Love Advice No. 38

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Sinu-sino ang mga newscasters sa GMA?

My Answer:

Ibibigay ko lang dito kung sinong mga newscasters sa GMA ang natatandaan ko pa sa ngayon. Sila ay sina:

  • Pia Arcangel
  • Jiggy Manicad
  • Michael Fajatin
  • Arnold Clavio
  • Vicky Morales
  • Mel Tiangco
  • Mike Enriquez
  • Oscar Oida
  • Love Añover
  • Ivan Mayrina
  • Coney Sison
  • Sandra Aguinaldo
  • Steve Daylisan
  • Julius Segovia
  • Jessica Soho
  • Kara David
  • Malou Mangahas
  • Howie Severino

From the reader who asked a question via Search Box:

Truth [or] fact kapag ang lalaki ay naghihintay at hinahanap ka

My Answer:

Medyo vague para sa akin ang tanong mo. Sa kasong ito, ipagpapalagay natin na ito’y tumutukoy sa status ninyo bilang mag-on.

Ibig sabihin nito, talagang mahal ka niya. At effort na rin iyon sa part ng lalaki ang hintayin ang iyong pagbabalik. Alam mo kasi, kapag ganyan si guy, talagang gagawin niya ang lahat para sa iyo: Kahit kalimutan niyang i-break ka niya, ligawan ang ibang babae, o pagnasahan ang iba.

Sa tuwing maghihintay siya sa iyo, hinahanap ka niya, hindi ba? Walang problema kung ganito siya, kasi karapatan naman niyang malaman ang lagay mo. Bakit ko ito nasabi?

  • Para hindi na siya mag-alala.
  • Para hindi na siya umasa pa sa wala, lalo’t kung hindi niya alam na matindi ang kalokohang ginawa mo laban sa kanya.
  • Para hindi na siya masyadong masaktan. Masakit kasi sa isang guy na naghihintay siya, tapos malalaman pa niya na may iba ka na pala (dahil hindi mo matiis si guy). Sinasayang mo lang ang panahon at pagod niya sa wala. You are just wasting his time – the time that he should have used it para magmahal ng isang tao na tunay na magmamahal sa kanya.

From the reader who asked a question via Search Box:

Paano mo maipapalita sa pamagitan ng Facebook na nakamove on ka na?

My Answer:

Madali lang iyan. Maraming paraan para maipamalita mo sa lahat na nakamove-on ka na:

  • Post your status. Puntahan mo lamang ang iyong profile – ang iyong timeline – at ihahanda na ng Facebook ang form nito na isusulat mo tungkol sa pagmomove-on.

Naghanda ako ng mga suggested moved-on statements na puwede mong i-post:

“Proud to be single.”

“Moved on.”

“Ayoko ng rewind. Gusto ko ng fast-forward.”

“Past is past, kaya di na puwedeng balikan iyon.”

“I’m ready to face new journey without you.”

“Being single (or alone) doesn’t mean you’re lonely.”

“Hindi porke’t wala ka sa tabi ko, eh walang lovelife. Marami namang nagmamahal sa akin.”

“Listening to Break Free by Ariana Grande” (o di kaya magpost ng music video ng nasabing awitin)

“Strong. Fearless. Determined.”

  • Post pictures of a new you. Any form will do, basta maipakita mo sa lahat na dahil ikaw ay nakamove-on, ikaw ay nagbagong-anyo. Halimbawa nito, kung magpaputol ka ng buhok, tulad ng ginawa dati ni Sarah Geronimo.

Kung kayo’y nagpicture ng ex mo sa harap ng Rizal Monument, this time ikaw na single na ay mag-post ng pictures sa likod ng Rizal Monument. At kung magkasama kayo sa Space Shuttle sa isang picture, magpost ka ng picture na ikaw ay nasa EKstreme na mag-isa.

  • Delete your pictures na magkasama kayo. Para just in case na kahit sinong tao pa ang magsearch sa profile mo, maipaparating mo sa kanilang isip na nakamove-on ka na, at na hindi mo na babalikan pa ang past ninyong dalawa.

From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang dapat kong gawin? Mahal ko si bestfriend pero may gf na siya. 😦

My Answer:

You have no other choice kundi ang maghintay sa kanya.

Mahal mo naman ang bestfriend mo, hindi ba? Hayaan mo siya sa kanyang desisyon na makapiling niya ang kanyang girlfriend.

Kung igigiit mo kasi ang kagustuhan mong mapasakanya siya, talo ka. Kasi, between you and his girlfriend, mas may karapatan ang huli sa puso ni guy kaysa sa iyo. And between you and his girlfriend, talo ka rin, kasi obligasyon ng bestfriend mo na mahalin niya ang kanyang girlfriend.

