Love Advice No. 47

From the reader who asked a question via Search Box:

Paano akitin ang lalaki pagdating sa sex lalo na ang nanlalamig na bf?

My Answer:

Seryoso ka ba?

Sige, ginusto mo iyan. Siguraduhin lang na haharapin mo ang kahihinatnan ng pang-aakit mo sa boyfriend. Step by step, ito ang puwede mong gawin:

  • It does not matter kung saang lugar o lugar-sambahan kayo magpapakasal. Ang mahalaga, valid ang inyong kasal.
  • After magpakasal, saka mo na akitin si boy. Please refer to Love Advice No. 37 for further discussion.
  • Feel free to talk about sex with him. Most of the time ay lalaki ang nagsasalita tungkol sa bagay na iyan. For fear na baka ma-turn off siya ng kanyang kapartner, hindi tatalakayin ng lalaki sa kapartner ang lahat tungkol sa sex. Kung ikaw ang nakikipag-usap sa kanya tungkol sa bagay na iyan, hindi na siya magkakaroon pa ng inhibitions sa iyo. Try this, it might boost his desire to have sex with you.
  • Give him time to cool. Hindi kasi sa lahat ng oras ay manlalamig/mag-iinit siya nang forever. At tulad mo, may mga times din na kailangan din niyang magpalamig. Kahit pa nga sabihin natin na matindi ang sexual desire ng lalaki kaysa sa babae, there are times na kailangan din niyang maging frozen.

From the reader who asked a question via Search Box:

Nahihirapan sa isang bagay pls advice

My Answer:

Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang problema mo. Ipadala ang love problem mo sa akin sa tweetnewscaster@yahoo.com. Please take note na kung kaya ng may-akda na sagutin iyan, sasagutin at sasagutin niya iyan. But please do send it to me. Baka sakaling masagot ko talaga iyan. 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Dapat ba propesyonal ang gf?

My Answer:

Oo. Dapat may professional behavior ang girlfriend mo.

Pero kung ang tinutukoy mo ang usual “professional” na tulad ng doktor, IT, engineer, nurse, at iba pa, depende na iyan sa girlfriend. Sa katunayan, puwede syang pumili kung siya nga ba’y magiging isang propesyonal o hindi. Professional attitude is all that matters.


From the reader who asked a question via Search Box:

Message sa taong binasted [in] English

My Answer:

Message to guys who were rejected [by girls].


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano kung pareho kayo ng crush ng bestfriend mo, anong dapat mong gawin?

My Answer:

Pakiligan na lang kayong dalawa. But it’s better for both of you not to assume.

Since you and your bestfriend shares the same crush, no attachment si guy/girl sa isa sa inyo. Huwag niyo nang pag-awayan pang dalawa ang crush niyo. Otherwise, sayang ang friendship na matagal ninyong ipinundar. Iba nang usapan kung pareho kayo ng boyfriend/girlfriend ninyo, which in this case, alinman sa inyo ang dapat magparaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s