Pangako Sa’Yo: Claudia Buenavista’s Death – Isang Pagsisiyasat

Kamakailan lamang ay nagulat, naiyak, at nalungkot ang buong bansa sa mga matitinding eksena sa “Pangako Sa’yo”. Umiikot ang eksena sa pagbaril ni Claudia Buenavista (Angelica Panganiban) sa bayaw nitong si Diego (Bernard Palanca), at sa pagbaril din kay Caloy Macaspac (Joem Bascon). Ang nangyari, “namatay” si Claudia, pero namatay din si Caloy. Sa “pagkamatay” ng ina ni Angelo (Daniel Padilla), tuluyan nang mag-iiba ang buhay ng mga karakter sa teleserye.

The scenes from Pangako Sa’yo’s episode are shown below:

CTiHaKmUYAEleB7
Angelo, as shown in two pictures above, na umiiyak nang malaman niyang patay na ang kanyang ina. Heartbreaking na malaman mong wala nang magulang na aalalay sa iyo. 😥
Daniel Padilla, in a good mood habang nasa set ng PSY.
Si Amor at si Yna, habang papaalis sila sa Punta Verde International Airport. Photo from Star Creatives official Twitter page.
Si Amor, na dumalaw muna sa puntod para magpaalam sa kanyang namayapang anak.
Lia and Angelo in their new environment © #PSYSabog #PSYTaping
Si Diego habang sinasakal ang kanyang bayaw na si Claudia Buenavista.
Claudia Buenavista, habang nakikipagbarilan kay Diego at kay Caloy.
Isang eksena kung saan hinahabol ni Angelo ang sasakyan. Naroon sa sasakyan si Yna at si Amor Powers.

 

Nakakatawa at nakatutuwang basahin ang mga comments sa Facebook, lalo pa’t marami ang humuhula sa magiging takbo ng kuwento ng PSY. Maraming netizens ang nag-ala SOCO sa pagsisiyasat nila kung talaga nga bang patay si Claudia o hindi.

Their reactions? Look:

soco2
Seems plausible. Pero kahit pa man lumabas si Claudia sa lungga, hindi na magiging masaya ulit si Yna at Angelo.
soco
Sino yung isang tao ni Claudia, kung ganoon?
soco4
Grabe naman. 😦 Pero puwede na rin. Sinakal kasi siya ni Diego. So, may benda na ang leeg niya. Tanong lang: Gaano katarik ang leeg ni Claudia Buenavista?

soco3

Samantala, hanga naman sila sa iPhone ni Madam Claudia. Nang ipakita kasi ng mga tauhan (ng hospital o punerarya) ang bangkay ni Claudia, narekober nila ang cellphone, which apparently, ay hindi nasunog kahit na sumabog ang kanilang kotse:

iphone2
Well, at least alam mo na ang katotohanang hindi nasusunog ang iPhone.
iphone
Yep. Napakatibay.
iphone3
Salamat naman at napansin din ninyo. Haha. 🙂
iphone4
Hindi nga nakasagot sina Angelo at Lia kung anong klaseng iPhone ang gamit ng nanay nila, eh paano namin masasagot ang tanong mo? De. Joke lang! 🙂

Nakakatuwang malaman na alam na ni Ma’m Charo kung ano ang nangyari sa iPhone na iyon:

iphone5
Tama po kayo. Sa teknolohiya, nagagawang posible ang imposible.

Para naman sa susunod na mga eksena, tutulong si Madam Charo sa direktor ng programa:

warehouse
Wow. Generous ang peg. Saludo po ako sa inyo, Madam! 🙂

Of course, sa sobrang tindi ng emosyon, hindi nila naiwasan na magreklamo sa direktor ng PSY:

director - edited
Tama ka, minsan sa buhay, kailangang may spice din sa mga scenes. Why not try instead using ports or bus terminals, para mas masaya?
Yes, yun na yung change na ginawa ng director, para maging di kakasawa ang PSY. Napansin ko din nga na tama ang timing ng direktor. May chance pa naman na mag-ibigan sila, pero wala na, palibhasa’y matagal na silang pinaglayo ni Claudia. Lalong sayang din si Bea Bianca – sinayang niya kasi ang chance para suyuin si Angelo. 😥

Narealize ng isang netizen ang isang salawikain na nag-apply sa teleserye:

masamang damo

Nagpakita naman ng malasakit ang isang netizen kay Yna Macaspac:

psy-tanim-bala
Sige, natawa ako sa post mo. Btw, muntik nang makaalis si Yna pa-Amerika. Siguro, yung pagkamatay ni Caloy ang nagligtas sa kanya sa tanim-bala.

Possible Event

Tanong: Ano nga ba ang posibleng nangyari kay Claudia?

Base sa komento ng mga netizens, at sa iba pang factors, ito ang posibleng nangyari sa kanya:

Nakita natin sa episode na sumadsad ang kanilang sinasakyan ni Caloy sa bangin. Ang aksidente ay nangyari noong hapon, at saka lamang sumabog noong gabi na. Mula noong hapon hanggang gabi, nagkamalay siya. (Remember na nagkamalay siya nang siya’y ibiyahe ni Caloy?) May pagkakataon na si Claudia para lumabas sa kotse.

Paano naman narekober ang bangkay ni Claudia? Simple lang. With the gift of resourcefulness, kumuha si Claudia ng katawan ng dahon ng saging at inilagay sa kinauupuan niya. So, at the time nang sumabog ang kotse at nasunog, tupok ang katawan ni Caloy, pati ang katawan ng saging. It would now be impossible to identify kung ang sunog na katawan ay talagang kay Claudia o hindi.

Posible kasi na ilang oras bago sumabog ang kotse, na-curious si Simon sa nangyari sa kotse sa bangin. Yun pala, nakita na niya ang kalaguyo na mahina pa. Naalala niya na humihingi ng tulong si Claudia bago ang insidente, kaya dali-daling niyang binuhat ang babae, na nanghihina pa, at dinala sa kanilang isa pang bahay. Para hindi sila mahalata, nagkasundo sila na hindi na tatawagan ni Claudia ang kanyang mga anak. Nagmadali sila sa takot na baka may iba pang makakita sa kanila. Sasabihin na lang ni Simon kay Lia na patay na ang kanyang ina.

Maitatanong mo, “Bakit buo pa rin at di nasusunog ang cellphone ni Madam Claudia?” Maraming posibilidad:

  1. Dala-dala ni Madam Claudia ang kanyang cellphone habang lumalabas ng kotse. Posibleng sa sobrang pagmamadali nila ni Simon ay naiwan pa niya iyon.
  2. Maaring may safe box sa loob ng kotse, kung saan nakalagay ang iPhone niya.
  3. At the time nang sumabog ang kotse, tumalsik ang cellphone. Yung pagsabog ng sasakyan ang nagpatalsik sa iPhone niya palabas.
  4. Ang iPhone niya ang siyang nawawalang anak ng Nokia 3310. Like father, like son, ika nga. This explains kung bakit matibay pa rin ang cellphone niya.
  5. Maaring dala-dala nga iyon ni Madam, pero sa pagmamadali ay nalaglag ito sa kanyang wallet, bag, o bulsa.

 

Featured Image Credit: One of breath-taking scenes from Pangako Sa’yo. Credit from Star Creatives’ Twitter page.

Advertisements

One thought on “Pangako Sa’Yo: Claudia Buenavista’s Death – Isang Pagsisiyasat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s