Meron Ba Talagang Forever?

Mayroong isang Tourism student na nagtanong sa akin:

Kuya, talaga bang may forever?

Isinagot ko lang sa kanya na merong forever. Ipinaliwanag ko sa kanya kung saan makikita ang forever, at iyon ay nasa ibang bansa lang, tulad ng naipost ko noon sa Trivia No. 38.

To set your mood habang binabasa mo ang buong artikulo na ito, maari mong patugtugin ang “Forevermore” ni Juris:


Naisipan kong magsulat tungkol sa bagay na ito. Kasi, sinasabi nila, “Walang forever” lang at wala nang iba. Mabuti sana kung sinabi nila na “Walang forever sa pag-ibig.” Madali na lang gumawa ng sanaysay tungkol diyan. At magiging maikli na lang ang artikulong ito.

Pero dahil gasgas na gasgas na ang naunang linya, this bothers me. Kasi, presumed na iyan ay hindi lamang sumasaklaw sa love kundi pati na rin ang lahat ng bagay sa mundong ito.. Kung wala talagang forever, bakit may mga bagay na nagtatagal sa loob ng napakaraming taon? That’s the reason why I had created and expanded this article ever since its first post sa TweetNewscaster. Nais ko kasing ipaalala sa mga tao na maraming bagay ang nagtatagal nang forever – basta lumingon ka lang sa paligid.

So, hindi lang ang Tourism student ang magtatanong sa akin ng bagay na iyan. Alam ko na may magtatanong din kung may forever nga ba, lalo pa’t marami ang hindi makamove-on sa (matagal nang tapos na) programang “Forevermore”. Pinagtatalunan pa man din hanggang sa ngayon kung may forever nga ba sa mundong ito.

Oo, talagang may forever. May mga loveteam na nagiging forever na (tulad ni Romeo at Juliet), at merong iba na hindi (tulad ng Guy at Pip). Merong forever hindi lamang sa aspeto ng pag-ibig kundi pati na rin sa iba’t ibang aspeto.

Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng forever? Sa isang dictionary, iyon ay kahulugan daw ng eternal. Pero wala talagang eternal. Maliban na lamang sa Diyos, kay Jesus, “Eternal Flame” ng The Bangles, Eternal Gardens, at Eternal Plans. Ang totoo, tulad ng sinabi ni Gordon O. Martinborough sa kanyang librong I Love You, forever means “as long as possible.” Sinabi pa niya na kung sumigaw si propeta Daniel kay Haring Darius ng “Long live forever!” eh bakit hindi pa buhay si Haring Darius hanggang ngayon? Ang katuwiran ng may-akdang ito ang magiging basehan natin sa pagtukoy sa mga bagay na magtatagal nang forever.

Since marami pa rin hanggang sa mga oras na ito ang nagsasabi na walang forever sa mundong ito, ibibigay ko na ang mga bagay na magtatagal nang forever. Maraming bagay ang pasok dito, kaya asahan natin na ang paghahanap natin sa mga iyan ay magtatagal nang forever. XD

Ito naman ang mga bagay na pang-forever:

  • Universe. Oo, maaaring mabuhay at mamatay ang mga bituin (pati ng Haring Araw), pero ang universe ay magtatagal nang forever. Unless merong tinatawag na Big Crunch, kung saan sa halip na lalaki ang universe, ito’y lilit.

2xcluster

Hindi pa masabi ng mga scientists sa ngayon kung hanggang kailan titigil ang paglobo’t paglaki ng universe, kaya may kasiguraduhan tayo na pangforever nga ito.

  • Human stupidity. Masakit, pero totoo ang bagay na iyan. Lahat naman tayo ay meron nito, pero nasa sa atin kung paano natin ito gagamitin. Hindi na kailangang patunayan na ito ay forever, kasi very obvious naman na ito ay nasa bawat isa sa atin. At aminin man natin o hindi, lalabas at lalabas ang ating side of stupidity, kahit pa sa pinakamagaling na professional sa mundo.

Paano natin papatunayan na pang-forever nga ang bagay na ito? Ayon sa isang research, “Filipino Facebook users are dumb.” Isa ring pananaliksik na ginawa noon ang magpapatunay diyan. Marami ang ayaw maabala sa pagbabasa ng artikulo at sa halip ay comment agad kahit misleading talaga ang pamagat ng artikulo. Without the satire skills in them, puwedeng masangkot sa away ang netizen na hindi sinusunod ang tamang procedure – read first before comment. Sino’ng makakapagpaalis ng mentalidad na “comment first and nothing else”? Wala ni isa.

Another proof: Kahit na sinasabi ng So What’s News? na “satirical” ang kanilang artikulo, masyado naman itong sineseryoso ng mga tao. Marami namang nagkokomento nang hindi iniintindi ang phrase na ito:

What did you think about this SATIRICAL article? Share your thoughts below. (Emphasis ours)

At marami pa rin ang ayaw maabala na basahin ang misyon ng SWN, na nakabalandra mismo sa sidebar ng site na iyan:

So, What’s News? is a SATIRICAL & FICTIONAL news website…. (Emphasis ours)

Sa mga bagay na nabanggit, masasabi natin na ang stupidity ay pang-forever.

Kahit si Senator Miriam Defensor-Santiago na mismo ang nagsabi na “Stupid is Forever,” at iyan ay naging pamagat ng kanyang pinakabagong aklat:

11048263_1092860127395798_3140035325660121527_n

At hindi lang naniniwala si Senator Miriam sa Forever, pati na rin sa Forevermore, tulad na lamang ng kanyang ikalawang aklat:

  • WinRAR’s Free Trial. Kung yung ibang program ay nag-eexpire after ng free trial, tulad ng Tumblebugs at Adobe Photoshop, kakaiba itong free trial ng WinRAR. Sabi pa nga mismo ng program, “…After a 40 day trial period you must either buy a license or remove it from your computer.”

Pero walang expiration ang trial ng nasabing program. Therefore, masasabi natin na forever na nating maeenjoy ang programa nang walang expiration date na inaalala.

gives_you_30_days_free_trial_forever

  • Poreber. Ito’y natalakay na natin kanina sa Trivia No. 38. Kaya, habang nariyan ang lugar na iyan, talagang masasabing may forever na sa mundong ito.
  • Classic songs. Ewan ko ba kung bakit. May nabasa kasi akong status dati na maaaring kumupas ang mga kanta ni Justin Bieber, pero ang mga classic songs pa rin ang aawitin.

Anong klaseng classic songs? Ito ang madalas patugtugin ng maraming radio stations sa buong bansa tuwing Linggo. To give you an idea kung ano ba talaga ang classic songs, makinig sa 95.1 Kiss FM Lucena. Mapapansin na araw-araw ang pagpapatugtog nila ng ganyang awitin.

Madalas ito ay nasa panahon ng mga dekada 60, 70, 80, at 90. Masuwerte na lamang ang mga classic songs na hahabol kahit late na. Madalas, ito ay nakakalungkot. Halimbawa na rito ay ang mga malulungkot na awitin ng The Carpenters, Lionel Richie, The Beatles, Air Supply, o ng Scorpions. Isama na rin dito ang mga madalas awitin sa videoke tulad ng “My Way,” “Delilah,” “My Love Will See You Through,” at “Don’t Forget to Remember Me.”

Wala namang masama dito. Pero unfair naman ito para sa ibang baguhang composers at artists na nangangarap din na maabot ang iconic status. Ang dapat nga diyan, itinambak na lang ang lahat ng mga awitin sa classic songs at huwag nang gumawa pa ng bago’t baka ang mga bagong kanta ay itatapon lamang.

May mga iba pang classic songs na naghihintay ding patugtugin. Sana idagdag din sa talaan ng mga classic songs ang mga luma pero masasayang kanta. Tulad ng “Physical”, “Karma Chameleon”, “Gold”, “Bohemian Rhapsody”, at marami pang iba.

Pustahan. Ang mga malulungkot na classic songs ay patutugtugin nang patutugtugin kahit pa sa taong 50 million AD.

  • Action movies. Kasama din sa magtatagal nang forever ang mga action movies. Tinutukoy ko dito ang mga Pinoy Action movies na madalas ay in color at pang-70s hanggang 90s. Kasama na rin dito ang mga pelikula in black and white mula 50s hanggang 70s. Ito ang mga pelikula na napapanood sa Cinema One channel, kung meron ka nito. Masuwerte na rin ang mga hahabol na action movies kahit late na sa panahong nabanggit.

Hindi lang ito limitado sa mga action movies tulad ni FPJ, Bong Revilla, at Lito Lapid. Kasama na rin dito ang mga comedy movies na pinagbibidahan nina Dolphy, Babalu, Redford White, at marami pang iba.

Sasabihin lang ng mga nakakatanda sa atin na mas maganda raw ang mga ganitong pelikula kaysa sa ngayon. Kung gayon, masasabi natin na kahit pa abutin pa ng 100 million AD ay papanoorin at papanoorin pa rin ito ng mga tao. May forever nga sa action movies.

  • Evolution. Ito’y pang-forever din. Napag-aralan natin sa science na nagkaroon ng evolution sa loob ng napakahabang panahon. Kahit nga ang tao’y walang lusot sa evolution. From the Australopithecus, Homo erectus, Homo habilis, Tabon man, Neanderthal man, Homo sapiens, hanggang sa ating lahi (Homo sapiens sapiens), tayo’y dumaan din sa evolution.

Nagkakaroon ng evolution sa atin dahil sa pagbabago ng klima, pagbabago ng kapaligiran, at sa pagbabago sa ating mga kinakain. Lalo na’t ngayo’y nagkakaroon ng climate change, nasisira ang ating kapaligiran, napapagaan ang buhay natin, at kung anu-ano ang mga kinakain natin (like preservatives and additives), asahan natin sa mga darating na mga libu-libong taon, magbabago ang itsura nating mga tao.

Hindi natin masasabi kung ano ang magiging kapalaran natin sa hinaharap. Posible kasing mas tumalino pa tayo o mas lalo lamang tayong babalik sa makahayop na pag-iisip dahil pang-forever ang evolution. O puwedeng ganito:

Faces-of-the-Future-3

  • Nora Aunor. I am not a great fan of hers, and no offense meant sa mga Vilmanians, pero talagang pang-forever din si Nora Aunor. Kahit hindi kasi siya gawaran ng titulong National Artist, kahit na nawala na ang Golden Voice niya, at kahit na dumating ang araw na mawawala siya sa mundong ito, iginigiit at igigiit pa rin ng mga Noranians na panglegendary ang kanyang husay sa pag-arte. Maraming awards pang nahahakot si Nora Aunor, at ang kanyang husay ay pang-international. I will not discuss further kung bakit pangforever si Nora Aunor, at lalong hahaba ang artikulong ito. Just ask any Noranian.

