Love Advice No. 41

From the reader who asked a question via Search Box:

Pagkatapos ba ng kontrata nina James Reid at Nadine Lustre sa ABS-CBN, magiging GMA na sila?

My Answer:

Hindi natin masasagot nang diretso ang tanong mo, pero more often than not, mananatili silang Kapamilya.

Naghanap ako ng mga artikulo kung may tsismis nga ba na lilipat sila ng ibang network matapos ang kontrata. Sa kasamaang palad, wala pa. So, we will presume na sila’y mananatiling Kapamilya.

Nung naging Kapamilya na ang JaDine, hindi sila nauubusan ng projects na ibinibigay sa kanila. Sa guestings at sa pag-arte pa lang, mapapansin na binibigyan sila ng project ng ABS-CBN. Sa katunayan pa nga, ipapalabas na ang programang On The Wings of Love pagkatapos ng programang Pangako Sa’yo:


Isa pa, tulad nga ng sinabi ko sa isang artikulo, sasamahan pa ni Nadine ang kanyang kapatid.


From the reader who asked a question via Search Box:

Nagkaroon nga ba ng away sa pagitan ni James Reid at Nadine Lustre?

My Answer:

Wala naman. Pero kung meron man, iyon ay kaunting tampuhan lang.

Sa totoo lamang, ang turing nila sa isa’t isa ay magkaibigan. Kaya, maaring hindi umabot sa “away” na alam mo ang away ng bagong loveteam ngayon.


From the reader who asked a question via Search Box:

Nadine Lustre ibibigay lahat sa boyfriend

My Answer:

Wala pa siyang boyfriend sa ngayon. At dahil wala pa siyang boyfriend, paano niya ibibigay ang lahat-lahat ng nasa kanya sa kung sinong lalaki?


From the reader who asked a question via Search Box:

Sino ang girlfriend ni James Reid?

My Answer:

Walang nakakaalam kung sino ang girlfriend ni James Reid. Samantala, si Julia Barretto ang pinagsusupetsahan na kanyang girlfriend. Hindi pa natin masasabi sa ngayon kung sino, kasi as usual, deny sila nang deny.


From the reader who asked a question via Search Box:

Anong age nagsimula si Nadine Lustre nag cosplay?

My Answer:

Nais niyang magcosplay dati kasi mahilig naman siya sa cartoons. Hindi pa natin alam kung kailan nagsimulang mag-cosplay si Nadine Lustre. Hindi niya kasi sinabi kung anong gulang eksakto siyang nagsimulang sumabak sa larangang iyon. Hindi kasi masyadong obvious ang pagkahilig niya sa ganitong bagay, unlike Alodia:

cc02aabaa5aef57edcb912029c01cde6

1821a6b308d7469e91bd7e938d48b31b


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang English ng ‘nakulangan sa detalye’?

My Answer:

Sa Ingles:

“not satisfied with the details.”

Let’s use this in a sentence:

“Nakulangan ako sa detalye ng ulat mo.”

Sa Ingles:

“I am not satisfied with the details of your report.”

Sana natulungan kita sa pagsasaling ito. Maraming salamat sa pagtatanong.


From the reader who asked a question via Search Box:

So, ito ang hinahanap mo sa mga panahong hindi ka sumasagot sa mga text ko in english translation

My Answer:

Ito ang literal na pagkakasalin:

So, this is what you want when there are times that you never replied to my texts.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano mo malalaman na itinigil na niyang manigarilyo?

My Answer:

  1. Kailangan mong mag-install ng CCTV sa mga lugar na madalas niyang pinupuntahan. Magpatulong sa kahit sinong marunong gumamit ng timelapse. Dito mo makikita kung sa buong oras ay hindi siya naninigarilyo.
  2. Pero kung hindi naman feasible para sa iyo ang naunang payo, puwede mo siyang sundan sa pupuntahan niya. Huwag ka nga lang magpapahalata. Kung hindi, baka hindi mo makita kung talagang tinutupad niya ang pagtigil sa paninigarilyo o hindi.
  3. Kung unti-unti nang nawawala ang baho ng kanyang hininga. Sa pagtigil kasi ng kanyang paninigarilyo, walang “magpapakain” sa baho ng kanyang hininga.
  4. Kung mapapansin mo sa kanyang gamit na kakaunti o wala na ang mga upos o yosi sa kanyang mga gamit mula sa bag hanggang sa pinakasulok ng kanyang gamit.
  5. Kung unti-unti nang nawawala ang mantsa sa kanyang ngipin. Yung tipong kapag lagi siyang nagsesepilyo ay hindi na masyadong halata ang mantsang iyon.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s