Love Advice No. 44

From the reader who asked a question via Search Box:

Sweet ba ang pagbigay ng love letter sa babae?

My Answer:

Yes.

Malamang na itinatanong mo iyan sa akin kasi baka sinabi sa iyo na outdated (o wala na sa uso) ang pagbibigay ng love letter. Sa totoo lang, ang pagbibigay ng love letter ay puwedeng idaan sa makabagong teknolohiya. Bukod sa nakasanayang love letter na isinusulat sa stationery o airmail, puwedeng gumawa ng love letter sa Word, Facebook, Twitter, e-mail, o sa kahit anong social media sites. Halimbawa, puwede kang gumawa ng love letter sa kanya sa FB, tapos i-set mo sa Custom settings na kayo lang dalawa ang makakakita ng post mo.

Hindi na mahalaga kung aling medium ang gagamitin mo sa pagbibigay ng love letter sa kanya. Ang mahalaga ay mailarawan mo sa kanya kung gaano ka kasweet sa kanya.

Sa love letter kasi, dito mo maaaring ilagay ang talagang nararamdaman ng puso mo.

Kung sweet pa nga yung mga message in writing na ibinibigay ng magsyota sa isa’t isa, how much more kung love letter pa lang ang ibibigay sa babae mo?

Sana nasagot ko ang tanong mo. Sana magtagumpay ka sa pagbibigay ng love letter sa dilag na iyan. God bless. 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano mo sasabihin ang nararamdaman mo sa bestfriend mo kung gayun naman may girlfriend na siya?

My Answer:

Huwag mo munang sabihin ang nararamdaman mo.

Otherwise, masasaktan at masasaktan ka pa lalo. In the first place, kapag sinabi mo sa anumang paraan na mahal mo siya kahit may girlfriend na siya, isa lang ang masasabi niya sa iyo:

Sorry, mahal ko pa rin ang girlfriend ko.

Siyempre pa, first priority niya si girlfriend bago ikaw na bestfriend niya. Saka mo na lang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo kapag nakamove-on na si guy sa break-up ng gf niya. Habang hindi pa siya single, enjoy-enjoy din ng buhay mo pag may time. Once single na siya ulit and ready to mingle, puwede mo nang basahin ang Love Advice No. 10 para sa higit pang impormasyon.


From the reader who asked a question via Search Box:

Totoo bang hindi makakalimutan ni boy si ex-gf kapag ito ang nakaunang sex?

My Answer:

Yes. Totoo iyon.

Siyempre, dahil una niyang naka-sex ang ex-gf, regardless kung ano ang kanyang na-experience, hindi niya makakalimutan si ex-gf. Hindi niya ito malilimutan dahil minsan lang sa buhay niya naeexperience niya ang ganitong bagay. Kahit na anong gawin niyang paraan para mabura o ilibing ang moment na ito sa isip niya, hindi niya ito magagawa, unless tinamaan siya ng amnesia o Alzheimer’s disease. Mas lalong hindi niya malilimutan ang moment na iyon kung nabuntis na niya ang ex-gf.

Medyo maselan ang tanong na ibinato mo sa akin, pero sana nasagot ko nang maayos ang tanong mo. Thanks for asking.


From the reader who asked a question via Search Box:

Anong mangyayari sa lalaki kapag lagi siyang nakukuryente?

My Answer:

Kapag siya’y laging nakukuryente, talagang delikado iyon sa kanyang katawan. Baka hindi na kayanin ng kanyang katawan ang paulit-ulit na kuryenteng dumadaloy dito. Mas malala pa, puwede pang masunog ang anumang bahagi ng kanyang katawan kapag nakukuryente. O di kaya, tumilapon siya.

Ito ang puwedeng mangyari sa kanya:

tab1-2k10-177-181
To determine the ampere, compute the voltage (sa atin ay 220 V), at alamin ang resistance ng isang tao, measured in ohms. Divide voltage by resistance, at dito mo na makukuha ang current na dadaloy sa katawan (in mA or A). To compute in mA, multiply the current (in A) by 1000.

burn-11-638

Ang mangyayari sa lalaki kapag lagi siyang nakukuryente ay halos walang ipinagkaiba sa kanya na nakaupo sa gumaganang silya elektrika:

Ito ka kapag namatay ka sa silya elektrika. Same effect exists kapag ang lalaki ay laging nakukuryente.

From the reader who asked a question via Search Box:

Makuha ang loob [in] English

My Answer:

Sa matalinhagang salin sa Ingles:

Win his/heart

Sana natulungan kita sa pagsasaling ito. Maraming salamat sa pagtatanong.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang tawag sa babae at lalaki kung pareho silang torpe?

My Answer:

Torpe din.

Siyempre pa, dahil hindi nila nagawang ilabas ng isa’t isa ang kanilang tunay na nararamdaman, nagiging torpe sila pareho. Puwede mo ring tawagin ang ganyang sitwasyon na “equally torpe”, “unmatched relationship,” “parallel relationship,” o anumang bansag mo sa ganyang sitwasyon. Wala kasing katutubong salita, sa Ingles man o sa Filipino, ang makapagbibigay ng bansag sa babae at lalaki na parehong torpe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s