1215272

  • Law. It also will stay forever. Kahit pa nga wala pa tayo sa mundong ibabaw, merong law na sinusunod – mula sa reproduction ng mga organismo hanggang sa survival of the fittest. Pinalamig muna ang mundo bago ihanda ang mga nilalang. Matatawa na lamang ako kung inilagay muna ang mga nilalang tulad natin bago palamigin ang mundo. De. Joke lang! 🙂

Pero mula’t mula pa sa kasaysayan ng tao, may batas na sinusunod. May tribal law, local law, ordinansa, civil law, criminal law, international law, at kung anu-ano pang mga batas. Kahit professionals pa nga ay may prinsipyo at ethics na sinusunod sa kanilang propesyon.

  • Death. This is the reality, at iyan ay isang bagay na hindi natin matatakasan. Hindi tayo mabubuhay forever, pero mamamatay tayo forever. May nabalitaan ka na ba na tao na nabuhay nang matagal hanggang ngayon? May nabalitaan ka na bang tao na 200 years old na at malakas pa rin? Wala naman, hindi ba? Therefore, death is forever.

24BURIAL-articleLarge

  • Liabilities and Obligations. Sa simula pa lamang ng buhay ng isang tao, tadtad siya ng mga liabilities and obligations, na kung minsan pa nga ay hinahabol siya ng huli kahit namatay na siya. Kahit pa noong mga bata pa tayo, may obligasyon tayo na sundin ang ating magulang, guro, nakakatanda at iba pa. Kapag nakagawa tayo ng kalokohan, may liabilities na katapat. Minsan pa nga, sinasadya man natin o hindi, may liabilities and obligations tayo na kailangang tuparin (Refer to Article 1157 of the Civil Code).

Halimbawa, obligasyon ng mga namumuno na alagaan ang mga mamamayan nito. Obligasyon ng mga mamamayan na magbayad ng tamang buwis at maging tapat sa bayan. May kanya-kanyang liabilities at obligasyon ang empleyado, boss, guro, estudyante, magulang, boyfriend, girlfriend, anak, kamag-anak, mga lider, mga propesyonal, at marami pang iba. Sa totoo lang, kahit na ano pa ang gawin natin, hindi natin maiaalis ang dalawang ito, kasi ito nga ang nakatakdang manatili nang forever sa mundong ito.

  • Sadness. Sinabi nga ng isang magaling na pintor na si Vincent Van Gogh na “The sadness will last forever.” Oo, wala talagang lubos na kaligayahan, pero merong lubos na kalungkutan:

1507962_237668133061850_1512334386_n

Pero alam na ni Francisco Balagtas ang katotohanang ito, napakatagal na bago pa man mabuhay ang dakilang pintor. Sa kanyang akdang Florante at Laura, naunawaan ni Florante na walang lubos na kaligayahan sa ibabaw ng lupa. Alam din ng bida na walang pangmatalagang kaligayahan. Sa saknong 313, sinabi ni Florante:

“Dito naniwala ang bata kong loob
na sa mundo’y walang katuwaang lubos,
sa minsang ligaya’y tali nang kasunod,
makapitong lumbay o hanggang matapos.”

Natalakay na natin kanina na nagtatagal ang mga classic songs. May dalawang uri ng classic songs: masaya at malungkot. Sa dalawa, ang malulungkot na uri ng classic songs ang nagtatagal. Bibihira namang marinig ang mga masasayang uri ng classic songs. Sa ganitong kaso, malalaman natin na talagang ang sadness o kalungkutan ay pang-forever.

  • Corruption. Kung ano ang tungkol sa corruption, iyan ay hindi natin masyadong tatalakayin. Pero hindi mababago ang katotohanan na mula’t mula pa sa pagkakaroon ng sibilisadong pamayanan, may katiwaliang nagaganap. Taglay ito ng mga unang imperyo tulad ng nangyari sa sinaunang Greece, imperyong Roman, mga Babylonian, at hanggang sa kasalukuyang mga gobyerno sa buong mundo.

8257911_l

Ang totoo, hindi natin maiaalis ang korapsyon anuman ang gawin natin. Kahit nga mga militanteng grupo ay hindi nila ito kayang gawin. At ang mas kataka-taka, may gawi na para sa isang bansa ay isang uri ng korapsyon samantalang iyan ay legal sa isang bansa. Hindi ito monopolyo ng pamahalaan dahil kahit mga institusyon ay may bahid din nito.

Kaya, tatanungin kita: Mayroon bang institusyon na walang corruption, as in 100% corrupt-free? Wala naman, hindi ba? Therefore, corruption is forever.

  • Poverty. Lahat ng bansa sa buong daigdig ay may mga pobre na naninirahan. Kahit pa nga sa Amerika ay may mga namamalimos din.

Masakit na katotohanan na mahirap maging mayaman, pero madaling maging mahirap. Isang napakagandang halimbawa ng kasabihang ito ay ang ilan nating mga kababayan na informal settlers sa National Capital Region. Katuwiran nila, sila’y lumuwas patungong Maynila’t baka makahanap daw sila ng trabaho o pagkakakitaan. Subalit kung walang sapat na kaalaman at kakayahan, madaling maging mahirap. Titira na lang sila sa ilalim ng tulay o flyover, o sa bakanteng lote o kanto. May ilan pa nga na gusto nang umuwi sa probinsya, pero hindi magawa dahil sila’y nakakulong sa gulong ng kahirapan:

2166y

Kahit average na tao ay nakakaranas din ng kahirapan. Madalas inirereklamo ang taas-presyo ng mga bilihin, samantalang hindi makahabol sa pagtaas ang kanilang suweldo. Kaya, masasabi natin na pang-forever talaga ang kahirapan.

  • Pagtanda. Lahat tayo ay tumatanda. Kahit na ano pang paraan ang gawin natin para di tayo tumanda – uminom ka man ng ilang galon ng glutathione at magpahid ng antiwrinkles nang ilang milyong beses – tatanda at tatanda pa rin tayo. Hindi lang kasi balat ang natanda, pati na rin ang iba’t ibang bahagi ng katawan.

anti-aging-creams-1

Halimbawa, kung dati’y malakas ang ating buto, ngayo’y namemeligro na itong mabali dahil hindi na ito masyadong matibay. O kung dati’y nakakaalala pa tayo, ngayo’y araw-araw nating nalilimutan kahit pa ang pangalan ng kamag-anak. May awitin pa nga na ang linya ay “kahit maputi na ang buhok ko.” Wa epek din ang pag-awit ng “Ayokong Tumanda” ng Itchyworms para manatiling bata.

Kung alam sana ito ni Ponce de Leon, hindi na sana siya nagpakapagod sa paghahanap sa Bukal ng Kabataan (Fountain of Youth).

  • Sakit. Lahat naman tayo’y nagkakasakit. Mula pa sa simula ng ebolusyon ng tao, nakakaranas na ito ng iba’t ibang sakit. Isang patunay kung bakit pang-forever ang mga sakit ay dahil nag-eevolve din ito. Sa bawat panahon, may sakit na nawawala at napapalitan ng bago.

Kung dati’y kinatatakutan ang cholera at smallpox, tapos polio at malaria, ngayo’y lumitaw ang HIV at AIDS. Nalikha ang SARS. Tapos Bird Flu. Then AH1N1. Tapos, MERS-COV naman. Habang patuloy na umuunlad ang larangan ng medisina, patuloy na dumadami at patuloy na nagiging komplikado ang mga sakit na nakukuha ng tao.

image

Kakambal na siguro sa buhay ng tao ang magkasakit. So, magtataka ka ba kung bakit pang-forever ito?

  • Numbers. Hindi pala alam ng iilang tao na ang mga numbers ay pang-forever. We count by tens, hundreds, thousands, millions, billions, trillions, at kung mas advanced ka pa ay up to quadrillions, quintillions, sextillion, septillion, octillion, nonillion, decillion, at iba pa.

Sa totoo lamang, inaakala ng marami na may zillion sa listahan ng mga place numbers, pero walang nakaasign na place para diyan. Pero may googol, which is 10^100. At kung hindi ka pa rin satisfied, may googolplex pa! 

Pero hindi maitatanggi na ang mga numerong binibilang natin hanggang sa ngayon ay aabot hanggang forever. Para patunayan ko sa iyo na sila’y pang-forever, ganito ang gagawin natin: Bibilang ka from number 1,000,000 up to 1,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000.

Kung puwede lang sana ay lampas pa sa ganyang kalaking numero. May napansin ka bang limit sa pagbibilang ng mga numero? Wala, hindi ba? Therefore, masasabi natin na ang mga numbers ay forever.

  • Traffic. Sa isang episode sa TV Patrol (noong July 14, 2015) kung saan ibinalita ang mga pangakong natupad o napako sa administrasyong Aquino, alam na ng newscaster na si Jacque Manabat ang katotohanang ito. Ang eksaktong sinabi niya ay: “Kung naghahanap ka pa rin ng forever, lumingon ka lang sa EDSA. Makikita mo na ang forever – sa traffic.” 

edsa1

At hindi nag-iisa ang Metro Manila. Maging ang iba’t ibang lungsod sa bansa ay nakakaranas din nito. Tulad na lamang sa Batangas:

11412025_1049131905104750_7632049175816334450_o

Kahit ang Lungsod ng Baguio ay wala ring lusot sa traffic:


Papahuli ba ang Lungsod ng Tagaytay?


Sinasabing bilyun-bilyong piso ang nawawala sa perwisyong dulot ng traffic. Simple lamang ang mga dahilan ng traffic:

