Love Advice No. 40

From the reader who asked a question via Search Box:

Bakit ba natin nasasabi na walang forever?

My Answer:

Maraming dahilan.

Quote ko lang ang sinabi ng isang netizen: “May forever sa dalawang taong may commitment talaga sa isa’t isa at marunong manindigan sa commitment na iyon.” May isang kaso pa nga na gusto ni guy na friends with benefits na lang silang dalawa sa halip na ipush patungo sa “in a relationship” status. May commitment si gal sa kanyang kapareha, pero walang commitment ang huli sa dalaga. Hindi rin siya marunong manindigan sa relasyon para maging happy silang dalawa. Dito pa lamang ay walang forever sa kanilang dalawa.

Siyempre pa, walang forever sa mga taong hindi naniniwala na may forever. Matatawa na lang ako kung sinabi mo na may forever, pero hindi ka talaga naniniwala doon.

Maaari ding sisihin ang mga artista sa showbiz. Dahil sila ay “vested with public interest”, sila ang nagsisilbing role model sa lahat sa salita man o gawa. Sila mismo ang nagtuturo sa gawa (kung hindi sa salita) na walang forever sa mundong ito. Marami sa mga kapareha ang hindi nagtatagal, kaya nasasabi natin na walang forever pagdating sa love.

Maaaring sisihin dito si Marcelo Santos III. Basta-basta na lang siya nagsalita na “Walang forever,” samantalang napakaraming bagay na pang-forever sa mundong ito. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit may ilang tao na hindi pa rin makamove-on sa quote ni Marcelo.

Past experience may also push us to say that line. Ang totoo, hindi porke’t nasaktan ka na ay hindi mo na mahahanap ang forever. In actual practice, may ilang kaso na nabuntis sila, pero iba ang sumalo ng pananagutan bilang ama ng dinadala. May ilang kaso na matapos silang iwan ng kanilang ex, may isa pang love story na mabubuo. May ilang kaso na kahit dumaan sa matinding trauma tulad ng rape at incest, hindi ito naging sagabal upang matamo nila ang happy ever after. Kung nangyari na ito sa ilan, kaya mo rin. Just move on. Nasa site na ito ang ilang tips kung paano ka makakamove-on sa past experience, at nang sa gayon ay makatagpo mo rin ang iyong Forever.

Kaya rin nasabi natin na walang forever kasi hindi natin pinagsisikapan na maabot ito. Nakarinig ka na ba ng mga mag-asawa na hindi nag-iiwanan hanggang kamatayan? May kakilala ka bang ganoon? Kung meron, most likely hindi ka nagsisipag para maabot ang Forevermore.

Pero ang totoo, merong love na walang forever, at merong love na pang-forever. Tingnan ang artikulong Meron Ba Talagang Forever? sa site na ito para sa higit pang detalye.


From the reader who asked a question via Search Box:

May forever sa relasyon kung si God ang inuuna?

My Answer:

Yes.

Why? Because God is love (1 John 4:8).

Tandaan mo rin na ang talaga at dapat na kahulugan ng forever ay “as long as possible.” Pinagpapala ng Diyos ang uri ng relasyon na Siya mismo ang lumikha – yung heterosexual relationship. Kumbaga, Siya ang third party sa heterosexual relationship, which in this case, siya ang nagbibigay ng forever sa dalawa. Depende na lang sa lalaki at babae kung patatagalin ba nila ang forever na bigay ng Diyos sa kanila o hindi.

Sana natulungan kita sa aking maikling tugon. Maraming salamat sa pagtatanong.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s