Love Advice No. 49

From The UST Files:

Totoo nga talaga, malalaman mo lang ang halaga pag wala na.

I broke up with my faithful, loyal, sweet, loving girlfriend of almost four years (buong college).Sabi nila, sobrang swerte ko sa kanya. Sobrang ganda niya, grabe, and matalino. (Dean’s Lister siya consistently sa AB: sobrang taas ng grades niya) Sobrang sweet niya na sinusurprise niya ako lagi, pinagluluto ako ng mga favorite ko, sobrang sweet talaga to the point na sabi ng mga kaibigan ko, sana daw may ganun din sila. Inggit na inggit sila kasi sweet at maalaga siya sa akin.

Bakit ako nakipagbreak? I just felt like it. Parang nawala yung feelings ko bigla because of another girl na crush ko in my class na nakakaclose ko din. Etong si crush, alam na may girlfriend ako pero okay lang sa kanya. I started taking my then girlfriend for granted. I would bail out on her para lang samahan yung crush ko. (Though wala namang relationship, parang close lang.)

Then when I couldn’t bear her nagging anymore, I broke up with her. Malapit na mag graduation [at that time]. Sobrang lamig ko [sa kanya]. Umiiyak siya nang sobra-sobra, halos mamatay na daw siya sa sakit. Sobrang di na siya makahinga sa iyak tapos ako malamig lang, ang sinasabi ko lang, “Uuwi na ako. Tama na.Ayoko na. Uwi na ako, hinahanap na ako sa bahay”. Kahit explanation, di ko binigay sa kanya.

Niligawan ko siya nang sobrang tagal at sinuyo nang sobrang tagal at di ko alam bakit nawala yung feelings ko bigla. Sabi niya, di niya inakala na gagawin ko ito kasi nga matagal ko siyang niligawan at sobrang effort ako sa kanya. Okay na okay kami, kilala na ako ng parents niya at siya din sa akin. Graduating na kami nun at may mga plano na. Pero bigla akong nagsawa. She was crying so hard nun at hinahawakan kamay ko, [implying] na magstay ako at bigyan siya ng rason but I didn’t.

I left her there sa UST and medyo palakas na ang ulan so basa na mukha niya ng luha at umuulan pa nung iniwan ko siya dun. Broken, sobra.

Naging kami ni crush but I realized after 2 years that she wasn’t the one I loved. Yung girlfriend ko pa din. Pansandaliang init at attraction oo, pero gusto ko pa ring pakasalan ang girlfriend ko. Grabeng rebound si crush. Akala ko mahal ko talaga siya. Umabot kami ng dalawang taon.Siguro minahal ko rin siya kasi 2 years yun, but not the way I loved my ex. Okay lang naman sa kanya since in the end nagkaroon siya ng iba at okay lang sa akin because I told her na mahal ko pa rin si ex. Masakit dinyung breakup pero masaya na siya ngayon.

Pero yung ex girlfriend ko… Gusto ko pa ring tuparin lahat ng pangarap namin. Nag-abroad muna ako pagkagraduate. Licensed Engineer na ako pero parang maykulang pa rin, and I tried contacting her to her friends pero I never really got the guts na kausapin siya. Sa totoo lang, never akong nagkaroon ng lakas ng loob na pindutin ang “Call” button. Di ko nagawang magbakasakali. Ang naisip ko lang, hindi na niya ako babalikan. Hanggang sa bawat araw, iniisip ko na “tatawagan ko na siya” pero wala pa rin.Sasabihin ko, bukas nalang siya tatawagan. Hanggang sa sinabi ko sa sarili ko na pagbalik ko na lang (dahil dalawang taon din ako sa abroad), mag-uusap kami.

Pagbalik ko, tatawagan ko na sana siya para magkita. Hawak ko na rin ang lahat ng isinulat ko para sa kanya nung nasa abroad ako at namimiss ko siya. Balak kong ibigay sa kanya lahat ng mga sulat na iyon na nagsosorry at nagsisisi. Sabi ko sa sarili ko, I will redeem myself and I will get her back.

Huli na pala ang lahat para sa akin. Pagbalik ko dito, nag-reunion kami ng college friends ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang malaman ko na ikakasal na pala siya sa iba. Dali-dali akong umuwi, nagkulong sa kuwarto, uminom ng ilang linggo nang hindi lumalabas sa kuwarto at puro iyak lang ang nagawa ko. Gusto ko siyang kausapin para magsorry man lang, pero alam kong di nya gugustuhing makita ako, at maalala pa niya ang mga sakit just before her big day.