  1. Baku-bakong daan.
  2. Road reblocking and flood control projects na mali ang timing.
  3. Dumadaming sasakyan, samantalang hindi makasabay sa dami ng sasakyan ang dami ng daan sa buong bansa at ang limitadong lupa na laan sa atin. Very obvious na ang pagdami ng mga sasakyan ngayon. Asahan natin na sa lalong pagdami ng mga tao, lalo pang darami ang mga sasakyang bibilhin, at ang resulta: mas matinding traffic kaysa sa nararanasan natin ngayon.
  4. Lack of resourcefulness. Tadtad na ang Metro Manila ng mga sari-saring daan. Kung sadyang hindi ka gagawa ng paraan, aabutin ka talaga ng traffic. Otherwise, sa paghahanap ng alternatibong daan ay makakaabot ka nang mas madali sa pupuntahan mo.
  5. Ginagawang garahe ang daan. Bakit ba ginawa ang daan? Upang daanan ng mga sasakyan at ng tao. Hindi para gawing parking ng mga sasakyan. Sarap itapon ang mga sasakyang iyan kung ganoon.
  6. Mayaman ang mga kalye at kalsada, pero naghihirap naman ang ibang uri ng transportasyon tulad ng railways at ferry system.
  7. Lack of proper decentralization. Madalas kasi, laging nakafocus ang lahat sa Metro Manila. Sa halip na decentralized ang oportunidad at aktibidad sa maraming lugar sa bansa, nakatambak halos lahat ng mga ito sa Kamaynilaan. Resulta: Maraming tao ang dumadayo dito, at hindi na kataka-taka na matindi ang traffic sa lugar, lalo na sa EDSA.
  8. Aksidente. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng traffic. Kapag may aksidenteng nangyayari sa kalsada, tumitigil ang mga sasakyang nasasangkot sa aksidente. Siyempre, tumitigil din ang takbo ng mga sasakyang apektado. Resulta: Traffic, hangga’t hindi inaalis ang mga sasakyang iyon.
  9. Major events. Minsan, upang ipagdiwang ang isang kapistahan, upang salubungin ang importanteng bisita, o dahil may mahalagang mga pangyayari sa bansa, kailangang isara ang mga daan. Ibinabalita naman ang mga isasarang daan, pero dahil may mga kababayan tayo na hindi alam ang balitang iyan, naiipit sila sa traffic, tulad na lamang ng traffic dahil sa pagsasara ng APEC lanes.
  10. Mga nakaharang sa daan. Dahil may mga nakaharang sa daan, hindi basta-basta makausad ang mga sasakyan na nagbubunsod sa traffic. Magandang halimbawa nito ang mga daan sa ilalim ng Mabuhay Lanes. Itinakda ang Mabuhay Lanes bilang alternatibo sa EDSA. Pero dahil sa dami ng mga nakaharang sa daan, wala na itong ipinagkaiba sa EDSA sa tindi ng traffic. Kaya, kung ikaw o ang mga pag-aari mo’y nakaharang sa daan, sa salita ni Cabinet member Rene Almendras, pasensyahan na lang tayo.
  11. Kawalan ng disiplina. Dahil ang pagiging pasaway ay magtatagal nang forever, asahan natin na ang traffic ay magtatagal din nang forever. Kaunting disiplina lang ang kailangan, hindi pa magawa. Simpleng pagtawid lang sa overpass o sa pedestrian lanes, hindi pa magawa. Lack of courtesy sa mga drayber at mga pedestrian ay halimbawa lang ng kawalan ng disiplina. Hindi na kataka-taka kung magkaroon ng matinding traffic.
  12. Lack of spaces. Guni-gunihin mo ang isang makipot na daan (one-way or two-way lane) sa kabayanan, tapos may magbababa’t magsasakay ng pasahero. Idagdag pa ang private vehicles na nakaparada, pati ang mga ibang uri ng sasakyan. This simply explains the traffic kahit pa sa loob ng city o town proper.

Sabagay, kahit pa nga noon pa man, may traffic na nagaganap. Proof:

edsa-everything-remains-the-same-traffic-20130225-2

Habang dumarami ang mga sasakyan at tao, lalong titindi ang traffic. Tama ang sinabi ni Jacque Manabat: Pang-forever ang traffic.

  • Risk. Nakatakda na rin itong manatili nang forever sa mundong ito. Sa halos anumang gawin natin, may risk/panganib na kaakibat. Halimbawa:
  1. Not going to school for a long time without reason takes your academic standing at risk.
  2. Going to Manila from Samar either by walking or taking a bus entails risk.
  3. Para makuha ang isang bagay, kailangan mong ibigay ang pera sa nagbenta.

Maraming risks sa mundong ito, pero tatalakayin natin sa artikulong ito ang financial risk at ang risk sa pag-ibig.

Kahit sa mundo ng finance, may kaakibat na risk o panganib. Halimbawa:

  1. Kapag naglagay ka ng pera sa bangko, puwedeng nakawin iyan ng kawatan. O kung mabangkarote ito, puwedeng mawala sa iyo ang idinepositong pera.
  2. Kung hawak mo ang maraming pera, may panganib na hablutin o nakawin iyan.
  3. Kung bumili ka ng bahay at gusto mong ipagbili iyan, mahihirapan kang makakuha ng buyer na bibili nang mas mataas sa halagang binili mo.
  4. Kung bumili ka ng lupa, may risk din na hindi ito maibebenta agad-agad, tulad ng bahay.
  5. Kung nag-invest ka sa stocks, may risk din na malugi ka kung ang share price ay bumaba nang mas mababa kaysa sa share price na binili mo.
  6. May siguradong risk na buwisan ka sa halos lahat ng investing o financial transactions. Halimbawa rito’y short-term deposits at capital gains tax.
  7. Kung nangutang ka, lalo na bangko o sa 5-6. May risk kasi na baka hindi mo mabayaran ang utang pati na ang interes. At may risk na makuha ang iyong kolateral, kung meron ka.
  8. Matindi ang risk kapag nag-invest ka sa multi-level marketing o sa “double-your-money-scheme.” Sa MLM, kailangang mag-recruit. Sa “double-your-money-scheme”, ang tutubuin daw ng sinumang mag-iinvest ay 50 percent, 100 percent, o higit pa.

Hindi alam ng marami na kahit anong galing ng sales talk, kung ayaw naman ng isang tao na sumali sa isang MLM company, wa epek rin. Once sumali sa MLM, you would risk time, effort, money, and resources. Meanwhile, sa “double-your-money-scheme”, talagang may risk na mawala na parang bula ang nainvest mong pera.

one-dream-global-marketing-investment-scam

Samantala, sa pag-ibig, heto ang mga risks:

  1. You would risk money, time, effort, and everything para mapasagot mo siya, at para mapatunayan mo sa kanya na talagang mahal mo siya.
  2. You would risk your trust to him/her.
  3. Kung ikaw ay umaasa sa kanyang pangako, may risk na baka iwan ka niya o paasahin ka lang niya.

Sa pag-ibig kasi, walang kasiguraduhan na makakakuha ka ng gantimpala (gaya ng matamis niyang oo, long-term commitment, at iba pa), pero siguradong-sigurado na likas na mapanganib ang pag-ibig. Walang kasiguraduhan sa pag-ibig, pero ang risks nito tulad ng pagpapaasa sa iyo ay pang-forever:


Dito pa lamang sa financial risks at sa love risks, masasabi natin na ang panganib ay talagang pang-forever.

  • Krimen. Mula pa sa sinaunang tao, nahaharap siya sa sari-saring krimen na kanyang nakikita at nararanasan. Minsan pa nga, siya’y suspek sa krimeng iyon. Mula noon hanggang ngayon, sa kahit saang sulok ng mundo, ang mundong ginagalawan ng tao ay isang malaking Quiapo. At mula noon hanggang ngayon, nariyan ang krimen. Nakatakda na iyang manatili nang forever sa mundong ito.
  • Terorismo. Ano ba ang terorismo? Ayon sa isang diksyonaryo, terrorism is “the use of violent acts to frighten the people in an area as a way of trying to achieve a political goal.” Hindi natin lilimitahan ito sa political goals kasi puwedeng ang goals nila ay religious, personal, commercial o iba pa.

Sagana ang ating bayan sa mga terorista, tulad ng Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah. Sinasabi pa nga na perfect training ground daw ang Pilipinas para sanayin ang mga jihadists. Hindi talaga alam ng maraming Pilipino ang masaklap na katotohanang ito. At hindi talaga matanggap ng mga Pilipino na sa bawat atake ng mga terorista ay apektado ang buong bayan. Halimbawa, nang mabuo ang ISIS, may mga ulat na mga taong sinanay sa Pilipinas para ipaglaban ang nasabing grupo.

german-hostages-20140929-1_38671EBC98494F5E8C26D9A9351E54F8Hindi rin masyadong sineseryoso ng gobyerno ang bantang ito, tulad na lamang ng nangyari sa Samal Island sa Davao del Norte. Kung nagseryoso sila sa pamamagitan ng military at police visibility, hindi na sana umabot pa sa ganitong pangyayari. Mabuti na lamang at napatay naman nila ang ibang ISIS symphatizers sa Palimbang, Sultan Kudarat. Sabi pa ng isang mayor sa Cotabato, lumaganap pa ang impluwensya nila sa Mindanao (and well, indirectly by their symphatizers.)

Sa kasalukuyan, marami sa mga teroristang grupo ay mga Muslim. Halimbawa na lamang ay ang Abu Sayyaf, Jemaah Islamiyah, Al-Qaeda, Boko Haram, ISIS, Al-Shabaab, Hamas, at Hezbollah. I will not explain further kung bakit, pero mapapansin na ang motibo nila sa terorismo ay pulitikal, relihiyoso, o maaring pareho, tulad na lamang ng nangyari sa Paris, France kung saan daan-daan ang namatay.

AQMI_Flag.svg

Kaya, hangga’t may mga taong sagad na sagad sa pagiging konserbatibo at natutong gumamit ng dahas para takutin tayong lahat, asahan natin na magtatagal nang forever ang terorismo sa mundong ito.

  • Pag-uusig. Tinutukoy dito ang pag-uusig dahil sa paniniwala ng isang tao. Alam ni Jesus na siya’y uusigin ng mga taong nais pumatay sa kanya. Alam din niya na sasapitin din ng kanyang mga alagad ang ganoong sitwasyon. Samantala, tumakas si Muhammad mula Mecca patungong Medina nang siya’y usigin ng kanyang mga kababayan. Ang mga Mormons dati ay pinag-usig ng pamahalaan ng Amerika dahil sa pagkakaroon ng maraming asawa sa halip na isa lang. Sa Europa, inuusig ng Katolisismo at Protestantismo ang isa’t isa. Ang espiritu ng pag-uusig ay dala-dala magpahanggang ngayon ng maraming terrorist groups na nagkataong mga Muslim.

pew-religious-persecution-chart-1

At kung talagang immature ang pag-iisip ng isang tao (dahil sa kawalan ng paggalang sa paniniwala ng iba), puwede pang humantong ang pag-uusig sa isang digmaan.

May mga tao, lipunan, at institusyon na matigas ang ulo’t ayaw igalang ang relihiyon ng ibang tao. Dahil dito, asahan natin na ang pag-uusig ay magtatagal nang forever.

  • Bashers. Tinutukoy dito sa ngayon ang mga artista na may bashers. Mula sa pinakasikat na artista, hanggang sa mga di-kilalang artista, hanggang sa mga pa-artista, hindi talaga nawawala ang kanilang bashers.

To prove na talagang nagtatagal nang pang-forever ang mga bashers, ito ang links ng mga pages sa Facebook pages/groups ng mga bashers sa kani-kanilang mga pinatatamaang artista:

  1. Kris Aquino: Anti Kris Aquino “Queen of All Liars”.
  2. Daniel Padilla: Anti daniel padilla and Anti-Daniel Padilla.
  3. Kathryn Bernardo: Kathryn Sakang Bernardo Hater’s and I Hate Kathryn Bernardo.
  4. Nadine Lustre: Nadine Lustre Haters.
  5. James Reid: WE Hate JAMES REID.
  6. AlDub: We hate ALDUB and We Hate AlDub Forever.
  7. Ms. Pastillas: Miss Pastillas Haters. Tingnan din ang pambabash kay Ms. Pastillas sa dalawang Facebook statuses ng Pep.ph at ABS-CBNnews.com.