Ang kailangan mong gawin sa ngayon ay alalayan mo ang bestfriend mo sa kanyang pakikipagrelasyon. Pagsabihan mo rin siya kapag may nagawa siyang mali sa kanyang girlfriend. Ipagtanggol mo siya kapag sinaktan ni gal ang puso niya, at huwag mo siyang iiwanan sa kanyang tabi. Iparamdam mo sa kanya na hindi lang bestfriend ang turing mo sa kanya, kundi na mahal mo siya, but this time, huwag mo munang sabihin ang nararamdaman sa kanya.

Please refer to Love Advice No. 8 for further discussion.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano mo ba malalaman na yung gf hindi pa nakakamove on sa past niya?

My Answer:

  • Kung pilit niyang inaalala ang past niya.
  • Kung hindi niya inaalis ang mga larawan niya kasama ang kanyang ex. Kahit na hindi ito sapilitan, ang pagdedelete ng mga larawan ay magsisilbing tulong din para mapanindigan niya ang kanyang pagmove-on.
  • Kahit break-up na sila ng ex niya, mas interesado siya na pag-usapan ang tungkol sa kanyang ex kaysa sa iyo.
  • Kapag umiiyak siya tuwing naaalala niya ang kanyang ex.
  • In some cases, kapag naaasiwa siya sa iyo kapag nilalambing mo siya. Mahahalata mo rin ito, kahit pakunwari siya na nagsasabing gusto ka niya o hindi.
  • Kung mas marami siyang itinetext sa kanyang ex kaysa sa iyo.

From the reader who asked a question via Search Box:

Ilang araw ba dapat sagutin ang isang lalaki sa kanyang panliligaw?

My Answer:

Depende iyan sa iyo.

Pero hindi ito ibig sabihin na puwede mo na siyang sagutin agad oras na ligawan ka niya.

Magpakipot ka naman. Bigyan mo siya ng “reasonable time” para mapatunayan niya sa iyo na karapat-dapat siya sa puso mo. Kung sinagot mo siya agad, most likely he will take your relationship for granted, tulad ng natalakay ko sa huling love advice.

Alam mo, sinagot agad ng babae si John. That guy took his relationship with the girl for granted, kaya nagtagal lang ng isang linggo ang pagsasama nila.

Kaya, dapat dahan-dahan ka rin sa pagbibigay ng oo sa kanya. Kilatisin mo siya nang mabuti, at mag-research ng tungkol sa kanya. Dito pa lang sa prosesong ito makikita kung talagang mahal mo ba siya o hindi. Kasi, kung may makita kang isang bagay sa kanya na hindi mo matanggap, therefore hindi mo talaga siya mahal.

Pero kung nakita mo na nageeffort siya para sa iyo sa loob ng maraming panahon (at na tapat ang hangarin niya sa iyo), ibigay mo na sa kanya ang matamis mong oo.


From the reader who asked a question via Search Box:

May anak ang bf ko.

My Answer:

Eh di tanggapin mo.

Mahal mo ang boyfriend mo, hindi ba? Ano ba ang problema mo at nasabi mo na may anak ang boyfriend mo?

At kung nagkakaproblema ka dahil may anak ang bf mo, mababago mo ba ang katotohanang iyan?

Didiretsuhin na kita: Hindi mo na kailangang papiliin ang boyfriend sa inyong dalawa ng kanyang anak. Ang mahalaga’y ipakita mo na talagang mahal mo ang iyong boyfriend sa pagtanggap sa kanyang anak. Kapag nagawa mo iyon, matatanggap ka rin ng anak niya. Eh di magiging happy family kayo ulit. Ang saya, hindi ba? 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Tips sa panliligaw kahit may bf siya

My Answer:

Bakit mo siya liligawan?

May mga tips kasi akong inihanda kung ikaw ay manliligaw sa isang dilag na wala pang boyfriend. Kung tutuusin, applicable pa nga ito kahit ang liligawan mo ay may boyfriend na.

Pero huwag mo na siyang ligawan. In the first place, hindi siya talaga iyo, kahit na sabihin mo sa akin na mahal ka pa rin ng dalaga. Siya ay sa kanyang boyfriend lamang at wala nang iba. Mas malala pa, baka dahil sa selos ng boyfriend niya ay kung ano pa ang magawa niya sa iyo. Baka pagtulungan ka, ipaaresto ka, suntukin ka, o saktan ka ng boyfriend niya dahil nanliligaw ka sa gal na iyan.

