Binalayok Recipe (“Original” Version)

Marami ang nagtatanong sa may-akda kung saan galing ang binalayok, kung saang lalawigan o bayan ito nagmula, at kung totoo nga ba ang binalayok. The truth is that binalayok was made para lamang sa programang Pangako Sa’Yo. As a consequence, kahit na i-Google mo pa iyan, hindi mo talaga mahahanap ang sagot sa mga tanong na nabanggit.

Matagal na nating nakita kung ano ang nasa laman ng binalayok ni Yna Macaspac. Niluto niya ito para kay Amor Powers nang bumisita siya sa bahay ng huli.

Ang naipublish natin noon pa na Binalayok Recipe ay isang romantic version. Ngayon, sa artikulong ito, tatangkain natin na magluto ng binalayok a la Amor Powers, or the hypothetical original version ng Binalayok, as featured lately sa Pangako Sa’yo.


Napakadali lang lutuin ang Binalayok. Heto ang mga ingredients. Just follow the specifications used in our first Binalayok recipe:

  • Clay pot
  • Sabaw ng halaan
  • Gata ng niyog
  • Turmeric powder
  • Luya
  • Lemon grass
  • Ulang
  • Vermicelli
  • Tahong at talangka (optional)
  • Siling Bikolano (kung gusto mo naman ng spicy original binalayok)
  • Hammer o dos por dos
  • Sibuyas at bawang, chopped and diced

Nakahanda na ba ang mga ingredients? Maganda ba ang iyong mood? Kung parehong oo ang sagot mo sa mga nabanggit, magluto na tayo:

  1. Ibuhos ang gata ng niyog at ang sabaw ng halaan sa clay pot. Ilagay din dito ang iba pang mga ingredients. And of course, hindi mo naman puwedeng isama ang hammer o dos por dos, unless kakainin mo din iyan.
  2. Ilagay ang clay pot sa isang pugon o oven. Hintaying kumulo ang clay pot. Pakuluan ito nang matagal na matagal, para naman lumitaw nang lubos ang sarap ng dish na ito.
    Beware: Kahit na sinasabi sa programa na saradong-sarado na niluluto sa pugon o oven ang binalayok, kailangan mo pa ring maglagay ng vent na paglalabasan ng init. Otherwise, kapag walang malabasan ng init ang nasa loob ng clay pot, posibleng sumabog ito at masira pa ang dish mo.
  3. Saka mo na basagin ang clay pot. Siyempre, babasagin mo siya sa taas. Matatawa na lang ako kung buong clay pot ay babasagin mo. 🙂 Sayang naman ang niluto mong binalayok.
  4. At saka, hanguin mo na ang palayok. The “Original” Binalayok – TweetNewscaster’s version is now ready to be served.

So, naturuan ko na kayo kung paano lutuin ang exotic dish na ito. Hope you enjoyed the author’s reconstruction of the original Binalayok recipe, base sa ingredients na nai-share ni Amor Powers via Kapamilya Chat. So, take a sip of the soup, relax, and enjoy!

Advertisements

One thought on “Binalayok Recipe (“Original” Version)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s