Sa totoo lamang, hindi natin maiaalis ang mga bashers at haters kahit na anong gawin natin. Sa puntong ito, masasabi natin na ang mga Bashers at Haters ay talagang pang-forever:

BG7CTbZCAAAZkqI

  • Enemies. Lahat ng tao ay mayroong kanya-kanyang kaaway. Kung dumadating at umaalis ang mga kaibigan natin, ang mga kalaban natin ay nagtatagal nang forever.

Alam na ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal ang katotohanang ito. Sa katunayan, sa kanyang akdang Noli Me Tangere, ipinaliwanag niya sa pamamagitan ni Elias na pang-forever ang pagkakaroon ng kaaway:

“Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan.”

Sinasabing ang ibang tao ay halos walang kaaway. Maari, sa unang tingin. Pero hindi man aminin, meron din siyang kaaway. Lihim nga lang. Therefore, ang mga kaaway natin ay pang-forever.

  • Showbiz break-ups. Sa showbiz section pa lamang ng mga diyaryong nababasa natin, o sa Showbiz News ay malalaman natin na walang relasyong nagtatagal sa maraming artista ngayon.

Ever heard of the following loveteams?

  1. Edu Manzano and Vilma Santos
  2. Martin Nievera and Pops Fernandez
  3. Dennis Padilla and Marjorie Barretto
  4. Nora Aunor and Christopher de Leon
  5. Sharon Cuneta and Gabby Concepcion
  6. Alma Moreno and Joey Marquez
  7. Alma Moreno and Rudy Fernandez
  8. Aga Muhlach and Janice de Belen
  9. John Estrada and Janice de Belen
  10. Vic Sotto and Coney Reyes
  11. Vic Sotto and Dina Bonnevie
  12. Ogie Alcasid and Michelle van Eimeren
  13. Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz
  14. Derek Ramsay and Angelica Panganiban
  15. Derek Ramsay and Christine Reyes
  16. Derek Ramsay and Solenn Heusaff
  17. Billy Crawford and Nikki Gil
  18. Sam Milby and Anne Curtis
  19. Piolo Pascual and KC Concepcion
  20. Raymart Santiago and Claudine Barretto
  21. Rustom Padilla and Carmina Villaroel
  22. Maja Salvador and Gerald Anderson
  23. Kim Chiu and Gerald Anderson
  24. Sarah Geronimo and Gerald Anderson
  25. Sarah Geronimo and Rayver Cruz
  26. Maja Salvador and Matteo Guidicelli
  27. Judy Ann Santos and Wowie de Guzman
  28. Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson
  29. Kris Aquino and Philip Salvador
  30. Kris Aquino and Joey Marquez
  31. Kris Aquino and James Yap
  32. Kris Aquino and Herbert Bautista
  33. Luis Manzano and Jennylyn Mercado
  34. Angel Locsin and Phil Younghusband
  35. Katrina Halili and Kris Lawrence
  36. Erik Santos and Rufa Mae Quinto
  37. Heart Evangelista and Daniel Matsunaga
  38. Sunshine Cruz and Cesar Montano
  39. Erich Gonzales and her non-showbiz bf (bago pinili si Daniel Matsunaga)
  40. Kristoffer Martin and Joyce Ching
  41. Bea Binene and Jake Vargas
  42. Jessie Mendiola and JM de Guzman
  43. John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban
  44. Bea Alonzo and Zanjoe Marudo
  45. Rocco Nacino and Lovi Poe
  46. Luis Manzano and Angel Locsin

Tanong lang: Sila ba’y nagtatagal nang forever? Hindi naman, di ba? Sa kanila, walang forever pagdating sa pag-ibig, pero may forever pagdating sa hiwalayan. Talagang pang-forever nga ang hiwalayan blues sa kanilang hanay.

  • Problems and challenges. Iyan ay mga bagay na nakatakda ring magtagal nang forever sa mundong ito. Sa buong buhay ng tao, tadtad na siya ng sari-saring mga suliranin at pagsubok na papanday sa kanyang pagkatao. Ang mga ito ay nakakabit na sa lahat ng tao at hindi na ito maiaalis kahit ano pa ang gawin natin. Sari-sari ang mga problema: sa pag-aaral, sa pag-ibig, sa pera, sa kinabukasan, sa trabaho, at marami pang iba.

Para patunayan ko sa iyo na pang-forever ang problems and challenges, tatanungin kita: May nakilala ka bang tao na hindi nakakaranas ng problema’t pagsubok buong buhay niya? Kung meron man, eh di wow! Pero wala talaga, sa totoo lang.

Isa pang patunay: Ilista mo ang anumang problema na dala-dala mo dati o ngayon. Subukan mo namang ilista ng 100 o higit pang tao ang kani-kanilang problema. Magugulat ka na lang na wala ni isa ang sasagot na wala siyang nararamdamang problema o pagsubok sa buong buhay niya.

  • Basketball. Iyan ay magtatagal na nang forever dito sa ating bansa. Very obvious na ang dahilan kung bakit ito’y pang-forever. Kasi naman, sa halos lahat ng sulok at kanto sa buong bansa, may basketball court na nakatayo:

Ikakatuwiran pa ng ilang tao na mas madali daw gawin ang basketball court. Pero kung titingnang mabuti, mayroong mga laro na mas makakatipid sa pagtatayo ng isang arena o gusali. Tulad halimbawa ng football stadium, baseball court, o table tennis court.

Isa pa, kahit na lagi tayong napipitik at natatalo na ng ibang bansa na mas matangkad sa atin, tulad ng nangyari sa Gilas Pilipinas, hindi mawala-wala ang ating “pag-asa” na mananalo tayo laban sa mga iyan. Sa ngayon, masasabi natin na talagang pang-forever na ang basketball dito sa ating bansa.

  • Aksidente. Ang mismong kahulugan nito – ang di-inaasahang sakuna o pangyayari – ay magpapatunay na ito ay pang-forever talaga. Iyan ay isang bagay na hindi maiiwasan ng kahit sinong tao sa buong mundo, kahit na anong gawin natin.

Sa buhay ng tao, sari-saring aksidente na ang matatagpuan sa iba’t ibang panig ng mundo. Halos araw-araw ay nangyayari na ang mga iyan:

mrt-accident-GEN1

At kahit pa nga sa pag-ibig ay may iba’t ibang uri ng aksidente.

Halimbawa, aksidente na nagkaroon ng spark sa isa’t isa. Aksidenteng nabugbog mo ang ex-bf ng dalagang sinusuyo mo. Aksidente ang nangyaring pagbubuntis ng girlfriend mo nang di pa kayo kasal. Dito pa lamang sa mga bagay na ito, napatunayan na natin na ang aksidente ay talagang pang-forever.

  • Bagyo. Sa ating bansa, umaabot sa mahigit 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility kada taon. Ilan sa mga bagyong dumaan sa ating bansa ay kayang wasakin ang buhay at ari-arian. Ilan sa mga kilalang bagyong tumama nang matindi sa bansa ay ang bagyong Pablo, Yolanda, at Glenda.

Ang tanging paraan para mabawasan ang mga bagyong isinisilang ay gumawa ng lupa sa gitna ng Pacific Ocean, o di kaya ay gumawa ng high-pressure area para sa Pilipinas. Pero dahil imposibleng gawin ito, no choice na lang tayo kundi harapin ang mas lalong mababagsik na mga bagyo.

Mayroon bang taon na wala ni isang bagyo ang tumatama sa Phil. Area of Responsiblity? Wala, hindi ba? Therefore, typhoons are forever.

  • Alikabok. Kahit na kasi anong linis natin, babalik at babalik pa rin ang alikabok. Parang Gary V. lang ang peg. At kapag bumalik na ito, lilinisin na naman ang dinapuan nito. Pagkatapos linisin, babalik ulit. Paulit-ulit na lang iyan. I will not discuss further kung bakit ito pang-forever. Pero subukan mong maglinis ng kahit anong bagay. After 1 year, makikita mo na may alikabok pa rin sa pinaglinisan mo. May forever nga sa alikabok.

4 (1)

  • Mantsa. Walang forever pagdating sa malinis na damit, pero ang anumang mantsa na napapalagay sa damit ay nagtatagal nang forever. Isama na rin pati ang mantsa sa leeg, sa putik, sa ketchup, at kung anu-ano pa.

breeze-ad-unilever

  • Record sa Eskuwela, Pulis, at NBI. Ang tatlong institusyong ito ay may kanya-kanyang record bilang bahagi ng kanilang disciplinary action laban sa nagkasala. Yes, they will forgive you, but they will never forget your misdeeds. Once na nakagawa ka ng kalokohan, dala-dala nila ang record ng iyong pagkakamali habambuhay.

Sa school naman, kapag nakagawa ka ng pagkakamali, tulad ng pagkakaroon ng bigote o maraming hikaw, talagang irerecord iyan ng student affairs office. Mabibigyan ka pa ng penalty. At hindi nila aalisin ang record na ginawa mo sa school.

Tinitingnan ng mga employer ang record ng isang tao sa pulis o sa NBI upang malaman kung dapat ba siyang tanggapin sa trabaho o hindi. Iyan ang masakit kapag gusto na ng isang tao na magbago at kumuha ng bagong trabaho. Baka dahil lamang sa gayong pagkakamali ay mahihirapan siyang makakuha ng employer. Dito pa lamang ay napatunayan na natin na ang Record sa Eskuwela, Pulis, at NBI ay talagang nagtatagal nang forever.

  • Eviction sa Bahay ni Kuya. Yes, ang pagpapatalsik ni Kuya sa kanyang mga housemates ay pang-forever.

Para patunayan sa iyo na pang-forever ang eviction, tatanungin kita: Mayroon bang housemate, kahit isa, na nakatira sa Bahay ni Kuya nang lampas sa isang season? Wala, hindi ba?

Pinoy-Big-Brother-House

Unti-unting pinapaalis ni Kuya ang mga housemates upang makita niya kung sino ang karapat-dapat na manalo sa programang iyon. At ang nagtatagal sa kanyang Bahay sa loob ng isang season, dahil nagtagumpay siya sa sari-saring pagsubok, ang siyang mananalo sa isang season ng PBB. Kaso nga lang, hindi rin siya titira sa bahay ni Kuya. Halimbawa na lamang ang nangyari sa PBB 737. Kahit pa sabihing nanalo si Jimboy at si Miho sa nasabing season, hindi rin sila titira sa Bahay ni Kuya. In essence, evicted din sila diyan. Therefore, ang eviction sa Big Brother house ay talagang pang-forever.