I went to her wedding. Nasa likod lang ako. Dumaan, kunwari nagdadasal. Sa UST [Church] sila ikinasal. Tumutulo ang luha ko. Buti na lang at madami-dami silang guests kaya medyo puno ang Church at hindi halata na may isang tao sa likod. Nag-flashback lahat: Yung sinabi niya na gusto niya sa UST daw kami magpakasal kasi doon din kami nagkakilala. Nandoon lang ako sa likod, sa left side, at dahil nagluluha na ako, malabo na ang matako, hindi ko makita masyado ang groom. I wanted to be at his place pero alam kong too late na. Nang bumukas ang pinto at nakita ko na siya, sobrang saya ko. Ngayon ko lang ulit siya nakita after so long. She was still so beautiful. Sobra.And now she’s smiling and in tears habang naglalakad papunta sa groom niya, na in tears din. Sinong lalaki ang hindi maiiyak pagnagkaroon ng isang katulad niya?

I finished the wedding and went home. Sobrang lungkot , gusto konang magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko.Now, I’m still not over her. I viewed her Facebook once in a while, at may pamilya na sila. She has two kids, one boy and one girl. The girl looks exactly like her, beautiful like her mom. Sobrang masaya na siya ngayon. Her husband posts pictures of her na para bang high school students sila na in-love na 1st monthsary lang. He loves her so much, and I’m so happy for her.

To her husband:

Alagaan mo siya. Well, di mo kailangan ng utos from someone who threw her away, but I still want to say that please love her and give her the best all the days of your lives. I will give anything just to be in your place, pero alam ko na ikaw na ang mahal niya and you make her happy. You are the luckiest guy on Earth, and I just want to tell you to please always take care of her and love her.

To my ex:

Ah, ikaw pa rin. pero wala na akong karapatan sayo. Masaya ka na sa husband mo na mahal na mahal na mahal ka at ang mga anak niyo. Siguro everyday nalang ako magtatanongng “What if, what if tinawagan kita earlier?”. Nagkakilala na ba kayo? Nagkaroon ba tayo ng chance noon? Pero wala na.Alam ko rin na di mo na ko mahal syempre.

The way you look at your husband in your Facebook pics, that’s the way you looked at me before. Namimiss na kita, sobra. Mag-ingat ka palagi. I’m happy for you. Halos mamatay ako sa sakit ngayon pero alam kong masaya ka na. Ang ganda-ganda ng mga anak niyo, just like I envisioned our children would be lalo na kung kamukha mo.

Gusto ko lang mag-sorry. Alam ko na you got over it na pero still, sorry… at masaya ako para sa iyo. Mahal pa rin kita. Sana lang makamove-on pa ako sa iyo kasi sa totoo lang parang ako na yung “The Man Who Can’t Be Moved”. Sana dumating yung araw na hindi ko na titingan ang mga family pics nya sa FB, lalong-lalo na yung wedding pics niyo na lagi kong tinitignan.

Mahal pa rin kita. Every night I cry myself to sleep kissing your picture on my phone. Yes, your picture nung kinasal ka. You’re smiling in your wedding gown. Every night nagsisisi ako sa ginawa ko, and every night iniisip ko na sana ako yung kaharap mo when you said “I do”. Pero alam kong wala na. Sana masaya ka. Ah, mahal na mahal pa rin kita.

-The Man Who Can’t Be Moved

2007

Faculty of Engineering

My Advice:

Appreciate God’s blessings.

Why do I have to emphasize this? Let me share to you this maxim: “Ang GIRLFRIEND, kaloob din iyan ng Diyos, kaya magpasalamat tayo sa Kanya.”Tatanungin kita, at that time, naapreciate mo ba ang blessing na ibinigay ng Diyos? Gaya nga ng sabi mo, may mga gusto ding makuha o makamit ang blessing na nasa sa iyo, pero ano’ng ginawa mo?

Dapat sana kinonsidera mo rin ang damdamin ng girlfriend mo at the time na “naghahanap” ka pa ng crush. Sa dami ba naman ng mga guwapo sa UST, sa dami ng nagkaka-crush sa kanya, sa dami ng nagnanasang ligawan siya, natukso ba siya na ipagpalit ka niya? Ikaw na ang sasagot sa tanong na iyan.

I’ll just reinforce the netizen’s words:“Kain mo yang ‘Mahal pa din kita’ mo.” Hindi na kasi mapapakinabangan pa ang pag-ibig mo sa kanya. Sayang. Oo, mahal mo pa rin siya, pero may asawa na siya. Ano’ng magagawa mo? Kung hindi ka pa rin makamove-on sa sitwasyong iyan (at oo, 2007 na pala ang love problem na iyan), my worst advice would be for you to wait for her hubby’s death. Kapag nangyari na iyon, saka mo na siya ligawan ulit. Siguro, aabutin pa iyon ng maraming taon at dekada bago mo pa siya ligawan ulit.

Let me share to you this unmistakable truth: Distinct kasi ang “crush” sa “mahal”. Being you as her crush does not necessarily mean na mahal ka niya talaga. Sabi nga nila, “Crush is paghanga.” Crush lang, mahal na agad? Pasalamat ka na lang kung mas maalaga pa yung crush mo kaysa sa ex mo. Pasalamat ka na lang din kung mas mahal ka niya. Pero hindi eh. Two years lang ang inabot ng inyong relasyon, and you feel na hindi mo siya mahal tulad ng pagmamahal mo sa ex.

