Pritong Itlog Recipe

Good day, dear readers! Narito na naman tayo upang magluto ng katakam-takam na pagkain. Ito ang “Pritong Itlog Recipe” na ibinabahagi ng mga netizens sa kanilang pagkomento sa news feeds. I have to edit the content of the recipe para maging kasiya-siya ang pagluluto natin. Salamat sa orihinal na gumawa ng recipe na ito, tiyak makakaluto na tayo ng isang masarap na itlog. Okay, simulan na natin!

Ingredients:

1 medium sized egg. I repeat, medium sized egg. Hindi maliit, hindi malaki. Pero kung mapilit ka, bahala ka na sa buhay mo!

1 tbsp cooking oil.

Iodized salt and pepper to taste

Ready? Let’s start cooking!

  1. Kuha ka ng kawali at siguraduhing malinis ito. Ilagay sa stove at buksan ang apoy. Katamtamang apoy lang, sapat na para uminit ang kawali.
  1. Oh, eh di ano pang hinihintay mo? Ilagay mo na ang mantika.
  1. Hintayin na uminit ang mantika. Paano mo malalamang mainit na ang mantika? Simple lang. Subukan mong isawsaw ang hintuturo mo sa mantika at kapagnapaso ka, eh di mainit na iyon! Siyempre, di ka naman shunga para gawin iyon, eh di lapnos ang galisin mong balat!
  1. Break the egg shell at ilagay ang nilalaman nitosa mainit na mantika. Hintaying maging golden brown ang gilid ng itlog. Kapag golden brown na ang gilid ng itlog, patayin mo na ang stove. Siyempre, ang chaka naman kasi kung kakain ka ng sunog na itlog. Kung makakain mo ang sunog na itlog, eh di magaling!
  1. Gamit ang wooden spoon o sandok na kasinghaba ng baba ni Ai Ai de las Alas, ilagay ang itlog sa platito. Sprinkle a dash of iodized salt para naman tumalino ka nang konti, and a dash of black pepper para lalong sumarap. Handa nang kainin ang Pritong Itlog.

Iyan ang recipe na ibinahagi sa atin ng mga netizens sa pagprito ng itlog. Sana nakatulong ang kanilang tips para makakain tayo ng masarap na itlog. Happy cooking! 🙂


Featured Image Credit: Fried Egg

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s