  • Competition. Sa simula ng pag-usbong ng species na kung tawagin ay tao, hindi maiwasan ang kompetisyon – lalo na sa teritoryo at pagkain. Mula sa panahong iyon hanggang sa ngayon, dala-dala ng tao ang kompetisyon. May kompetisyon na friendly (na hindi nauuwi sa matinding away), at may kompetisyon na unfriendly. Bigyan ko kayo ng ilang halimbawa:
  1. “Network War” sa ABS-CBN at GMA.
  2. Pabonggahan ng bahay ng mga “magkaaway” na OFWs.
  3. Kompetisyon ng magulang. Sabi nga sa isang libro ni Ed Lapiz, kung ang isang magulang na may anak na nurse sa Chicago, at ang isa pang magulang ay may gayon ding anak na nasa London, payabangan sila. Una-unahan ng pagpapalit ng dolyar. Palakihan pa ng bahay kahit wala talagang taong nakatira.
  4. Nadine Lustre vs. Kathryn Bernardo. Iyan ay sakop na ng isa pang artikulo ng may-akda.
  5. Kalyeserye featuring Aldub vs. Nasaan Ka Mr. Pastillas with Pastillas Girl. This is a very good example of competition. Patagisan pa nga ng achievements at parunggit ang maka-Aldub at maka-Pastillas.
  6. Halalan 2016. Kasama na dito ang mga tatakbong pangulo na sina Mar Roxas, Jejomar Binay, Miriam Santiago, at Grace Poe.

Dito pa lamang sa mga sitwasyong ito, masasabing ang competition ay talagang pang-forever.

  • Virus. Tinutukoy dito ang virus sa computer, kasama na rito ang worms, Trojan horses, at iba pang malicious programs. Bakit nga ba ito magtatagal nang forever?

Una, ginawa ang operating system. May sarili siyang weakness. Ang weakness na iyan ay sasamantalahin ng mga walang hiya. Gagawa ng program at virus para atakehin ang OS o ang bahagi nito. To the rescue naman si Anti-Virus para salain ito at burahin sa system. Tapos, may gagawa naman ng panibagong virus. Aatake na ulit.

Paulit-ulit na ang ganyang proseso. Isa pa, mahirap pigilan ang mga ito dahil posible itong ipakalat sa maraming computer. May weakness sa OS, at iyan ay mahirap tanggalin. Posible rin na sa lehitimong OS ay maaring gawin ng isang suspek ang virus. At nawala na ba ang banta ng mga ito sa buong mundo? Hindi pa, at mahirap nang gawing extinct ang virus sa mundong ito. May forever nga sa bagay na iyan.

  • Sakit na nararamdaman. Ang tinalakay natin kanina ay tungkol sa pisikal na sakit. Ngayon, tutukuyin dito ang emosyonal na sakit. Pero teka lang, bakit ang sakit na nararamdaman natin ay pang-forever? Simple lang: Ang love ay pang-forever din. Kung nagmamahal tayo, hindi maiiwasan na masaktan tayo.

Ilang halimbawa:

  1. Nanligaw ka sa kanya, kasi mahal mo siya. Nang binasted ka niya, hayun, nasaktan ka na.
  2. Nung nag-break kayo ng boyfriend/girlfriend. Of course, it hurts, lalo na kung sa ngayon, siya pa lang ang nagmamahal sa iyo.
  3. Divorce/Annulment. Alinman sa inyo ang masasaktan. Worse, masasaktan din ang mga anak ninyo.
  4. Ikaw na isang ama o ina, na ibinigay ang lahat sa anak mo, pero hindi naapreciate ang lahat ng efforts ninyo.
  5. Yung bestfriend mo na nagbagong-anyo at naging kaaway mo na.

Tanong lang: Kaya ba nating alisin ang sakit na ating nararamdaman? Hindi, di ba? Talagang pang-forever din ang sakit na nararamdaman nating lahat.

  • Unemployment. Iyan ay isa sa mga bagay na nagtatagal ng forever. Tulad ng kahirapan, lahat ng bansa sa buong mundo ay meron nito, kahit pa sa Amerika.

Simple lamang ang mga dahilan ng unemployment. Meron kasing mga graduates na ang akala’y porke’t nakatapos na ay may mataas na suweldo na matatanggap (agad). May mga graduates na hindi inaayos ang pag-aaral, kaya hindi kaagad natatanggap sa mga trabaho. May tamad talaga. O di kaya, dahil masyadong mapili ang mga kompanya, lalo na sa gulang. Yung tipong ang hanap nila, “Not more than 35 years old”, “Not more than 28 years old”, at iba pa. Para sa iba pang dahilan kung bakit hindi sila makakuha agad ng trabaho, please read the article: “10 Misteryo at Kababalaghan Kung Bakit Wala Ka Pang Trabaho.

Sa totoo lang, hindi talaga maiaalis ang unemployment, lalo’t kung personal decision mo ang hindi kumuha ng trabaho. Therefore, ang unemployment ay forever.

  • Changes. Sa isang popular na kasabihan:

There is nothing permanent, except change

Let me revise that saying. Kasi, ang totoo, change is not permanent, but forever.

Balikan natin kung anuman ang napag-aralan natin sa Science at sa Araling Panlipunan. Iba’t ibang hayop ang nandito at nawala na sa mundong ito. Palaging gumagalaw ang lupa sa paglipas ng napakaraming taon. Kahit pa nga sa kasaysayan ng tao, maraming pagbabago ang nagaganap sa mundong ito. Maging ang mga bagay sa universe ay nagbabago rin. Bigyan ko kayo ng ilang halimbawa:

  1. Dumaan at dadaan sa pagbabago ang Haring Araw. Kung dati ito ay ipinanganak, sa malayong hinaharap ito ay mamamatay din.
  2. Paulit-ulit na nagbabago ang mga hayop sa paglipas ng ilang bilyong taon. Dumaan ang mga single-celled algae, trilobites, dinosaurs, mammals, at tao, at maging sila ay dumadaan din sa sari-saring pagbabago.
  3. Malaki ang naging pagbabago sa Metro Manila nang nauso ang mga condo units. Sa ngayon, biglang nagsulputan ang mga condo at mga gusali. Tayo dito, tayo doon, tulad ng pagsulpot ng Aseana City, Eton City, City of Dreams, at marami pang iba.
  4. Maging ikaw ay magpapatunay na pang-forever ang mga pagbabago. Nagbabago ang lahat ng sa iyo. Kung dati ay isip bata ka, nakikipaglaro ka, ngayon ay nagiging mature na ang isip mo. At full bloom ka pa nga kapag ikaw ay nagdalaga o nagbinata, tulad na lamang ni Ella Cruz:
Si Ella Cruz noon…
…at noon…
…at ngayon.

At ngayon (as of February 20, 2016):

with my bespren Kiray

A post shared by Ella Cruz (@itsmeellacruz) on


Lalaki ang body build mo kapag ikaw ay nasa mga 20s o 30s na.

  • Gravity. Tanong lang: Nakakita ka na ba ng kahit anong bagay na hindi tinatablan ng gravity? Kung sinasabi mo sa akin na mga rocket ships at satellites, mali ka. Maging sila ay tatablan ng gravity kung hindi sila lumalampas sa escape velocity na tinatawag.

Alam na ni Newton ang katotohanang ito, lalo pa’t narealize niya na lahat ng bagay sa mundo ay mahuhulog. May forever nga sa gravity:

  • Punto. Residents of Metro Manila (and other places) should face this unmistakable truth: Accents are forever. Sa Ingles pa nga lang ay may dalawang punto: American at British. Paano pa kaya sa iba’t ibang wika sa Pilipinas?

Halimbawa, iba’t iba ang punto (sa alinmang wika) ng taga-Maynila sa taga-Bulakan, taga-Rizal, taga-Bataan, taga-Batangas, o taga-Bisayas. Sa pamimilit natin na tanggalin sa kanila ang puntong kinalakhan nila, you are actually showing disrespect to their culture. It’s as if pinipilit natin si Melai Cantiveros na alisin ang puntong Bisaya na kinalakhan niya.

Kaya, tanggapin natin ang katotohanan na ang punto ay talagang magtatagal nang forever.

  • Drama. Simple lamang ang dahilan kung bakit nagtatagal ito nang forever: mas madaling gawin ang programang may drama kaysa sa comedy. Pansinin: Alin ang mas marami: programang may drama, o programang may comedy?

Another proof: Manood ka sa Channel 2. Anu-ano ang mga programang pang-komedya? Iilan lang sila: Luv U, Home Sweetie Home, Goin Bulilit, It’s Showtime, Mga Kuwento ni Marc Logan, at Banana Split.

At anu-ano ang mga programang pang-drama? Marami. Therefore, may forever nga sa drama.

Maalaala_Mo_Kaya_(emblem)

  • Time. Mula kasi nang gawin ang universe, tumatakbo na ang oras. Tumatakbo ito kahit hindi pa naiimbento ng tao ang orasan. Tumatakbo ito kahit pa sa panahon ng mga Minions. Tumatakbo ito kahit wala pa ang tao sa mundong ito. Tumatakbo ito kahit na namatay na ang ilang sikat na personalidad dito at sa ibang bansa. Sa kasong ito, masasabi natin na ang time ay talagang pang-forever.

time

  • Depreciation. Lahat kasi ng bagay sa mundo (except sa land) ay nagdedepreciate. All things deteriorate by the passage of time due to wear and tear, obsolescence, fortuitous events, and others. Hindi rin lusot ang tao sa depreciation. Patunay na rito ang pagtanda, na sa bawat taon na idinadagdag sa atin, unti-unti tayong nawawalan ng lakas. At may useful life din tayo. Hindi na kataka-taka na marami sa mga matatanda ay mahihina (physically). Na-depreciate kasi ang kanilang lakas.

depreciation

Maraming bagay ang madedepreciate tulad ng furniture, fixtures, equipment, property, plant, at marami pang iba. May forever nga sa depreciation.

  • Away. Bakit ito nagtatagal nang forever? Dalawa lang ang dahilan: Ikaw ang makikipag-away o aawayin mo lang siya para ipagtanggol ang iyong sarili.

syria1

Mapapansin na ang tao (pati mga hayop) ay nag-aaway sa sari-saring bagay, halimbawa sa pagkuha ng kapareha, pagkain, teritoryo, at iba pa. Iba’t iba rin ang uri ng away: bangayan, dedmahan, digmaan, at iba pa. Mas malala pa, baka higitan pa nito ang World War I at II. At kahit saang sulok ka tumingin, iba’t ibang klase ng away ang makikita mo. At dahil hindi mo ito matatanggal kahit na ano pang gawin mo, asahan mong ang away ay magtatagal nang forever.

  • Lindol. Isa ito sa mga bagay na magtatagal nang forever. Ang totoo, sinasabi sa isang encyclopedia na walang lugar sa mundo ang ligtas sa lindol. Patunay na rito ang paggalaw ng buong lupa sa iba’t ibang posisyon sa loob ng napakaraming milyong taong lumipas. Sa paggalaw ng lupa nalilikha ang lindol.

earthquake-central-visayas-1012013-AFP-2

Kung talagang walang forever sa mundong ito, bakit pa nalikha ang kapuluan ng Pilipinas?

  • Education. Bakit ito magtatagal nang forever? Nagsimula kasi ang edukasyon sa panahon ng mga unang tao, kung kailan inaalam nila ang mga nangyayari sa paligid. Inaalam nila kung ano ang mga pagkain na dapat kainin, mga hayop na dapat alagaan, kung anong mga halamang dapat itanim, at iba pa. Mas advanced pa nga ang edukasyon ng mga Chinese, Mayans, at Egyptians, tulad ng pagkalkula nila kung ilan ang mga araw sa loob ng isang taon.

