Love Advice No. 46

From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang dapat gawin ng babae para halikan siya ng lalaking napupusuan niya?

My Answer:

Tanong lang: May gusto din ba siya sa iyo?

Kung hindi, kailangang magbaon ka ng matinding pasensya para finally, ligawan ka niya, and finally (pa rin), halikan ka ng lalaking napupusuan mo. I suggest you to read Love Advice No. 10 first bago mo basahin ang mga sumusunod. Pero kung boyfriend mo pala siya at gusto mong halikan, madali lang iyan:

  • Halikan mo siya. Ideally, puwede kahit saan, pero preferred na halikan mo siya sa pisngi o sa kanyang labi. Baka sakaling dahil dito ay “gantihan” ka niya ng halik.
  • Have a check-up with a dentist. The dentist corrects flaws na maaaring magresulta sa hindi kaaya-ayang hininga. Kapag naisaayos na ng dentista ang di maayos na mga ngipin, mababawasan na ang gayong hininga. May ulat pa nga na nagkaroon ng bad breath si Jose Rizal dahil hindi nga maayos ang kanyang mga ngipin. It’s ironic na kahit afford na niyang pumunta sa dentista, hindi niya magawang ipaayos ang kanyang ngipin. Ewan lang natin kung na-turn off sa bad breath si Leonor Rivera o si Josephine Bracken. Haha. 🙂
  • Use toothbrush, floss, and eat foods with sufficient Vitamin C. They complement each other. Pareho kasing pinalalakas ng toothbrush at Vitamin C ang mga ngipin. Samantala, ang floss ay posibleng makatulong para malinis ang mga sulok na di maabot ng toothbrush.
  • Fres candy (?). Not highly recommended. Pero puwede ito kung malapit kayo at naaamoy niya ang hininga mo.
  • Kahit na wala ka sa mood, huwag OA kung hinahalikan ka niya. Otherwise, kung magreklamo ka nang wala sa mood, puwedeng madiscourage ang guy na halikan ka.
  • You may consider asking a doctor para magkaroon ka ng “kissable lips”. May narinig ako sa 95.1 Kiss FM dati na may business na ginagawang “kissable” ang mga labi. Hindi ko matandaan ang pangalan ng business na iyon, pero puwede kang humingi ng referral sa doctor (kung wala man) para ilipat ka sa isang propesyonal na kayang gawin iyan para sa iyo.

Please be patient. Darating din ang panahon na lagi ka niyang hahalikan, kahit na may panahong wala ka sa mood.

Sana makatulong itong aking payo sa iyo. Maraming salamat sa pagtatanong. God bless. 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Kailangan bang gumastos para lang malaman niyang mahal mo siya?

My Answer:

Not necessarily. Unless ka-close mo si Lucio Tan, Henry Sy, or the Gokongweis, or you’ll be like one of them.

Paano mo maipaparamdam na mahal mo siya? Maraming paraan! At hindi na kailangan pang gumastos nang malaki. Please refer to Love Advice No. 43 for less-costly expressions. At hindi lang ito limitado sa mga nabanggit. Kailangan lang na paandarin mo ang iyong pagiging malikhain.


From the readers who asked questions via Search Box:

What time dapat sagutin mo yung manliligaw mo?
Ano tamang oras dapat sagutin ang manliligaw?

My Answer:

Anytime. Kahit pa nga alas-dose na ng hatinggabi, puwede mo siyang sagutin sa ganoong oras.


From the reader who asked a question via Search Box:

Totoo bang namatay si Coach Bamboo?

My Answer:

No. Hindi totoo iyan.

Sa ngayon, buhay na buhay pa rin si Bamboo hanggang ngayon. Ika nga, alive and kicking.

At kung totoo na patay na si Bamboo, nasaan na ang honors/tributes na ibinibigay sa kanya ng kapwa niya artista at kasama sa OPM? Bakit wala tayong naririnig hanggang ngayon sa bibig ni Coach Lea at Coach Sarah na “We’ll miss you, Coach Bamboo.”?

Kung totoong patay si Coach Bamboo, bakit pa siya nakakasama sa ASAP 20 sa London?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s