAW. KALANDIAN NGA NAMAN PAG UMIRAL. AND TAKE NOTE HINDI PA SILA PERO NAGHOHOLDING HANDS NA. SO CHEAP!

1 week lang yata naging sila. Nung nalaman kong break na sila, tuwang-tuwa ako. Ang sarap mag-paparty.

5 months na ang lumipas at gusto ulit ako ligawan ni John. What I’m going to do?

My Advice:

Huwag mo na siyang sagutin. O kung hindi mo naman siya matiis, magpakipot ka.

Sabi mo, ang sarap mag-paparty. Go ahead. 🙂 Basta imbitahan mo ako sa party mo. De. Joke lang! 🙂

Ako man ay matatawa din sa lalaking iyon. Kasi, nagsinungaling siya sa iyo. May pa-babe babe pa siyang nalalaman, samantalang nang tanungin mo siya, hindi naman niya inamin sa iyo na may nililigawan na siyang iba. Pinaasa ka na itinigil na daw niya ang panliligaw sa babaeng iyan. Hindi mo namamalayan na habang tuwang-tuwa ka sa efforts niya sa iyo, meron din pala siyang ibang sinusuyo. And after you cry, nagkaroon naman ng happy ending: inani niya kung ano ang kalokohang ginawa niya. Tapos, after breakup, saka pa lamang siya babalik sa iyo? Ano ito, lokohan?

Mas masuwerte pa nga siya eh. Kung yung ibang lalaki ay magkakandarapa para mapasagot ang kanilang nililigawan, siya naman ay hindi na kailangan pang gawin ang bagay na iyan. Merong biyayang dumating sa kanya – at iyon ay ikaw – which he took it for granted. Hindi na niya kailangan pang dumaan sa maraming proseso, dahil ibibigay mo na ang matamis na oo sa kanya, at iyan ay isang bagay na hindi inisip ng dapat sana’y bf mo bago ligawan ang “makati”, di ba?

Sa halip na ayusin pa ang gusot nila ni Rhicca, itong si John ay nanliligaw pa sa iyo. Hindi na nga siya makuntento sa panliligaw niya sa kaibigan mo, niligawan ka pa niya.

Tama ang sinabi mo, “kalandian nga naman pag umiral…” Kukumpletuhin ko ang sinabi mo: “Kalandian nga naman pag umiral, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang. Pag-ibig ng dalawa’y itatanghal, kahit sino pa ang humadlang.” At that time na niligawan niya si Rhicca, malamang na hindi niya nakikita ang tunay na halaga ng pagkakaroon ng isang relasyon. Hindi niya napapahalagahan ang relationship nila. Dahil sinagot siya agad, he took their relationship for granted.

Kaya, ang sabi sa isang kanta, “Easy come, easy go” – mabilis ang ligawan, mabilis din ang break-up. Nakakatawa pa nga na 1 week lang nagtagal ang kanilang relationship. At iyon ay dahil gaya ng sinabi mo, “hindi man lang niya pinatagal yung panliligaw.” At tama ka rin doon. Kung tutuusin, nasa desisyon na rin ng babae kung patatagalin ba niya ang pagpapakipot.

Tatanungin naman kita:

  • Nung niligawan ka ulit ni John, humingi na ba siya ng tawad sa iyo? Inamin na ba niya ang lahat ng kasalanan niya sa iyo? Mahalaga ito upang maipakita niya na deserving siya ulit na tumahan sa puso mo. At makakatulong ito para mapababa ang pride niya, palibhasa’y tingin niya lagi ay siya’y makakakuha ng babae kahit ganoon ang kalokohang gawin niya.
  • Bukod kay Rhicca, may iba pa ba siyang kinalolokohang babae? Kung hindi, bakit hindi mo pag-isipan na sagutin siya? Tutal, lahat naman tayo na minsang nagkakamali ay humihingi ng second chance.
  • Mahal mo ba talaga siya? Na sa kabila ng lahat ng kalokohang ginawa niya, handa mo pa rin siyang tanggapin ulit, ibigin, at mahalin? Kung sa ngayon ay hindi tunay na nagmamahal si John kahit kay Rhicca dati o sa iyo, ikaw na mismo ang magtuturo sa kanya kung paano umibig nang tunay.
  • At kung nanliligaw na ulit siya sa iyo, nagsasabi na ba siya ng totoo? Totoo na ba ang kanyang hangarin sa panliligaw sa iyo? Para malaman ang sagot sa tanong na iyan, puwede mong kilatisin siya nang mabuti. Audit kumbaga. Kung hindi pa rin siya totoo sa panliligaw sa iyo, mas mabuti na huwag nang sagutin siya.

Sa tanong mo kung ano nga ba ang dapat mong gawin sa panliligaw sa kanya (at kung gusto mo na siyang sagutin), dapat magpakipot ka na. Hayaan mong manligaw na siya nang manligaw. Hayaan mo siya na maglupasay sa harap mo, basta manindigan ka na hindi mo siya basta-basta sasagutin. Kasi naman, kung sa simula pa lang ay naghintay pa ang lalaking ito ng matamis mong oo, magiging madali na para sa kanya ang lahat lalo’t sinabi mo na muntik mo na siyang sagutin. Pero hindi eh. Nagloko siya, at kumuha ng babae na madaling pasagutin.

Ituring mo na rin ang pagpapakipot bilang disciplinary action mo laban sa kanya. Matututunan niya na hindi nakukuha sa madalian ang isang relasyon.

Ang resulta, nag-effort pa nga siya sa iyo dati, mag-eefort pa ulit siya. Masakit, pero kailangan niyang magbago para sa iyo. At mas lalong masakit, kapag nagawa niya ito, at binasted mo naman, mapapagod naman siya. Anyway, he has to learn lessons from his mistakes.

In the end, kahit na ilang ulit na ligawan ka niya, nasa sa iyo ang desisyon kung sasagutin mo ba siya o hindi. Ikaw lang kasi ang talagang nakakakilala kay John, palibhasa’y matagal na pala kayong nagkasama. Kung bibigyan mo na siya ng isang matamis na oo, kailangan mo siyang balaan na hindi niya uulitin ang gayong kalokohan. At kung hindi, huwag mo nang bigyan pa ng third chance.

Pero kung hindi mo naman siya sasagutin, sabihin mo rin sa kanya na “Sana matutunan mo na hindi dapat paglaruan ang damdamin naming mga babae.”

For my last advice, tuluy-tuloy lang ang pagsimba. Samahan mo na rin ng dasal. Si God na ang bahalang maglaan ng lalaki na kukumpleto sa pagkatao mo, basta sundin mo rin itong love advice ko sa iyo.

Advertisements

One thought on “Love Advice No. 36

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s