Take note: Habang dumadaan ang mga panahon, walang-tigil ang mga tao sa paghahanap ng mga bagay na makakatulong sa kanila. Mula noon hanggang ngayon, may mga tinuturuan, at may mga natuturuan.

Kaya, magtataka ka ba kung bakit pang-forever ang edukasyon?

  • Epal. Very obvious na ang dahilan kung bakit ito nagtatagal nang forever. Palibhasa’y lagi nang nakakalimot ang mga Pilipino: mula sa kasaysayan hanggang sa mga accomplishments ng ating mga pulitiko, “hindi natin masisisi” kung bakit per public project ay may nakalagay, “Mula sa Puso ni Mayor,” “Kay Governor, Taumbayan Panalo!”, “A Project of Councilor…”, at marami pang iba. Ginagawa nila ito para maalala naman ng mga tao ang magagandang mga proyektong nagawa nila sa ilalim ng kanilang termino.

Nakakaawa din yung mga opisyal na talagang tapat pero napapaanod din sa kalakarang ito. Malamang, kahit na magkaroon ng Anti-Epal Law o kahit mahigpit ang pagpapatupad sa batas nito, may lulusot at lulusot pa rin. Therefore, ang pang-eepal ay talagang pang-forever.

Epal

  • Pasaway. Aminin na natin na in one way or another, naging pasaway tayo sa maraming bagay. Anyway, hindi naman iyan monopolyo ng Pilipinas. Kahit pa nga sa Amerika, marami pa ring pasaway. Haha. Kahit nga mga bata ay pasaway din. Pang-forever na iyan, ‘tol!

interphoto_1405120354

  • Scandal. Kadalasan, ang scandal na tinutukoy ay ang sex scandals. Pero hindi lang ito limitado sa sex scandal. Iba’t ibang uri nito ang kasama, tulad ng showbiz, political, social, o cultural scandal. Halimbawa na lang ay yung kina Janet Napoles at ang pork barrel, “alternative truth” ng Mamasapano, alegasyon laban sa Pastillas Girl, at marami pang iba. Sa ganitong kaso, very obvious na kung bakit ito pang-forever. Bukod kasi sa tatatak ito sa isip at puso ng mga tao (pati na ng kasaysayan), laging may nailalabas na bagong mga iskandalo.

scandal-promo

  • News. Hindi natin alam kung kailan unang nagkaroon ng pagbabalita. Long long time ago, informal pa ang pagbabalita, pero sa patuloy na pag-unlad ng tao at ng komunikasyon, unti-unting nabubuo ang mode ng komunikasyon, at kasabay na nito ang pagbabalita. Matagal na nagkaroon ng aklat, diyaryo, at TV newscasting. At habang may mga pangyayaring magaganap sa maraming panahon, asahan natin na ang pagbabalita ay magtatagal nang forever.

  • Ang love ni Janella Salvador sa Cheesecake. Ito ang magtatagal nang forever, and very obvious din ang dahilan kung bakit ito pang-forever. Love din kasi ng kanyang ina ang Cheesecake, at mula noong bata pa si Janella, ito ang kanyang love. Sabihin natin na married na siya kay Marlo Mortel, and still she will love forever the cheesecake:

  • Lupa. Bakit ito magtatagal nang forever? Kahit na ito ay nasa ilalim o ibabaw ng dagat, hindi ito mawawala. Puwedeng masira at mawala ang maraming gamit, pero ang lupa ay hindi nasisira (in the sense na ito ay nagtatagal nang forever).

  • Dagat. Maraming dagat ang nabuo, nawala, at napapalitan ng bago. Halimbawa, nabuo ang Tethys Ocean noon, pero nawala na ito. Napalitan na ito ng bago: ang Mediterranean Sea. Now, to prove na nagtatagal ito nang forever, meron bang taon na walang dagat sa mundong ito? Wala naman, hindi ba? Therefore, ang dagat ay pang-forever.

  • Bundok. Maraming bundok ang dumadaan at nawawala sa paglipas ng napakaraming taon. But the fact na sila’y nabuo sa alinmang paraan ng Inang Kalikasan ay nagpapatunay na ito ay nagtatagal nang forever.

  • Tubig. Magtatagal din ito nang forever, kahit pa na lahat ng tubig sa buong mundo ay hindi na puwedeng inumin ng tao. Sinasabi kasi ng mga siyentipiko na ang tubig ang susi ng buhay. Therefore, habang may buhay, asahan natin na magtatagal ito nang forever. By the way, kahit na mawala ang lahat ng buhay sa mundong ito, magtatagal din ito unless na tanggalin ito ng Haring Araw sa mundo.

  • Ilog. Maraming ilog ang nabubuo at nawawala, pero sila ay nagtatagal nang forever.

  • Kulungan. Tinalakay natin kanina na pang-forever ang krimen sa kahit saang sulok ng mundo. Sa ngayon, karamihan sa mga batas ang nagtatakda ng pagkakakulong sa mga sala. Kahit noon pa man, may parusang pagkakakulong, tulad ng nangyari kay Rizal sa Fort Santiago.

Gustuhin man natin o hindi, nakakagawa tayo ng krimen, say murder or homicide. At habang naririto ang krimen sa mundong ito, asahan natin na ang mga kulungan ay magtatagal nang forever.

  • Stress. Ito ay isang bagay na hindi na maiaalis sa mundo kahit na anong gawin natin. Bakit? Simple lang. May good stress at bad stress. I will not explain these two further, pero bibigyang-diin ko naman ang tungkol sa bad stress.

Kung mapapansin natin, sa paglipas ng mga taon ay umuunlad ang tao. Kasabay nito ang pagtindi ng stress. See for yourself after five years from now. Mapapansin mo na walang tao ang hindi nakakaranas ng stress. Therefore, stress is forever.

  • Luha. Yes, natalakay natin kanina na ang sadness o kalungkutan ay pang-forever. Minsan, sa sobrang lungkot na nararamdaman natin, tayo ay lumuluha. By the way, crime is also forever. Kapag may nakagawa ng matinding krimen laban sa atin, halimbawa’y murder o pananakit, tayo’y umiiyak.

Sadyang bahagi na ng tao na lumuha. Umiyak si Maria nang ilibing si Jesus. Umiiyak ang Diyos sa Israel. Umiiyak si Jose Rizal nang mamatay ang kanyang kapatid. Umiiyak si Teodora habang yakap ang labi ni Rizal. Umiyak ang bayan nang namatay si Cory at Ninoy. May “Luha” din ang Aegis. Umiyak si KC Concepcion sa breakup nila ni Piolo. Magtataka ka ba kung bakit pang-forever ang luha?

Another proof: Sa loob ng ilang libong taong lumipas, may taon ba na wala ni isang tao ang umiiyak sa kahit anong dahilan? Wala, hindi ba? So, ang luha ay talagang pang-forever.

  • Scarcity. Mula pa kasi noong unang panahon, nakita ng ating mga ninuno na may kakapusan sa mga bagay. Nakita nila na kapos ang isang bagay upang matugunan ang kanilang gusto o pangangailangan. Dito na isinilang ang agham ng ekonomiks. Sa totoo lang, sa kahit saang sulok ng mundo, nagtatagal nang forever ang scarcity o kakapusan. Sa totoo lang, scarcity can be in any form: Love, justice, peace, pagkain, damit, tirahan, iPad, iPhone, laptop, at marami pang iba.

Tatanungin kita: Mayroon bang tao na hindi nakakaexperience ng scarcity? Kung meron, aba! Masuwerte siya.

Scarcity is forever. Pero walang scarcity pagdating sa mga reklamo (lalo na sa mga netizens na puwedeng may basehan o wala).

  • Eleksyon. Dahil sinasabi sa Saligang Batas na dapat may regular na eleksyon, asahan natin na ito ay magtatagal nang forever.

Pero ang isang pang tanong: Kung may eleksyon, bakit may mga nagtatagal pa sa puwesto? Simple lang ang sagot: Ibinoboto sila nang paulit-ulit.

Hindi lamang ito limitado sa nakasanayan nating eleksyon. May halalan din sa mga hari at reyna ng Britanya. May halalan din sa North Korea, tulad ng paghalal kay Kim Jong-Un.

Since death is forever, kahit pa sa mga pinakamakapangyarihang lider, asahan natin na ang eleksyon sa alinmang panig ng daigdig ay pang-forever.

  • Kalendaryo. Sa pagdaan ng oras, nagbabago din ang kalendaryo. There’s no need to further explain this, pero ang kalendaryo ay obvious na pang-forever.

Calendar

  • Bias. Hindi rin pala alam ng maraming tao na ito man ay nakatakda ring magtagal nang forever. Halimbawa, kung titingnan natin ang sinasabi ng mga netizens, sinasabi nila may bias ang isang newscaster laban kay Pope Francis. May bias naman ang dalawang news anchors laban sa administrasyon ni P-Noy, at na may bias din sa mga Aquino ang ABS-CBN at Inquirer.

Aba, kahit pa nga mga K-Pop fans, may bias din. Sa katunayan, ang bias ng may-akda ay sina Dara at Chanyeol. Sa totoo lang, hindi natin maiiwasan ito lalo pa’t may tao, bagay, o institusyon na gusto mong panigan. Sa mga nabanggit, masasabi natin na ang bias ay talagang pang-forever.

  • Pera. Nakita ng ating mga ninuno noon pa ang pangangailangan na magkaroon ng medium of exchange. Mula noong unang panahon na naimbento ang pera, hanggang sa kasalukuyang panahon, nagtatagal nang forever ang pera. It had even bypassed Biblical times. (Remember the biblical phrase, “The love of money is the root of all evils”?)

Kung walang pera, mahihirapang lumago ang ekonomiya. Kung walang pera, mahihirapan ang mga ninuno natin na bumili o magbenta ng gamit. Kung walang pera, hindi maipagkakanulo ni Judas si Jesus. No corruption will exist, at mahihirapan ang mga pulitiko na bilhin ang boto ng mga botante. Sa pagtindi ng pangangailangan ng tao, asahan na magtatagal ang pera nang pang-forever.

  • Pamahalaan. Maraming tao ang dadating at mawawala, pero ang pamahalaan ay magtatagal nang forever.

Mula pa sa ating mga ninuno, nakita nila ang halaga ng pagkakaroon nito. May malalapitan sila sakaling may problema, at naiaayos nito ang gawi ng buong tribo o bayan. Kailangan din nila ng pamahalaan para sa layuning panseguridad. Hindi nagbabago ang mga pangangailangang ito, kahit na lumipas na ang ilang libong taon, o kahit na nagpapalit-palit ang anyo nito (from presidential to communist to democratic…) At dahil palagi nating kailangan ang pamahalaan in one way or another, asahan natin na ito ay magtatagal nang forever.

