Love Advice No. 48

From the reader who asked a question via Search Box:

Anong gagawin mo kapag nagkabalikan kayo ng gf, tapos kinaumagahan gusto ka na ibreak?

My Answer:

Simple lang. Break with her.

In the first place, hindi niya kayang panindigan ang relationship ninyong dalawa. And yes, siya rin ang may kasalanan kung bakit naging isang pagkakamali ang inyong relasyon.

Hangga’t hindi niya binabago ang pag-uugali, asahan mo na walang lalaking tulad mo ang magtatagal sa kanya. Walang “forever” na dadating sa kanya.


From the reader who asked a question via Search Box:

Kung tatanungin ka ng nililigawan mo na “Bakit kita dapat sagutin?” ano ang sasabihin ko?

My Answer:

Marami kang puwedeng sabihin, sa totoo lang.

Ang panliligaw ay parang pag-apply sa isang trabaho. In actual practice, any reasonable answer to the question will do. Napakahalaga lamang na tama, tagos sa puso, at pawang totoo ang sasabihin mo sa dilag. At dapat totoo ka rin sa sarili mo. Just like the interview, mahalaga rin na makumbinse mo siya sa mga sinasabi mo at na kaya mong panindigan ang anumang sinabi mo sa kanya.

Ito ay mga bagay na puwede mong isagot sa kanya. I’ll expand this later habang nag-iisip pa ako ng maisasagot sa tanong mo:

  • Ano ba ang educational attainment mo? Sabihin mo sa kanya kung saan ka nag-graduate, saan ka nagtatrabaho, ano ang kursong kinuha mo, and others.
  • Sabihin mo rin sa kanya kung ano ang strengths and weaknesses mo. Ipaintindi sa kanya na you are sustaining your strengths habang nilalampasan mo ang kahinaan na nasa sa iyo.
  • Sabihin mo kung ano talaga ang nararamdaman mo.

From the reader who asked a question via Search Box:

Answer pls sino mahal mo?

My Answer:

Kung tinatanong mo kung sino ang mahal ko, secret.

Hindi ko naman puwedeng i-disclose kung sino ang mahal ko, kasi alam ko na mapapahiya siya. Eh ayaw ko namang mangyari iyon. Ayaw ko din namang mapag-usapan siya dahil dito, kasi gusto namin pareho na magkaroon lang ng normal na buhay.

To give you an idea kung sino ang mahal ko sa ngayon, siya ay may mataas ang lipad ng pangarap. Mahilig din siyang maggala. Alam na niya ang pasikut-sikot sa isang lungsod sa Metro Manila. Mas matalino naman siya kaysa sa akin. As of now, I presume na hindi niya ako mahal.


From the reader who asked a question via Search Box:

Gusto gusto na buntisin ang gf

My Advice:

Hindi ko alam kung ano ang gusto mong iparating sa akin. Pero kung humihingi ka naman ng advice mula sa may-akda dahil gusto mo siyang buntisin…

Tatanungin kita: Gusto din ba ng girlfriend mo na may mangyari sa iyo? Okay, alam nating dalawa na gusto mong buntisin siya. Eh papaano naman ang girlfriend mo? Paano kung ayaw talaga niyang magpabuntis? Paano kung naghihintay din pala siya ng “tamang panahon” para mangyari ito? Naisip mo na ba kung ano ang magiging resulta kapag binuntis mo siya?

At kung buntis na siya (dahil kagagawan mo rin), kaya mo bang gampanan ang pagiging ama sa magiging anak mo? Ang mga tanong na iyan ang dapat mong isipin bago mo “buntisin” ang iyong girlfriend. Kawawa naman siya.

Regardless kung gusto o ayaw ng girlfriend mo na magpabuntis, kung gusto mo naman siyang buntisin, mabuting magpakasal na kayong dalawa. Maraming salamat sa pagtatanong, kung sakali man. 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang dapat gawin kung ang boyfriend mo ay 3rd cousin mo?

My Advice:

Ituloy mo lang ang relationship ninyong dalawa.

Hindi alam ng marami na ipinagbabawal lamang ng batas ang pagpapakasal ng dalawang tao na first cousins (iisa ang lolo/lola) o fourth civil degrees ang pagitan. Sa kaso ninyo, pareho kayo ng lolo/lola ng lolo/lola mo. Eight civil degrees ang pagitan ninyo. Therefore, third cousin mo siya, and therefore, puwede ninyong ituloy ang relationship ninyong dalawa.

Please refer to Love Advice No. 29 for further discussion. Ipaliwanag mo sa magulang at kamag-anak ninyo na ang relasyon ninyong dalawa ay pinapayagan ng batas. Pero kung ayaw nilang maniwala sa nasabing batas, maari kayong magtanong sa isang abogado tungkol sa isyung iyan. Maraming salamat sa pagtatanong.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s