Sarah G. on The Voice Kids Finals

KAMAKAILAN lang ay napili na kung sino sa anim na contestants ng The Voice Kids Season 2 ang magtutuloy sa live Finals. As usual, ipinamahala na ng The Voice Kids sa mga televiewers ang magiging kapalaran nilang lahat. At napili na kung sino sa kanila ang magtutuloy. Sila ay sina Esang ng Tondo, Reynan ng Bukidnon, Sassa ng Pampanga, at Elha ng Quezon City.

With just a twist of fate, walang pumasok na contestant sa Finals under Team Sarah. Hindi na nakaabot si Zephanie ng Laguna at Kyle ng Cebu. Result: No kids to be coached. So sand. 😥

Siyempre pa, maraming tao, lalo na ang mga Popsters, ang nadismaya sa naging resulta ng botohan sa semi-finals. Inilabas nila tuloy sa Twitter ang kanilang hinaing, at ang ginamit nilang hashtag ay #JusticeForTeamSarah. Bigla na lamang itong nag-trend:

Ang totoo, malinaw naman sa naging resulta ng botohan na hindi na makalulusot si Zeph at si Kyle sa grand finals. Yung SGV ay may mga personnel na taga-audit. Kung hindi satisfied ang mga auditors sa resulta ng botohan, di sana’y sinabi nila na may malaking problemang nangyari. Pero wala namang napabalita ngayon.

Sabi pa nga ni Coach Sarah, “Ganyan talaga ang labanan, minsan panalo, minsan [talo.]” Isang netizen ang nagsabi na “Correct, ganyan talaga ang labanan minsan manalo, minsan Matteo.” Dapat ding tandaan na mga tao na sila mismo ang nagdesisyon kung sino ang patutuluyin sa dulo, at kung may problema man, posibleng iyon ay nasa mga telco providers mismo o baka mali ang pagkakatext. At mas maaga, mas magaling, kasi may timing differences*. Kung sa Newport Theatre mismo ay sarado na ang voting lines, aakalain ng isa na hindi pa tapos ang botohan dahil lang sa ilang segundo ang pagitan niya at ng teatro.

Isang bagay ang dapat matutunan ng Popsters sa insidenteng ito: Kung nais talaga nilang ipasok si Kyle o si Zeph sa Finals, dapat sinipagan pa nila ang pag-text, tulad ng ginawa nila kay Lyca Gairanod. At ibang usapan kung nag-iba ang resulta’t may nakapasok na finalist sa Team Sarah. Ibang usapan na kung nasa 4th Place si Zeph o si Kyle. Pero hindi eh. Nagkataon lamang ang ganitong pangyayari. 😥 😥 😥

Kaya, ang malaking tanong: Paano na si Coach Sarah sa TVK Finals? What will she do?

Ito ang mga posibleng gawin ni Coach Sarah habang wala na siyang sinasanay para diyan:

  • Mag-coach sa apat na batang mang-aawit:
Sa pagcocoach niya sa apat na bata, may matutunan sila sa mga bagay na kailangan nilang gawin para manalo sa Finals. Screengrab from iwantv.com.ph
  • Kumuha ng dalawa pang artists na kaya niyang i-train para sa nasabing event:
…tulad ni Amira…
…at ni Kristel.

Kaya nga lang, dahil apat na lamang ang kailangang kumanta, hindi na ito magiging posible para sa kanya. Otherwise, kung ipipilit pa niya na magsama siya ng dalawa pang proteges, paglabag na iyon sa rules ng The Voice franchise.

  • Have time for her boyfriend:
Sa ganitong paraan, may time na siya para maalagaan si Matteo nang maayos. 🙂 How sweet. 🙂
  • Maging audience na lang sa halip na maging coach.
This means, madedemote si Sarah. Sa halip na siya ang nagdidirek ng kapalaran ng kanyang mga protege, manonood na lang siya. Wala na siyang kontrol sa mga mangyayari, dahil in the first place, manonood lang siya. 😥 (Screengrab from iwantv.com.ph)
  • Maging Host ng The Voice Kids Grand Finals…
2
…tulad ng kanyang pag-host dati sa “Little Big Star.”  Sa kasong ito, mapopromote na si Sarah! Kung magkagayon, dapat magdiwang ang kanyang mga fans. Sarah is going one step higher. Hindi pa siya mapapa-OP, kundi magkakaroon siya ng ibang kasama sa show – sina Luis, Robi, at Yeng.
  • Maging Director ng nasabing programa.

This time, kung gagawin niya ito, she would take her showbiz career to the highest level. Ika nga ni Rufa Mae, “Todo na’to!” Mahahasa pa ang kanyang skills sa pagdidirek sakaling ayaw na niyang malagay sa harap ng camera.

  • Magtayo ng sariling “The Voice Kids”.
Puwede itong gawin ni Coach Sarah. Sa title pa lang, alam mo na si Coach Sarah lang ang nasa stage. Pagalingan na lang ng ratings ang TVK2 main at ang TVK2 with Sarah.

At kapag pumindot ng buzzer si Sarah…

… no choice ang mga contestants kundi piliin si Coach Sarah at wala nang iba. Wala na kasi si Coach Bamboo at Coach Lea. Just look for the new title.
  • Magbalat ng patatas.
Kayo po talaga ang nagbabalat ng patatas. Don’t deny it. 🙂

* Timing differences (or time delays) exist kapag malayo ka sa home studio. Halimbawa, sa segment ni Miss Pastillas, umaabot ng ilang segundo para maihatid ni Vice ang mensahe mula Maynila papunta kina Jess sa Bacolod.

Kaya, at the moment na isinara na ng TVK ang voting lines (00:00:00), ang aakalain ng mga nasa malalayong lugar ay hindi pa tapos ang botohan. Akala nila, nagbibilang pa sila.


Featured Image: Screengrab from Iwantv.com.ph

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s