  • Wika. Sa simula ng pagkakaroon ng tao, unti-unti nitong napapaunlad ang kakayahang makapagsalita. Sa simula pa lang ay kung anu-anong salita ang kanilang nabubuo at binibigkas. Sa simula pa lang ay hindi pa sila nagkakaintindihan. Pero unti-unti nilang nabubuo ang mga salita at balarila, at dito umusbong ang wika.

Maaring isilang ang isang wika kung ang isang grupo, na hiwalay sa mas malaking grupo, ay pinaglayo sa loob ng matagal na panahon. In isolation, the group experiments on new words, at dito na nila nabubuo ang kanilang sariling wika. Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang wikang Tagalog, Kapampangan, Ilokano, Cebuano, Ilonggo, Waray, at iba pang wika sa ating bayan.

Maraming wika ang dumadating at nawawala. Nagbabago ang wika. Walang-hanggan ang pagnanais ng tao na kausapin ang kapwa. Sa mga nabanggit, asahan natin na ang wika ay pang-forever.

  • Damaged reputation. Let me give a quote about this:

“Walang forever pagdating sa reputasyon. Pero ang nasirang reputasyon ay nagtatagal nang forever.”

– TweetNewscaster

The sad truth about reputation is this: Mahirap itayo ang reputasyon, pero puwede itong sirain sa isang pitik lang. Examples:

  1. Sa simpleng pagiinspeksyon ng Balikbayan Box, sira agad ang reputasyon ng Bureau of Customs.
  2. Sa “Laglag Bala” pa lamang, nasira agad ang reputasyon ng NAIA.
  3. Sa hindi maayos na paliwanag ni Binay tungkol sa sinasabing mga anomalya, sira agad ang reputasyon niya.
  4. Dahil hindi makontrol ni Enrique Gil ang kanyang sarili kapag naglalasing, puwedeng masira nang habambuhay ang reputasyon niya bilang isang magaling na artista.
  5. Enron & WorldCom. They will give you proof na ang damaged reputation ay pang-forever. More than 10 years mula nang pumutok ang iskandalo sa dalawang kompanya. Naayos na ba ang reputasyon nila? Hindi pa, at expected na magtatagal nang forever ang pagkasira ng reputasyon nila.

Therefore, damaged reputation is forever.

  • Reklamo. Very obvious na ang dahilan kung bakit ito pang-forever. Unang-una, nagrereklamo ang mga tao sa Pangulo ng Pilipinas. Bakit ba hindi niya ginawa ito, bakit ba ganyan ang ginawa, at kung-anu anong reklamo ang ibinabato sa Pangulo. Lumingon ka lang sa paligid, at makikita mo ang tulad ng sinabi ng isang netizen: “Yan ang problema sa ating mga Pilipino. Marami tayong gusto. Gusto natin mabilisan at kapag hindi nagawa, magrereklamo.”

Another proof: Tumingin lamang sa Facebook pages ng Inquirer, ABS-CBN News.com, at sa kahit saang news pages ng Facebook. Doon mo makikita ang sari-saring mga reklamo ng mga netizens tungkol sa samu’t saring isyu. Minsan may basehan, minsan wala. Sa kasong ito, napatunayan na natin na ang reklamo ay talagang pang-forever.

  • Baha sa Metro Manila. Inamin mismo ng dating MMDA chair Francis Tolentino na hindi niya talaga maiaalis ang baha sa Metro Manila. Sa totoo lang, kahit noon pa man, may pagbaha na rin sa lugar na iyan. May picture pa nga na kahit noon pang panahon ng Kastila o Amerikano, binabaha ang Maynila:

19thcenturymetromanilaflood

Kahit sinong pangulo o mayor ang dumaan, hindi niya talaga maiaalis ang baha. Kahit pa ilang flood control projects, hindi na iyan maiaalis unless suwertehin tayo. Sa ngayon, masasabi natin na ang baha sa Metro Manila ay talagang pang-forever.

  • Sleep. May mga pagkakataon kasi na kailangan nating magpahinga. Kailangan pa nating matulog. Assuming na mabubuhay ang isang tao sa loob ng 60 taon, kailangan niyang matulog sa loob ng 20 taon. Kailangan ding matulog ang mundo. At hindi lang tao ang natutulog, pati mga hayop at halaman. To prove that sleep lasts forever, sino’ng tao ang nabuhay nang matagal at hindi natutulog ni minsan sa buhay niya? May artista o pulitiko ba na hindi natutulog? Wala, di ba? Therefore, sleep is forever:

Kathryn-Bernardo-and-Daniel-Padilla

  • Discrimination. Noon pa man, itinuturing ng tao ang kanyang kalahi na mas nakatataas kaysa sa ibang lahi. Minsan, meron silang itinatangi. To give proof na nagtatagal noon pa man ang discrimination, heto ang mga halimbawa:
  1. Mas mataas ang tingin ng mga Spartans sa sarili kaysa sa mga helot.
  2. Inalipin ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
  3. Ang tunggalian sa pagitan ng mga puti at mga itim sa Amerika.
  4. Anti-Semitism sa Europa at iba pang lugar.
  5. Pang-iinsulto ng mga Peninsulares sa mga Insulares, mestizo, at lalung-lalo na sa mga Indio.
  6. Chinese Exclusion Act ng Amerika.
  7. Mababang tingin ng mga Muslim sa mga di-Muslim, tulad na lang ng nangyari sa Maynila bago ang panahon ng mga Kastila.
  8. Diskriminasyon sa pagboto at trabaho sa kahit saang sulok ng mundo.
  9. Nang hawakan ng isang lalaki si Dawn, sinabi ng huli na hindi siya touchy, pero nang hawakan siya ni Zeus, biglang nagbago ang isip niya. “Double standard” ang tawag diyan.
  10. Yung teacher mo na bibigyan lang ng mataas na marka ang paborito niya, for the sake na paborito niya iyon at hindi dahil sa academic excellence. Masuwerte ka kung wala kang teacher na ganyan.
  11. Ang tinatawag na “selective justice” na nangyayari ngayon. Kung mapapansin, maraming hindi kaalyado ng Pangulo at/o ng partido lamang ang pinarurusahan.
  12. Tunggalian sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, o kung tawagin ay “class struggle.” Dahil ang kahirapan ay pang-forever, asahan na ang “class struggle” ay magtatagal din nang forever.

May panahon ba na walang diskriminasyong nangyayari sa alinmang panig ng daigdig? Wala, di ba? Sa pagkakataong ito, pang-forever ang diskriminasyon.

  • Langit. Maaring dumihan o linisin ang langit, pero mananatili ito habambuhay. Patutunayan ko iyan sa iyo sa isang tanong: Kaya mo bang tanggalin ang langit? Kung kaya mong tanggalin ang langit sa mundo, eh di wow! Subalit imposible namang gawin mo ang bagay na iyan. That’s why pang-forever ang langit.

hymns-about-heaven

  • Bulkan. Maraming bulkan ang nalilikha at nawawala, pero sila’y magtatagal nang forever. Tatanungin kita: May taon ba na walang bulkan sa mundong ito? Wala naman, hindi ba? Kung wala ni isang bulkang lumitaw, sasabog ang mundo sa tindi ng pressure galing sa ilalim ng lupa. Salamat na lamang sa mga bulkang iyan at nailalabas nito ang pressure na iyan.

Taal_Volcano_aerial_2013

Mahahanap mo sila saanman – sa ibabaw man ng lupa (bulkang Taal at Mayon) o sa ilalim ng dagat (hydrothermal vents at mga bulkang bumubuo sa kapuluan ng Hawaii at Pilipinas). Kaya, magtataka ka ba kung bakit pang-forever ito?

  • Awitin. Sinasabing ang musika ay wika ng lahat. Kahit hindi maintindihan ng isang tao ang liriko, maiintindihan nito ang nararamdaman ng umaawit. To prove na nagtatagal ito nang forever, makinig na lang sa radyo. Mapapansin mo na sa loob ng mahabang panahon, may nalilikhang bagong awitin.

R-5503272-1395579271-6138.jpeg

At dahil taglay ng lahat ng tao ang kakayahang umawit, asahan natin na maging sa mga darating na panahon, ang awitin ay magtatagal nang forever.

  • Pulitika. May isang nagsabi na “Man is a political animal.” Mahilig sa pulitika ang tao. Sa halos lahat ng aspeto ng tao, mula sa batas na ipinatutupad, sa mga public works na ginagawa, sa bawat eleksyong dumaan, naapektuhan tayo ng pulitika. Very obvious na ang dahilan kung bakit pang-forever ang pulitika, so no need to explain this further.

HALALAN-2016-SURVEY-PRESIDENTIABLES

  • Daan. Bakit nga ba magtatagal nang forever ang daan? Sa pag-unlad ng buhay ng tao, kailangan ang mga daan upang maihatid ang mga tao, produkto, at serbisyo mula doon hanggang dito at/o pabalik. Paano na ang pag-unlad ng kabihasnan kung wala ang mga daan? Masuwerte na lang kung maihahatid ang mga ito kahit na walang daan (pero posible na ihatid ito hindi sa pamamagitan ng daan kundi sa dagat o sa hangin). Maaring ang daan ay matuwid o liko, pero ang mga daan ay magtatagal na nang forever.

CST-l6HUkAAn9kS

  • Math. Marami sa atin ang ayaw sa math. Pero sorry na lang, ang math ay magtatagal din nang forever. Habang lumalakad kasi ang panahon, maraming bagay ang nadidiskubre sa larangang ito, pinakahuli na diyan ang discovery tungkol sa Fermat’s theorem. Mula sa simpleng pagbibilang ng ating mga ninuno, nabuo ang iba’t ibang disiplina sa math.

maths-ftr

Kung sa kasalukuyan meron tayong Advanced Algebra, Advanced Calculus, Advanced Trigonometry, at kung anu-ano pang mga advanced, asahan natin na sa pamamagitan ng mga bagong tuklas na kaalaman sa math, mas lalong magiging Advanced ang mga advanced math topics na nabanggit. Dito asahan na natin na ang Math ay magtatagal pa rin nang forever.

  • Pangako. Bakit ito pa? Ito ang ginagawa ng marami sa atin. Nangako ang mga pulitiko ng mga proyekto. Nangako ang ating mga magulang na ibibigay ang magandang buhay sa atin. Nangako ang ating guro na ipapasa tayo kapag nag-aral tayo nang mabuti. Nangako ang ating kapareha na mamahalin nila tayo at hindi tayo lolokohin. Matupad man ang mga ito o hindi, asahan na ang pangako ay magtatagal nang forever.

8730868490_3536b6c2df

  • Imagination. Forever talaga ang imagination. Dahil sa kahanga-hangang mga katangian ng utak, maari tayong makapag-isip ng mga kakaibang bagay. Sa bawat araw at sa bawat taon, hindi nauubusan ang tao ng imagination. To prove na ito ay pang-forever, subukan mong mag-isip ng anumang bagay. Di ba’t endless iyan? This proves na talagang ang imagination natin ay pang-forever.

