Love Advice No. 45

From the reader who asked a question via Search Box:

Anong gagawin ko kapag ang ex ko sinabi sa akin na dapat sagutin ko ang pinsan niya?

My Answer:

Tanong: Dapat ba talagang sagutin ang kanyang pinsan?

Kung mahal mo siya, at mahal ka niya, walang problema. Puwede mo siyang sagutin. But just a word of warning: Mahirap pumasok sa ganyang relasyon. Paano kung dumating ang panahong mahal ka rin pala ng pinsan niya, and at the same time, bumalik ang feelings ng ex-bf sa iyo? Mahirap na ngayong magdesisyon kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin mo. Parang KZ Tandingan lang ang iyong peg.

Hanga naman ako sa ex mo. Normally, magseselos siya sa iyo, at baka dahil dito’y gagawa siya ng paraan para paghiwalayin ka sa new bf mo (kung sakali). Pero sa kaso mo, talagang pinupush ka niya na maghanap ng bago, kahit totoong masakit ito sa kanya.

Ano nga ba ang gagawin mo? Alinman sa mga ito ang puwede mong gawin:

  • Bakit di mo subukan na kilalanin ang kanyang pinsan? Dahil dito ay posibleng mabuo ang relationship ninyong dalawa.
  • Tanungin mo palagi sa iyong sarili, “Kailangan ko bang makipagboyfriend sa pinsan ko kasi mahal ko siya – o baka dahil sinabi lang ng boyfriend ko na gawin ko iyon?” Ang tanong na iyan ay magsisilbing gabay mo para maging maingat sa pagkuha ng bagong bf.

From the reader who asked a question via Search Box:

Bakit ka ba hinahalikan ng boyfriend mo sa bibig at sa katawan?

My Answer:

Sexual desire.

Kung sa bibig, walang problema. Romantic expression lang iyan, pati ang paghalik sa kamay.

Pero ibang usapan kapag pati katawan, hinahalikan na ng boyfriend mo. I repeat, sexual desire iyon. It is also an expression of love, pero masyado na siyang excited.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano kung crush mo ang tropa ng bf mo?

My Answer:

Lagot ka sa boyfriend mo!

Tatanungin kita:

  • Bakit ka nagkaka-crush sa katropa ng boyfriend mo? Don’t worry, normal lang iyan. Pero kung ipupush mo iyan, delikado ka. Nakakasakit ka na ng kapuwa – either your bf o ang kanyang katropa. Wag ka nang magtaka kung bakit mayroong basehan ang boyfriend mo para pagselosan ka.
  • Sineseryoso mo ba ang relasyon ninyong dalawa ng bf mo?
  • “Nakikipagrelasyon lang ba ako para maghanap ng better man kaysa sa present bf ko?” If yes, then hindi ka kuntento sa boyfriend mo.
  • Kung pagbibigyan ka, sino sa kanilang dalawa ang isasama mo sa iyong palasyo: ang katropa niya o ang boyfriend mo? Kanino ka mas komportable? Mahalaga ito upang makatipid ka sa luha, panahon, at pagod. Subukan mong tingnan ang sagot mo para malaman kung niloloko mo lang ba ang sarili mo o hindi.

Samantala, ito ang mga suggested tips para hindi ka madevelop sa katropa niya:

  • Itakda mo na ang limitations sa pagitan mo at ng katropa niya. Ibulgar mo sa kanya na may bf ka na, at na hindi kayo puwedeng lumampas sa pagiging magkaibigan. I repeat, ibulgar mo na sa kanya na may bf ka na.
  • Try to dissociate with him. Try also not to go to places where you frequently meet. Sa ganitong paraan maiiwasan mo ang tukso at nang mapanatili ang relasyon mo sa boyfriend. Sabi sa isang kanta, “Tukso, layuan mo ako.” Pero ang totoo, hindi lalayo sa iyo ang tukso. Ikaw dapat ang lumayo dito.
  • Try to post pictures of your boyfriend sa Facebook profile mo. Try to make his picture (and you with him) sa wallpaper ng laptop o iPhone mo.
  • Subukan mong mag-isip ng mga bagay na meron ang boyfriend mo, pero wala sa crush ng katropa niya. Halimbawa, magaling siyang magluto, pero hindi kayang magluto ng crush mo.
  • You may associate only with the girls na katropa niya. Bahala ka na kung anong gig ang gusto ninyong gawin. You know the obvious reason why.

From the reader who asked a question via Search Box:

Okay lang ba na sagutin ng kaibigan ko kahit ex bf ko na?

My Answer:

Okay lang. Walang problema.

In the first place, ex mo na ang guy na iyan. No strings attached sa inyong dalawa. Pinutol na ninyo ang relationship ninyo, kaya kapag sinagot na ng friend mo si guy, wala ka nang habol sa huli.

Dali. Sabihin mo na sa kaibigan mo, “Sagutin mo na iyan.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s