Naiintindihan ko naman kung kailangan mo ng “init at attraction”. Normally, gusto mong ito ang ihain sa iyo sa loob ng matagal na panahon. Ngayon, tatanungin kita: Kung gusto mong makamit ito, bakit ka pa naghanap ng iba? Inisip mo ba at that time na kapag hindi mo tinapon ang relationship mo sa kanya, permanent init and attraction will just follow?

Mas masakit pa nga, iniwan mo siya sa UST at the time na lumuluha na siya at basang-basa pa siya sa ulan. Of course, malaking dagok na iyon para sa kanya.Sige,pumunta ka sa UST nang lumuluha (remembering the past with her) habang may bagyo. You will get the idea kung gaano katindi ang sakit na ibinigay mo sa kanya.

At that time, naging immature ka na sa paghandle ng relationship. Worse, hindi ka nagsipag para makamit mo nang tuluyan ang forever na ineexpect mo. Please, huwag mo nang uulitin iyon. Otherwise, talagang walang “forever” na dadating sa iyo.

Love Can’t Wait

Totoo ang kasabihang “Love can wait.” Pero babala: Bumibilis ang takbo ng oras. Maraming bagay, desisyon, at pangyayari na nagbabago sa loob lamang ng maikling panahon. How much more yung dalawang taon na pa-delay-delay ka pa sa pakikipag-usap sa gal na iyan?Grabe, sinayang mo talaga ang dalawang taong laan sa iyo ng Diyos para kausapin mo siya. Sa loob ng dalawang taon na ikaw ay nasa abroad, nakamove-on na siya at naging isang fulfilled mother na siya.

Mahabang panahon ang dalawang taon, pero mabilis itong lilipas: Sa bawat araw na delay ng pagtawag mo sa kanya, lumalaki ang pagkakataong hindi na siyamakikipagbalikan pa sa iyo. Lumalaki ang pagkakataon na isuko na niya ang paghihintay sa iyo.Saka mo pa lang malalaman na ikinasal na siya sa iba.

Don’t expect her to wait for you. Akala kasi niya, talagang iiwanan mo siya. Alangang siya pa ang magpakalasing. Alangang maghintay siya para sa iyo kahit na tumandang dalaga pa siya. No choice na lang kasi sa kanya kundi maghanap ng iba.

There is also no excuses to establish again your communication with her kahit na nasa abroad ka na. Padelay-delay ka pa kasi, so when the time comes na finally, makikipag-usap ka na sa kanya, it’s too late na pala.

Dapat sana naghanap ka pa ng paraan para kontakin siya – kahit sa mga kaibigan lang niya. Baka sakaling matulungan ka nila sa panahong gusto mo siyang balikan. Lalo pa’t kung may mga close friends siyang mga babae. Kapag nakita nila na nagsisi ka na sa ginawa mo, sila na ang bahala sa iyo. Makukumbinsi pa nila ang dalaga na balikan ka.

Plan Impossible

May plano na pala kayo. She sticks to it. Why don’t you stick to it, too?At that time na may “crush” ka, binabalik-balikan mo ba ang plano ninyong dalawa? Mahalagang sagutin ang bagay na ito upang malaman mo kung naliligaw ka ba o hindi sa landasin. Mahalaga din ito upang maging maayos ang inyong relasyon.

Sineryoso mo ba noon ang plano ninyong dalawa? Parang hindi eh.Ang nangyari: Itinuloy na lang niya ang dapat sana’y plano ninyo, this time, with her hubby. Ikaw naman, patingin-tingin ka na lang sa Facebook ng ex-gf mo – na dapat sana ikaw ang nasa pictures na iyan sa halip na ang asawa niya. Kumbaga, “hanggang plano na lang” ang plano ninyong dalawa.

Final Advice

Dati, masuwerte ka. Ngayon, si ex na ang mas masuwerte. Ngayon, minalas ka nang todo-todo. But don’t worry. Bilog ang gulong, hindi square.Those who do not learn the lessons of history are doomed to remain at the bottom of the wheel.

Gamitin mo ang very painful experience na iyan para matuto ka. Have a retreat, reflect further on your deeds, at saka ka na maghanap ng bago. Maraming Catholic retreat centers sa bansa kung saan puwede kang magreflect sa iyong ginagawa.

Well, anyway, ang tanging magagawa mo na lang ay magsimula ulit. Back to zero ulit. Kung tutuusin, kung naglakas-loob ka na tawagan siya as soon as possible, di mo na kailangangang magsimula ulit sa wala. Baka sakaling maayos pa ang gusot ninyong dalawa.

Pasensya na sa sinabi ko. Medyo harsh akong magbigay ng advice lalo na’t kung halatang ikaw ang nagkamali in the first place. But don’t worry, magagamit mo ang nilalaman ng artikulong ito upang malaman mo ang totoo. Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng kuwento sa amin. Sana may matutunan ang mga mambabasa sa iyong karanasan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s