Love Advice No. 42

From the reader who asked a question via Search Box:

Paano mo sasabihin sa manliligaw mo na ayaw mo na hindi siya masasaktan?

My Answer:

Sa totoo lang, wala.

Siyempre, ayaw mo sa kanya. Masasaktan at masasaktan din siya. Kahit sabihin mo sa kanya na:

Meron namang iba diyan na nagkakagusto sa iyo.

Huwag mo nang ibaling sa akin ang pagtingin. Sayang ang effort mo.

Huwag ka nang masyadong umasa; masasaktan ka rin.

Hindi tayo talô.

Puwede bang iba ang piliin mo? Busy ako eh.

May ginagawa akong ganito, ganyan, ganito, ganyan…

Study/Career first.

Meron na akong forever (kahit ang totoo ay wala naman)

Masasaktan at masasaktan pa rin siya. In the first place, nag-effort siya para sa iyo. Halos wala ka nang ginagawa kundi sabihin sa mga manliligaw mo: “Qualified, Disqualified, Qualified, Disqualified.”

Bakit ko ito nasabi? Hindi mo rin maiiwasan na masaktan siya sa sinasabi mo, kasi in the first place, hindi mo talaga kontrolado ang kanyang emosyon. Magaling sana kung kaya mong kontrolin ang kanyang emosyon na parang robot, pero hindi eh.

Isa pa, depende rin sa lalaki kung paano siya tutugon sa sagot mo. May iba na tatanggapin ang sinabi mo nang maluwag sa kanyang dibdib. May iba na mapilit. May iba na dadaan muna sa denial, bargaining, acceptance, o alinman sa tatlong ito.

Iba nang usapan kung ikaw na lang ang mag-effort para ligawan ka niya, in which case hindi siya masyadong masasaktan. Bakit? Kaunti lang ang kanyang isinusugal (kumpara sa usual na panliligaw ng lalaki sa iyo), kaya hindi siya (masyadong) masasaktan kung sakaling tinanggihan mo na siya.

At lalong ibang usapan kung manhid pa rin ang manliligaw mo. Any kind of “basted lines” will do.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano kung ang nanligaw sa iyo [ay] ex ng kaibigan mo pero binasted mo tapos nang mabasted mo, naging sila ulit ng kaibigan mong ex niya?

My Answer:

Apat ang pagpipilian mo:

  • Matuwa, kasi ayaw mo sa taong iyon kaya binasted mo.
  • Umiyak, kasi binasted mo agad, eh sa puso mo ay may pag-ibig ka pa sa kanya.
  • Manghinayang sa nasayang na effort na ibinigay niya sa iyo.
  • Makonsensya, kasi hindi mo na pinagbigyan si guy ng isang chance para patunayan sa iyo na mahal ka talaga niya.

Sa totoo lamang, wala ka nang magagawa sa relasyon nila. Kasi, sila na ulit eh. Ang tanging magagawa mo lamang ay mag-congratulate sa kanilang dalawa, dahil nagkabalikan sila ulit. O di kaya ay gumawa ka ng paraan para maging pang-forever ang relationship nila.

Hindi na kailangang pag-awayan pa ninyong dalawa kung kanino mapupunta si guy.Ang lalaki ay para sa kaibigan mo. Wala ka na ring habol sa lalaking iyan. Anyway, nasa desisyon na rin ng kaibigan mo at ni guy kung magkakabalikan ba sila o hindi. Kung nag-decide noon pa man ng kaibigan mo na ibasted ang guy na iyan, he has to decide kung liligawan ka niya ulit o hindi.


From the reader who asked a question via Search Box:

Tamang pagsuyo sa girlfriend

My Answer:

There’s no such thing as “tamang pagsuyo” sa gf mo.

Kasi naman, may mga bagay na sa tingin ng iba ay tama ang pagsuyo, pero sa tingin ng iba ay mali. Mas kumplikado pa nga kung tatanungin natin ang pulso ng iba’t ibang tao. Ang alam ko lamang na tamang pagsuyo ay kung paano mo siya susuyuin nang kinokonsidera mo ang:

  1. Damdamin ng babae
  2. Ikasasaya ng dalaga
  3. Konsiderasyong moral at etikal
  4. Magiging epekto nito sa mga taong malapit at nakapaligid sa kanya.

You may read Love Advice No. 15 for tips and further discussion.


From the reader who asked a question via Search Box:

Kapag kumanta ang bf mo ng “I Wanna Be With You”, anong ibig sabihin?

My Answer:

Isa lang ang ibig sabihin nito: Magaling siyang mangharana. Tama lang ang song choice niya para sa iyo.

Hindi mo nga lang sinabi kung sino ang kumanta ng awiting iyon. Sa kasong ito, ipagpapalagay natin na iyan ay inawit ni Mandy Moore:


Base kasi sa linya ng awiting iyan, nais ng boyfriend mo na makasama ka – lalo na sa hirap at ginhawa. Naiisip ka niya, lalo’t sa bawat halik mo sa kanya, nararamdaman niya na totoong mahal mo siya. Wala na siyang mahihiling pa kung ganoon.

Nais niyang makapiling ka, mayakap ka nang mahigpit na parang walang bukas. He will make the most out of it.

That’s my interpretation of the song. Sana natulungan kita sa kasong ito. Maraming salamat sa pagtatanong.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano muli manligaw sa ex gf?

My Answer:

Please refer to Love Advice No. 15 for further discussion.


From the reader who asked a question via Search Box:

Puwede ba magkatuluyan ang lalaking may inanakan lang pero hindi pa kasal?

My Answer:

Yes.

In the first place, hindi pa sila kasal ng kanyang nakabuntis. At dahil hindi pa sila kasal, may panahon pa para kayo’y magkatuluyan. At kung gusto ninyong magpakasal, go ahead. Hindi naman sinasabi sa alinmang batas na porke’t nakabuntis siya ay automatic ipapakasal siya sa kanyang nakabuntis.

Mahalagang paalala: Kung hindi naman talaga mahal ni guy ang kanyang nakabuntis, siguraduhin lang niya na susuportahan ang kanyang anak.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s