Love Advice No. 43

From the reader who asked a question via Search Box:

Tips para makuha ang loob ng babae sa mga simpleng bagay lang

My Answer:

Narito ang tips:

  • Give her buffet of roses. Any amount will do, basta makakabuo ito ng isang buffet. Ibigay mo ito sa dalaga, and she will appreciate it. Bibihira kasi silang bigyan ng buffet of roses, and giving it to them makes them feel that they are special to you.

Ano ba ang mensaheng gusto mong iparating sa kanya? Depende iyan sa kulay. Just search for the meaning of every color of the rose.

Paano kumuha ng buffet of roses? Don’t worry, ginagawa ko pa ang recipe na iyan. But for now, bumili ka muna ng paisa-isang rosas.

  • Give her chocolates. Kung gusto mong iparamdam na masyado kang bitter sa kanya, preferred ang dark chocolate o yung 100 percent pure chocolate. Ang alam ko lang na 100 percent pure chocolate ay ang tsokolate tablea ng Batangas.

Kung gusto mong iparamdam sa kanya na sasamahan mo siya sa hirap o ginhawa, better buy chocolate with cookies and cream. Kinakatawan ng cookies ang hirap, at ang cream ng ginhawa.

Kung ikaw naman ay sweet sa kanya, try the usual chocolate na nabibili sa supermarket o sa palengke. Any kind of usual chocolate will do. Depende sa sweetness ang uri ng chocolate na bibilhin mo. Just look for the Sugar content in Nutrition Facts in every product: Kapag gusto mong iparamdam na napakasweet mo, look for high Sugar content, at kung gusto mong iparamdam na hindi ka masyadong sweet, choose chocolates with low Sugar content.

  • Harana. Ito ay isang dating gawi ng ating mga ninuno, pati na ng mga lolo at lola natin. Sa pagdaan ng panahon, napansin natin na tila nawawala na ang nasabing gawi. Pero ang totoo, hindi iyan nawala sa atin – iyan ay nagbagong-anyo lang. Tulad ng P-Pop Love Songs.

Kahit pa ngayon ay buhay pa rin ito sa ilang pagkakataon. Halimbawa, may moment na hinarana dati ni Kris Lawrence si Katrina Halili. (Please proceed to 46:18)


And remember what Sir Chief did to Maya sa programang Be Careful With My Heart? Umawit pa si Sir Chief kay Maya ng “Sorry, Puwede Ba?”:


Anyway, bakit hindi mo siya haranahin? Madali lang itong gawin, at hindi ito masyadong magastos. Kung kaya mong magpatugtog ng kahit anong instrumento, puwede na. O di kaya, makiusap sa barkada na tulungan ka sa panghaharana.

  • Makipag-usap ka sa kanya. Less effort na ito sa part mo. Ang kailangan mong gawin ay paunlarin mo ang kakayahang makipag-usap sa kanya. Any kind of communication will do, pero siguraduhin mo na mapanatili ang pakikipag-usap mo sa kanya. From simple “Hi” or “Hello,” puwede ka pang mag-speech sa harap niya.

And please pay attention to her. Once na kausapin ka niya, focus on her. Matutuwa siya kapag may nakikinig sa kanya.

  • Tulungan mo siya. Kung gusto, maraming paraan para tulungan mo siya. Puwede mo siyang tulungan sa paggawa ng thesis, assignments, projects, kawanggawa, o kahit sa pag-aaral niya. Ipagpapasalamat pa niya sa iyo na minsang tinulungan mo siya.
  • Pasayahin siya. Bahala ka na kung anong paraan ng pagpapasaya ang gusto mong gawin para sa kanya. And yes, hindi na kailangang gumastos ng malaki para gawin iyan.Maari kang magkuwento ng kung anu-ano sa kanya, o maari mo siyang ipasyal sa lugar kung saan masaya siya. O di kaya, samahan siya sa Enchanted Kingdom.
Advertisements

One thought on “Love Advice No. 43

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s