Love Advice No. 39

Pasensya na po kung hindi po nakasagot agad ang may-akda sa mga tanong na inyong ibinabato. Masyadong busy kasi ang may-akda. But don’t worry, I will answer most of your questions. Simulan na natin!


From the reader who asked a question via Search Box:

Patunayan, na hindi kailangan magka girlfriend/boyfriend habang nag-aaral?

My Answer:

Paano mo maipapaliwanag sa magulang, kaibigan, o sa kakilala mo na hindi na kailangang magkaroon ng kasintahan? Heto ang ilang suggested tips na makakatulong sa iyo:

May kakilala ka ba na dahil sa pagkakaroon ng syota ay maagang nag-asawa o nabuntis, at na nasira ang pag-aaral? Kung oo, maari mong ikatuwiran sa kanila na kung nangyari na ang ganoong sitwasyon sa kanila, maari din itong mangyari sa iyo.

May kakilala ka bang outstanding student (yung pang-TOSP o dean’s lister) na wala pang kasintahan? Kung oo, maari mo ring ikatuwiran sa kanila na magkaroon ka man ng kasintahan o hindi, magsisikap ka pa rin sa pag-aaral at dahil doon, hindi mo na kailangang kumuha ng iyong kapareha.

May kakilala ka ba na dahil sa pagkakaroon ng syota, naging iresponsable siya’t pabaya sa pag-aaral? Kung oo, maari mo ring ikatuwiran sa kanila na “Baka ako matulad kay Pedro, baka dahil may bf/gf ako, mapabayaan ko pa ang pag-aaral.”

Maari mong sabihin na “Marami akong ginagawa. Mahirap mag-aral eh. Saka na lang ang boyfriend-boyfriend na iyan.”

Maari mong sabihin na “Marami namang nagmamahal sa akin. Bakit ko pa kailangang magkaroon ng syota?”

Sana natulungan kita sa mga nasabing tips. Maraming salamat sa pagtatanong.


From the reader who asked a question via Search Box:

Dapat bang magkaroon ng gf habang nag aaral?

My Answer:

Hindi naman.

Sa totoo lamang, nasa sa iyo ang desisyon kung gusto mong magka-gf habang nag-aaral o hindi.

Natatawa talaga ako. Nag-eexpect kasi ako na dapat itanong iyan sa akin ng mga babae. Pero lalaki pa ang nagtanong. Okay lang. Ito kasi ang general rules:

  1. Kapag ikaw ay masyadong chickboy, kapag ikaw ay nililigawan na ng mga babae (at di ka pa nanliligaw) o kapag ikaw ay pang-“That’s My Bae” ng EB, hindi na required sa iyo na kumuha ng dalaga habang nag-aaral. Pero kung ikaw ay pangit (sa kanilang paningin), o kung hindi ka pa nilalapitan ng mga babae, habang maaga pa ay kumuha ka na ng girlfriend.
  1. Kapag kaya mo namang pagsabayin ang academic, extracurricular, TOSP, TOYM, student exchange programs, etcetera, etcetera, walang problema. Pero kung hindi mo naman kayang pagsabayin kahit mga subjects mo pa lang sa academic, recommended na huwag munang magkaroon ng gf.
  1. Kapag ikaw naman ay mayaman, walang problema. Pero kapag ikaw naman ay mahirap, tiis-tiis muna. Expressly or impliedly, itatanong sa iyo ng magulang ng dalaga kung mayaman ka o kung kaya mong buhayin ang kanilang anak.
  1. Kung ikaw naman ay hindi artista, walang problema. Pero kung ikaw naman ay isang artista, huwag ka munang magkaroon ng girlfriend. Focus on your career first.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s