Visual-imagination_-Concept-of-small-genius_Copyright-Alphaspirit-Shutterstock

  • Dreams. Sa totoo lamang, libre lang ang mangarap, at walang-hanggan ang paghiling, ayon nga sa isang awitin. Noong bata pa tayo, tinatanong tayo kung ano nga ba ang ating mga pangarap sa buhay. Nangangarap din tayo kasama ng ating mga mahal sa buhay. May programang “Wish Ko Lang”, kung saan tinutupad ang ilang mga pangarap. At saka, nangyayari din ito habang tayo ay natutulog. Habang natutulog tayo, kumikilos din ang ating pag-iisip. At habang forever ang pagtulog, asahan natin na ang ating mga panaginip ay magtatagal nang forever.

wish_ko_lang

  • Diamonds. The most compelling proof ng pagiging forever nito ay ang awiting “Diamonds are Forever.” At dahil dito, hindi na kailangan pang ipaliwanag sa iyo kung bakit iyan ay nagtatagal nang forever.

diamond_1355958458647

  • Katamaran. Maari nating sabihin na forever ang kasipagan, pero mas lalong nagtatagal nang forever ang katamaran. Meron kasing mga sitwasyon o pagkakataon na kung saan hindi na kailangan ng kasipagan.

Halos lahat ng lahi ay taglay ang ganitong katangian. Hindi siguro naiisip ng mga Kastila noon na hindi lamang taglay ng mga Indio ang katamaran (gaya ng isinalarawan sa kuwento ni Juan Tamad). Tamad din ang maraming Espanyol noon, ayon kay Zaide. Kaya nga may “Lazy Song” ni Bruno Mars.

5399761_700b_v1

  • Kilig. Aminin man natin o hindi, talagang ito ay magtatagal nang forever. Kasi naman, habang umiibig tayo, kinikilig tayo. Kapag may nanligaw sa kaibigan o sa bes natin, hindi natin maiwasan na kiligin sa effort niya para sa kaibigan mo.

Huwag mo na kasing i-deny pa. Kinikilig ka pa kasi eh. Ayiee. 😀

Habang ang love ay nagtatagal nang forever, asahan natin na ang kilig ay magtatagal din nang forever.

kilig1

  • Paasa (at pa-fall).Maitatanong mo sa akin, “Bakit ang mga ganitong bagay ay nagtatagal nang forever?” Sa pag-ibig kasi, kailangan mong umasa sa isang bagay anuman ang mangyari. Kung dumating ang panahon na wala kang aasahan sa kanya, ibig sabihin nito, pinaasa ka niya. Ikaw naman, ang tawag sa iyo, paasa.

Iyan siguro ang hirap sa ating kultura. Pinalalago nito ang kultura ng pagpapaasa sa isang tao, at dahil dito, maraming relasyon ang nasisira dahil sa pagpapaasa.

Wala namang masama kung ikaw ay ma-fall at umasa sa isang tao na mahal mo. Ang masama, hindi ka na nga minahal, ibinitin ka pa niya, at patiwarik pa. Masakit iyon, di ba?

Siguro, hangga’t hindi natin binabago kahit kaunti ang ganitong klaseng kultura sa ating bayan, asahan na natin na ang pagpapaasa sa isang tao ay magtatagal nang forever. Promise. Seryoso ito. 😀

5d229f4a85816993005e5d8510357863

  • Impiyerno. Sa pagkakaalam ko, ginawa ang impiyerno para doon na mamalagi si Satanas at ang kanyang mga kampon. Natalakay na natin kanina na pang-forever din ang krimen. Paano kaya natin matatanggal ang krimen sa mundo, kung sa totoo lamang ay hindi natin mawawasak ang impiyerno?

Well, anyway, nararanasan din natin ang impiyerno sa buhay natin. Tulad na lamang ng ilan nating mga kababayang nagtatrabaho sa Middle East. Hell is indeed forever.

6-horrific-facts-about-hell-you-need-to-know-sheol-hades-gehenna.jpg

  • Boredom. Iyan ang isang bagay na magtatagal ng forever sa mundong ito. Sa panahon ngayon na mabilis na dumarating ang mga pagbabago, nagbabago din ang panlasa at kagustuhan nating mga tao. Ang mas masakit, mabilis ang ganyang mga pagbabago. Ibig sabihin, kung dati ay gusto mo ng chocolate, ngayon ay nagsawa ka na agad diyan. Kung dati gusto mo ay sleeveless, ngayon sawa ka na diyan at ang gusto mo ay blouse.

bored-kitty

Another proof: Kung dati, kinatutuwaan natin sina Ryan Bang, Alex Gonzaga, Ryan Rems, at Crazy Duo, ngayon ay pinagsasawaan natin sila.

Mas masakit ang boredom kung love ang pag-uusapan. Kasi kung dati ay crush o boyfriend mo na siya, ngayon pinagsasawaan mo na. Gusto mong maiba naman ng “man of your dreams.” Kung dati ay sweet ka sa kanya, ngayon ay gustung-gusto mo na siyang hiwalayan.

Bored ka na ba sa sobrang haba ng artikulong ito? Kung oo, napatunayan mo na sa akin na ang boredom, pagkabagot, o pagka-sawa ay nagtatagal nang forever.

  • Slow PH Internet Speed. Simula nang maipakilala ang Internet sa Pilipinas noong 1994, at magpahanggang ngayon, marami ang nagrereklamo sa napakabagal na internet speed sa Pilipinas. Sabi nga sa TV Patrol noong Agosto 18, 2015, pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamabagal na internet speed sa Asya-Pasipiko, at sobrang mahal pa.

Here’s the proof:

Ayan, GMA News TV na mismo ang nagsabi niyan. (US$50 is PHP 2313.27, using exchange rate of US$1 = 46.27)

Ang nakakagulat, mabibilis ang Internet speed sa mga kapitbahay ng Pilipinas, tulad ng Singapore, Hong Kong, at South Korea. Ayon pa sa Ookla, ngayong July 24, 2015, pang-171 ang Pilipinas sa mga 198 na lugar sa mundo na mabibilis ang Internet. Speed is 3.74 Mbps. Kulelat ito kung ikukumpara sa ibang bansa na kapitbahay natin, tulad ng Singapore na nangunguna (131.44 Mbps), Hong Kong na pangalawa (103.70 Mbps), Japan na pangatlo (101.54), at South Korea na pangsiyam (59.57 Mbps).

Another proof:

ave-internet-dl-speed_1B5F2AADC9AE46C58D883BAF71F73972

Mapapansin na maging ang Japan, na isang kapuluan din tulad ng Pilipinas, ay hindi rin papahuli. So, kung kinaya ng Japan na pabilisin ang Internet kahit na ito’y tadtad ng napakaraming pulo, bakit sa Pilipinas ay hindi?

Ang nakakatawa pa, itinakda ng gobyerno ang minimum Internet speed sa 256 kbps. Mabagal pa nga iyan kung ikukumpara sa ibang bansa.

Hindi na kataka-taka kung baka pagdating ng panahon, ipagmalaki pa natin sa mga dayuhang turista na taglay natin ang isa sa mga may pinakamabagal na Internet speed sa buong mundo.

Also, mali talaga ang katuwiran ni P-Noy regarding this matter. Sa halip na mag-isip ng paraan, sinisi pa niya ang maraming subscribers at kakaunting serbisyo sa mabagal na Internet speed. Ang totoo, mas madaming tao sa Japan at Amerika na naka-Internet, pero bakit mabilis ang Internet sa kanila?

Kaya, hangga’t walang kumikilos para pabilisin ang Internet sa ating bayan, asahan natin na ang mabagal na Internet speed dito ay pang-forever. Forevermore pa nga iyan.

(Latest update: Nagkaroon ng pagdinig sa Senado tungkol sa isyu na iyan. Susukatin daw ng gobyerno ang bilis ng Internet ng mga telcos, pero talagang kulang ito para makaagapay ang PH internet speed sa mga kalapit bansa natin.)

  • Love. Sa totoo lamang, ang love ay puwedeng hatiin sa dalawa: ang love na pang-forever, at ang love na walang forever. Ang love na pang-forever ay ang relationship na nagtatagal hanggang kamatayan, tulad na lamang ng kuwento ni Pyramus at ni Thisbe, o ni Romeo at Juliet, o tulad ng kay FPJ at Susan Roces. Sige, isama mo na rin pati yung lolo at lola niyo na nagsasama hanggang kamatayan. Samantala, ang love na walang forever ay tinataglay ng mga magsing-irog na nagbreak-up o mag-asawa na naghiwalay na.

Hangga’t may mga lalaking nakakahanap ng kanilang The One, and vice versa, asahan natin na ang love ay talagang magtatagal nang forever.

Dumako na tayo sa pag-ibig ng Diyos. Ang pagmamahal Niya sa atin ay pang-forever. Sabi pa nga sa Psalm 136:2 at Psalm 136: 26, “His love endures forever.” (NIV) At walang-hanggan pa nga eh kung tutuusin. (Exodus 34:6) Kaya, kung mahal Niya tayo, dapat mahalin din natin Siya (Matthew 22:37, Mark 12:30, Luke 10:27).

Kaya nasabi natin na ang love ay puwede ring pang-forever dahil sa katotohanang ito: Marami ang nagmamahal sa atin bukod kay special someone/soulmate/BF/GF. Sila ay ang ating mga magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, at marami pang iba.

Ang tanong: Pang-forever ba talaga ang love? Ayon sa isang netizen:

Napakauso na talaga ng linyang “Walang Forever”. Meron naman, eh. Forever exists to those people who believe in it. May forever sa dalawang taong may commitment talaga sa isa’t isa at marunong manindigan sa commitment na iyon. Yung mga taong di naniniwala sa forever, more likely di niyo matatagpuan ang forever niyo kasi kayo mismo di naniniwala doon eh. Of course, in life, we all have to go through break ups and stuff like that, that’s because hindi lang talaga sila ang taong nakalaan sa iyo. Someday, somewhere, darating din yung taong para sa iyo talaga and maybe by then maniniwala na kayong may forever, till death do us part. Haha.. 😉

Isa ang nais ipahiwatig niya: Ang love na naturally ay walang forever ay posibleng maging forever. Kung nais natin ng love na pang-forever, dapat natin itong pagsikapan.

Alam ko na hindi pa tapos ang listahang ito. Pero habang may matutuklasan tayong mga bagong bagay na pang-forever, atin itong idadagdag sa listahan na nasa itaas. Sakali mang may makita kang bagay na pang-forever, puwede mong ipadala sa may-akda ang natuklasan mo sa pagkomento sa site na ito o sa e-mail na tweetnewscaster@yahoo.com. Susubukan ng may-akda na isama ang bagay na iyan sa artikulong ito.


Featured Image Credit: Forevermore, the program that started further debates of the existence of forever.

Advertisements

One thought on “Meron Ba Talagang Forever?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s