Sige, ipagpalagay natin na may girlfriend ka na. May mga nanliligaw sa kanya. Matitiis mo ba na magalit sa kanila? Hahayaan mo na lang ba na manligaw na lang sila nang manligaw sa honeybabe mo? Wala ka na bang gagawing paraan para ipagtatanggol ang inyong relasyon? Kita mo na.


From the reader who asked a question via Search Box:

Anong mangyayari kapag ang pinsan mo ang iyong magkatuluyan?

My Answer:

Depende sa sitwasyon.

Kung siya ay first cousin mo, labag sa batas iyan. Pero kung siya ay second, third, fourth (and so on) na cousin mo, walang problema.

Please refer to Love Advice No. 29 for further discussion.


From the reader who asked a question via Search Box:

Kailangan pa ba na makipag usap sa ex kahit may kasintahang babae na?

My Answer:

Yes.

Sa totoo lamang, hindi naman kailangan pero puwedeng makipag-usap sa kanya kahit may girlfriend na siya.

Kaya lang, dahil mag-ex na kayo, at siya naman ay may iba na, kailangan ninyong igalang ang limitasyon sa isa’t isa, lalo na’t kung nag-uusap kayong dalawa.


From the reader who asked a question via Search Box:

Bakit kailangan na malaman ni bf/gf ang ginagawa mo every minute and time?

My Answer:

Ito ay para maipakita mo na wala kang itinatago sa kanya.

Pero grabe naman iyang kasintahan mo, kung ganoon. Kung dati may mga nagdidiwang ng minutesary, ngayon pati pala pagrereport ng ginagawa, every minute and time na rin! Kulang na lang, posasan mo ang iyong kasintahan sa tuwing may pupuntahan ka.

Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay kailangang alamin ng bf/gf ang lahat ng bagay sa iyo, lalo na’t kung hinihiling ka na ikaw at ang ibang tao lamang ang nakakaalam nito. At isa pa, hindi naman maaaring every minute ay lagi kang magrereport sa girlfriend/boyfriend mo kung ano ang ginagawa mo. Una, mahirap gawin iyan. Paano kung ikaw ay kumukuha pala ng exam, tapos required ka raw na magreport kung anong ginagawa mo? Mahirap, di ba?  O kung ikaw ay todo focus ka para sa board exam mo, di ba’t mahirap magreport every minute?

Mahalaga na malaman niya kung ano ang ginagawa mo, pero huwag sobra. Ang sobra kasi, nakakairita na. Tatanungin kita: Kung ikaw ay pinagrereport ng kasintahan mo every minute, ano ang mararamdaman mo? Di ba’t mayayamot ka sa kanya?

Kaya, dapat ikaw ang magkusa na ipaalam mo sa kanya ang ginagawa mo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Tagalog advice sa decision tungkol sa pag ibig

My Answer:

Masyado namang broad ang tanong mo.

Anong klaseng desisyon sa pag-ibig ang hanap mo? Marami ka pang mahahanap na ganyan sa site na ito at sa ilalim ng kategoryang “Love Advice”. Pero kung may hinahanap kang isang bagay na hindi mo mahanap dito, huwag ka nang mahiyang magtanong agad sa akin sa tweetnewscaster@yahoo.com.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano mo sasabihin na sinasagot mo na siya?

My Answer:

Kung gusto, maraming paraan!

Alinman sa mga ito ang puwede mong sabihin sa kanya:

  • Yes!
  • Sinasagot na kita.
  • Sinisinta kita.
  • Mahal na mahal kita.
  • Honey! (o kahit anong pet name ang puwede mong itawag sa kanya.)

Puwedeng patanong:

  • So, tayo na?
  • Puwede bang maging tayo na?
  • Ano ba’ng gusto mo sa akin at nanliligaw ka sa akin? (Kung kumbinsido ka sa kanyang sinabi, puwede mong bigyan ng matamis na oo.)

Puwedeng ito ang gawin mo:

  • Hawakan mo ang kanyang kamay. Preferred na mas mahigpit ang hawak.
  • Halikan siya sa pisngi. Pero kung okay din sa iyo na halikan mo rin siya sa labi, walang problema.
  • Ibigay sa kanya ang ngiting pag-ibig. Tatanungin mo naman sa akin, “TweetNewscaster, pare-pareho lang ang ngiti. Bakit pa ngiting pag-ibig?” Iba’t iba kasi ang uri ng ngiti: yung karaniwang ngiti, yung ngiti ng tagumpay, ngiti na may masamang balak, ngiting plastik, ngiting pag-ibig, at iba pa.

548281_534022566613158_881576770_n

Sana natulungan kita sa mga tips na ibinigay ko sa iyo. Maraming salamat sa pagtatanong.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s